webnovel

DNA Test

Redakteur: LiberReverieGroup

Si Mubai, na nakatayo ng nakahanda, ay hinila palayo si Xinghe at nagbigay ng isang eksaktong sipa sa bukung-bukong ni Tong Yan. Nalugmok si Tong Yan sa sahig ng may nasasaktang hiyaw.

"Tama na!" Biglang sigaw ng Madam Presidente. Masungit na pinandilatan niya sina Shen Ru at Tong Yan. "Ito ang bahay ng presidente kaya umayos kayo ng pagkilos. Gumawa kayong muli ng kaguluhan at ipapakulong ko kayong lahat!"

"Auntie…" ang mga mata ni Tong Yan ay naluluha dahil sa napagalitan siya. "Hindi namin kasalanan ito, kasalanan ito ni Xia Xinghe. Siniraan niya ang pangalan natin tulad nito kaya paano naman kami papayag na nakatayo na lamang sa isang tabi at walang gawin?! Auntie, kailangan mo kaming tulungan!"

"Sis, kailangang tulungan mo akong ayusin ito dhail hindi ako papayag na maranasan ang insultong ito!" Galit na sigaw ni Shen Ru.

Biglang tumulak si Elder Shen sa madla at tinitigan ng husto si Xinghe. "Sino ang nagsabi sa iyo na sabihin ang mga bagay na iyan, nasaan ang iyong ebidensiya? Sino ang nagsabi sa iyo na sabihin ang mga bagay na iyan?!"

Nanginginig si Elder Shen sa kanyang mga salita pati na din sa kanyang katawan. Alam ni Xinghe na nahihirapan itong tanggapin ang katotohanan pero nagpatuloy siya. "Walang sinuman ang nagsabi nito sa akin, nadiskubre ko ito nang mag-isa at nagsagawa na kami ng isang DNA test, si Shen Ru ay talagang anak ni Elder Lin."

Ano?!

Ang pahayag ni Xinghe ay isa na namang bomba. Ang Lin family at mukha ni Shen Ru ay napuno ng hindi pagkapaniwala. Nagsagawa siya ng isang DNA test…

Biglang lumapit si Lu Qi at ipinasa ang isang dokumento kay Elder Shen. "Elder Shen, ito ang resulta ng test. Siguradong si Shen Ru ay anak ni Elder Lin, nakuha namin ang lahat ng impormasyon mula sa DNA bank."

Habang tinitingnan ang report na nasa kamay ni Lu Qi, namutla ang mukha ni Elder Shen. Hindi ito nangangahas na tanggapin ito.

Ang mga mukha nina Elder Lin at Shen Ru ay parehong namuti. Nakikita nila ang dilim sa harap ng kanilang mga mata. Hindi nila inaasahang mauuwi sa ganito ang mga bagay. Kailan napansin ng Xi family ang pagkakaiba? Paanong wala kaming napansin na kahit ano?

"Hindi, peke iyan! Hindi ako isang Lin, ako ang anak na babae ng Shen family! Paano ako magiging isa sa mga tao ng Lin family, pineke iyan! Ama, hindi ka dapat maniwala sa kanila…" sigaw ni Shen Ru habang tumatayo ito at naghanda para sumugod sa dokumento para punitin ito.

Gayunpaman, sa sandaling gusto niya itong gawin, biglang bumaling si Elder Shen para tingnan siya, ang mga mata nito ay parang malalim na black hole. Tumigil si Shen Ru at napako siya sa kinatatayuan niya.

"Ama…" tanong niya sa nanginginig na boses, "Hindi ka ba naniniwala sa akin?"

Tumingin si Elder Shen sa kanya ng may ibayong sakit sa mga mata nito. Nagtanong siya, "Ito ba ang dahilan kung bakit tinutulungan mo ang Lin family? Magsabi ka sa akin ng totoo, alam mo na ba ang katotohanan noon pa?"

"Hindi! Hindi ko sila tinutulungan, hindi ko talaga… Ama, kailangan mong maniwala sa akin, ako talaga ang anak mo, paanong hindi ako ang anak mo?" Nagmamadaling paliwanag ni Shen Ru. Gayunpaman, lalo lamang nitong pinagmukha siyang kahina-hinala dahil hindi siya magaling umarte!

Isa pa, si Elder Shen ang nagpalaki sa kanya, kaya paanong hindi niya malalaman kung kailan siya nagsisinungaling?

Tinitigan siya nito at sinabi, "Xiao Ru, sabihin mo sa akin ang totoo, kailan mo nalaman ang katotohanan? Kung handa kang magsabi ng totoo, siguro ay mapapatawad pa kita. Pero kapag tumanggi ka pa ding umamin, hindi na kita tatanggapin pa bilang anak ko!"