webnovel

Moonville Series 2: Maybe This Time

Two years after her mother died, Darlene received a letter telling her to help her dad, Kenneth Oliveros, to fall in love again. Ang instruction ng kanyang mommy, find Samantha de Vera, ang high school best friend ni Kenneth at first love nito. Sa tulong ng mga kaibigan ng kanyang mga magulang at pati na rin ng 'divine intervension' ay nagawang matagpuan ni Darlene si Samantha de Vera. Nagawa rin niyang magkalapit ulit si Sam at Kenneth sa isa't isa. Pero, paano ba niya magagawang maibalik ang dating nararamdaman ni Kenneth kay Sam gayong hindi naman alam ng daddy niya na ang best friend ang first love nito? At ang isa pang problema, may boyfriend na si Samantha at hindi ito basta-basta papayag lang na pakawalan ito at ibigay ng ganun-ganun na lang kay Kenneth. Kahit pa nga mapatunayan nito na si Kenneth din ang mahal ni Sam. Magawa pa kaya ni Darlene ang misyong itinalaga sa kanya ng kanyang ina?

joanfrias · Urban
Zu wenig Bewertungen
52 Chs

Homecoming: Chapter 17

Samantha let out a sigh. "This is getting worse and worse."

Kasalukuyan niyang binabasa ang lab results ni Darlene, at muli ay bumaba na naman ang blood count nito. Kaharap niya ngayon si Nurse Dinah sa may nursing station. Nang magpunta siya sa room ni Darlene ay sinundan siya nito.

Nagulat siya nang pagbukas ng pintuan ay makitang may ibang nakahiga sa kama ni Darlene. Well, nandoon pa rin naman si Darlene, pero may katabi itong lalaki. Nakatalikod ito pero parang alam na niya kung sino ito. Definitely, it's not Ryan.

Kinatok niya ang pintuan at nakuha naman niya ang atensiyon ng lalaki. Napabalikwas ito ng upo.

"Hi!" She smiled, and her guess was confirmed upon seeing the man's face.

"I-I'm sorry…" Nagkukumahog na bumaba mula sa kama ang lalaki.

"It's okay." Pumasok na siya kasunod si Dinah.

Tumabi naman si Kenneth, na parang natulala nang mapagmasdan siyang mabuti. Siya naman ay nilapitan na si Darlene.

"Sleeping again," she murmured. Kailan kaya niya ito makakausap ng mabuti?

"Sam?"

Napatingin siya kay Kenneth. She smiled when she saw the shock on his face. "Thought you might have forgotten."

Hindi pa rin ito makapagsalita. Nagpatuloy naman siya sa pagsuri kay Darlene, at natuwa siya sa nakita.

"I guess I'm right. She just needs to see you," aniya kay Kenneth. "She has better result compared to what I saw this morning. Though, her blood count still declined. Probably because you're not yet there when they were taken."

Mukha namang nakabalik na sa planet earth ang isipan ni Kenneth. "Uhm… So does that mean she's getting better?"

"Quite," she said. "But if you'll stay by her side, I think she might recover a lot faster."

Tumango si Kenneth. "Siguro nga. Tinabihan ko nga siya kasi tinatawag niya ako palagi."

"Sabi ng Mama mo lagi-lagi ka daw niyang tinatawag. Glad you came back immediately. Boracay, 'di ba?"

Tumango si Kenneth.

She has to admit, hindi rin madali para sa kanya ang pagkikitang iyon. She's just trying her best to not let that certain uneasiness that she's feeling. Hindi rin pala ganoon kadaling harapin ulit si Kenneth.

"So, uhm… I guess I'll leave now."

Walang lingon-likod na lumabas siya ng silid. Kasunod pa rin niya si Nurse Dinah.

"Sunod na lang ako sa station," aniya nang makalabas sila ng silid.

"Sige po, Doc." Tumuloy na si Dinah.

Nang maiwan si Samantha ay saka siya huminga ng malalim. Ng sunod-sunod. Pakiramdam niya ay pinigilan niya ng matagal ang paghinga niya kaninang nandoon siya sa loob. Parang nawalan siya ng hangin bigla.

Nang biglang bumukas ang pintuan ng Room 205, at mula doon ay lumabas si Kenneth. Gulat na natulala siya dito.

Meanwhile, Kenneth looked at her fondly. Iyong parang tuwang-tuwa ito na makita siyang muli. At nagulat na lamang siya nang yakapin siya nito.

"Sam..."

Sobrang higpit ng yakap nito sa kanya na hindi siya makagalaw. O, hindi lang talaga siya makagalaw? She just stood there and let him hug her like that.

"I'm sorry…" Kenneth let go of her. "Pasensiya na. Uhm…" Napakamot ito sa batok. "Natutuwa lang ako. Ang tagal na rin, eh. 'Di ba? Ngayon lang tayo ulit nagkita."

She nodded. "Y-Yeah… It's… fifteen years?"

"Oo, parang ganoon… Ang laki na ng pinagbago mo…"

Lalo siyang na-conscious nang tignan siya nito mula ulo hanggang paa.

"I mean, in a good way! You know… you… you look beautiful."

She felt her heart stopped at what he said.

"I mean y-you… y-you were always beautiful… Kaya lang ano…"

"Kaya lang mukha akong tomboy noon?"

"Yeah…" Napangiwi si Kenenth. "Sorry…"

Natawa siya sa sinabi at reaksiyon ito. "It's okay. Totoo naman." Napatingin siya sa suot na damit. "I guess it's nice to wear a dress once in a while."

Tinignan siya ni Kenneth, at parang may gusto itong sabihin. Muli ay na-conscious siya sa tingin nito. Napaiwas na lamang siya ng tingin.

"Dito ka na ba nagtatrabaho?"

Napatingin siya dito.

"Ang ibig kong sabihin, dito ka na ba doktor ngayon? 'Di ba sa America ka naka-base dati?"

"…I'm just… having a vacation."

Tumango si Kenneth. "Bakasyon na may kasamang trabaho."

She smiled.

"Well, I'm thankful na ikaw ang doktor ng anak ko. I know you're a good doctor, at sorry kasi na-spoil iyong bakasyon mo."

"It's okay. Para namang hindi kita naging kaibigan dati. Kayong dalawa ni Kristine."

Lumungkot bigla ang mukha ni Kenneth, and he gave her a sad smile.

"I'm sorry…" Parang gusto niyang bawiin iyong sinabi niya. Gusto niyang i-rephrase.

"It's okay. Two years na rin naman, so…"

"I'm sorry I wasn't there."

"Okay lang. Alam ko naman na iba na tayo kaysa doon sa dati. Marami na ang nagbago."

"Yeah…"

Natahimik silang dalawa. Na lalong nagpa-awkward kay Samantha. She thought of a way to start a new conversation.

"What made you think that I'm a good doctor?"

"Seriously? Nagtanong ka pa talaga? Eh noon pa lang high school tayo ang galing mo na."

She smiled. "Well, magaling ka ring businessman. I heard napaunlad mo na iyong maliit na business na sinimulan ninyo ni Ryan."

"Actually, si Ryan talaga ang dahilan noon. Magaling kasi siya mag-design."

"At magaling kang mag-manage."

"Siguro nga." Mukhang wala nang maisip na ipangontra si Kenneth kaya sumang-ayon na lamang ito sa sinabi niya. "Salamat nga pala sa pag-aalaga mo kay Darlene."

"You're welcome. And I guarantee you na gagawin ko ang lahat para matulungan siya. Pero kailangan niya ring tulungan ang sarili niya. I heard she's not eating anything."

"Wala daw gana sabi ni Mama."

"Normal lang iyon. Pero now that you're here, sana tulungan n'yo siyang ma-motivate na kumain at palakasin ang sarili niya. Iba pa rin kasi kapag nakakakain siya ng maayos, kahit pa nga naka-IV siya."

Tumango si Kenneth. "I'll do everything that I can."

"Yes… So, maiwan na muna kita?"

"Oo, sige. I just… see you again?"

Tumango siya. "I'll be back later."

Tumango rin si Kenneth. "Okay."

Tinalikuran na niya ito at lumakad na papuntang nurse station, nang bigla siya nitong tawagin.

"Sam…"

Muli niya itong hinarap.

"I missed you… so much…"

Feeling niya ay nanigas siya sa kinatatayuan.

"I'm so very glad you're back."

Pumasok na sa loob ng silid si Kenneth, pero nanatiling nakatayo lamang doon si Samantha. Ilang sandali rin siyang nakatayo doon bago niya nagawang magpatuloy sa paglalakad. Hindi niya maiwasang mapangiti nang maalala ang mga sinabi ni Kenneth sa kanya kanina bago sila maghiwalay.