Napatingin si Helen sa asawa matapos marining ang rebelasyon ni Bryan na si Angelica Martinez ang kanyang girlfriend. Si Raul naman ay shocked sa rebelasyon ng anak.
"Dad, I'm sorry. I know you warned me about them. But, it just happened."
"Why?" ang tanging natanong ni Raul.
"What 'why'?"10
"Why Angel Martinez? Why not just another girl?"
"I just can't choose whom to love." Napaiwas siya ng tingin. Heto na ang mahirap na parte, ang magsinungaling sa mga magulang niya.
"Do you talk to her? I told you to stay away from her, from their family."
Mahinahon pa rin si Raul. Hindi ito galit, pero hindi rin ito masaya at nakangiti. Pormal lang ang ekspresyon ng mukha nito. At iyon ang ipinagtataka ni Bryan.
"I can't," aniya. "She's my classmate. Nung first and second year kami, karamihan ng subjects kaklase ko siya. Tapos ngayong third year sa lahat na ng subjects ko siya kaklase. And you know the rules in CPRU. You don't get to choose your schedule. They are the ones who decide what class you will attend based on the subjects you enrolled. Pero lagi pa rin kaming magkasama. I think that's definitely fate."
"Kaunti lang ang mga pumapasang BS Accountancy students sa CPRU kaya hindi imposibleng magkaklase kayo sa halos lahat ng subjects," ang sabi naman ni Raul.
"Pero Dad, iyong mga kabarkada ko nga may mga subjects na hindi ko sila kasama. Pero iba si Angel. I just... I cannot ignore the fact that maybe fate is trying to pull us closer to each other."
"I didn't know you were that romantic," ang sabi naman ni Helen. "Raul, baka naman hindi na talaga naiwasan ni Bryan na magkagusto kay Angel kaya niligawan niya ito?"
"Exactly, Mom!" Natuwa siya sa biglang pagsalo nito sa kanya.
Bigla namang na-excite si Helen sa sinabi niya. "Is she someone who makes your world stop? Or just slow down? Iyong parang sa mga pelikula, kapag nakita mo siya parang kayong dalawa lang ang nandoon at biglang naglalaho ang ibang mga tao."
Napangiwi si Bryan. Umandar na naman ang pagiging incurable romantic ng kanyang ina. Pero kailangan na lamang niyang sakyan iyon para mapaniwala niya ang kanyang ama.
"Hindi mo siya iniwasan?" Seryoso pa rin si Raul na nakatitig sa kanya.
Ibayong kaba na naman ang nadama ni Bryan. Mukhang hindi kaagad maniniwala ang daddy niya sa mga palabas niya. Accountant nga. Mukhang ginagamit nito sa kanya ang masinsinan nitong pagtatanong na nalinang sa ilang taon nitong pagiging external auditor ng isang malaking auditing firm sa Manila. Kailangan pa niyang patunayan pa dito na tunay ang kanyang nararamdaman para kay Angel.
Na lalo niyang ipinag-alala. Ano naman ang sasabihin nito sa ama? Inisip niya si Angel at nag-isip ng kung anumang pwede niyang masabi sa ama bilang patunay ng kunwari niyang pag-ibig dito.
"I just can't help myself but be drawn to her," umpisa ni Bryan. At bigla'y tuloy-tuloy ang daloy ng mga salita sa kanyang bibig. "It's like, every time I see her, I could not help but notice her. She's not the most friendly in class. I actually don't consider her friendly. But I think that's one of the reasons why I became interested in her. She's just so mysterious. And each day that I'm with her, I discover a lot of new things that makes me like her more. I just can't help but fall for her."
"Oh my..." Parang nanonood ng isang romantic movie si Helen. Hindi nito mapigilan ang kiligin.
"It's actually... weird... Iyong parang kapag kasama ko siya, bigla nawawala sa katinuan ang isip ko. Bigla nagugulo ang diskarte ko. By just looking at her, it's like I lose focus. She makes me come undone. Always."
"Oh my!" muling bulalas ni Helen. "Raul..." Napatingin siya sa asawa.
Bumuntong-hininga si Raul. "Well, wala na tayong magagawa pa. Andiyan na iyan, eh."
"I'm sorry, Dad. Alam kong galit kayo sa pamilya nila."
"Actually, hindi naman ako galit," ani Raul. "Kung meron mang magagalit, malamang si Benjie iyon. You already met him?"
"Hindi pa," sagot ni Bryan. "Pero he already knows and he's not happy with what he found out."
"Just as I've expected."
"Dad, ano ba talaga ang dahilan kung bakit kayo magkaaway ng daddy ni Angel?"
"Well, I guess you really have to know everything now," ani Raul. "Benjie and I used to be friends. Best friends, actually. Kasama niya akong nag-conceptualized sa accounting firm na itatayo sana naming dalawa. Pero noong mag-review kami at mag-take ng board exam sa Manila, tapos eventually makapagtrabaho doon, nakilala ko ang mommy mo. I fell in love with her, and I didn't want to leave her. Doon nagsimula ang mga diskusyon namin ni Benjie. Naiintindihan ko naman kung masama man ang loob niya sa akin. Aminado akong naiwan ko siya sa ere."
"Pero Dad, ang babaw naman noon para maging dahilan ng grudge ninyo for twenty years."
"Dahil sa galit niya, kung anu-anong masasamang salita ang nasabi niya sa akin. Siyempre, nagalit na rin ako, kaya pinatulan ko na rin siya. Pagkatapos noon nag-resign siya sa trabaho at umuwi na sa Tarlac. Hindi ko na rin siya kinausap ulit. Masama na rin kasi ang loob ko at para sa akin hindi lang ako ang dapat na humingi ng sorry. Siya rin."
"When pride and ego collide," ang sabi naman ni Helen.
"Bryan, Anak, willing naman akong makipag-ayos kay Benjie para sa iyo. Kung kailangan ako ang unang mag-approach sa kanya, gagawin ko. Para naman masabi mong sinusuportahan ka namin ng mommy mo. Alam kong mahirap pigilin ang damdaming nagmamahal. Iyan ang naramdaman ko noon sa mommy mo na naging dahilan ng lahat ng pinagdadaanan n'yo ngayon ni Angel."
Nakahinga ng maluwag si Bryan. Mukhang successful naman ang plano niya.
"Actually, Dad, I have a plan."
"Sige. Ano ba iyon?" tanong ni Raul. Mukhang talagang desidido itong tulungan ang anak.
"Dahil sa pagmamahal ko kay Angel, napasali ako sa Mr. Business School."
"Ha?" Napakunot ang noo ni Raul.
"Really?" tanong naman ng mommy niya na muling na-excite dahil sa sinabi niya.
"Opo." Napakamot siya sa batok dahil sa hiya. "I'll tell you all about it next time. But, I have to ask you a favor muna. Especially you, Dad."
"Ano ba iyon?"
"I just want Angel's parents to know that you support me and our relationship. Kaya naman naisip ko na isali ka sa talent ko, Dad. Please, pumayag po kayo."
"Hon," ani Helen sa asawa. "Pumayag ka na sa hiling ng anak mo."
"Pero anong gagawin natin? Baka mamaya pakainin mo ako ng apoy."
Natawa si Bryan sa sinabi nito. "No Dad. Tutugtog ka lang po ng gitara."
"Iyon naman pala, eh," ani Helen. "Sige na Hon. Pumayag ka na."
"Talagang naging malambing ka bigla sa akin, ha?" ani Raul sa asawa. "O sige na. Para patunayan ko na rin sa iyo na totoong okay lang sa akin ang relasyon ninyo ni Angel."
"Thanks Dad! You're the best!" Nilapitan niya ang ama at saka niyakap.
"Nasaan iyong hug ko?" tanong naman ni Helen.
Niyakap na rin niya ang ina, na halos ikapilay na niya dahil sa higpit noon.
"Mom!" Kumawala siya sa yakap nito.
"Sorry. Na-miss lang talaga kita," ang sabi naman ni Helen. "Dito ka na matulog ngayong gabi."
"No!" Tumayo na siya. "I'll go now. I'll tell you the details about our number, Dad. Iisipin ko pa iyong kakantahin natin. For now, go take a rest. Good night and sweet dreams!"
At bago pa makahirit ang mommy niya ay lumabas na siya ng master's bedroom.
😊😉😄
♥︎♡︎♥︎ 𝙸 𝚝𝚊𝚕𝚔 𝚊𝚋𝚘𝚞𝚝 𝚢𝚘𝚞 𝚕𝚒𝚔𝚎 𝚢𝚘𝚞 𝚙𝚞𝚝 𝚝𝚑𝚎 𝚜𝚝𝚊𝚛𝚜 𝚒𝚗 𝚝𝚑𝚎 𝚜𝚔𝚢. - Aɴᴏɴʏᴍᴏᴜs ♥︎♡︎♥︎