webnovel

Monster Invasion (Tagalog)

Isang araw, biglang sumulpot ang mga halimaw na galing sa ibang dimensyon upang sakupin ang ating planeta. Sinubukan lumaban ng mga tao pero ang naging resulta ay kalunos-lunos. Dahil dito, maliit na parte na lamang ng mundo ang natira para pamuhayan ng mga tao. Pero bago maubos ang sangkatauhan, binigyan sila ng langit ng isang pagkakataon. Isa-isang nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Pero may isang tao na nagkaroon ng medyo kakaibang kapangyarihan... Nagising si Ye Song mula sa mahimbing na pagkakatulog at nakita niya na ang mga halimaw ay nagsimulang maghasik ng karahasan. "System, ano na ba level ko ngayon?" *Ding* *Ang level ng host ay 999*

yamcee · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
86 Chs

Pagkamatay ng minotaur king!

Galit na hinabol ng Minotaur King si Ye Song. kahit na parang iniiwasan niya ang mga atake nito sa laki ng isang buhok, palagi siyang nag-iingat sa distansya sa pagitan nila.

Kahit nasa pinakamalapit na ito, ang minotaur king ay hindi magkaroon ng pagkakataong makatama ng kahit isang palo kay Ye Song.

Ang patuloy na pag-atake ni Ye Song ay unti-unting umubos sa hp nito.

Malapit na itong mamatay!

Sa isang sandali, ang minotaur king ay biglang tumalon sa hangin at bumaba patungo kay Ye Song. ngunit nang ito ay malapit na sa kanya, ginamit ni Ye Song ang cloaking at biglang nawala na parang bula.

Sa isang malakas na kalabog, ang minotaur king ay bumagsak sa lupa ngunit pag lapag nito ay wala na si Ye Song.

Nang akala nito ay tumakas na siya, biglang lumitaw si Ye Song sa kanyang likuran at inatake siya ng walang awa habang tinitingnan niya ang pagkahulog ng HP ng minotaur king mula 4% hanggang 3%.

Sa oras na ang minotaur king ay lumingon upang atakihin siya, umatras na siya ng higit sa limang metro ang layo.

Ang kanyang plano ay patuloy na umatake at ubusin ang HP ng minotaur king hanggang sa ito ay mamatay!

Sa natitirang 1% na HP, galit na galit pa ring hinabol ng minotaur king si Ye Song. hinabol niya ito hanggang sa maabutan niya at nang ito ay aatakihin na niya, hindi na umiwas si Ye Song at hinayaan na atakihin siya ng minotaur king.

-38

Nang tumama ang atake ng minotaur king ay labis ang saya na kanyang naramdaman. ngunit nang tumama ang kanyang atake, naubos na ring ang kanyang buhay. nawalan ito ng malay at ang malaking katawan nito ay bumagsak sa lupa.

*DING*

[Congratulations sa pagpatay kay Minotaur King Enma]

[15,740 Exp gained]

[Nose Ring 1 obtained]

[King Leather 1 obtained]

[Minotaur's Hoof 1 obtained]

[Minotaur King Crystal Orb 1 obtained]

[Pagpatay sa halimaw gamit ang malupit na pamamaraan, nakakuha ka ng isang bonus title!]

[Nakuhang title: Sadist]

[Pagpatay sa halimaw na may tuloy-tuloy na pinsala, nakakuha ka ng isang bonus title!]

[Nakuhang title: Overkill]

-

"Phew~"

Matapos mapatay ang minotaur king ay huminga nang malalim si Ye Song. napangiti siya pagkatapos dahil naramdaman niya ang excitement sa laban kanina.

Pagkatapos huminahon nang kaunti ay inutusan niya ang mga penguin at si Ahoka na ubusin ang mga natitirang halilimaw. ang Penguin Commandos at ang Rat God ay inubos ang lahat ng mga halimaw sa paligid sa utos ni Ye Song.

Habang abala ang kanyang mga alaga, nakatayo lang si Ye Song habang nakatingin sa malawak na bukid. mula sa dulo hanggang sa kabilang panig ng bukid ay abot tanaw ang mga bitak-bitak na lupa na may kalat-kalat na ligaw na damo.

Pagkatapos niyang suriin ang bukirin ay tumingin siya sa kalangitan at naglabas ng isang walang kabuluhan na ngiti.

"Natagpuan ko na sa wakas ang isang magandang lokasyon upang bumuo ng isang bayan" sinabi ni Ye Song sa kanyang sarili.

Ngunit habang nalulubog siya sa tuwa ay nag-aalala pa rin siya dahil may malaki pa siyang problema na kailangan harapin.

"Hindi ko alam kung paano bumuo ng bayan. wala akong karanasan sa paggawa nito"

Habang namomoblema siya kung paano niya bubuuin ang bayan, bigla niyang narinig na nagsalita ang system sa kanyang isipan.

*DING*

*Hindi kailangang mag-alala ang host tungkol dito. ako ay isang prototype ng system ng langit, ang lumikha ng lahat ng mga bagay *

Nang marinig ni Ye Song ang system, hindi siya makahinahon ng mahabang panahon.

"Ibig mong sabihin.."

*Maaari mong suriin ang [Item Shop] para makapili ka ng mga disenyo ng gusali, bahay, istraktura at iba pa na gustong mong ilagay sa bayan. maaari mo ring gamitin ang [Simulation] sa settings upang malaman mo kung ano ang magiging hitsura ng bayan na iyong itatayo*

Nang marinig ito ni Ye Song ay tumalon siya sa kagalakan. hindi siya makapaniwala na ang isyu tungkol sa paggawa ng bayan ay madaling nalutas ng system.

"System ikaw ang pinaka da best!" sinabi ni Ye Song habang tumatawa.

Hindi na siya nag atubili pa at agad tinignan ang [Item Shop] sa screen na nasa kanyang harapan.

Matapos niyang pindutin ito ay napansin niya ang mga heaven coins sa kanyang imbentaryo.

[11,728 Heaven Coins]

Nagulat siya nang makita niya kung ilang heaven coins ang meron siya.

"System, paano dumami ang heaven coins ko? sa pagkakatanda ko ay kakaunti lang ang aking heaven coins" tanong ni Ye Song.

*DING*

*Kapag ang iyong mga alaga ay pumatay ng mga halimaw, ang mga drops nito ay direktang mapupunta sa iyong storage dahil mayroon silang koneksyon sa iyo*

"Eh? ang ibig mong sabihin kapag pumatay sila ng mga halimaw makikinabang din ako?" nagulat na sinabi ni Ye Song.

*Yes*

Nagsawa na si Ye Song sa pagre-react kaya't itinuon niya na lang ang kanyang pansin sa [Item Shop].

Sa item shop ay mayroong catalog kung saan maaari kang bumili ng mga bagay kabilang ang bahay, gusali, appliances at marami pang iba.

Pinindot niya ang catalog at lumantad sa kanyang screen ang iba't-ibang produkto na pwede niyang gamitin sa pagbuo ng bayan.

Mga Produkto:

• Buildings

• Furnitures

• Vehicles

• Miscellaneous Goods

• Entertainment

• Equipments

Pinindot ni Ye song ang [Buildings] at lumitaw ang isa pang pahina sa kanyang screen.

Themes:

• Renaissance Era

• Medieval Era

• Futuristic

• Others

Dito nakita niya ang mga theme na pwede niyang pagpilian. pinili ni Ye Song ang [Medieval Era] na theme at umisip siya kung anong uri ng bahay ang gusto niya.

• Castle

• Medieval

• Normal

• Others

May mga imahe na makikita sa bawat bahay na nakahilera na ipinapakita sa screen. Nais niyang makita kung ano ang itsura nito kaya naman pinindot ni Ye Song ang [Normal] na bahay upang tingnan ito.

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

yamceecreators' thoughts