webnovel

Monster Invasion (Tagalog)

Isang araw, biglang sumulpot ang mga halimaw na galing sa ibang dimensyon upang sakupin ang ating planeta. Sinubukan lumaban ng mga tao pero ang naging resulta ay kalunos-lunos. Dahil dito, maliit na parte na lamang ng mundo ang natira para pamuhayan ng mga tao. Pero bago maubos ang sangkatauhan, binigyan sila ng langit ng isang pagkakataon. Isa-isang nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Pero may isang tao na nagkaroon ng medyo kakaibang kapangyarihan... Nagising si Ye Song mula sa mahimbing na pagkakatulog at nakita niya na ang mga halimaw ay nagsimulang maghasik ng karahasan. "System, ano na ba level ko ngayon?" *Ding* *Ang level ng host ay 999*

yamcee · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
86 Chs

Huling Sandali

Nagulat ang lahat sa biglaang anunsyong ito at para bang tumigil ang kanilang mundo.

Dali-daling lumabas ang ama ni Ye Song sa kanilang bahay at nakita niya ang isang malaking portal na nasa itaas.

"Tang ina! hindi maganda to! kunin niyo na ang mga gamit niyo pupunta tayo sa kaibigan ko para lumikas na ngayon!" pagalit na sinabi ng ama ni Ye Song.

Hindi na nag atubili pa si Ye Song at ang kanyang pamilya nang makita nila na nahuhulog na isa-isa ang mga halimaw mula sa portal.

Kinuha lang nila ang mga importanteng bagay na kailangan nila at dali-daling sumakay sa kotse.

Naiiyak sa takot si Ye Ri kaya pinatahan ni Ye Song ang kanyang nakababatang kapatid.

Wala pang tatlong minuto ay nasa kotse na sila papuntang evacuation center.

Habang nasa daan ay nakikita nila ang mga batong nagliliparan sa iba't-ibang direksyon, mga taong tumatakbo para sa kanilang buhay at ang mga halimaw na para bang pinaglalaruan ang mga taong kanilang naaabutan.

Marami din silang nilagpasan na aksidente sa daan dahil sa panic na gawa ng pag atake.

Ang evacuation center ay isang oras ang layo mula sa kanilang tahanan kaya naman para sa kanila, itong isang oras na ito ang pinakamahalagang oras.

Mabilis pero maingat na minamaneho ng ama ni Ye Song ang kotse sa lubak-lubak na daan papunta sa kanilang patutunguhan ngunit nung 20 minuto na lang ang layo nila sa evacuation center, Isang 15 feet tall na halimaw ang lumapag sa daan hindi malayo sa kanilang dinadaanan.

Ang halimaw na ito ay parang isang Yeti ngunit kulay violet ang kanyang balahibo. Ang Yeti ay isang unggoy na matipuno ang pangangatawan at may makapal na balahibo.

Ang mga mata ng Yeti ay kumikinang habang tinititigan ang mga sasakyan na nasa harapan nito.

-

Nang makita ng ama ni Ye Song ang halimaw na biglang sumulpot sa kanilang dinadaanan ay dali-dali nitong prineno ang sasakyan upang maiwasan ang pagsalpok nila dito.

Ang kotse ay umikot-ikot dahil sa biglaang preno nito at sila ay tumilapon at sumalpok sa puno.

Si Ye Song, ang nanay niya at ang kanyang nakababatang kapatid ay maayos naman ngunit ang ama niya ay hindi pinalad.

Tumama ang kanyang ulo at nagsimula itong magdugo!

Hindi na nila pwedeng magamit ang sasakyan dahil sira-sira na ito kaya naman hindi na sila nagdalawang isip pa na tumakbo palayo sa halimaw na nasa daan.

Tumakbo sila ng mabilis ngunit hindi nila inakala na ang Yeti ay mapapansin sila!

Nang makita ng Yeti ang pamilya ni Ye Song ay napangiti ito na para bang sinasabi na walang magagawa ang inyong pagtakbo.

Ang Yeti ay hindi pinansin ang mga tao na nasa daan at hinabol lang ang pamilya ni Ye Song.

Nang mapansin ni Ye Song at ng pamilya niya na parang sila lamang ang pinupuntirya ng Yeti ay napasigaw sila sa labis na takot.

Napagtanto ng ama ni Ye Song na mahihirapan silang makatakas kaya nilabas nito ang kanyang baril at sinimulang paputukan ang Yeti.

Kahit na ang bala ay hindi tumatagos sa katawan ng Yeti ay napapasigaw pa rin ito sa sakit.

Ngunit dahil doon ay mas naging agresibo ang Yeti!

Tumalon ito patungo sa direksyon ng ama ni Ye Song!

Nang makita ito ni Ye Song, hindi siya nag dalawang isip upang balikan at tulungan ang kanyang ama.

Ngunit bago pa man siya makabalik ay narinig niyang sumigaw ito sa kanya.

"Diretso lang ang takbo Ye Song wag kang lilingon!"

"P-pero" Pag-aalangang sagot ni Ye Song.

"Protektahan mo si Mama at kapatid mo, umalis na kayo dito!"

Hindi nagtagal ay tinango niya ang kanyang ulo at sinunod ang sinabi nito sa kanya.

Tinitigan niyang saglit ang kanyang ama bago tumalikod at tumakbo ng mabilis palayo. maiyak-iyak ng tumakbo si Ye Song papunta sa kanyang ina at kapatid.

Habang napangiti na lang ang ama ni Ye Song habang tinitingnan ang silweta ng kanyang anak palayo sa kanya.

Ang ngiting iyon ay parang isang ngiti na malaya mula sa lahat ng mga alalahanin.

Bumulong ito sa kanyang sarili habang nakatitig sa kanilang direksyon.

"Salamat...."

"Para sa mga magagandang alaala na binigay ninyo sa akin..."

"Pasensya na.."

"Dahil hindi ko na kayo masasamahan simula ngayon..." Naiiyak na sinabi ng ama ni Ye Song.

Hindi niya gustong mamatay lalo pa't hindi pa siya sigurado na magiging ligtas ang kanyang pamilya. Pero wala na siyang pagpipilian dahil lahat sila ay mamamatay kung hindi niya gagawing pain ang kanyang sarili.

Sinakripisyo niya ang sarili para sa kanyang pamilya.

Alam niya na hindi sila makakatakas sa Yeti kaya naman hindi siya nagdalawang isip na barilin ang halimaw na humahabol sa kanila upang mapunta sa kanya ang atensyon nito.

Mayroon na din siyang tinatamong pinsala kaya sa sandaling iyon ay hindi na siya nag atubili.

-

Ang Yeti ay nakangisi habang tinitingnan ang nakadapang ama ni Ye Song at biglang hinila ang buong braso nito.

Ang braso ay sapilitang tinanggal sa kanyang katawan!

Kahit na sapilitang tinanggal ang kanyang braso, ang ama ni Ye Song ay hindi sumigaw.

Ni-isang tunog ay wala siyang ginawa.

Natatakot siya na baka pag sumigaw siya ay marinig ng kanyang anak at subukang bumalik upang tulungan siya.

Ayun ang pinakamalalang mangyayari at hindi niyo gusto na mangyari iyon.

Kaya naman tiniis niya ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman.

Sa mga sandaling iyon ay may kakaibang pwersa ang nag udyok sa kanya na parang bang binigyan siya ng lakas upang lumaban hanggang sa huli.

Ang kanyang mga mata ay nagdugo(Bloodshot) at dahan-dahan niyang inikot ang kanyang katawan upang titigan ang halimaw na humila sa kanyang braso.

Sa di mapaliwanag na dahilan, ang Yeti ay napatigil sa pagpapahirap sa kanyang biktima at nakadama ito ng isang krisis ng makita niyang nakatitig sa kanya ang ama ni Ye Song.

Nang makita ng ama ni Ye Song na napatigil ang Yeti sa pagpapahirap sa kanya at tila natulala itong nakatitig sa kanyang mga mata ay nakakuha siya ng pagkakataon upang gamitin ang kanyang isang kamay at itutok ang baril sa kaliwang mata nito.

Ang ilang segundo na ito ay naging mahalaga para sa kanya!

Sa hindi malamang dahilan, habang tinututok ng ama ni Ye Song ang baril sa mata ng Yeti, may tila isang awra ang pumulupot sa kanyang buong katawan.

Siya ay naging kalmado at nawala bigla ang sakit na kanyang nararamdaman.

Sa mga sandaling iyon, binuhos niya ang lahat ng kanyang lakas para kalabitin ang gatilyo!

BANG!

Sa isang malakas na putok, narinig ang maingay na ungol ng Yeti.

Nakita ng ama ni Ye Song na tumatagas ang dugo sa kaliwang mata ng Yeti at naghihinagpis ito sa sakit.

Kalmadong ngumiti ang ama ni Ye Song at dahan-dahan niyang isinara ang kanyang mga mata.

Sa mga sandaling iyon unti-unti ng nawala ang kanyang paghinga..

-

Nang marinig ni Ye Song ang isang malakas na sigaw ng halimaw ay napatingin siya sa direksyong iyon para malaman kung ano ang nangyari.

Ang mga sunod na makikita niya ay hindi niya makakalimutan habang buhay!

Nakita niya ang Yeti na dumudugo ang kaliwang mata..

Tiningnan niya lang ito ng saglit dahil binuhos niya ang kanyang atensyon sa taong nakahiga sa lupa..

Nakita niya ang kanyang ama, walang kaliwang kamay at naliligo sa kanyang sariling dugo..

Pinilit niyang pigilan ang kanyang sarili para bumalik at tulungan ang kanyang ama dahil alam niya na wala rin siyang magagawa para iligtas ito.

Pinili ng kanyang ama na isakripisyo ang kanyang sarili para makaligtas sila kaya naman pag siya ay bumalik ay masasayang ang lahat ng ginawa nito.

Tinitigan ni Ye Song ang kanyang ama sa huling beses at pinangako nito sa sarili na poprotektahan ang natitira niyang pamilya.

Pinigil niya ang kanyang pagluha at pinatibay ang kanyang sarili..

Pinagpatuloy niya ang kanyang pagtakbo,

Patungo sa Evacuation Center..

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

yamceecreators' thoughts