webnovel

Kasalan na??

Para sa iang babae,ang araw ng kanyang kasal ang pinakamasayang sandali sa buhay niya. Iyon ang araw na haharap siya sa altar kasama ang lalaking piniling makasama sa isang LONG-TERM commitment. Iyong commitment na walang expiration date. ang commitment na kinatatakutan minsan ng iba pero inaasam naman ng ilan na katulad ni Samantha. masaya siya na isa sa mga mapalad na babaeng mararanasang maikasal ngayon.

Nasa loob ng kotse si Samantha at hinihintay na lang ang signal ng kanyang mga kamag anak na pwede na siyang lumabas. medyo na-deley kasi si Alex at mas nauna siyang demating sa simbahan

Alex, naisip niya, naalala na naman ang kanyang soon-to-be Hubby.He wasnt perfect but he was her best boyfriend ever. Masaya at kampante siya sa piling nito. kaya noong nag-propose si Alex ay walang pagdadalawang-isip na umoo siya. natutuwa siyang isipin na mahal na mahal siya ni Alex. marami na silang pinagdaanan at pinatunayan kaya alam niyang tama ang desisyon magpakasal sa lalaki. Ano pa ba ang hahanapin niya?Wala na siguro. "Wala pa rin ba si bob?"tanong ni candy sa mama