webnovel

CHAPTER 1

—AXEL POV—

"Anak! Gising na paparating na boyfriend ng Kapatid mo!" Malakas na sigaw ni mama sakin.

"Wtf! Bakit ba kasi kailangan pang kasama ako sa pagharap sa lalaking yon tsk!" Inis na bulong ko sa sarili ko.

"Teka lang po ma! Maliligo lang mo na ako!" Pasigaw na sagot ko kay mama, pumunta na sa cr para gawin ang morning routine ko.

—TIME SKIP—

"Kuya excited nako! Alam mo ang swerte ko kasi sa dinadami ng nagkakagusto sa kanya ako talaga ang sinagot niya! Ackkkk!!" Kinikilig na sigaw nitong si Shane, parang t*nga Jk.

"Tchh! So ang ibig mong sabihin ikaw yong nangligaw don?! Ano kaba naman Shane kababae mong tao ikaw yong nangliligaw!."Galit na sabi nito.

"Ano kaba kuya uso kaya yan ngayon na ang babae na ang manligaw....Syaka sino ba naman ako para ligawan niya di naman ako kagandahan." Malungkot na paliwanag nito.

"At sino naman may sabi sa maganda kong kapatid na hindi sya maganda Ha?! Talagang makakatikim sakin nang malakas na suntok" Pabiro kong saad dito.

"Si kuya talaga eh kaya mahal na mahal kita kuya! Halikana baka nandyan na sya" Malambing nitong sabi sakin, at bumaba na nga kami dahil baka nandyan nayong boyfriend nang kapatid ko.

"Ohh dyan na pala kayo tamang tama baka paparating nayong jowa mo Shane, Ilagay mo na dito sa mesa yong mga hinanda natin" Utos ni mama kay Shane.

"Oky po ma! Kuya ikaw nalang mag abang don sa gate please kuya" Nagmamakaawang saad nito Habang papunta sa kusina para kunin ang hinihanda nila.

"Sge po mahal na kapatid! Baka dumating na ang iyong prince charming Hahahaha!" Pabiro kung sabi habang tumatawa.

"Mama oh si kuya nang aasar!" Saad nito na parang naiinis.

"Mag sitigil nga kayong dalawa ang lalaki nyo na pero parang mga bata parin kayo umasta!"Sermon samin ni mama.

"Ma si kuya kasi!" Saad naman nito.

"Opo eto napo lalabas na oh" Naka ngising turan ko dito, Naglakad nako papuntang gate nang may bumusina na sobrang lakas.

"Beeep! Beeep!" Malakas na busina sa labas ng gate.

"Kuya nandiyan naba sya?!" Sigaw nang kapatid ko na nasa loob nag aayos.

"Oo." Tipid kung sigaw dito.

"Dyan na! Di makapag hintay!" Sigaw kung ani dito sa bumubusina. At tumakbong binuksan ang gate.

"Mukang mayaman to ah ang gara nang sasakyan....tsk! Ang swerte naman ng kapatid ko" Saad ko sa aking isipan. Nang biglang bumukas ang pinto nang sasakyan at don niluwa ang isang matangkad at gwapong lalaki, matangos na ilong, at kulay asul na mga mata, maputi, at higit sa lahat malaki ang katawan para, talaga syang half American ang pogi.

"Hi! Ako nga pala ang kuya ni shane, Im Axel nice to meet you" Sabi ko dito at sabay abot nang aking kamay.

"Uhm...Im Earl, nice to meet you to." Nakangiting saad nito at inilahad din ang kamay at nakipag shake hands.

"Tara pasok na tayo sa loob at hinihintay kana ng kapatid ko." Pagaanya-nya ko rito nang palakad ako ay napansin kong walang sumusunod saakin kaya nilingon ko ito at nakita ko syang nakatingin sa bandang pwetan ko at sabay kagat sa labi.

"Hoy! Anong ginagawa mo at bakit ganyan ka makatingin ha?!" Galit na tanong ko sa kanya.

"Ohh Sorry I'm just enjoying the view." Nakangising sagot nito.

"Aba! Pinag nanasaan pa yata ang pwetan ko nito bakla bato!" Saad ko sa aking isipan at binaliwa nalang yon at naglakad nang bigla nya akong inunahan sa paglalakad at pagdaan sakin ay pinisil nya ang pwetan ko!