webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Zu wenig Bewertungen
388 Chs

You know a lot

"Bakit ba siya galit sakin?" Tanong ko sa sarili ko habang inaayos ko yung muka ko sa salamin. Naglagay uli ako ng lipstick at pulbos para kahit papano ay maging freash uli yung muka ko.

Nang masigurado kong okey na yung physical kong itsura agad akong bumalik sa Casa Milan.

Pagbaba ko ng tricycle, nakita ko si Sir Martin papasakay na sa kote niya kaya mabilis akong tumakbo papunta sa kinaroroonan niya.

"Sir, saglit lang!" Sigaw ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin.

Dahil nga sa bilis ng pagtakbo medyo hinihingal pa ko kaya di ak kagad naka sagot pero sa halip na hintayin niya ko maka recover ng hininga ko agad na siyang sumakay sa kotse niya.

Dahil sa panic ko agad kong hinawakan yung braso niya.

"Baka pwedi ka pong makausap Sir?" Hinihingal ko paring sabi.

"Wala na tayong dapat pagusapan Ms. Michelle tapos na ko magdesisyun kaya ipull-out niyo na lahat ng mga devices and materials niyo dito sa hotel ko and i don't want to have business with you." Masungit niyang sabi sa akin sabay hablot ng braso niya na hawak-hawak ko.

Akma niya na sasarado yung pinto ng kotse ng iharang ko dun yung sarili ko.

"Wait Sir! Pag-usapan natin ito!" Paki-usap ko.

Agad niya kong tiningnan ng masama dahil nga sa pagpigil ko sa kanya.

"Sorry, pero sana Sir kausapin mo naman ako as professional. Alam mong ninety percent na yung project nasa final phase na tayo! Testing and commissioning nalang if ever may kunti kang adjustment pero kung iisipin it's already done deal. Next month na ang target mong opening at 2nd week na ngayon ng November, sapalagay mo makakakuha ka pa ba security company na kayang mag install at mag ayos ng system sa loob ng tatlong lingo?" Dirediretso kong sabi na parang maiiyak na.

Kung di lang talaga dahil kay Boss Helen di talaga ako magbaba ng pride ng ganito kaya lang napaka laking problema talaga nito kung sakaling makikipag matigasan ako. Ang masaklap pa sila yung pinaka malaking client namin kaya kahit masaklap kailangan kong lunukin yung pride ko.

"Anong gusto mong palabasin na di ko kayang maghanap ng company na kayang magiinstall ng security sa hotel ko!" Galit niyang tugon sa mahaba kong paliwanag.

"Di sa ganun Sir! Ang sinasabi ko sayo na di niyo kakayanin magbukas sa target date kung magpapalit ka pa ng security company ngayon. Let me remind you na almost one year namin ginawa itong system at i-nistall lahat ng devices sa hotel mo. Plus nakapag hire narin ang HR Department niyo ng mga hotel staff na mag start na ngayong December." Muli kong rason.

"YOU KNOW A LOT!" Gigil niyang sabi.

"YES SIT I KNOW A LOT!" Mayabang kong sagot.

Lalo siyang nangggil dahil sa sagot ko kaya muli akong nagsalita.

"I have been to this for almost two years na SIr and I know that you know kung gaano kahirap at katagal ang proseso ng pagkakabit ng ganitong system kaya sana wag kayong magpadalos-dalos sa pagdedesisyun kasi di lang kami ang maalangan kayo din!" Paglilinaw ko.

"Let me remind you Ms. De Vera that I am the BOSS here, what ever my decision final na yun! So leave!" Bahagya niya kong itinulak pero kumapit ako sa may bubuong ng kotse at lalo akong lumapit sa kanya.

"Ano ba talagang problema mo sakin?" Diretso kong tanong habang naka tingin sa mata niya.

"Wala akong problema sayo!" Sagot niya sa akin sabay iwas ng tingin sa akin.

"Dahil ba sinandalan kita sa Van pero kung tutuusin ako nga dapat magalit sayo kasi siniko mo ko at take note masakit yun!" Paratang ko sa kanya kasi yun lang naman talaga naiisip kong ikakagalit niya.

"Wag mong sabihin yun ang dahilan kaya cancel mo yung collaboration between our company dahi dun! Napakababaw mo naman yata and napaka unprofessional!" Muli kong sabi.

"Sinabi ko bang yun ang dahilan ko?" Pabulyaw niyang sagot halatang namula siya sa sinabi ko mukang biglang nahiya.

"Eh anong dahilan mo?" Muli kong tanong habang naka taas ang kilay. Bahagya ko pang inilapit yung muka ko sa kanya para marinig kong mabuti yung dahilan niya.

"Sir tama naman si Ms. Michelle, wala na po tayong oras para sa pagpapalit ng security sa hotel." Sabat ni Sir Ronald na naka lapit narin sa amin mukang nakita niya yung komosyon at malamang nag-aalala siya sa pweding mangyari kaya lumapit narin.

"Let me remind you Mr. Ronald na I'm your Boss here kaya di ka dapat maki alam." Pagbabanta ni Martin.

Alam niya siguro na di ko siya hahayaang umalis ng di nagpapaliwanag sa akin kaya bumaba na siya sa kotse kasi medyo madami naring mga taong naka tingin sa direksyo namin dahil ba naman sa lakas ng boses ko kaya nakakatawag atensyon sa iba.

"FOLLOW ME!" Utos niya at dirediretsong naglakas pabalik sa hotel.

"Sunod na! Kumbinsihin mo ha!" Sabi ni Sir Ronald sabay tapik sa balikat ko saying good luck.

Nginitian ko siya kapalit noon at agad na kong sumunod kay Sir Martin na dinala ako sa may security room kung saan naabutan namin si Sir Albert na may ginagawa sa server.

"Sir!" Mabilis niyang sagot ng pagkakita sa amin. Bigla kasi siyang nagulat paano di man lang kumatok si Martin at bigla na lang pumasok at dumiretso sa may server.

"Now explain the security na ipinagmamalaki mo sakin kanina na di pweding gawin sa loob ng three weeks at umabot na halos one year bago matapos!" Sambit niya habang nakataas din ang kilay at naka cross yung mga bisig niya sa dibdib niya habang naka tayo.

Di ko maiwasang mapalunok paano napaka tyrant niya. Agad naman nag-give way si Sir Albert sa akin sa server at hinayaan niya kong maka upo sa harap ng computer samantalang si Martin ay tumayo sa likuran ko para makita niya yung pinapaliwanag ko.

Si Sir Albert naman ay tumayo sa gilid medyo malayo sa amin marahil natakot sa aura ni Martin kahit ako nga kinakabahan paano parang kunting pagkakamali mo lang kakainin ka niya kagad na buhay.