webnovel

Make you mine

Jin Cielo is the pampered princess of Giua family. Perfect na sana ang pagiging princesa niya kung hindi lang siya palaging iniiwan ng mga nagiging boyfriend niya. then one day ang pinapangarap niyang perfect night para sa bago niyang boyfriend ay nauwi sa disaster! sa halip na ang boyfriend niya ang kasama niya ay nagising siya sa kama ng bestfriend ng kuya niya!

Anne_ter17 · Urban
Zu wenig Bewertungen
21 Chs

Chapter 16 Stain

"Come on Cielo! Let's go!" yaya sa kanya ni Althea patungo sa direksyon ng kuya Jion nya.

"But He's busy right now!" kunot noong pigil sa kanila ni Doc Adie na halatang hindi gusto ang inasal ni Althea, "May kausap syang kliyente kaya kailangan nya ng kaunting privacy!"

"Oo nga naman Thea, baka makaabala tayo sa kanila!" Saad niya sa babae habang nakatanaw sa kapatid na may kausap sa di kalayuan sa pwesto nila. "Don't worry mamimeet mo rin siya maya maya lang."

Wala namang nagawa si Althea kundi makinig na lang sa kanila ni Doc Adie at tila binaliwala na talaga nito ang fact na magkasama ang kaibigang doktor at kapatid niya sa partyng iyon. Sakto naman ang paglapit ng isa sa mga staff ni Althea sa kanila para ipaalam na kaunting aberyang nagaganap kaya nagpaalam muna ito sandali sa kanila.

"You know what, I don't like her!?" pairap na sabi ni Doc Adie kay Cielo ng makaalis na si Althea.

"Huy! ano kaba!" hila niya sa braso ng doktora, "Wag ka ngang ganyan! baka naman may business proposal lang sya sa kapatid ko kaya gusto nyang makilala."

"Wag mo ng ipagtanggol dahil naamoy ko ang pagiging malansa ng isang yon! Imagine, alam nyang may date si Jion pero gusto nya paring lapitan! kung hindi ba naman may lahing higad ang isang yan!" nanggigil na sabi pa nito.

Nasapo nalang ni Cielo ang sintido nya dahil parang biglang sumakit ang ulo nya! Sa totoo lang kase mahina ang katawan nya pagdating sa mga negative vibes!!! hahaha!!! "Kung ako sayo Doc, wag mo ng isipin ang ibang tao! unahin mo muna ang sitwasyon mo!" isinenyas niya rito ang papalapit na dating nobyo nito.

Bigla namang inayos ni Doc Adie ang pagkakatindig nito na parang ito ang modelong lumakad sa runway kanina lang!

"Ahm, Excuse me! Adiela Nevaeh?"

Nilingon ito ni Doc Adie at nagkunwaring nagulat dahil naroon din ang binata. "Ow! Howard!"

"Sabi ko na nga bat hindi ako nagkakamali eh! kanina pa kita tinitingnan, nahiya lang akong lumapit kase baka napagkamalan lang kita!" sweet na sabi nito. "Anlaki ng pinagbago mo!"

"Ah ito ba!?" pinasadahan ni Doc Adie ang sarili bago muling tumingin sa lalaki, "Ganito ata talaga pag maalaga ang lalaki sa babae, lalong gumaganda!"

Lihim na napaumis si Cielo sa sinabi ng kaibigan, It's time to revenged na talaga ang mode nito!

Bahagya namang natigilan ang lalaking kaharap nila, Sa totoo lang kase e napakalayo ng itsura ni Doc Adie sa suot nitong coctail dress at pang sweet sixteen nitong make up kumpara sa lagi nitong suot na unipormeng white coat na hanggang balakang at konting pulbos lang!

"You're with some one already?" kunot noong tanong nito.

"Of course I am! alangan namang magpakaburong mustasa ako ng ipagpalit mo ako sa mukhang penguin mong syota!" maanghang na sagot nito sa lalaki, Napapailing nalang si Cielo dahil halatang halata sa boses ng kaibigang doktor ang pagiging bitter nito.

Natameme naman ang lalaki lalo na ng lumapit sa kanila ang kuya Jion niya at si Vince.

"Naiinip naba kayo Ladies?" tanong ng kuya niya saka hinawakan sa bewang si Doc Adie.

"Hindi naman masyado, medyo iniintertain naman kami nitong si Mr. Howard Garcia e." malambing na sabi ni Doc Adie dito.

"Good to hear that! Medyo busy kasi kami kaya napabayaan na namin kayo." Saad naman ni Vince.

"Okay lang talaga kam- Aw!" napaurong si Cielo ng maramdaman ang paglapat ng malamig na wine sa dibdib nya at pagkalansing ng nabasag na baso sa sahig.

Natapilok kase ang waitress at bumangga sa katabing bulaklak ni Cielo kaya tumapon sa kanya ang mamahaling alak na laman ng kopita. Kaagad namang nagmantsa sa kulay Gold niyang damit ang mapulang likidong tumapon sa kanya.

"Naku Maam sorry po, hindi ko po sinasadya!" mangiyak ngiyak na sabi ng waitress sa kanya na umagaw na sa atensyon ng mga kalapit nilang bisita.

"No, it's okay damit lang to," nakangiting sagot niya sa nagaalalang serbidora. "Okay ka lang ba? hindi kaba nasaktan?" tanong pa rin niya dito.

"Okay lang po ako ma'am, kaya lang po yung damit ninyo!"

Naramdaman ni Cielo ang paglapat ng makapal na tela sa kanyang balikat, inilagay pala ni Vince ang suot nitong Amerikana sa kanya, "Are you sure youre okay?"

"Yes, kaya lang kailangan ko ng umalis para makapagbihis na ako agad bago pa tuluyang magmantsa ang alak sa damit ko." sagot niya dito.

"Let's go, umuwi nalang tayo at wala naman tayong gagawin dito!" inalalayan na sya ni Vince para lumabas ng building kaya hindi na sya nakapagpaalam kay Althea dahil hindi na rin sya binigyan nito ng pagkakataon para lumingon sa mga taong nakamasid sa kanila dahil nagsisimula na ring magkikislap ang ilang camera ng mga tao roon.

"Okay ka lang ba talaga Cielo? Hindi ka ba natamaan ng nabasag na baso?" worried na tanong ni Doc Adie sa kanya pagsakay nila sa kotse ng ni Vince.

Sa kanila na pinasabay ito ni Jion dahil pupunta pa daw ito sa bar ng Kuya Juno nila.

"Okay lang ako Doc, Alak lang naman yung natapon hindi naman asido!" natatawang sabi niya dito. "Pasensya kana ha Doc, nasira yung plano mong paghihiganti mo kay Howard dahil sa akin!"

"Anu kaba!? okay lang yon ano! Sapat na saking nalaman nya na hindi lang sya ang nagiisang lalaki sa mundo!" nakangusong sabi nito.

"Sayo din Vince Sorry ha! hindi ka tuloy nakapamickup ng model na pwedeng idate dahil kailangan kong umuwi agad." baling niya sa walang imik na binatang busy sa pagmamaneho ng kotse nito.

"Bakit naman ako, mamimick up ng babae? anu yung pinuntahan natin bar? ang mamimick up ng babae ay kuya Jion mo! kaya dumiretso na sa JnJ's e!" naiiling na sabi nito.

"Bakit Vince? hindi kaba interesado don sa mga model na nakita mo kanina? andami kayang magaganda sa runway kanina!" napapalatak na sabi ni Cielo.

"Hindi ako interesado sa mga babaeng ganda lang ang ipinagmamalaki!" walang lingon lingon na sabi nito sa kanila.

"Bakit? nagbago na ba ang type mo sa babae at hindi kana interesado sa magaganda?" kulit pa rin niya dito.

"Ang gusto ko sa babae ay hindi lang mukha ang kayang ipimagmalaki!"