BUMABAGYO at kasabay nito ang malamig na pagsampal ng ihip ng hangin sa katauhan ng sinuman. Isang dalaga ang tumatakbo palayo..
"LORYA! NASAAN KA!?" Mapanindak na tawag ng isang malamig at kakilakilabot na tinig.
"Huwag ka nang magtago! Lumabas ka!" isa pang kahindik-hindik na sigaw..
Tumatakbo at tumatago parin ang dalaga, dala ang may kalumaang libro. Hindi niya kontrolado ang sarili, ang tangin alam niya siya at tumatakbo, dala ang libro. Palayo sa peligro, palayo sa dating mundo.
Hindi niya namalayan nakatakas na siya sa mga tiyahin na humahabol sakaniya, pero huli na ng makita niya kung nasaan siya.. "GUBAT? Paanong--"
Nadapa siya ng hindi sinasadya "a-aray!" Pero bigla na naman niyang napansin ang kakaibang pakiramdam..
Napahiyaw siya sa hapdi, parang pinipiga ang kaniyang sarili. Parang hinihigop ang kaniyang lakas.
At ng mamulat ay nasa harapan na siya ng isang kumikintab na kulay abong harang(gate) na may nakaukit na
"Majica Akatemia"
at..
Halina't samahan natin sa makabagong mundo ng hiwaga si Lorya Delpaz Olvidar...
PAALALA:
Ang pagkakatulad sa mga pangalan ng tao, lugar at pangyayari ay purong nagkataon at sadyang nagmula sa mapanlinlang na imahinasyon ng may-akda.
Napaparusahan ang magnakaw.
Plagiarist is punished.
-jalliii
________________happy reading..
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Creation is hard, cheer me up!