webnovel

Majica Akatemia

Lorya, at her teenage years was transferred to a peculiar world. The world is majestic and prestige, not until Dark Lord ruined the peace in between kingdoms. Lorya, at first thought she'll just mere live to a new world, not until she met the bearer of her compassion and peace but everything is sorrowful, as death always come in between.

galintheglasses · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
5 Chs

FOURTH CELL: Phantasma de Majica

DALAWANG buwan, dalawang buwan na akong namalagi sa mundong ito, ngunit sariwa pa sa diwa ko ang lahat. Sa mga buwang nagdaan napag-aralan ko ang mga bagay, nabasa ang dapat basahin at nakilala ang mga dapat makilala.

At sa dalawang buwang iyon, naging maayos ang lahat, at ngayon nakatakdang alamin ang peculiarities ng mga bagong pasok sa academia, kasali na ako.

Marami akong punong nadaanan bago ko marating ang platform kung saan gananapin ang pagtutuklas. May mga naglalaho at may mga lumulutang na nilalang na aking nakikita, na abala sa bawat sulok.

"Nandito ka lang pala." Boses na gumulat sa akin "Wahh, nagulat kita!" Hinampas ko si Brea, manggulat kasi! "Paumanhin." Tumango lang ako, magsasalita pa sana siya ng mag-anunsiyo na sa harap ang Head Lärare.

Sa normal na mundo ang mga Lärare ay mga guro, mga tagaturo, tagasanay...dito sila ang trainer at adviser namin...

"Magandang araw mga minamahal kong mag-aaral at mamamayan ng Celerite. Ngayon matutunghaan natin ang resulta ng mga pagsasanay ng mga beginners sa loob ng dalawang buwang natapos. At kung isa sa kanila'y hindi lalabas ang peculiarity, ipapadala sa Obscure. Mga kalahok magsihanda na kayo." Naghiyawan ang mga manonood, samantalang tinapik naman ako ni Brea.

Celerite(See-le-rāt) ang tawag sa mundong ito, hango sa salitang Celerity, na nangangahulugang 'rapidity of motion or action'—ayon sa nabasa ko ang dahilan kung bakit ito ang pinangalan sa mundong ito ay dahil sa una at dinadakilang pinuno, si Celerityon na tumataglay ng peculiarity na may kinalaman sa bilis at lakas, pagkamaliksi at wais sa galaw..

Samantala ang Obscure(ohb-sku-ri) naman ay isang dark city, dito naninirahan ang mga tinuturing na mahihina, masasama, mga hindi nagtataglay ng peculiarity.

"Aquila" tawag ni Madam Zeka, iyong head ng Akatemia.

Isang babae ang lumitaw sa platform, payat siya't maputla ang kulay ng balat, kulay asul ang mata. Nabibilang sa Aguari, clan ng mga may taglay na tubig ang pangunahing peculiarity. "Simulan na!" Sa hudyat na iyon, nagsimula nga ang lahat.

May lumitaw na kakaibang hayop sa platform, na siyang kinaalarma ng lahat, pero hindi natinag si Aquila, sahalip naghanda pa ito. "Susea le majica!" Sigaw niya at biglang lumiwanag ang kaniyang pwesto, nagliyab ang gilid ng platform, at may mga tubig na bumalot sa nakatayong si Aquila "Phantasma.." Nilingon ko si Shenli, "Anong sinasabi mo?" Nilingon niya ako "taglay niya ang isa sa pinakakakaibang klase ng peculiarity. Ang mahekang taglay ng ibang fireus.."

"Anong ibig mong----"

BOGSHHHHH.....

ITUTULOY..

While making this chapter, I was legit laughing..realization hit me, I was so passionate about what I'm doing yesteryears, which I'm so carefree, and write my heart out.

Creation is hard, cheer me up! Thank you!

galintheglassescreators' thoughts