webnovel

Daniel (Chapter 45)

PAGPASOK ko sa aking kwarto ay pabagsak akong nahiga sa kama. Bakit gano'n? Wala namang nangyaring masama kay mang Rodel. Hindi naman siya pumanaw. At saka hindi naman ako na-mental block. Lahat nang nangyari sa amin ay sariwa pa sa isipan ko.

Nang humupa ang libog namin ng baklang tindero ay niyakap niya ako nang mahigpit. Mamamatay raw siyang masaya dahil natikman na niya ako. Matagal na talaga niyang pangarap 'yon. Kumain pa kami ng tanghalian. Alagang-alaga niya ako. Ang lambing sa 'kin ni mang Rodel.

Dahil sa pagod ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kakaisip sa mga nangyayari sa buhay ko. Alas tres na ng hapon nang magising ako. Muli na namang sumagi sa aking isipan kung bakit wala namang nangyaring masama kay mang Rodel.

Ano nga kaya ang nangyari sa tatlong bakla? Hindi kaya guni-guni ko lang ang lahat ng ito? Hindi kaya coincidence lang talaga ang nangyari sa kanila? Kasi humihinga pa naman si mang Rodel, e.

Pero nakakasiguro ba akong buhay pa nga si mang Rodel ngayon? Kinabahan akong bigla. Kailangan kong makasiguro. Bumangon ako at tumayo sa kama. Kumuha ako ng sando sa lalagyan ng mga damit at lumabas ng kwarto.

Nasalubong ko sina nanay at tatay sa sala. May ngiti na sa kanilang mga labi at mukhang masaya na sila.

Gusto ko sanang yakapin sila no'n pero baka maamoy nila ako, e. Alam kong amoy laway talaga ako ni mang Rodel nang mga sandaling iyon.

Hindi kaya kinausap na sila ni mang Rodel kaya masaya na sila?

"Nay, tay," nakangiti kong sabi sa kanila at nagmano ako.

Ginulo ni tatay Rey ang mga buhok ko. There's no doubt, masaya na nga silang dalawa.

"Salamat naman, nay, tay, at mukhang masaya na kayo." Hindi ko napigilang sabi sa kanila.

"E, kasi nak nakautang na kami ng perang pambayad sa utang kay Rodel. Three years huhulugan kaya mukhang hindi naman mabigat iyon para sa atin," nakangiting balita ni nanay sa 'kin.

So I was wrong. Hindi pa pala nila nakausap si mang Rodel.

"H'wag kayong mag-alala pagtutulungan natin 'yang bayaran," nakangiti kong sabi sa kanila.

"Salamat, nak. Ang swerte talaga namin sa 'yo," seryosong sabi ni tatay Rey.

Akmang yayakapin nila ako kaya umiwas ako. "Nay, tay, may bibilhin lang ako sandali," I said quickly.

Ngumiti naman sila sa 'kin at kaagad akong tumalikod. Lumabas nga ako ng bahay at dumiretso sa tindahan ni mang Rodel. Bago kasi ako umalis sa bahay niya ay nag-umpisa na itong buksan ang tindahan.

"Mang Rodel!" tawag ko.

Pero walang sumagot. Kinabahan ako nang husto.

"Mang Rodel!" mas malakas na ang boses ko no'n.

Shit! Where's mang Rodel? Mas lalong kumabog ang dibdib ko sa kaba.

"Daniel, ikaw pala 'yan. Pasensiya na nag-CR ako. Dinudugo pa rin ako, e. Ang laki naman kasi ng burat mo," sabi niya.

Nakahinga ako nang maluwag. Buhay pa si mang Rodel. Ibig sabihin inosente nga ako sa pagkamatay ng tatlong bakla. Coincidence lang talaga ang nangyari sa kanila. Pero ang tungkol sa mental block ko after magpachupa sa kanila, ano naman kaya ang paliwanag doon?

Sumasakit na ang ulo ko sa labis na pag-iisip. Kunti na lang at mababaliw na talaga ako no'n.

"Hoy, Daniel, natulala ka na riyan," untag ni mang rodel sa 'kin.

Napatingin ako sa kanya. "May iniisip lang po ako, mang Rodel," sabi ko.

"Softdrink, gusto mo?" tanong niya.

"Wala akong dalang pera," tugon ko.

"Susss... parang hindi ka na sanay sa 'kin, Daniel," nakangiti niyang sabi sabay talikod. Pagbalik niya ay may dala na ngang softdrink at may bonus pang cupcake na paborito ko. Galante talaga si mang Rodel sa mga lalaki. Kaya siguro nalulugi.

"Salamat, mang Rodel," sabi kong tinanggap naman ang mga 'yon.

"So ano ang iniisip mo? 'Yong kanina ba?" tanong niyang makahulugan sabay ngiti na abot tenga.

"Hindi po tungkol do'n. May pera na kasing pambayad sina nanay at tatay sa 'yo. Paano mo sasabihin sa kanilang bayad na kami?"

Natahimik siya. Parang hindi rin sigurado sa sasabihin. "Basta, Daniel, ako na ang bahala," sabi niya.

"Baka niloloko mo lang ako, mang Rodel, ha. Baka tatanggapin mo pa rin ang ibabayad nila sa 'yo. May usapan na tayo at pinagbigyan na kita," sabi ko.

"Ano ba 'yang iniisip mo, Daniel? H'wag ka ngang mag-isip ng ganyan. May isang salita ako, okay. Basta, trust me, ako na ang bahala. H'wag mo na lang isipin," sabi niya. Halatang na-offend siya sa 'king sinabi.

Napatango-tango na lamang ako. At saka may tiwala naman talaga ako kay mang Rodel. Wala naman sa hitsurang manloloko siya. Oo, malibog siya, pero mukhang mapagkakatiwalaan naman.

Nagpaalam na ako sa kanya. Gumaan ang aking pakiramdam. Naisip ko pa rin noong hindi na talaga papatol pa sa mga bakla. Pero ayokong mag-promise. Kasi nangako na nga akong hindi na 'di ba? Pero hayun at ang kapalaran na mismo ang gumawa ng paraan para muli akong pumatol sa isang bakla.

Itinatak ko sa isipang hangga't maaari ay hindi na talaga. Isa pa may girlfriend na ako. May Anne na sa buhay ko. Hindi ko pa siguro siya mahal pero alam kong importante naman siya sa akin. Masayang-masaya ako sa kanya.

Kinagabihan ay nakipagkita sa 'kin si Anne. Namasyal kami at gaya ng dati ay wala pa ring pinag-usapang destinasyon. According to her, mas masarap daw sa pakiramdam 'yong basta na lamang nangyayari ang lahat. 'Yong hindi planado.

"The secret of happiness is low expectations," she said.

Sumang-ayon naman ako sa kanya kasi naramdaman kong totoo naman ang kanyang mga sinabi base sa experiences naming dalawa.

Magkahawak-kamay kaming naglakad. Tawa kami nang tawa sa usapan namin. Manaka-naka'y niyayakap namin ang isa't-isa sa tuwing nakakaramdam kami ng pagod at tumigil saglit sa paglalakad. Mga ilang minuto ay muli kaming magpapatuloy sa kung saan man kami dalhin ng aming mga paa. Kung kaya ko lang sanang diktahan ang puso ko, uutusan ko iyong mahalin na si Anne. Gusto kong maglakbay na kasama siya habang-buhay. Naniniwala akong hindi imposibleng mangyari 'yon. The only impossible journey is the one you never begin.

"Wait..." sabi ni Anne na huminto sa paglalakad kaya huminto rin ako. Itinuro niya ang isang parke sa hindi kalayuan. "Let's go over there."

"Sarado na, Anne. Baka bawal nang pumasok do'n, e," I told her.

"Asus... ako ang bahala," nakangisi niyang sabi sabay kindat.

Napangiti na lang ako sa kanya at magkahawak-kamay pa rin kaming naglakad papunta sa naturang parke.

"Baka makulong tayo nito, ha," nag-aalangan kong sabi sa kanya. Gusto niya kasing akyatin namin ang gate. Tingin ko ay pribado ang parke na 'yon. Naisip kong baka makasuhan kami ng trespassing sa aming gagawin.

Tumawa siya sa sinabi ko. "Masyado kang pabebe, Daniel. Trust me, okay. At saka hindi mo pagsisisihan kapag nakapasok na tayo sa loob."

Bumuntong-hininga ako kapagkuwa'y ngumiti sa kanya. "Sige na nga," sabi ko.

Umakyat nga kami sa gate. Mali naman pala ang iniisip kong baka may guard na nagbabantay. Hindi ko pa kasi napuntahan ang parke na iyon.

Nang tuluyan na kaming makapasok ay magkahawak-kamay ulit kaming naglakad. Sumasabay lang talaga ako kay Anne nang mga sandaling iyon. Madilim ang buong paligid pero sapat naman ang liwanag ng buwan para matanaw namin ang aming dinadaanan. Mga limang minuto rin kaming naglakad.

"We're here!" bulalas niya.

Mula sa kinatatayuan namin ay tanaw na tanaw ko ang mga gusaling may iba't ibang ilaw. Sa kalangitan naman ay napakagandang pagmasdan ng nagniningning na mga bituin na nakapalibot sa buwan. Noon lamang ako ulit humanga sa tanawing iyon. Paano naman kasi, madalas nasa bahay lang ako tuwing gabi.

"'Di ba ang ganda rito, Daniel?" Bumitaw siya sa kamay ko at dahan-dahang naupo sa Bermuda grass. "Upo ka rin."

"Ang ganda nga, e. Unang beses kong nakapasok dito, Anne. Maraming salamat," tuwang-tuwa kong sabi sa kanya.

Umupo naman ako sa kanyang tabi. Mayamaya ay humiga si Anne sa damuhan. She closed her eyes.

"Anne? Baka makatulog ka na, ha," sabi ko.

Dumilat siya. "Hindi, Daniel. Gusto ko lang isapuso ang mga nangyayari ngayon. Para maging isa sa mga collections ko."

Napakunot-noo naman ako sa kanyang sinabi. "Collections of what?" I asked her.

"Collection ko ng mga alaala sa 'yo," nakangiti niyang tugon.

Ngumiti rin ako sa kanya. Kakaiba talaga si Anne. Malalim ang kanyang pagkatao. Siguro ilang taon pa ang gugugulin bago ko lubusang makilala kung sino nga talaga siya. Kinapa ko ang aking puso. Pinagmasdan kong mabuti si Anne na muling pumikit.

Kailan kaya titibok ang puso ko para sa kanya?

Only heaven knows...