webnovel

Ang Bastos Sa Kanto II (Part 14)

Umuwi ako sa amin sa San Miguel,para na akong pagod na pagod,mentaly,physicaly and emotionaly. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang arko ng Batis compound,walang nagbago. Naglakad na ako papunta sa aming bahay at nag iisip kung paano ko sasabihin ang lahat ng ito kina Mama at Papa.

Kumatok ako at agad namang bumukas ang pinto. Nagulat pa si Papa ng makita ako,tinitigan ako bago dumako ang tingin niya sa dalawa kong maleta.

"Kiji? Anak? Anong nangyari?" tanong agad ni Papa at niluwagan ang pagkakabukas sa pinto. Ngumiti ako,pero pumatak pa din ang mga luha ko kaya napayuko ako.

"Papa,sorry po sa inyo ni Mama." sabi ko at naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Papa. Napahagulhol na ako,ganito pala talaga kabigat at kasakit ang dinadala ko.

"Anak.." sabi ni Papa,pero alam kong alam na niya ang nangyari. Magulang sila at alam nila kung may problema ang anak nila.

"Papa?! Sino yung kumatok?!" boses ni Mama kaya napahiwalay ako ng yakap kay Papa. "Kiji? Anak?"

"Mama! Sorry po!!" lumapit ako kay Mama at niyakap siya. Iyak lang ako ng iyak. Pakiramdam ko hindi na mauubos ang mga luha ko.

Nang mahimasmasan ako ay pumasok na kami sa loob. Kinwento ko sa kanila lahat hindi dahil gusto kong magalit sila kay Chance,kundi dahil karapatan nilang malaman. Pati ang pagkaka expel ko at pagpapatawag sa kanila sa PLP ay sinabi ko. Nang matapos akong magkwento ay walang nagkomento sa kanila.

"Sige,pupunta kami sa school mo bukas. Sa ngayon ay magpahinga ka na muna." ani Papa at tinapik ang balikat ko. "Gusto mo bang lumipat ng school next year?"

"Po? Kayo po ang bahala ni Mama,Pa." ang sagot ko at tumingin kay Mama. Nginitian ako ni Mama at may parang kung anong mainit na humaplos sa puso ko.

"Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka. Nasa kwarto lang kami." ani Mama at tumayo na din. Pumasok na sila sa kanilang kwarto,ganon din ang ginawa ko.

Pagpasok ko palang ng kwarto ay napakagat labi ako. Ang dami naming alaala ni Chance dito,dito namin unti unting binuo ang pagmamahalan namin. Paano ako makaka move on? Kung bawat parte ng bahay na ito ay may alaala niya? Kaya ko ba?

Napatingin ako sa kama,nandun padin sina Chaji at Chaki.

Agad akong humiga sa kama,niyakap ko sina Chaji at Chaki. Pumikit ako at inalala yung mga panahong magkasama kami ni chance sa kwarto na ito.

Sana,pagkagising ko eh hindi na ako iiyak. Nakakapagod kasi eh,nakakapagod na sa lahat ng aspeto.

Pagod ako,pero alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko si Chance,mawawala ba ang nararamdaman ko para sa kanya? Hindi ko alam.

Basta,ang huling alam ko ay nakatulog ako habang umiiyak.

kinabukasan ay mabigat ang katawan ko na bumangon. This is a new day,I have to start a new life.

Bumangon na ako at lumabas ng kwarto. Mukhang wala na naman sina Mama at Papa,gusto ko pa naman lambingin ang kapatid ko,mamaya na lang siguro pag uwi nila.

Pumunta na ako sa cr,naghilamos at toothbrush,pagkatapos ay pumunta ako sa kusina,may luto ng pagkain,sakto at kumakalam na ang tiyan ko.

Paborito ko pa naman ang ulam,adobong manok. Lumafang lang ako hanggang sa hindi na ako nakahinga sa kabusugan.

Nang tumayo ako ay saka ko lang naalala na baka nasa school sina Mama at Papa. Ito ang unang araw ng pagka suspend ko,ano na kayang nangyayari sa school? Maayos kaya naging usapan ng mga magulang ko at ni President?

Pagkatapos maghugas ng plato ay nagwalis naman ako. I want to keep myself busy. Nang matapos ay saka ako naligo at nag isip kung saan ako pwedeng pumunta para malibang naman ako kahit papaano.

Alam ko na,pupuntahan ko si Adz,siya lang naman ang malapit dito sa akin,at isa pa isa sya sa pwedeng makapag pawala ng lungkot ko.

Pagdating kina Adz ay saktong nakita ko siya sa labas ng gate nila,nang mapansin niya ako ay ngumiti agad at parang nagmamadaling nagpaalam sa kausap sa phone.

"Oy! Kiji! What brought you here?" anito ng makalapit ako,ang lapad agad ng ngiti ng mokong.

"Wala lang." ani ko at ngumiti.

"Totoo ba ang nakikita ko? Namamaga ang mga mata mo? You look awful!"

"Alam ko! Huwag mo ng idiin pa!" sabi ko na ikinatawa ni Adz.

"Mukhang alam ko na ang nangyari. Gago talaga yung kulugo na yon." sabi ni Adz at napapalatak. "Tara mag fundae sa 7/11 at pag usapan natin yan."

"Sige ba! Yun lang naman talaga ang habol ko kaya kita pinuntahan! Ang fundae!"

"Pwede ka ng umuwi Kiji!" nakasimangot na sabi ni Adz na ikinatawa ko.

"Yun nga,kailangan ko na lang tanggapin." pagtatapos ko sa kwento,nandito pa din kami sa 7/11 at kumakain ng fundae.

"Sinabi niyang mahal ka niya,pero ilang beses sila nag sex nung babae? Tapos hindi ka pinili ni Chance? Thats weird." ani Adz na halatang hindi makapaniwala.

"You know Chance,babaero siya bago naging kami." sabi ko naman.

"Yun na nga,kilalang kilala ko si Chance,Kiji. Mahal ka niya at totoo yun."

"Hindi na niya napanindigan Adz. Anong laban ng bakla sa babae? Wala,kahit baliktarin ang mundo,wala Adz,wala."

"Hoy! Kalma! Makain mo ng buo ang fundae eh!" natatawang sabi ni Adz. "Ang gusto ko lang naman sabihin,Kiji. Hindi mo ba naisip na may anumalya? Na baka hawak sa leeg nung babae si Chance? Na baka may pinapainom siya kay Chance kaya na adik sa sex? There are so many possibilities Kiji,dont close your mind."

Napakagat labi ako,kasi totoo,hindi ko naisip ang mga iyan,oo nga at inintindi ko si Chance,pero damdamin ko padin ang inuna ko.

"Pero bakit hindi na niya ako pinanindigan? Yung pagmamahal na sinasabi niya Adz?" ang pagpupumilit ko pa din.

Huminga ng malalim si Adz bago naging seryoso at tinitigan ako.

"Kasi Kiji. Baka naisip ni Chance na hindi ka niya kayang panindigan sa ngayon,alam nyang nagkamali siya. Pero ang mga taong nagkakamali Kiji ay gumagawa ng paraan,hindi man nila maitama pa ang mga maling nagawa nila,panigurado namang babawi sila. Please don't lose hope,gusto kong kayo padin ng gagong iyon hanggang sa huli." mahabang sabi ni Adz na talagang nagpa isip sa akin.

"Adz.."

"Pinapalamig pa siguro ni Chance ang sitwasyon. Magalit at isumpa man siya ng marami dahil sa mga ginawa niya,ikaw alam kong tatanggapin mo siya. Mahal na mahal mo siya diba?"

"Sobra Adz,sobra kaya sobra din akong nasasaktan." inubos ko na yung apa ng fundae dahil sa pagkaseryoso ni Adz.

"Ang pagmamahal Kiji ay hindi lang sa sarap,ang pagmamahal ay pagtanggap. Pagtanggap sa pagkakamali ng taong mahal mo. I know this won't make sense pero naisip mo na ba na alamin talaga ang pinagmulan? Hindi ka pwedeng basta bumitaw. Naiintindihan kong napagod at nasaktan ka,pero ang kaibigan ko ba hindi napagagod at hindi nasasaktan? Doble ang kanya Kiji kasi nagkamali siya,at ngayon siguro hindi na niya alam kung paano babalik sayo."

Hanggang sa makauwi ako ay yung mga sinabi ni Adz ang nagpa ulit ulit sa isipan ko. Bigla akong nahiya,totoo ang sinabi niya na hindi lang ako ang nasaktan at mas doble pa ang kay Chance.

May parte sa akin na gusto ng tuluyang lumimot,may parte din na gusto pa ulit ilaban ang pagmamahalan namin Chance.

Ang sakit sa ulo! Parang sasabog ang dibdib ko! Bakit ba naman kasi ang aga kong lumande eh? Sana pala mas nag focus ako sa pag aaral,ayan tuloy ito ang napala ko.

Bumangon ako sa kama at naisipang mag internet,hindi na kasi ako nakabili ng bagong phone eh,diba nga nag swimming siya nung malunod ako.

Pero saan ako mag i-internet? Gusto ko din kasi talagang kontakin ang tropa,sina Aiko,Karissa,Teban at Khaim. Gusto ko mas malibang.

Bahala na! Sa may Ingen sa kanto na lang ako mag i-internet.

Pagdating sa kanto ay para pa akong tanga na nagmamadali. Napalingon ako dun sa daanan papunta sa Sagad,dun ko unang nakita si Chance,umiihi kahit may nakalagay ng bawal umihi dun.

"Kiji! Thank God! Akala ko mahihirapan akong hanapin ka." napatigil ako sa nagsalita sa likod ko,nilingon ko ito agad.

"Arloo? Anong ginagawa mo dito?" ang taka kong tanong. Naka uniform parin siya,hindi pa umuuwi ang gago.

"Dumaan ako sa kinakapatid ko at naisipan din kitang puntahan. Buti at dito pa lang nakita na kita. Sama ka naman sa akin?" direderetsong sabi ni Arloo.

Napalunok ako,sasama ba ako? Hanggang ngayon hindi ko pa din nakakalimutan yung nangyari sa amin. Ni hindi ko nga alam paano siya kakausapin ng deretso.

"Ano,Arloo,." napatingin ako sa paligid,paano ba ako tatakas.

"C'mon. Huwag mo akong tanggihan,gusto lang kitang pasayahin,alam kong malungkot ka pa din." ngumiti si Arloo,nawala ang pangamba ko,oras naman na siguro para suklian ko ang kabaitan niya sa akin.

"Sige." pagpayag ko at ngumiti din.

"Yan! Ganyan,ngiti lang! Lets go!"

Agad nyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako.

Bahala na si ibong adarna!