webnovel

Ang Bastos Sa Kanto I (Part 24)

"Chance! Kiji!" sigaw ni Papa kaya agad kong tinulak si Chance.

"What's the meaning of this??!" sabi namam ni Mama at namewang pa. Napalunok ako,ito ang kauna unahang nakita nila ako na involve sa lalaki.

Napatingin ako kay Chance,seryoso ang mukha nya. Sino sng uunang magsasalita sa amin?

"Walang gustong sumagot?!" singhal ni Papa na ikinagulat ko. Napailing naman si Mama.

"Sinisinok po kasi si Kiji kaya--'

"At halik ang pang tanggal sa sinok?" ang pamumutol ni Papa sa sasabihin ni Chance.

"May tinatago ba kayo sa amin!" pag segunda naman ni Mama.

"Wala/Meron po." sabay maming sabi ni Chance kaya tiningnan ko siya ng masama. Nagkatinginan sina Mama at Papa.

"At ano yon Chance?' sabi ni Papa na naniningkit ang mga mata.

Hindi na ako makagalaw at maka hinga sa sobrang kaba. Gago tong si Chance,anong sasabihin niya?

"Matagal na po--"

"Naiintindihan namin." pamumutol na naman ni Papa sa sasabihin ni Chance. "Matagal na naming napapansin na may relasyon kayo"

Nalaglag ang panga ko sa narinig,maging si Chance ay napanganga.

"Ayun naman pala eh.welcome to the family Chance. Boto kami sayo." nakangiting sabi naman ni Mama na ikinaluwa ng mga mata ko.

Ano daw? Oh my gowd!

"Kung ganon,lets celebrate! Tara na at maghapunan. Tapos inom tayo ng kaunti Chance." naka ngiti ding sabi ni Papa. Sabay na sila ni Mama na nagpunta sa kusina,napatingin ako kay Chance.

"Ano daw? Anong nangyari?" tanong ko sa gago na parang ngayon lang din naka recover.

"Ewan ko." Pagkibit balikat niya.

"Bakit hindi mo itinama?!" asik ko sa kanya.

"Bakit ako? Ikaw nga yung anak ikaw pa ang nanahimik at nakanganga lang the whole time."

Sinapak ko nga sa braso. My gowd! Kailangan maitama ko ito,si Ohm ang boyfriend ko at hindi si Chance,my gowd talaga!

"Bwisit ka! Kung bakit mo kasi ako hinalikan?"

"Para magulat ka at mawala ang sinok mo. See? Effective?!." sinapak ko ulit.

"Nawala ang sinok ko dahil kina Mama at Papa hindi dahil sa halik mo! Mga pauso mo talaga!" inis kong sabi kahit na deep inside ay parang gusto ko ng mag cartwheel at bending dahil sa kilig ng halik niya.

"Sus,nagustuhan mo naman,alam kong matagal mo ng inaasam ma mahalikan ulit kita,Kiji." naka ngising sabi ng bastos kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ano ng gagawin natin ngayon?" sa halip ay sabi ko na lang.

"Ewan,edi sakyan na lang natin ang pagkaka alam nila." sagot niya kaya automatic na naghugis letter O ang bibig ko.

"Kiji,Chance! Sobra na ang oras ng lambingan,tara na at maghapunan na!" ang sigaw ni Mama at nauna pang tumayo si Chance.

Pagkatapos kumain ay uminom.nga sina Papa at Chance. Ako naman ay nagkulong sa kwarto at iniisip ang mga nangyari.

Paano na ito? Paano ko sasabihin kina Mama at Papa na mali ang hinala nila samin ni Chance? Na si Ohm talaga ang boyfriend ko?

Ano ba yan?! Madali akong tatanda nito kakaisip eh!

Nakatulog na lang ako sa kakaisip,naalimpungatan ako ng maramdaman kong tumabi na si Chance. Palihim kong dinilat ang mga mata ko,yakap niya si Chaji at naka boxer brief na lang siya.

Papatayin talaga ako ni Chance,sinusubok niya ang kahuli hulihang hibla ng pagtitimpi ko.

Huminga ako ng malalim at pumikit na.

Kung pareho lang tayo ng nararamdaman Chance,masaya siguro tayong dalawa. Pero hindi eh,malayong magka gusto ka sa akin,walang patutunguhan ang pagmamahal ko sayo. At hanggat kaya ko pa talaga ay papatayin ko na ang damdamin ko para sayo,at alam kong matutulungan ako ni Ohm.

Ayokong maging unfair kay Ohm,dapat tumbasan ko din ang pagmamahal niya.

Napigil ko ang hininga ko ng maramdaman kong yumakap sa akin si Chance. Kumalabog na naman ang dibdib ko,ayokong dumilat dahil magkaharap kami patagilid. Ramdam ko ang init ng katawan niya at naaamoy ko din ang mabango niyang hininga na nahaluan ng amoy ng beer.

Chance,parang awa mo na. Tumigil ka na,alam kong hindi mo alam ang mga ginagawa mo. Pero kasi umaasa talaga ako pag ganito,at sobrang nasasaktan na ako na hanggang dito lang tayo.

"Nasasanay na ako sa amoy mo Kiji." mahinang sabi ni Chance at parang tumigil sa pagtibok ang puso ko.

Ako din Chance,nasasanay na ako sa lahat ng ginagawa mo. Pero kailangan matigil na ito,ayaw kong maging unfair kay Ohm.

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog. Basta nagising na lang ako na may yumuyugyog sa akin. Pagdilat ko ng mga mata ay si Aiko pala.

"Buti naman at gising ka na. Akala ko kailangan pa kitang sampalin para magising ka.'

Pupungas pungas akong bumangon at tiningnan si Aiko ng masama.

"Anong ginagawa mo dito? Linggo ngayon pagpahingahin mo ako."

"Well hindi lang ako. Nasa sala ang buong tropa at hinihintay kang bakla ka."

"Huh? At bakit?"

"Mag impake ka at maligo na. May outing tayo at huwag kang umarte dyan kung ayaw mong sikuhin ko ang ngalangala mo. Move!" sigaw ni Aiko kaya parang natanggal ang natitira ko pang antok.

Ayun nga,si Khaim pala ang nag set nito,pupunta daw kami sa Calatagan batangas para mag outing. May driver siya at van nila ang gamit namin. Natulog lang ako buong byahe kahit na ang totoo ay groggy pa din ako dahil kay Chance kagabi.

Kami kami lang talaga,bawal daw ang magdala ng mga asungot,next outing na lang daw magsama. Pinabayaan ko lang sila sa nga chikahan nila,si Chance ang katabi ko kaya parang hindi din ako makatulog.

Pagdating sa beach sa Calatagan ay sobrang mangha ako. Pagkakita ko pa lang sa dagat ay alam ko ng tinatawag na ako ng mga kalahi kong sirena.

Maganda ang cottage namin dahil may taas,yung driver ay taga dito pala kaya umuwi muna sa kanila at babalikan na lang daw kami bukas.

"Absent tayo nito bukas." ani Teban habang inaayos namin ang mga pagkain at iba pang dala namin.

"Nagpaalam ako sa nga teachera natin kaya walang problema." sagot ni Khain na naka ngiti.

"Boyscout ka talaga." ani Karissa at pumalakpak pa,mukha tuliy syang utistik.

"Yan si Khaim,maasahan." dagdag pa ni Aiko.

"Hindi naman,gusto ko lang talagang makasama kayo sa ganito." nahihiyang sabi ni Khaim na ikinangiti ko.

"Yun oh! Idol" at nakipag high five si Teban kay Khaim.

"Salamat Khaim ah? Kahit biglaan." sabi ko naman.

"Mag enjoy lang tayo." ani Khaim.

Teka?! Nasan na si Chance? Nakita kaya siya ng tropa kanina sa bahay?

"Teka,hanapin ko lang si Chance." paalam ko sa kanila. Habang naglalakad ay naisipan kong itext si Ohm,hindi nga pala ako nakapag paalam sa kanya.

Pagkuha ko sa bulsa sa cellphone ko ay nadismaya ako. Patay ito,hindi ko nga pala nacharge,mamaya ko na lang itetext si Ohm.

Ang init init na! Ala una na siguro,at ang bastos na Chance naglalangoy na pala! Excited lang? Sireno siguro siya sa past life niya.

Hindi nagtagal ay kumain na kami at nagtampisaw sa dagat. Kung anu ano ang pinag gagawa namin,para akong bumalik sa pagkabata.

Pag sapit ng gabi ay nag bonfire kami at nag inuman at kwentuhan.

"Alam niyo sabi ng kakilala ko hindi daw niya magets ang same sex love. Okay lang daw na brotherly love,pero yung love talaga na pang boyfriend nandidiri siya. Baklang bakla daw." ani Karissa.

Napatingin ako kay Khaim at Teban na mga katabi ko,sa harapan namin sina Chance,Aiko at Karissa.

Tiningnan ko si Chance,pokerface na naman siya kaya sina Teban at Khaim ulit ang tiningnan ko. Ano kayang iniisip nila? I mean si Khaim nagkagusto sa akin dati,at ngayon si Teban naman mukhang sa lalaki na din nagkaka gusto.

"It doesnt always mean na pag nagmahal ka ng kaparehong kasarian ay bakla ka na. When it comes to love,walang gender at walang label." ang biglang sagot ni Khaim.

"Wow! Dahil ba yan kay Kiji?" ani Karissa.

"Yup. Yun ang natutunan ko. Maging open lang tayo sa lahat ng bagay,matuto tayong tumanggap." sagot ni Khaim. Nakaramdam tuloy ako ng hiya.

"Naka move on ka na kay Kiji." ani Aiko.

"Excuse me? Nandito pa ako." pagsingit ko sa usapan nila at nagtawanan sila,maliban kay Chance na parang may malalim na iniisip.

"Oo naman,kay Kiji ako natutong magmahal eh." sagot ulit ni Khaim at parang kinilig sina Aiko at Karissa na hinila ang damit ko,mga baliw.

"Paano ba mahalin ang kaparehong kasarian?" biglang tanong ni Teban kaya sa kanya kami lahat napatingin. Aamin na ba siya sa amin?

"Mahirap ipaliwanag. Basta pag nag mahal ka,huwag ka matakot sumugal. Love is taking a risk,pag nanalo ka edi masaya,pag talo ka tanggapin mo. Atleast may natutunan ka at hindi ka magsisisi na hindi ka sumubok. Thats love,same o oppositte sex you have to give your best shot,pero mahirap talaga ipaliwanag kung paano mahalin ang same sex. Bakit?" sagot at tanong ni Khain kay Teban.

Nagkatinginan kaming lahat,nakakahanga si Khaim wala akong masabi. Deserve niyang sumaya.

"Wala naman." ani Teban na parang naliwanagan. Kailan kaya sya aamin? "Maiba ako,ano masasabi mo sa boyfriend ni Kiji?!"

"Teban!" Suway ko dito,napa diretso ng upo si Chance at napalingon ako kay Khaim sa tropa ay si Khaim at Teban lang ang nakaka alam ng damdamin ko para kay Chance.

"Bakit? Opinyon lang naman ng dating nagmamahal sayo. Ang hirap kasi aa iba dyan,babagal bagal. Napaka duwag." ani Teban. Napatingin ako kay Chance.

Para syang biglang nawala sa mood at salubong na mga kilay niya.

"Okay naman si Ohm,alam kong mahal niya si Kiji at mamahalin dij siya ni Kiji." sagot ni Khaim at bumaling sa akin "Diba Kiji?"

"Ha? uhm oo naman--"

"Inaantok na ako. Mauna na akong matulog." pamumutol ni Chance at tumayo na at naglakad papunta sa cottage.

"Torpe." ani Khaim.

"Yan napapala mo." sabi naman ni Teban.

Sinundan ko ng tingin si Chance.

Bakit Chance? bakit ka nagkakaganyan?