webnovel

Lunaire Academy: Wizards and Witches Saga

MIRA LUNA CRESCENCIA is a simple lady na nag-aaral sa Heather University. Nagbago ang kaniyang buhay nang makilala niya ang wizard-warlock na si Loki na may misyon sa mundo ng mga tao and it is because she has a magical power katulad ni Loki na isang wizard-warlock, siya naman ay isang witch. She was dragged by Loki to a hidden academy in a city of another world called Lunaire city upang mahasa pa ang kapangyarihan na mayroon siya.But, the real journey will start there and the rest of the story is history. NOTE: No part of this novel may be copy, reproduced or transmitted in any forms by any means. Please respect the author. PLAGIARISM is a Crime

Shiani_chii · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
33 Chs

Death Match

"Death Match?!?" sigaw ng mga kasama ko sa Silver Moons, maging ang ibang Lunaireians.

"Are you really sure about that? Prof. Emmilline?" Calum asked as his jaw left hanging open.

"Oo nga po, we are still students at gusto niyo po na magpatayan kami? Right here? Right now?" angal na patanong ni Wainsley Worth ng Twilight Flame.

Humalakhak ng tawa si Prof. Emmilline dahilan para makuha niya ang atensiyon namin lahat. We are all dumbfounded. Narinig ko rin mula sa ibang Lunaireians na nagbubulung-bulungan na nababaliw na si Prof. Emmilline. Some of them murmured that she was a crazy jerk professor. Muling silang nagsalita kung kaya't tumahimik muli kami saka nakinig.

"Hindi por que death match, magpapatayan na kayo rito. What I wanted you to do... Is to give your best and show your true power to me. This is just a test. Dito ko rin malalaman kung karapat-dapat ba kayong mabigyan ng grimoire." I saw Prof. Emmilline smirked. Nagtaka rin ako kung ano ba ang sinasabi niyang grimoire, habang ang iba namin kaklase ay tila nabuhayan ng loob at mukhang ganado ng sumabak sa death match na tinutukoy ni Prof. Emmilline. Out of my wonderment, I unconsciously asked, "Anong grimoire?" Bahagya akong nagutla nang magsalita si Luccas.

"Grimoire. Isa siyang book na naglalaman ng mga spells related to your magic. Para rin siyang isang wand. Pero ang wand kasi, ginagamit lamang kapag saulo at gamay ng spell caster ang isang spell. Ang grimoire ang magsisilbing gabay ng isang wizard, warlock or witch sa isang labanan. You can also create a new spell using the grimoire, pero makakagawa ka lang ng panibagong spell depende sa power level na naabot mo," Lucas explained as I noticed that my comrades were paying attention to his explanation.

"I see," iyon na lamang ang naisagot ko kay Luccas, dahil malinaw at detalyado ang paliwanag niya sa akin tungkol sa grimoire. Ngunit, muli akong nagtanong, "Ibig sabihin, wala pa rin kayong mga grimoire, kahit mayroon na kayong natatanggap na misyon?"

"Yeah... Kind of," pagmamayabang na sagot sa akin ni Loki.

Alam ko naman na sobrang galing at talented mo pero hindi mo naman kailangan na yabanga pa ang sagot sa akin. I thought as I pout unconsciously.

"Actually, ang mga misyon na ibinibigay sa amin ay depende sa aming kapasidad at abilidad. Kung sa tingin nila Mrs. Clementine na kakayanin namin, kailangan namin tanggapin ang misyon." sabat ni Gwydion.

"Pero aminin na natin, ang pagkakaroon ng sariling grimoire ang matagal na nating hinihintay," ani Rincewind na seryoso ang ekspresyon ng mukha sa amin.

I heard Gwen sighed, "So Silver Moons, right? Okay. Seryoso na tayo. Kailangan lang naman natin ipakita ang magic natin sa kanila. Sabi nga ni professor crazy woman, ibigay natin ang lahat ng makakaya natin sa match na ito."

"Tama si Gwen. Isang grupo tayo ng wizards dito. Warlocks man or witches, we are one. Walang mahuhuli, walang iwanan," ani Phyra.

"I was moved by your short speech Phy," Verdana giggled as she embraced Phyra. Isip-bata talaga si Dana. I thought as I saw her embracing Phyra.

Napukaw ang aming atensiyon nang may biglang lumabas na liwanag sa harapan naming lahat. Nagmistulang screen ng telebisyon ang tumambad sa harapan namin na ikinamangha namin lahat, kaya naiwang nakanganga ang aming mga bibig. Nawala ang pagkamangha namin sa mahika na nakita namin nang nagsalita si Prof. Emmilline.

"Ako na ang nag-assign kung sinu-sino ang makakaharap ninyo. I will change the groupings, hindi na siya trio," Prof. Emmilline said while we were listening to her. Ang iba sa amin ay nagulat dahil sa sinabi ng propesor na papalitan niya ang groupings. "Kanina ko lang kasi napaglimian na mas maganda pala kung lima hanggang anim ang miyembro sa isang grupo."

Napakagat-labi ako sa mga sinabi ni Prof. Emmilline. Tumingin kaming lahat sa malaking screen na ginawa ng propesor gamit ang kaniyang magic. Nandilat ang aking mga mata kung sino ang makakagrupo ko. I was also shocked when I learned who will be our opponent in this death match.

Kumabog bigla ang puso ko dahil sa kaba. Pakiramdam ko binabayo ng martilyo ang aking dibdib sa bilis ng tibok ng puso ko. I admit that I cannot control my own magic and do combat attacks dahil baguhan ako, unlike these Lunaireians. Kampante naman ako dahil kasama ko si Loki at Verdana, kahit hindi ko pa nakikilala ang mga makakasama namin sa grupo. Pero ang dahilan kung bakit mas kinakabahan ako ay dahil makakasagupa namin sa death match na ito si Rincewind, at si Alice ng Night Shadow. Aside from that, hindi ko rin alam kung ano ang pinagmulan ng galit ni Alice sa akin. I sighed, though I felt troubled. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging kontribusyon ko sa labanan na ito. Bahala na lang, I thought.

Naramdaman kong may umakbay sa balikat ko. I could feel this electric current-like sensation dashing through my veins. I guess, it's him, I thought again. Nang nilingon ko kung sino ang umakbay sa akin, tumambad sa akin ang mukha ni Loki. Our faces were close to each other, mga three-inches ang pagitan. Then he smiled lazily at me, "Galingan natin. Don't worry, hindi kita hahayaang masaktan sa death match na ito. I will protect you."

From those statement, my cheeks flustered and my heart fluttered in happiness and anxiousness. Alam kong napansin ito ni Verdana kaya naman, hinawakan niya ang mga kamay ko, "Don't worry Mira, nandito lamang kami. Trust us," she smiled genuinely at me. Sino ba naman ang hindi kakabahan, kami ang unang grupo na sasalang sa death match. Someone behind us spoke and it caught our attention. I see, our teammates.

"Hey Loki. Ipakilala mo naman kami sa bago natin kaklase. I heard siya raw iyong isinama mo rito sa academy."

"You're right Leon, she is Mira Luna. Mira, meet Leon, Phyra's brother."

Nanlaki ang mga mata ko, "What?"

Leon laughed loudly, "Gulat na gulat ka? Nice to meet you Mira. Sana mai-panalo natin ang match na ito." Leon smiled at me playfully habang naka-thumbs up. His facial features was similar to her sister, yet his attitude was quite the opposite of Phyra. Napalingon ako sa katabi ni Leon nang nagsalita ito.

"Kumusta, I'm Rage Visco from Twilight Flame," he had this blank expression on his face as he speaks. Then, he gestured his index fingers and motioned it in a circular pattern and he said, "This is my Glass Magic."

Napangiwi kaming apat. Mukhang pare-pareho ang nasa isip namin. He was kind of creepy. Then, napalingon naman ako sa isa pang katabi ni Leon. Tahimik lamang siya, pero I could sense this immense magic from him. Nabasag ang kaniyang katahimikan nang magsalita si Leon.

"Loure, magpakilala ka naman sa newcomer." nakangiting sinabi nito habang tinatapik-tapik ang balikat ng lalaking nagngangalang Loure.

"Loure... Ravencraft" mabagal niyang sinabi.

My mouth hanged open. Ano ba naman itong mga naging ka-teammates ko. Sana makaraos kami rito. I protested on my mind. Muling pinukaw ni Prof. Emmelline ang aming atensyon.

"Ngayong mayroon na kayong mga teammates, at sa tingin ko naman ay magkakakilala na kayo. We will begin the death match in a minute. Too bad, may kulang na isa sa Night Shadow, at pabor naman ito sa Silver Moons dahil labing-isa lang sila. But, as I said a while ago, gusto kong ipakita ninyong lahat ang kakayahan ninyo. Huwag kayong mag-alala, walang talo o panalo sa laban na'to. Once this death match was done, we will proceed to the selection of grimoires. Understood?!?"

We answered in chorus, "Yes, professor!"

Nagdesisyon si Prof. Emmelline na lumabas kami kaya gamit ang Spatial magic ni Luccas. Hindi ko nasaksihan ang magic na tinataglay ni Luccas sa initiation namin kanina, kung kaya't inobserbahan ko siya matapos siyang tawagin ni Prof. Emmelline upang humingi ng pabor. Ngayon, narito kami sa malawak na espasyo ng academy. No buildings and anything. Just a plain field with bright green grasses. Buti na lang at makulimlim. Ayokong masunog ang balat ko sa init ng araw. Kanina lang, we were wearing Lunaire's school uniform, ngayon naka-P.E uniform na kami. Plain white t-shirt with Lunaire's logo and black jogging pants. Paano napalitan? Wala naman imposible sa mga kasama ko dahil kontrolado nila ang magic nila. Pero ako? Si Verdana ang gumawa ng paraan para mapalitan ang aking suot na damit using her magic. I'm so helpless. I thought as I sighed.

We were now standing at the center of the.field, posing a fighting stance. Thanks to Loki, five minutes before this match, gumawa na siya ng strategy at tinalakay isa-isa sa amin ang magical ability ng makakalaban namin. I hope his plan work, though alam ko na useless ako. At least, I will do my best para sa teammates ko. Napatingin ako kay Rincewind. Kanina pa niya tinititigan si Loki na tila gusto niyang bugbugin. His gaze was still fixing on Loki. Mukhang inaasar ng lalaking 'to ang pinsan niya, since kanina pa siya ngisi ng ngisi kay Rincewind. Kahit kailan talaga, mga isip-bata. Napabuntong-hininga na naman ako. My face became serious when Prof. Emmelline spoke.

"Team A, Team B. Get ready," I heard Prof. Emmelline caught a breath before she began to speak. "In Three. Two. One. Start!"

Diretsong sumugod si Rincewind kay Loki using his Lightning magic na naka-ipon sa kaniyang mga palad. Bago pa man makalapit si Rincewind sa pinsan, Loki murmured something. Bigla na lamang nabalutan ng armor na gawa mula sa kaniyang Lightning magic ang kaniyang katawan, saka sinanggahan ang atake ni Rincewind gamit ang kaniyang mga kamay.

I was dumbfounded by the intense magic that they emitted. Tao pa ba sila? Yes, tao sila but they are unique. But this kind of strength, hindi ko alam. My body froze, and I couldn't move my feet.

I glanced at Leon while throwing flames coming from his hands to one of our opponents, "Let's play, Von Marcus!" Leon murmured and gave off his powerful flames, "Flame Dragon's Roar!"

On the other side of the field, sabay nakikipaglaban si Verdana at Rage, "We'll definitely defeat you, Serena, Rotch," they both said vivaciously.

Shit. Bakit ba hindi ako makagalaw. Nababalisa na ako sa nangyayari. Naririnig ko rin ang mga kasama ko sa Silver Moons na nagche-cheer sa amin. Pero tila hindi pumapasok sa tainga ko ang mga sinasabi nila. I came back from my senses when a hand patted me on my shoulder. It was Loure.

"Papunta na sina Whittaker at Fontanelli rito. Tandaan mo, Shadow magic ang ability ni Whittaker, she can do absorption magic also. On the other hand, Fontanelli is a blood witch. Hindi basta-basta ang mga babaeng 'yan."

I nodded at him. Then I said, "Hindi ko pa kayang kontrolin ang magic na mayroon ako. Ano magagawa ko?"

"Believe, and let the magic flow in your whole being," he grabbed my arm, then he spread his palm on the ground and a strong pressure pushed us dahilan para lumipad kami sa ere, "Destruction is my magical ability. But, I can cast a spell derived from my destruction magic, dahil naniniwala ako sa sarili ko. Believe in yourself, Mira."

Natalimuanan ako sa mga sinabi ni Loure sa akin. He was right. Maniwala lang ako sa sarili ko na makokontrol ko rin ang aking magic. I inhaled and exhaled gradually then, I closed my eyes. Isipin ko lang na kaisa ko ang aking magic. Confidence. Believe in yourself. Think of something. Lunar. Moonlight. Wings. Kailangan namin makalaban habang nasa ere kami.

Nawala ang konsentrasyon ko dahil sa narinig kong pagsigaw ni Verdana at Rage sa amin, "Loure! Mira! Mag-ingat kayo kay Carmilla!"

"They are using Carmilla's Blood Wings at papalapit na sila sa atin," Loure said then I heard him murmured a spell habang hawak-hawak ang aking braso, "Destruction Magic, Destructio Bomb." I perceived his intense magical aura that he unleashed against Carmilla and Alice while I am focusing on controlling and using my magic.

Kaya ko ito. Mira, kaya mo ito. I thought as my hands were shaking in fear. Naramdaman ni Loure na nababalisa ako sa takot, "Kahit hindi ko alam kung anong klaseng magic ang mayroon ka, but please Mira! Hindi ito ng oras para matakot ka! Wala tayong panama sa kanila hangga't kumikilos si Carmilla at Alice! Alice is draining our magical energies since the start of this damn match!"

Nanuot sa aking tainga ang mga sinambit ni Loure, ngunit nanatili pa rin ang konsentrasyon ko sa pagkontrol at paggamit ng aking magic. Lunar. Moonlight. Wings. Paulit-ulit umiikot sa aking isip ang mga salitang ito at nararamdaman kong unti-unting umiipon ang magical energy ko sa aking likuran, saka may biglang bumulong sa akin, na ito ang marapat kong sabihin. I opened my eyes slowly then, I heard myself murmured unconciously, "Lu-Lunar Magic, Wings of Moonlight."

Nagutla ako matapos kong makita kung ano ang naging resulta ng aking magic. I have wings attached on my back which was made out of immense moonlight magic. Lumingon ako kay Loure, mayroon din siyang pakpak na nagmula sa aking magic, ganoon din sina Loki, Rage, Verdana at Leon. Nanlaki ang mga mata ng buong Lunaireians at itinuon ang atensiyon nilang lahat sa akin. I gave a slight confident smirk. Kahit papaano, may maitutulong na ako sa mga kasama ko.

"Ang magic na ito. Mas... Mas nadadagdagan pa ang magical energy natin!" sigaw ni Leon at ngumisi. After casting my own spell, Loure shoved Carmilla with his powerful destruction magic na ikinatumba nito sa lupa. Loki defeated Rincewind, and as for my other teammates, they overthrown their opponents.

I saw Alice's lips puckered. She seemed vexed by my moonlight magic. Biglang lumakas ang magical aura niya, and I could sense it, "Don't get so full of yourself, Crescencia!" Alice's mocked me angrily. Then, she spread her hands widely in shoulder level, "Ultimus Magica Energia Absorbere!" Naramdaman namin na hinihigop ni Alice ang aming magical aura. Our magical aura was draining continuously, nang makaisip si Rage ng istratehiya. Using his glass magic, gumawa siya ng mga salamin at ginawa niya itong communicator upang maka-usap kami. Then Rage said, "Nawawalan na tayo ng magical energy dahil sa magic ni Alice. Naisip ko, matatalo natin siya kung patuloy tayong maglalabas ng magical energies hanggang sa hindi na makayanan ng katawan niya."

Sumagot si Loki, "Nice idea, walang mawawala kung gagawin natin."

Nagka-isa kami sa iisang plano, kung kaya't patuloy naming inilabas ang magical energies namin. Heto na naman. I could felt that my magic wants to overpower my body. Katulad nga ng sinabi ni Loure, I should believe in myself. Muli kong pininid ang aking mga mata. Then, I should release my magical energy gradually, para hindi rin masaktan si Alice. Kusang gumalaw ang aking pakpak at katawan, at lumipad ako papunta kay Alice. Narinig kong nagsigawan ang mga kasama ko dala ng pag-aalala. I opened my eyes and fixed my gaze at Alice. She was rampaging in anger. Then, I approached her, with my wings flapping slowly, and embraced her. Natulala si Alice sa ginawa ko, saka kumawala ang magical aura na inipon ko. Hindi ito nakayanan ni Alice, so she passed out. Don't worry, she was still alive.

Sumigaw Si Von Marcus, ang katunggali ni Leon, "Serena! Rotch!" matalim siyang tumingin sa akin mula sa kinatatayuan niya. Tila pinagplanuhan na ni Von Marcus at Serena ang lahat kung sakaling madedehado sila sa laban. Gamit ang string magic ni Serena, itinali niya si Von Marcus at inihagis direktang papunta sa akin, saka gumamit ng smoke magic si Rotch upang hindi ko siya makita. Balak niyang hawakan ako. Bago pa man ang laban, binalaan na ako ni Loki at Leon na copying magic ang ability niya. May posibilidad na gayahin niya ang aking magic. Von Marcus casted a spell, and his hands were covered in translucent light. Sinubukan kong umiwas, but I failed. He touched my shoulder already and he smirked at me teasingly. I am expecting na magagaya niya ang magic na taglay ko, but I was wrong. Von Marcus was shocked, ngunit binawi niya ang gulat na ekspresyon sa kaniyang mukha, then he grinned, "Flame Magic, Flame Drag—," hindi na natapos ni Von Marcus ang sasabihin ng sinuntok siya ni Loki at tumalimpad malapit sa puwestong kinatatayuan ni Prof. Emmelline then Loki said, "Don't ever dare to lay a finger on her." nanlilisik ang mga mata ni Loki kay Von Marcus. I felt my cheeks flustered, at muling bumalik sa akin ang alaala ng unang pagkakataon na nagkakilala kami. Nasa likuran ni Loki si Rincewind na mukhang nag-aalala rin, habang itinali naman ni Verdana sina Serena, Rotch at Von Marcus gamit ang kaniyang plant magic. It seems the first match is over. I said to myself.

We heard the sudden applause of the crowd on us and I heard them murmured, "Grabe, ang galing nila," then Prof. Emmelline commended us, "Good job! But, let's take your classmates to the clinic."

"You're magic is fantastic, Mira!" Rage complimented me. "Thank you," I humbly responded him as I smile. Sunud-sunod ang pagbati sa akin ng mga kasama ko—my new friends rather, at napapakamot na lang ako sa aking ulo habang nagpapasalamat sa kanila. From the corner of my eye, I could see Loki, gasping and showing off his brightest smile at me. I looked at him suddenly, then I smiled back brightly too. Tumikhim si Rincewind habang naglalakad palapit sa akin kaya napalingon ako sa kaniya. Then, he smiled slily at me and he whispered, "You're one step ahead on becoming a princess," Nandilat ang mga mata dahil sa pagkagulat. Does he know my secret?

Hello my dear readers!

I'm truly sorry dahil hindi ako nakpag-UD agad dito. I was busy with my Practice taching kaya hindi ako nakakapag-update. Then, hindi rin natuloy ang final demo teaching ko because of the pandemic. Actually, sa wattpad, nakapag update na ako hanggang chapter 29 ng Lunaire Academy, at ngayon, ihahabol ko ito sa WebNovel! Alam ko naeexcite kayo sa mga mangyayari kaya here it is magu-upspree ako ng 29 chapters this week! Hope you leave comments and votes in every chapters.

Shiani_chiicreators' thoughts