webnovel

LUCKY THIRTY ONE

CHAPTER 31

LUCKY'S POV

"Luis Manzano, awat na kumota na ang pozo negro sa pupu mo!" malakas na sigaw Andi sa labas.

'Kingenang negra 'to mamaya isipin ng makakarinig tumatae talaga ako!'

"Pakyu ka nagtu-toothbrushako. Sunod ako mauna na kayo bumaba." ganting sigaw ko at nagmamadali ko hinugasan ang toothbrush ko sa sink. "Mga atat masiyado tatambay lang naman." Mahinang bulong ko habang ipinapasok ang toothbrush sa pouch ko. Inililigpit ko nalang ang ilang gamit ko ng makaramdam ako ng pagkaihi. Ito pa naman ang pinaka ayaw ko kapag napaparami ako ng inum ng tubig ihi ako ng ihi, nababali-sawsaw kasi ako. Bitbit ang bag dumirecho ako sa pinaka malapit na cubicle at isinara ko ang pinto.

Palabas na sana ako ng pinto ng may narinig akong pumasok at nag uusap ng pabulong. I don't know but by instinct huminto ako saglit at hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Nakinig muna ako saglit. Weird. Bakit kailangan nilang magbulungan sa loob ng CR? Imposibleng sina Andres at Marlon ang pumasok dahil daig pa nila ang naka speaker phone kung naguusap. Idinikit ko ang tenga ko sa pinto.

"Paakyat na daw siya." Boses iyon ng isang lalake. "Kailangan mabilis ang maging kilos mo at dapat walang makaka kita."

'Sino na naman kaya ang trip ng mga 'to?'

Hindi ko naman nilalahat pero ganyan talaga silang mayayaman nagiging hobby nila ang pagtripan ang isa't isa. I-bully ang mga kaibigan, kaklase o kabarkada. Madalas naming masaksihan nila Andi ang mga kalokan nila sa loob ng campus pero deadma lang kame. Sa bagay kahit naman sa mga pampublikong paaralan at sa dati kong eskwelahan ganun din naman ang siste. Mga teenagers na walang magawa kaya pati kapwa nila pinagtitripan nila.

"Basta siguraduhin mong walang makaka kita at dapat perfect ang timing mo, kundi pare-pareho tayong malalagot sa kanya." Mahinang sagot naman ng kasama niya.

Nakinig lang ako at 'di ako gumawa ng kahit na anong ingay. Ewan ko pero kinukutuban ako ng kakaiba sa paraan ng pag uusap nila. Huwag na huwag kong malalaman na ang mga kaibigan ko ang pinagti-tripan nila kundi pagpapalitin ko talaga ang mga ulo nilang dalawa. Sumpa ko yan!

"Hello?! Oo nandito na kami.. Masusunod boss. Bye!"

"Bilisan naten paakyat na yun ngayon sigurado." Nagmamadaling yaya nung kasama niya.

Nang wala na akong marinig na anumang ingay at bulungan sa loob saka ko dahan dahan binuksan ang pinto ng cubicle. Sumilip ako sa kaliwa at kanan. Clear. Saka ako lumabas na cubicle at lumabas ng CR. Sumilip ako sa magkabilang hallway kung may tao pero wala naman.

"Sino naman kaya inaabangan ng mga yun?" muli akong lumingon sa loob pero ako nalang talaga yung tao sa loob.

Magkadikit lang ang CR at ang stairs, kaya isang kembot lang nasa hagdanan kana. Nakayuko ako habang naglalakad pababa pero naagaw ng atensiyon ko ang isang student na paakyat na may dala dalang magkaka patong na libro.

"Tss!" dining kong singhal niya.

Whattaa day! Sa dinami dami naman ng mga students na pwede kong masalubong si Amber pa talaga ang maswerteng taong yun.

'Thank You Lord sobrang bait niyo po talaga sa akin!'

Sigh. Hindi pa naman ako ganun kasama at nakaramdam ako ng konting awa dahil mukhang mabigat ang mga dala niya. Kahit labag sa loob lumapit ako at sinalubong siya sa gitna.

"Mukhang mabigat yan, need help?" alok ko at pareho kaming huminto sa gitna.

"You wanna help?" maarteng sagot niya at tumango ako. "Then get lost fag, that's a big big help." Sarkatiskong sagot niya na may kasamang irap. Ilang segundo pa kaming nagkatitigan at nagkibit balikat lang ako dala ng pagkahiya bago niya ituloy ang naudlot na pag akyat.

'Tss, malamang nasalubong din 'to nila Andres habang pababa sila kanina kaya badtrip na badtrip 'to si Barbie. Hehehe!'

Habang pababa kinakapa ko sa bulsa ng bag ko kung naipasok ko ba ng maayos ang tootbrush na ginamit ko kanina kakamadali. Natanaw ko na yung dalawa sa baba habang nag aantay. Ilang hakbang nalang ako papalapit sa kanila ng biglang akong may narinig na malakas tili ng babae na sinundan ng malakas na kalabog galing sa itaas.

**BLLAAAAAGGGGGGGG!**

"A-Ano yun?!" natatarantang tanong ni Marlon at habang papalapit ako sa kanilang dalawa. Huminto ako at lumingon ako sa pinanggalingan ko. Ang tanong sino yun?

'"Seshie sino yung hitad na tumili?" lumapit sila sa akin at pareho pareho kaming nakatingala sa taas.

"Ewan ko.. sa taas galing yung ingay paano ko malalaman?" pabalang sagot ko. Hindi ko tuloy maiwasang maiirita kapag naaalala ko si Barbie. Nag mamagandang loob na nga inasiman pa ako kanina.

"SI AMBERRRR!!!" magkasabay na sigaw ni baklang Marlon at Andi at sabay takbo paakyat kung saan nanggaling ang ingay. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Pinagpawisan ako ng malamig sa mga imaheng pumarada sa malisyosang sa isip ko. Mabilis akong napasunod sa kanila at parang hinahalukay ang tiyan at dibdib ko sa kaba.

PAKENENGSHET! Huwag sanang tumama ang hinala ko.

Halos bumangga ako sa dalawa kakamadali ko umakyat. Tulala silang pinagmamasdan ang walang malay na si Amber katabi ng mga nagkalat nitong mga libro. Pinagpawisan ako ng malamig sa nakikita ko. Parang binabayo ng paulit ulet ang dibdib ko sa sobrang takot at kaba.

Kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag. I feel guilty na hindi ko maintindihan. Kinakabahan ako sa kadahilanang ako ang huling taong naka salubong niya kanina bago mangyari ang aksidenteng ito.

Wala namang ibang naka saksi sa nangyari bukod sa aming tatlo nila Andi at Marlon. Kaya malamang sa alamang ako talaga ang magiging prime suspect nila. Sigurado yun lalo na't may alitan kami nitong huli. Kaya minabuti ko munang huwag munang magsalita at manahimik. Inalam ko muna kung anong kalagayan ni Amber. Nilalabanan ko ang sarili kong huwag mag panic. Kinakabahan ako ng sobra sobra pero wala akong magagawa kundi ang kumalma kahit napaka imposible.

May kinalaman kaya dito ang dalawang estudyanteng nag uusap sa CR kanina? Si Amber kaya ang tinutukoy nilang paakyat at inaabangan nila? Pero napaka impossible naman ata nun? Untouchable si Amber sa Carlisle kaya napaka imposibleng may student na maglalakas loon na mang trip sa kanya sa estado niya sa campus.

'Ang swerte ko nga naman. Sa dinami dami ng students sa campus na pwede niyang makasalubong ako pa tlaga ang huling nakita niya.'

Kingenang yan! Napaka perpekto naman ata ng timing at sa dinami dami ng taong pwede niyang makasalubong nagkataon pang nangyari ang aksidente sa mismong oras na pagkababa ko? Unless may may palano talaga sila na ako ang pagbintangan? Pero napaka imposible naman ata nun, hindi naman ata papayag si Amber na maging pain sa saril niyang plano para lang ma kick out ako. Unless ganun talaga siya ka desperadong mapaalis ako sa campus at isusugal niya ang sarili niya para sa ganito kababaw na dahilan at mga plano.

Si MJ naman ang isang pinag hihinalaan ko. Nakita daw niya ako bago bumaba kanina? Weh? Nung sumilip ako sa hallway wala namang ibang tao dun kundi ako. Pero malabong siya 'e. Kamay ng lalake ang nakitang tumulak sa cctv video sigurado ako dun at tumutugma yun dun sa dalawang estudyanteng narinig ko sa CR kanina.

Bakit si Amber? Si Amber na iniilagan ng mga students dahil sa kamalditahan niya bukod sa sila ang may ari ng Academy. Wala akong maisip na pwedeng bumangga sa kanya bukod sa akin dahil ako lang naman ang may lakas ng loob na pumatol sa mga kababawan niya nitong huli.

Pilit kong kinakalma ang sarili ko sa nanyayari kahit malapit na akong lamunin ng takot dala ng matinding pagkataranta ng mga kasama ko. Nagulo lang ang concentration ko ng sumulpot kung saan si MJ Belmonte na agad nag hysterical sa nakita.

Tama naman ako sa hinala kong ako ang magiging prime suspect nila. Dahil ako lang ang latest target ng Pink Rangers at alam ng lahat ang eksena namin last week. EXCEPT kay Andi, Marlon at Wesley. Alam kong maniniwala sila sa akin ng walang alinlangan.

At isa pa 'tong pisting payatot na 'to ang dami dami ko na ngang inisiip dumagdag pa siya. Hindi ko lubos maisip na huhusgahan niya akong ng ganung kabilis. Buong akala ko okay na okay kami after ng party ni Marlon. Hindi ko naman siya masisisi. Si Barbie yung nakahandusay sa sahig na walang malay, ex niya yun at sino naman ako para kampihan niya diba? Well kagaya rin siya ng ex niya at ni MJ na may saltik din ang judgement sa tao.

Nagtake out lang kami ng food sa canteen pagkatapos ng nakakasabaw na mga eksena. Tumuloy narin kami sa paborito naming tambayan. Pagod na ako mag isip ng mga bagay na hindi ko naman masagot. Buong akala ko ang Math subject lang ang kumplikadong bagay ngayong araw meron pa palang mas kumplikado. Lucky Me!

"Buti na lang kasama ka namin ngayon Wesley kundi na bembang na kaming tatlo sa Guidance Office or Security Office." Si Andi habang isinasandal pa ang ulo sa balikat ni Wesley pag upo namin sa tambayan.

"Ayos lang.. nagkataon lang na nagpasundo ako kay Kenneth sa room kanina magpapasama kasi ako sa canteen para kumain." nahihiyang sagot ni Wesley kay Andi at nagkubli sa likuran ko.

"Pabebe.." singhal ko at kinagat niya ako sa likuran. Siraulo! Mapanukso ang tinging ipinukol ng mga kaibigan ko. Siniko ko si Wesley at agad siyang umayos ng upo.

"Ang sweet niyo namang mag pinsan, kailangan talaga sabay kayo laging kumain sa canteen?" biro ni Marlon.

"Hindi naman sa ganun." Agad na depensa niya. "Hindi kasi ako makakaen sa tuwing may lumalapit na sa table ko. Kapag kasama ko si Kenneth nahihiya silang lumapit kaya nakaka kaen na ako." Naka ngiting kwento niya.

"Ahh kaya simula noon sabay na kayong kumaen.." tatango tangong sagot ni Marlon na mukhang naliwanagan sa eksplenasiyon ni Wesley. So yun naman pala ang dahilan kung bakit palagi silang magkasabay. Kahit kailan OA lang talaga 'tong sina Andres at Marlon.

"Si Kenneth lang naman at kayo ang nakakasama ko madalas kumaen nothing more." Nginitian niya kami ni Andi as if nanghihingi kami ng paliwanag.

"Thanks Wesley pero alam mo sobrang tarantatious talaga ako sa mga eksena kanina." Biglang pagiiba ni Andi ng usapan.

"Trulili ses, wititit ko knows na matata-tarantula akey sa moment ni Amber kinabog si Sleeping Beauty at Snow White ." Malanding sagot ni Marlon.

"At isa pa yang si MJ.. Ate Vi rin kung maka eksena, ka embey ses!" batuhan nila ng linya gamit ang gay lingo.

Kunot ang noong nakikininig lang si Wesley sa usapan ng mga bakla.

"Hoy, okay ka lang?" siniko ko siya at nakanguso siyang napalingon sa akin. "Bakit 'di mapaghiwalay yang mga kilay mo?" pamumuna ko sa kawirduhan niya.

"H-Huh? W-Wala wala. Hindi ko kasi maintindihan yung pinag uusapan nila e." Sabay turo sa dalawang bakla na balang nagtatalastasan sa gaylingo. Kahit ako wala ng maintindihan sa kanila. Hindi ako fluent sa lenggwahe pero nakakaintindi naman ako kahit papano.

"Hoy!" binato ko ng tissue si Marlon at napalingon siya. "Filipino ang Pambansang Wika ng Pilipinas hindi gaylingo. Hindi na maintindihan ni Wesley yung pinag kukuda niyo diyan mga baklang 'to!" Singhal ko sa dalawa.

"Ay sorry Wesley pinag uuusapan lang namin yung eksena ni MJ kanina." Paliwanag ni Marlon.

"Ahh-- yun ba? Akala ko kasi nag aaway na kayo." at napakamot siya ng ulo.

"Anong away? Yang katabi mo ang dapat awayin." Duro ni Andres sa akin dahilan para mabitin ang pagkagat ko ng burger. Nyetah! "Kaloka pumayag mag pasampal, magpasabunot at pinagbintangan ng kung anek anek and wait there's more walang ginawa yang katabi mo kundi ang manahimik lang!" histerya niya ng parang siya yung nasampal, nasabunutan at pinagbintangan ng kung anek anek. At ano naman kasing mapapala ko kung papatulan ko ang kabnuyan ng babaeng yun. Hindi ko masisisi ang kapraningan niya lalo't may alitan na talaga kami ng kaibigan niya at nagkataon pa na ako ang huling nakasalubong ni Barbie kanina.

"Ayos lang atleast ngayon sampal din sa kanya yung nalaman niyang wala akong kinalaman sa nangyari sa kaibigan niya." Sagot ko bago ako kumagat ng malaki sa mainit na burger.

"Hindi ses.. kung ako ang may ganyang kagandang peslak, wichikels na may makakapanakit sa akey. Sila ang sasaktan ko." Madiing wika ni Marlon na nakahawak sa magkabilang pisnge niya at mukhang nag i-imagine.

"Tama sesshie, wala siyang karapatang saktan ka. Maganda ka dapat ikaw ang nananakit, nang aapi yung tipong bidang kontrabida at hindi ang kagaya niyang si Lucrecia Kasilag!" Gigil na litanya ni Andres.

"Sino si Lucrecia Kasilag?" Mahinang bulong ni Wesley sakin at muntik na akong matawa sa kainosentehan niya.

"Hindi yun tao.. Lucrecia Kasilag means baliw, crazy parang si MJ yun ang terms ng mga bakla sa mga taong may tagas ang utak." Paliwanag ko at nailang ako sa paraan ng pagtitig niya habang nagsasalita ako.

"Ahhhhh--" napapangangang sagot niya.

"Lucky umamin ka nga. May nalalaman ka ba sa nangyari kanina kaya ka walang imik?" sabay kaming napalingon ni Wesley kay Andres na kasalukuyang dinadampot ang drink niya sa table.

"Bakit mo naman natanong? Diba magkakasama lang naman tayo kanina?" Nagtatakang sagot ko at pinaningkitan ako ng mata habang panay sipsip sa pink na straw niya. Sa lakas ng radar ni negra malamang pati pananahimik ko kanina binigyan din niya ng kahulugan.

"Wala napansin ko lang.. mula ng makita natin si Amber na walang malay, sa biglaang pagsulpot ni MJ kasama sila.." nakangusong turo niya kay Wesley. "Hanggang sa makarating tayo ng Security Office wala kang ka imik-imik. Hinayaan mong balahurain ka ng babaeng yun. Naninibago lang ako sayo dahil hindi ganyan ang pagkakakilala ko sayo Luis Manzano." Mahabang litanya niya at mabilis dinampot ang iniinum at muling tinungga.

At dahil sa sinabi niya pati tuloy 'tong katabi ko at si Marlon tinitigan ako na waring nanghihingi ng sagot.

'Hayst, hindi nga ako nagkamali umandar na naman ang instinct ng pagiging tsismosa niya este observant niya.'

"May iniisip lang kasi ako kanina." Walang ganang sagot ko.

"Ano namang iniisip mo? May kinalaman ba yan sa nangyari kanina?" singit ni Marlon na umayos ng upo at inilapit ang sarili sa mesa. Nagbingi bingihan ako kapag sinabi kong may alam ako kukulitin lang nila ako kaya pinuno ko nalang ng pagkaen ang bibig ko para hindi nila ako makausap.

"LUCKY!!" napapikit ako sa gulat ng hampasin ni Andres ang mesa.

'Pisti! Basta tsimisan ayaw talagang magpahuli.'

"M-Me-wrron.." ngumunguyang sagot ko.

"WHAAAAAAATTTTTT!?!?!" Napaatras ako ng bahagya sa lakas ng pagsigaw nilang tatlo. Gusto ko silang pagtatampalin sa noo. Isa pa 'to si Wesley nahawa na sa pagiging OA ng mga kaibigan ko. Inabutan ako ni Wesley ng bottled water at inalalayan akong uminum. Pinukulan naman ako ng mapanuksong tingin ng dalawng bakla sa ipinapakitang kawirduhan ni Wesley.

"Meron pero hindi ako sigurado nung una.." umayos ako ng upo ng abutan ako ni Wesley ng panyo. "Napagdugtong dugtong ko lang at mukhang tama naman yung hinala ko." Mahinang sagot ko at agad nagpiglasan sina Andres at Marlon sa kinauupuan nila at mabilis na lumipat sa magkabilang gilid namin ni Wesley. "Ang o-OA niyo talaga." Wala akong nagawa kundi ikuwento ang mga narinig ko sa CR kanina bago maganap ang aksidente.

"So you're telling me na sila ang pinaghihinalaan mong gumawa nun kay Amber? Sino sinong mga yun? Hindi mo ba nakita o wala ka bang nakilala kahit isa sa kanila?" dinaig pa ni Wesley ang pinsan niya kung mang usisa. Yung totoo siya ba yung ex dyowa ni Barbie?

"Paano ko makikilala 'e nasa loob nga ako ng cubicle diba?" pabalang na sagot ko at nginusuan niya lang ako. "Base sa narinig kong usapan nila sigurado akong may inaabangan talaga silang tao. Malay ko bang si Barbie pala yun." dumampot ako ng sitsirya ng mabawasan ang pait sa panlasa ko ng maalala ko ang eksena namin kanina.

"Imposible yun ses. Walang gagawa ng ganung bagay kay Amber sa loob ng school na 'to. Kilala ng lahat kung sino si Amber sa Carlisle." Kumontra agad si Marlon sa sinabi ko.

"Pero hindi ibig sabihin nun wala na siyang ibang nakakaaway noon bukod sa akin." Makahulugang sagot ko kay Marlon at nag isip siya sandali.

"Marami ng nakabangga si Amber na students noon at sa pag kaka alam ko na kick out na silang lahat. So malabong may gumanti pa sa kanya." Sabat ni Andi. "Ikaw lang ang namumukod tanging student na hinayang niyang manatili ng ganito katagal sa campus seshie." Hindi ko naman nahimigan ng pananakot ang tono niya. Kilala ko si Andres, Oo echusera siya pero alam niya kung kailan ang tamang oras kung kailan kame pwedeng magbiro.

"Kilalang kilala sa pagiging mean yan girl si Amber noon pa simula ng madikit siya sa isang Kenneth James Ang.. No offense Wesley." Depensa ni Marlon at umikot pa ng maarte ang mata. Nagpapa cute bayot palibhasa crush na crush niya. Mga baklang 'to nagpapakitang gilas sa chuk-chakan sa harap ni Wesley. Basta talaga tsismisan pers honor 'tong mga kaibigan ko.

"At ayaw na ayaw niyang may dumidikit o may nababalitaan siyang kaagaw o karibal kay Kenneth." Namuti ang mata ni Andres sa sobrang pag irap. "Kaya ang ending lahat ng dumidikit sa ex boyfriend niya literal na nabubura ang pangalan sa Carlisle." Saka sinabayan ng mapaklang tawa. "Kaya kung sino man ang may kagagawan nun kay Amber natitiyak kong literal siyang babalatan ng buhay dahil sa kasalanang ginawa niya."

"Tss! Malabong may umamin pa sa nangyare." Umiiling na komento ko. "Mukhang planado ng maayos ang mga naging kilos nila. Ilang minuto lang ang pagitan pagkababa ko nagawa nila ang mga plano nila ng walang kahirap hirap at walang nakakitang iba." Nakatulalang sagot ko. Hanggang ngayon napapaisip talaga ako sa nangyare kanina. Bilib din ako sa linis nilang magtrabaho.Tulad ng sinabi ko plakadong plakado ang naging plano nila. Ang lakas naman ng loob nilang gumawa ng ganung bagay sa anak mismo ng may ari ng Carlisle Academy?

"Pero ang pagkakamali nila nahuli sila ng cctv camera.." tugon ni Wesley.

At isa pa yan.. Imposibleng hindi nila alam ang tungkol sa mga CCTV camera? Nasisiguro kong alam din nilang walang cctv sa parteng yun ng building kaya malakas ang loob nilang gawin ang kawalanghiyaang iyon kay Amber sa lugar na yun. Well, maging matinding aral sana kay Barbie ang karanasang ito. Kung naniniwala si Barbie na maganda siya, pwes ngayon maniwala din siya sa Karma. Ang karma digital wala pinipiling edad, kasarian o katayuan sa buhay kapag tinamaan ka i-enjoy mo nalang ng bukal sa puso at may ngiwi sa labi kung mahapdi.

"Ang mahalaga ngayon labas na ang pangalan mo sa issue, 'di tulad ng ipinagsisigawan ni Lucresia Kasilag kanina." Malalim ang buntong hiningang binitawan ni Andres bago niya hawakan kamay ko.

"Malinis ang konsensya ko Andi. Kahit na pipikon ako minsan sa mga eksena ni Barbie never kong naisip na gumawa ng bagay namakakapanakit ng tao."

"I feel you sehie." Umakap pa tagilid si Andres akin. "Ganun talaga.. pakiramdam niya kasi mauubusan siya ng lalake."

"Masiyadong mababaw ang dahilan na para sa isang lalake mananakit ako ng tao. Sanay akong magparaya. Maraming lalake diyan hindi ko ugaling makipag agawan sa kanila." dugtong ko pa at biglang napatikhim si Wesley sa tabi kong hindi sinasadiya. Sabay sabay kaming napalingon kay Wesley dahilan para pamulahan siya ng mukha.

"W-What?" saka itinuon ang atensiyon sa pagkaen sa mesa.

"Taray naman ni Lucky Me mapagparaya." Banat ni Marlon at pinandidilatan ako habang ang nguso nakaturo kay Wesley na abala sa pagdampot ng pagkaen.

"Ang mahalaga ngayon alam natin na ligtas si Amber. Kawawa naman ang hitad kahit papaano." Napangiwi ako sa paghuhugas kamay ni Andi habang ngumangasab ng sitsirya.

"Hoy bakla makapag emote kuno pero lakas lumafang ng food! Tirhan mo kame hindi lang ikaw ang bumili niyan!" pasigaw na sumbat ni Marlon kay Andi at kami naman ni Wesley ang natawa.

"HOY MARLON HUWAG MONG ISUMBAT SA AKIN ANG MGA PAGKAING NILIBRE MO. DAHIL NG MAKITA KO YANG PANGET NA PAGMUMUKHA MO NANAHIMIK LANG AKO!" nagmamalditang sagot ni Andi.

"Ang husay magtaray netong ses kong isang dangkal lang ang bewang!" ayaw magpatalong sagot ni Marlon habang bumabalik sa inuupuan nila kanina. "Makapag bitaw ng salitang panget 'e mas maputi pa nga 'tong siko ko diyan sa matambok na pagmumukha mo!" duro niya kay Andres hawak ang bote ng mineral.

"Hoy bakla huwag mong idamay ang kulay ko. Dahil sa oras na pumuti ako wala ng lalaking lalapit sayo tandaan mo!" pinamewangan ni Andres at nagbatuhan sila ng mga gamit na tissue.

"Tama na yan! Kayo kayo na nga lang 'tong mga panget nag aaway away pa kayo!" Malakas na sigaw ko sa kanila at tumawa ng malakas si Wesley kaya natigilan yung dalawa.

"Ang ganda ganda mo talaga Luis Manzano! Lumamang ka lang sa amin sa mukha ang sakit sakit mo ng magsalita." Acting na acting talaga si negra na para siyang nasa isang teleserye. Nakuha pa nitong lumingon sa malayo at hinahangin pa ang bangs nitong dry na dry sa sobrang plantsa.

"Isang oras lang ng tulog ang nilamang mo sa amin. Antayin mo makatulog ako ng 8 hours siguradong gigilid ka sa hiya Lucky Shane Torres Gonzaga!" akala ko luluwa ang mata ni Marlon at handa naman akong saluhin yun kapag gumulong sa ibabaw ng mesa.

"True beauty comes from DEEP WITHIN. So ano na? IBABAON ko na ba kayo mga Ses? Seshie?" nagpalitan ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" malakas na tawa ni Wesley sa tabi ko at napapahampas pa sa mesa.

Sabay tumayo sina Andres at Marlon sabay tupi ng mga manggas ng uniform nila na parang manununtok.

"Charoowt lang!" napatayong awat ko. "Kayo naman 'di na mabiro. Sige ituloy niyo yang okrayan niyo!" Nakangiting tugon ko at bago ako humarap sa katabi ko. "Umayos ka ako pinag iinitan ng dalawang yan kakatawa mo!" pabulong na saway ko at para siyang kiti kiti ng tusukin ko siya ng daliri siya sa bewang .

Lakas naman ng kiliti ng intsik beho na 'to!

"Alam niyo ang wi-weird niyong magkakaibigan." Sabay singhot at namunas pa ng luha sa gilid ng mata. "Pero nakakatawa at ang saya niyong kasama promise." Ramdam ko ang kasiyahan niya lalo na't teary eye parin siya ng sabihin niya yun.

"Ganun talaga walang dull moments kapag kasama mo mga bakla. " seryosong sagot ko habang nakitingin sa dalawang baklang naghahampasan sa harap namin.

"Ang cool nga 'e." Muli niyang sagot at napalingon ako sa kanya. "That's one thing i like about hanging out with you Lucky. You always make me laugh." Kinurot niya ako sa pisngi bago ngumiti ng abot hanggang tenga na naniningkit ang mga mata. Natulala ako ng ilang segundo dahil hindi ko inaasahan ang kakaibang ikinikilos niya.

"Ahermm.." parinig ni Andres dahilan para bitawan ni Wesley ang pisngi ko.

"That's the essence of being Gay." Si Marlon.

"Happy and Gay?" nag aalangang tugon niya. Hindi ko alam kung matatawa o makukyutan ako sa reaksiyon niya. Ang awkward kasi lalo't kay Wesley nanggaling ang salitang yun.

"Indeed." Sabat ni Andres.

"You know some people laugh at us because we are different. And we laugh at them because they're all the same.." Tinitigan lang ako ni Wesley na parang nakuha niya ang ibig kong sabihin.

'Happy and Gay. Am i really a happy GAY?'

KENNETH'S POV

After ng basketball practice tinext ako ni Wesley na daanan ko siya sa Palma Building. Kahit naiinis wala akong magagawa kundi sunduin siya.

"Kailangan talaga daanan pa kita dito 'e pwede namang sa canteen na tayo magkita." Inambaan ko siya ng suntok dala ng inis.

"Grabe dalawang floor lang naman yung inakyat mo dami mo ng reklamo." Nakangusong sagot ni Wesley at hinampas ako ng bag sa katawan.

"Nakakainis ka kasi hindi ka na nga sumipot sa birthday ni Marlon nung saturday tapos ngayon nagpapasundo ka pa. Para kang babae alam mo ba yun?" napapailing na sagot ko sa kanya.

"Pakyu ka! Nagpasundo lang babae na agad?" saka kami nagsimulang maglakad sa hallway. "Hindi ba nagalit sila Lucky nung nalamang hindi ako makakasunod?" pag iiba ni Wesley ng usapan.

"Bakit naman sila magagalit sayo may valid reason ka naman?" masungit na sagot ko sa kanya.

"Ang sungit mo naman may mens ka ba bro?" birong pang aasar ni Wesley.

"Ang korni mo yan nahahawa kana kakasama sa mga yun." Tinulak ko siya ng mahina sa balikat at tinawanan lang ako.

"Masaya silang kasama. Huwag mong sabihing hindi ka nag e-enjoy sa company nila?" nanghahamong tanong niya at hindi agad ako nakasagot. "See? Dami mong sinasabi." umikot ang mata niya sa kawalan.

"Tigilan mo ko bakit may sinabi ba ako?" pagsusungit ko. Teka bakit nga ba masiyado akong iritable buong araw? Sa basketball practice ilang beses akong napuna ni Brian at Steffano sa kasungitan ko.

"Bro hinanap ba ako ni Lucky?" halos mapunit ang bibig niya sa sobrang laki ng pagkakangiti. Kadiri 'to kalalaking tao kinikilig. Speaking of Lucky ilang araw niya ng pinapainit ang ulo ko. Mula ng gabi ng party hanggang ihatid ko siya hindi niya na ako tinantanan sa walang katapusang pang ti-trip niya.

Tapos kaninang umaga nakuha niya pang makipaglandian sa koreanong hilaw na yun sa canteen? Tss! Nalaman lang niyang aalis ang ex boyriend niya nakikipagharutan na siya kaagad sa iba. Kadiri!

But on a lighter note, i actually enjoy hanging out with them. Nakakatawa kasi sila at malayo sa nakasanayan ko. Walang dull moments kapag sila ang kasama mo. Hindi sila nauubusan ng kwentuhan na parang akala mo hindi sila nagkikita kita araw araw. Partida magka-kaklase pa yan sila. Wala ring palya ang asaran nila at kung pikon ka kawawa ka dahil ang lalakas nilang mang asar lalo na si Lucky at Andi mauutot ka sa mga banat nila.

"Bakit ka nga pala late nakauwe nung Saturday may dinaanan ka pa ba?" Biglang nagbara ang lalamunan ko sa tanong niya. Kabadtrip! Pinaalala niya pa talaga. "Bro are you still with me?" natauhan lang ako ng tapikin niya ako sa braso. "Nung week end ko pa napapansing palagi kang tulala?"

"P-Pardon me?" kunwari hindi ko narinig para may time pa akong makapag isip ng alibi sa pagiging lutang ko this past few days.

"Ang sabi ni Grandma late ka na raw naka uwe nung Saturday totoo ba yun?" paglilinaw niya.

Pakshet! Wala akong maidahilan sa kanya. Hindi ko pa nga pala nasabi sa kanyang ako ang naghatid kay Lucky ng gabing yun dahil ayokong pag isipan niya pa yun ng masama. Badtrip! Kabisado ko ang ugali ng mokong na 'to kaya sinadiya ko talagang hindi sabihin sa kanya ang totoo. Mahirap na baka kung ano pang lumabas sa mabahong bibig niya. Bagay na bagay nga sila ni Lucky madalas nilang pinapainit ang ulo ko.

Hayst! Again speaking of that witch. Hinding hindi ko talaga makakalimutan ang pangti-trip niya ng gabing yun..

Wait...That's it!

Yun siguro ang dahilan kung bakit ako badtrip the whole week end. Ang dami niyang kasalanan sa akin nung Saturday at aaminin kong pikon na pikon ako sa kanya. Yung lang ang nakikita kong dahilan kaya ako nagkakaganito ngayon. Lalo na kapag naaalala ko kung paano siya makipag landian sa Koreanong hilaw na Justin na yun kaninang umaga sa canteen uminit agad ang ulo ko. Ang sarap nilang pag untugin. Nung nakaraang gabi lang i-iyak iyak siya dahil sa nangyari sa kanila ni Jasper tapos isang araw lang nakalipas nakuha na niyang ng makipag date sa ibang lalaki?

'Unbelievable. Bilis niyang mag move on..'

Tapos ang cheap sa canteen pa nila nakuhang mag date. DAFAK?!

Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang nangyare nung gabing hinatid ko siya sa kanila.Yung ginawa niyang pakikipag flirt sa akin sa loob ng kotse ko. Kung paano tumama ang mainit na hininga niya sa balat ko.

Yung nakakapangilabot na pakiramdam ng dumikit ang mainit niyang labi sa tenga ko. Umuusok talaga ang ulo ko sa galit sa kanya. Literal niyang pinag init ang buong katawan ko sa pinagga-gagawa niya.

Nananadiya ba siya? Bubulong nalang kailangan bang in a very seductive way? Hindi ba siya marunong magsalita ng normal sa harap ng ibang tao? Kailangan ba talagang idikit niya pa ang lips niya sa tenga ko at iparamdam ang mainit niyang hininga sa mukha ko habang nagsasalita?

Sa tuwing pipikit ako at naaalala ko yun nagtatayuan ang lahat ng pwedeng tumayo sa katawan ko. Isang nakaka kiliting pakiramdam na hindi ko magawang kalimutan at hindi ako pinatulog ng ilang gabi. Minsan hindi ko na nga alam kung anong yung mas mainit yung ulo ko ba o ang katawan ko.

"Kausap ni Mommy si Grandma kaninang umaga nabanggit nyang late ka na daw nakauwe." Pag lilinaw niya at saka lang ako nagising sa malalim na pag iisip.

"H-Hinatid ko pa kasi si Lucky sa kanila." Mahinang sagot ko at napahinto siya paglalakad. Umikot ang mata ko sa kawalan bago ako huminto at humarap sa kanya.

"Talaga? Ano namang nakain mo at hinatid mo siya? Buti napapayag mo siya? Paano kung malaman na naman yan ni Amber at sugurin na naman niya sila Lucky?" hindi ko alam kung anong uunahin kong sagutin sa dami ng sinabi niya.

"Oh, ano naman ang kinalaman ni Amber sa usapan? Alam mo bagay talaga kayo ni Lucky wala kasi kayong bukambibig kundi si Amber." Imbes mahiya ako nagkaroon pa ako ng lakas ng loob magsungit sa sitwasiyon ko.

"Oo naman bagay talaga kame pareho kaming talented, mabait, sin—"

"Sinto sinto.." putol ko sa sinasabi niya. "Pareho kayong sinto sinto." Gusto ko tumawa ng malakas sa itsura niya.

"Mukha mo!" pinaghahampas niya ako ng bag sa likod habang pababa kami ng 2nd floor at dun namin naabutang nagkakagulo sina Andi, Marlon at MJ. 'Fuck what's happening here?'

Halos talunin na namin ni Wesley ang stairs sa pagmamadali para makalapit sa kanila. Hindi ko alam kung sino ang una kong lalapitan sa kanila. Mukhang nagpang abot na naman ang grupo nila Lucky at si Amber. Si Amber walang malay samantalang si Lucky naman naka upo sa sahig at hirap na tumayo.

Ayoko mag isip ng masama sa grupo nila Lucky pero sobra naman ata na patulan nila yung mga babae at umabot pa sa ganitong magkakasakitan sila.

"SIGURADONG IKAW ANG MAY KAGAGAWAN NITO, SALOT KA TALAGANG BAKLA KA!" malakas na bulyaw ni MJ at bigla niyang pinagsasampal si Lucky.

"PAAAAKKKKKKKKK! PAAAAKKKKKKKKK! PAAAAKKKKKKKKK!"

Natulala kaming lahat sa ginawa ni MJ. Hindi siya nagreklamo o lumaban sa pananakit sa kanya. Tahimik lang siya at nakatayo at nakatingin sa walang malay na si Amber. Mukhang guilty siya sa pangyayari pero wala akong mabasa.

"ANO HINDI KA MAKASAGOT DAHIL ALAM MONG KASALANAN MO?" MAGSALITA KA GAGO KA INAANO KA NG KAIBIGAN KO HA!" Sigaw ni MJ at sumugod muling hinablot ang buhok ni Lucky.

"That's enough!" awat ko sa kanila. "Dalhin muna natin si Amber sa clinic. Kayong tatlo sumunod kayo sa amin." Yun lang ang tanging nasabi ko sa gitna ng pagtatalo nila. Ang mahalaga ngayon madala muna namin si Amber sa Clinic para mabigyan ng first aid. Binuhat ko si Amber at nagmadali kaming nagtungo sa Clinic.

Pagpasok namin sa loob ng Clinic nagulat yung nurse on duty dahil sa paghihisterya ni MJ.

"What happened to her?" Mabilis na lumapit yung nurse on duty at pinulsuhan si Amber.

"TINULAK SIYA SA STAIRS NG KAAWAY NAMIN! NGAYON PWEDE MO NA BANG ASIKASUHIN ANG KAIBIGAN KO AT MAMAYA KANA MAGTANONG?" pabalang na sinagot ni MJ sa Nurse habang ihinihiga ko si Amber sa bed at mabilis siyang inasikaso ng Nurse.

"MJ don't be rude, she was just asking what happen so that she will know what to do with the patient." Iritabling sabi ko kay MJ. Umikot lang ang mata nito bago dukutin ang cellphone sa bag niya.

"H-Hello Tita S-Sam? Si MJ po..Ano po kasi..Ahh—Tita si MJ nasa Clinic po." At bigla siyang humagulhol ng iyak. "Tinulak po siya ng nakaaway namin ni Amber sa stairs kaya ito po wala siyang malay ngayon sa clinic.." sumbong niya sa kausap na kung hindi ako nagkakamali ang Mommy ni Amber ang kausap niya.

Ano ba ang totoong nangyari? Hindi ko lubos maisip na magagawa yun ni Lucky kay Amber. Hindi niya pinapatulan si Amber kahit ilang beses na siyang nasampal nito noon, ilang beses naring ipinahiya pero hanggang pang aasar lang ang ginagawa nila ng mga kaibigan niya pero ano 'tong mga isinusumbong ni MJ? Baka umabot na sa point na napikon na si Lucky kaya pinatulan niya na ang mga drama ni Amber. Huwag naman sana kasi malaking ulo ito kapag nagkataon. Sigh.

"On the way na po yung ambulance para madala ang patient sa pinakamalapit na hospital. So far okay naman ang---" naudlot ang pagpapaliwanag ng nurse ng biglang sumugod si MJ.

"ANONG OKAY ANG PINAGSASASABI MO?!" hinarang ko si MJ bago pa siya makarating sa harap ng nurse. "BULAG KA BA? NAKIKITA MO BANG WALANG MALAY ANG BESTFRIEND KO?" hinawi niya ang kamay ko sa harap niya. "SABIHIN MO NGA SA AKIN KUNG ANONG OKAY SA KALAGAYAN NIYA HA!?"

"I'm sorry." Nakayukong paumanhin nito. "What i'm trying to say is that Miss Gutierrez vitals are stable. At para makasigurong ligtas ang patient kailangan nating ng karagdagang tests kagaya ng X-Ray para ma check kung may pilay siya o kung may tama angibang parte ng katawan niya lalo na ang ulo niya."

"Magbabayad ang mga baklang yan sa ginawa nila kay Amber." Umiiyak na baling nito kay Amber na wal aparing malay habang hinahawi ang buhok ng kaibigan.

"I'll inform Miss Amber's guardian with regards on this matter right away." Napatango lang ako sa sinabi ng nurse. Siguradong malaking issue na naman 'to sa campus kapag nagkataon.

"Pagpasensiyahan niyo na po yung kasama ko." Hingi ko ng paumanhin sa nurse.

"No worries sanay na ako sa ganyang mga eksena. Minsan mas OA pa yung mga kaibigan kesa dun sa immediate family ng patient." Nakangiting kwento niya at napangiti narin ako. Suddenly, i miss my older sister. "I'm sorry pero isa lang kasi ang allowed na kasama ng patient dito sa loob." Nagkatitigan kami ni MJ ng ilang segundo at nagdadabog na dinampot niya ang mga gamit niya.

'Oh anong nangyare dun? Wala naman akong sinabing ako ang magpapaiwan ah.'

Napangiti lang ako sa nurse. "Escuse me susundan ko lang po siya." Magalang na paalam ko at sinundan ko si MJ papalabas ng clinic. Agad akong sinalubong ni Wesley ng makita niya akong lumabas ng pinto.

"How is she?" bungad niya at hindi agad ako nakasagot dahil napatakbo ako ng biglang sumugod si MJ direksiyon ni Lucky. Mabuti nalang mabilis siyang naharang mga kaibigan ni Lucky.

'Shit! Gusto din yata niyang mawalan din ng malay 'e.'

Wala akong magawa kundi ang makinig lang ako sa bangayan nilang tatlo. Gusto kong marinig ang totoo at buong kwento tungkol sa nangyari kay Amber. Tahimik lang si Lucky sa isang tabi at parang walang pakialam sa nangyayari. Hindi ko maintindihan kung sino talaga ang nagsasabi ng totoo. Pero naninindigan talaga si MJ sa nakita niya at pilit parin niyang idinidiin ang pangalan ni Lucky.

Pinagtatakpan lang kaya ng dalawang bakla si Lucky dahil kaibigan nila ito? Bakit ayaw niyang ipagtanggol ang sarili niya? Dahil ba sa guilty at aminado siya sa ginawa niya kay Amber? Kailan ba matatapos ang away ng mga ito nakakarindi na kasing pakinggan ang mga boses nila dahil paulit ulit na lang.

"ENOUGH!! Hindi ma su-sulosyunan to sa pagsigaw sigaw niyo ng dalawa." Sigaw ko sa kanila. Tutal wala naman gustong magpatalo sa kanila ako na ang pumutol ng batuhan nila ng linya. "Lucky bakit mo nagawa yun kay Amber?" Hindi naman sa naniniwala ako sa parang ni MJ gusto ko lang ibahin yung approach sa kanya tutal ayaw naman niyang sumagot at idepensa ang sarili niya mula pa kanina. Lets see kung paano siya tutugon kung ganun ang tanong ko. Dahan dahan siyang nag angat ng tingin at ganun pa man bigo parin akong malaman ang sagot dahil sa blangkong facial expression niya.

"Bakit?" umusli paitaas ang upper lips niya at parang may kung anong kumulo sa loob ng tiyan ko. "So confirmed na ako nga talaga ang gumawa nun sa kanya?" sarkastikong sagot ni Lucky.

"Tinatanong lang kita kung tama ba yung mga sinasabi ni MJ." Tinitigan ko siya para malaman ko kung nagsasabi nga ba siya ng totoo pero wala akong makuhang matinong sagot.

"Tss, bakit hindi yung EX mong si Barbie ang tanungin mo pag gising niya?" Umikot ang mata niya pataas.

'Hayst, kahit kailan imposibleng manalo sa kanya kapag nagsimulang bumuka ang bibig niya.'

Nagtama ang mata namin ng pinsan ko at dahan dahan siyang umiling. Wala akong nagawa kundi muling makinig sa bangyan ni Lucky at MJ.

"Ikaw paano mo nalaman si Amber ang masasalubong ko ng mga oras na yun nung pababa ako?" napa angat ako ng tingin kay Lucky ng makuha niyang muli ang atensiyon ko. "Tibay naman ng third eye mo pinantayan ang kapraningan mo." Muntik na akong matawa buti nalang agad kong natakpan ang bibig ko. Kahit kailan napakawalangkwenta nitong kausap.

"May point ka seshie, ano may x-ray vision ba ang mata mo MJ?" sarkastikong sagot ni Andi.

"M-May u-usapan kaming magkikita ni Amber." Nauutal at taas noong sagot ni MJ.

"So in-assume mo na talaga agad na masasalubong ko si Amber sa stairs kanina? Kaya ako agad ang sinisisi mo sa nangyari sa kanya ganun ba MJ?" paglilinaw ni Lucky at sa isang iglap para akong asong tatango tango sa kawalan habang nakikinig sa kanila.

"FUCK YOU!!!" sigaw ni MJat nag dirty finger pa kay Lucky.

"Seriously!?" May himig ng pagdududang tanong ni Lucky.

Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko sa kanila. Ang totoo nalilito na ako sa nangyayari. Pero sa hulo bumilib talaga ako sa pinsan ko dahil naka isip pa siya na ibang paraan para malaman naman ang katotohan. Basta para kay Lucky always to the rescue si Wesley. Sa Security Office nalaman namin sa kuha ng CCTV cam na hindi nga si Lucky ang tumulak kay Amber kagaya ng ipinaparatang ni MJ mula umpisa.

Sa pagkakataong iyon saka lang ako nakahinga ng maluwag. Ngayon tulala kaming lahat na lumabas ng Carlisle Hall galing sa Security Office. Hiyang hiya ako sa sarili ko dahil sa muntik na akong mapaniwala ni MJ na si Lucky talaga ang kagagawan nun kay Amber. Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng despensa. Natatakot ako sa sasabihin niya.

"L-Lucky, I'm sorry.." naglakas loob akong hawakan ang isang braso niya kahit nanginginig ang kamay ko.

"Sorry? Bakit sa akin ka nag so-sorry.. ako ba yung na aksidente?" pabalang na sagot niya saka ako tinalikuran.

"Lucky please hear me out." Habol ko at muli ko siyang hinila sa braso.

"And then what?" tumayo siya ng tuwid at nakaka intimidate ang aura niya. Yung tipong hindi mo siya pwedeng mandohan o mapakiusapan.

"Bro please let him go." Talunan akong napalingon sa pinsan ko.

"Magpapaliwanag lang ako." Giit ko parin sa gusto ko. Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nasasabi ang laman ng utak ko.

"Ikuwento mo sa pagong." Wala akong nagawa kundi ang mapakamot sa batok. Wesley is right when he said that Lucky is weird and different.

"Ses! Si Lucky awatin mo!" nagulat ako ng sumigaw si Andi habang nakaturo sa direksiyon ni Lucky. Pakshet! Sabay kaming napatakbo ni Wesley papalapit sa kanila.

Nakaramdam ako ng panghihina habang papalabas kami ng building. Mukhang na drain ang utak at buong katawan ko sa mga nangyari ngayong gabi. Ang dami ko na ngang iniisip dumagdag pa sa isipin ko ang kakaiba at kakatuwang personality ni Lucky. Para siyang bugtong na paulit ulit na tumatakbo sa utak ko yung tipong hindi mo tatantanan kakaisip hangga't hindi mo nakukuha ang tamang sagot. Hindi ko inaasahang magpapaalam sa akin ang pinsan ko para sumama sa grupo nila Lucky. Akala ko pa naman siya ang makakaramay ko kapag ganitong na stress o nada-down ako. Walang kwenta mas inuna niya pa ang Lucky na yun kesa sa sarili niyang pinsan at bestfriend niya. Tch! Gustuhin ko mang sumama ang kaso nahihiya ako kay Lucky dahil sa pinagsasasabi ko kanina.

Naglakad akong tulala at wala sa sariling nag drive pauwi.

WESLEY'S POV

Pagkatapos naming pag usapan nila Lucky ang mga nangyari kanina nag decide na kaming sabay sabay umuwi. Ewan ko ba ba;t hindi na ako nasanay na mapahiya sa tuwing nagmamagandang loob ako sa kanya.Inalok ko siyang ihatid sa kanila at tulad ng inaasahan ko tinanggihan na naman niya ang offer ko. Anong masama kung ihatid ko siya sa kanila? Don't tell me nahihiya pa siya sa akin hanggang ngayon? O ayaw niyang ipaalam sa ex boyfriend niyang may iba ng naghahatid sa kanya? Tss, walang kwenta!

Sa inis ko tinawagan ko si Kenneth habang nag da-drive pauwi.

"Bro, we need to talk. I'll drop by at your place in 20 minutes."

"Nakauwe na ba sila Lucky?"

Kainis naman 'to mas inuna niya pang magtanong imbes sagutin nalang ako ng oo.

"Oo sabay sabay na kaming umuwe.. si Andi na ang naghatid sa kanya."

"I see." Sabay buntong hininga niya sa kabilang linya.

"What's wrong Kenneth? May sakit ka ba? If you're not feeling well sa school na lang tayo mag usap bukas."

"Nope, i'm fine bro sige antayin kita dumerecho kana sa room ko saka tayo mag usap." Kunot noo akong napalingon sa phone ko sa dashboard. What's wrong with him?

"Okay see you then.." At saka ko tinapos ang tawag.

Sa isang subdivision lang kami nakatira ni Kenneth. Ilang street lang layo ng house nila sa amin. Tulad ng napag usapan sa kanila na ako tumuloy. Kumatok muna ako sa pinto ng kwarto niya. Ugali niyang magsara ng pinto kahit noong mga bata pa kami. Ayaw na ayaw niyang may umaabala sa kanya once makapasok na siya loob ng kwarto. Ilang saglit lang pinagbuksan niya ako ng pinto at kapansin pansin ang pagiging matamlay niya.

'Anong nangyayari sa kanya? Bakit parang wala ata siya sa sarili?'

"Get in.." Pumasok ako ng kwarto at sinundan siya hanggang makaring kami sa terrace. Nagulat ako dahil umiinum siya mag isa ng flavored beer na paborito namin. Geez! At nakaka tatlong bote na siya kaagad.

"Oh? Anong nangyari bakit umiinum ka mag isa?" Natatawang tanong ko habang humihila ng upuan.

"Uminum ka nalang ang daldal mo parang kang babae." Inabutan niya ako ng isang beer na naka bukas na. "What's up?"

"What's up mo mukha mo." Binato ko siya ng tansan at nakailag siya. "Alam mo kung bakit ako nandito Kenneth." Hindi ko maitago ang pagkainis.

"Psh! Of course because of your precious Lucky." Sarkastikong sagot.

"Shut up!"

"Bakit hindi?" at tinungga ang laman ng boteng hawak niya.

"Hey, chill bro baka malasing ka agad niyan." Natatawang awat ko sa kanya.

"Di ako kagaya mong mahina." Mayabang na sagot niya. Tokshit 'to, kaya pala pulam pula na ang magkabilang tenga niya.

"Okay, Yes its all about Lucky." nahihiyang pag amin ko. "I know na nabigla ka lang sa sinabi mo kanina. Both of us has no fucking idea what's really happening before we came, right?" Tumango lang siya at hindi sumagot. "All of us saw the cctv video and we all know that Lucky has nothing to do with it.."

"Cut the crap Wesley just spill the beans.." umikot ang mata niya sa kawalan. For a moment nakalimutan kong napaka mainiping tao pala nitong pinsan ko. Sigh.

"Okay.. I just wanna give you a heads up on what might gonna happen next. Bumalik ako kanina sa Security Office kanina at humingi ako ng copy just in case may gawin na namang kakaiba ang ex girlfriend mo kapag magising siya at kung ano ano na namang ibintang nila kay Lucky." muntik na akong kapusin ng hininga sa haba ng paliwanag ko. Napanganga lang siya sa harap ko.

"W-Wow." Hindi makapaniwalang usal niya. "G-Ginawa mo yun para kay Lucky?" umiling siya at muling dumampot ng beer at nagbukas pa ng isa.

"Of course why not? Lucky is one of my closest friend in Carlisle." buong kompyansang sagot ko. Ginawa ko yun para protektahan ang mga kaibigan ko at sa mga pwedeng gawin ng ex girlfriend niya. Pero ayokong isipin niyang pinagtutulungan namin ang ex niya kaya nga pinapalaam ko na ang ginagawa ako.

"Ulol pakyu ka, sabihin mo patay na patay ka talaga sa kanya." Hinampas niya ako sa braso at napakamot ako sa bigat ng kamay niya. "Umamin ka nga bading ka narin ba ha?!" biglang tumawa ng malakas si Kenneth at sa inis ko nabatukan ko tuloy siya bigla. Tae 'to lasing na ata. Hindi iyon ang inaasahan kong isasagot niya kundi kung paano niya ipagtatanggol ang ex niya. Mataas ang respeto ko kay Kenneth kay na nagtatampo ako na inilihim niya ang tungkol sa pagkakaroon ng girlfriend. Pinipilit ko lang intindihin ang kalagayan niya lalo na't mukhang hindi rin maganda ang kinahantungan nila. Nangako kami sa isa't isa noon na kung sino ang unang magka girlfriend sa amin, ako o siya muna ang unang makakaalam.

"You sonofobitch!" sigaw niya sa akin at aambahan niya ako ng suntok pero hindi ako umilag tinawanan ko lang din siya. "Baliw ka na talaga, alam mo hindi na talaga kita kilala. Ikaw pa rin ba yung pinsan kong si John Wesley Ongpauco?" pinamumulahan na siya ng mukha.

"Siraulo, lasing ka na."

"Pero seryoso bro.. may tama ka na ba kay Lucky? Don't worry i won't tell Tito and Tita about it." natatawang sagot niya.

"I told you a hundred times Kenneth, its not what you think it is. Lucky is a very special friend."

"Okay, sabi mo 'e." At saka uminum at tumingin sa malayo. Ano bang problema niya kung magkagusto nga ako kay Lucky? Masiyado siyang apektado ilang araw na siyang hindi maka get over dahil sa bagay na yun at naririndi na ako sa tuwing inaasar niya ako kay Lucky. Tss! Kung naninibago siya sa mga ikinikilos ko nitong huli, nawiwirduhan naman ako sa unti unting pagbabago niya. Hindi lang ako ang nakakapansin kundi ang grandparents ko at ang parents ko.

Siya parin kaya ang pinsan kong si Kenneth James Ang? Hindi na ako nakipagtalo sa mga walang kwentang mga hinala niya. Kinuwento ko nalang yung buong napag usapan namin nila Lucky kanina tungkol sa dalawang students na narinig niya bago mangyare ang aksidente.

"S-Seriously? Nakilala daw ba niya?" bigla siyang napaayos ng upo.

"Hindi nga... kasi nagtago nga lang siya sa cubicle at nakinig sa usapan nila." Malamang mabuhayan talaga siya ngayon ng loob dahil may suspect na sa nangyari sa ex girlfriend niya.

"This is a big trouble." Paulit ulet niyang kinakagata ng lower lips niya. "Knowing Amber hindi siya titigil hanggat hindi niya magagantihan ang gumawa nito sa kanya."

"That's what I'm worried about." Pabagsak kong inilapag ang bote sa mesa. "Baka balikan niya ang grupo nila Lucky. Knowing her friend Mj baka i-insist na naman niya sa ex mo na si Lucky talaga ang may gawa nun." Malungkot na sagot ko.

"Shut up!?" iritabling sagot niya.

"What?"

"Bagay na bagay kayo ni Lucky wala kayong ibang bukambibig kundi si Amber." Sabay tungga sa hawak niyang bote.

"I know right." Pang aasar ko sa kanya at umikot lang ang mata niya pataas.

'Ano na bang problema nito at bakit nagpapakalasing siya?'

"Tingnan mo! Tapos ngayon aamin ka?!" mabilis akong nakailag ng akmang babatukan niya ako.

"Ano bang problema mo?" malapit na talaga akong mapikon sa mga banat niyang wala sa hulog.

"Wala akong problema.. baka yung special friend mo." Parang batang sagot niya. Bigla akong napangiti sa naalala.

"Well if he's someone special to me..." nginitian ko siya ng nakakaloko. "Then we both know to whom that special someone will end up eventually.." Makahulugang sagot ko na ikinaikot ng mata niya ng todo. Kabisadong kabisado ko na ang mga ganyang galawan niya kaya hindi niya ako maiisahan.

"Don't you dare Ongpauco." Nagtangis ang panga niya tanda ng matinding pagkapikon. Gusto kong tumawa ng malakas dahil nakabawi ako sa pang aasar sa kanya.

"Okay, sabi mo 'e." Nakangiting pangagaya ko sa isinagot niya sa akin kanina. Gusto kong matawa ng may maalala ako. May naging crush ako noong elementary kami. She's really special because of her exemptional talent. Madalas ko noong mahuli si Kenneth na naktingin sa crush ko at kapag inaasar ko siya galit na galit siya noon. After graduation day nalaman ko nalang sa isang kaklase ko na crush pala ng crush ko ang pinsan ko.

"Hindi ka nakakatawa Wesley." Umakto akong isinasara ang labi ko na parang may zipper. That's my cue. Kapag ganun ang tono niya pikon na siya. "Buti na lang naka isip ka ng magandang idea kanina dahil kung hindi... baka hanggang ngayon naniniwala pa rin ako sa kasinungalingan ng babaeng yun." Paglalayo niya ng usapan. Kainis kung kailan naman lamang na lamang ako 'e.

"Well, kung sakaling may kasalanan man si Lucky sa nangyaring aksidente kanina sa kanya parin ako kakampi." Isipin niya na ang gusto niyang isipin tutal naman judgemental siya. "Sa maikling panahong pagkakakilala ko kay Lucky siya ang madalas lapitan ng aksidente. Hindi ang kagaya niya ang gumagawa ng aksidente." Taas noong sagot ko kay Kenneth.

Kunot noong napalingon sa akin si Kenneth. "I don't get it, it doesn't make sense." mahinang bulong ni niya sa sarili.

"What doesn't make sense bro, ano bang iniisip mo Kenneth?" nalilitong sagot ko. Kanina pa kasi ako nag iisip sa mga kakaibang ikinikilos niya.

"I think this is not just an ordinary accident." At napabuntong hininga siya ng malalim. Unti unti akong kinabahan sa sinabi niya.

"W-What do you mean by that?"

"If my theory is correct.. this accident happened to frame up or pin somebody." Seryosong tugon niya. "I think naging accessory lang si Amber sa aksidenteng 'to blame someone's horrific idea." Nakatitig lang si Kenneth sa bote ng beer na hawak niya at naging palaisipan para sa akin ang huling mga sinabi niya.

To be continued..