webnovel

LOVE & REVENGE: THE STUBBORN HEIRESS (Taglish)

A famous blogger and a carefree daughter of the magnate tycoon Brent Santillian and popular internationally renowned fashion model Shantal Rodriguez Santillian-she is none-other than Denise Santillian. Her world was perfect and happy! And she was engaged to the most handsome Doctor named Carl Cruz. But her perfect life is doomed to be destroyed by the unknown enemy. She was abducted and assaulted by someone who seeks revenge for his family against hers. The tragic night happened five years ago that left a permanent scar and shuttered her perfect world. She lost her memory and bore a cute little son whose father was unknown. Her son was way more intelligent than a normal child as he had inherited the exceptional knowledge from her family. Seeking for the truth of the painful death of her fiance, her unknown enemy dragging her back to hell. But this time around, their fate changed when the notorious enemy encountered her intelligent son. Would she find the truth of the man who assaulted her and left a painful mark on her heart, mind, and body? Will she forgive the man who showed no mercy that night five years ago when he confessed his love? Truth, Lies and Deception, discover how these three elements change their lives!

AnnaShannel_Lin · Urban
Zu wenig Bewertungen
45 Chs

Chapter 35: Samantha’s Confrontation

HEARING her son's confession, Samantha was shocked. Iba agad ang naging kutob niya lalo na't biglang nawawala si Denise. She now realized Reymond's sudden appearance at the engagement party last night has a strong possibility that he was the one responsible for what had happened.

"Are you sure it was your Uncle Reymond?"

Nate nodded and said, "He talks to me and said not to tell you that I saw him inside the comfort room. I thought Uncle might shy to show himself to you,"

"You spoke to your Uncle? I see! Nate, Mommy, will be going to work now, I have a lot of things to do," She quickly said.

"Eh, Mommy, aren't you looking for Uncle Reymond? I thought you wanted to know that he was still here in Beijing. Tagal na natin siyang hinahanap at ilang beses na tayong pumunta doon sa bahay ni Daddy pero wala siya, ngayong alam mo na narito lang po si Uncle hindi mo hahanapin?" nagtatakang tanong ni Nate.

"Silly! Little Prince, Mommy, will handle it. Hahanapin ko ang Uncle mo, kasi gusto ko rin siyang makausap. Now, you go back to you nanny, Mommy will leave soon! Muah! Be good, okay?" tumayo na siya matapos magpaalam sa anak.

Ang titig na pinukol ng anak niya ay puno ng lungkot dahil akala nito binabalewala lamang niya ang sinabi nito ngunit sa likod ng isip ni Samantha may namumuong plano na ngayong araw. Sinundan pa siya ni Nate hanggang sa labas.

"Mommy take care!" pahabol ni Nate sa ina.

Walang inaksayang panahon si Samantha. Isang matamis lamang na ngiti ang isinukli niya sa anak bago binuhay ang makina ng sasakyan. Sa halip na dumiretso siya ng opisina, ang tinunton ng sasakyan niya ay daan papuntang kulungan.

An hour later, she arrived at the jail where Simon was detained. Nasa loob na siya ng visiting room at inantay ang pagpasok ni Simon na kasalukuyang sinundo ng jail guard. Bumukas ang pinto at pumasok si Simon.

He walked towards Samantha. "Honey, I didn't expect you're going to visit me during weekdays. Where is Nate?"

Samantha stood up and pulled one chair for Simon. Hindi muna siya nagsalita at nakatingin lamang sa masayang aura nito. Si Simon naman nagtaka sa inasal ng asawa dahil di ito ngumiti at di rin siya binati man lamang.

"Hey, I ask you, where is Nate?" akma siyang hahalik sa pisngi nito ng umiwas si Samantha.

"Sit down! Let's get down to business!" A hint of anger added to her voice.

"Okay ka lang? Bakit parang galit ka ata sa akin?" nagtatakang tanong ni Simon habang paupo sa tabi niya. Walang imik pa rin si Samantha hanggang sa makaupo ng maayos si Simon.

Lumipad ang tingin nito sa mukha niya. "You look beautiful every day. And I look forward to being with you and Nate. It's been seven years that I served my sentence in jail. Sana---"

She cut his words and abruptly said, "Stop it, Simon! I hate you uttering these kinds of words, where in fact, you haven't move on. Kailan kayo titigil ng pamilya mo?"

Namumuo ang tensyon sa pagitan nilang dalawa ngunit mas pinili ni Simon na magpakahinahon dahil hindi niya alam kung bakit ganito ang inasal ng asawa niya.

"Pwede naman sigurong sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit nagagalit ka. Kanino ka ba galit? Sa akin ba? Anong kasalanan ko sayo?" He said in a gentle voice.

He raises his hand to touch her cheek, but Samantha slaps his hand immediately. "Ilang beses na kitang sinabihan pagsabihan mo ang kapatid mo. O talagang gusto mong manatili kayong pareho magkapatid dito sa kulungan," She hissed.

Simon's face grew anger and he said, "Teka nga ano bang pinagsasabi mo? Sana man lang nilinaw mo sa akin ang punto mo hindi 'yung gagawin mo akong tanga na huhula sa biglaan mo pag-aalburuto. Pumunta ka lang dito para tratuhin ako ng ganito? Sa totoo lang, nagmukha na akong tanga eh, kasi ginawa mo akong tanga sa pamamagitan ng maling inasal mo. Maayos naman ang salubong ko sayo at natuwa pa nga ako dahil dumalaw ka kahit walang ang anak natin tapos aawayin mo ako? This is really ridiculous! This is so strange to me, what the hell is going on?"

She yelled back, "What the hell is going on? You got the nerve to pretend again that you don't know what had happened last night? C'mon, this is so tiring Simon. Ang buong akala ko, nagbago kana pero mali pa rin pala ako," nag-uumpisa nang maglaglagan ang mga luha mula sa mga mata niya.

Simon wanted to reach her but he was so shocked with her sudden outburst, "Alam mo kung anong mahirap sa inyong mga babae, 'yung tatalon kayo sa isang konklusyon na walang sinasabing dahilan. Kagaya nalang nito, pumunta ka rito, inangilan ako at sinisigawan. Ganon naba talaga ako kasama sa paningin mo Samantha? You're my wife, yet you treat me like this. Sana di ka nalang dumalaw, dahil sa totoo lang sanay na rin ako sa loob ng kulungan," nagtagis ang bagang niya sa sobrang inis na nararamdaman lalo na at nakita niya ang masaganang luha na namalisbis mula sa mga mata nito.

"Simon! Simon! Nagagalit ako dahil sa maling ginagawa ninyong magkapatid. Sinabihan na kita noong nakaraang dalaw namin dito na pigilan mo si Reymond sa masamang balak niya pero palagay ko tinulak mo pa rin siyang gumawa ng mali. Alam mo bang tinangay ng kapatid mo si Denise Santillian kagabi at sa mismong araw ng engagement party niya. Sinisira ninyong magkapatid ang buhay ninyo. Ah, hindi na ikapagtataka dahil hanggang ngayon puno pa rin ng galit at paghihiganti ang puso ninyo. Pinagsisihan kong naniwala akong magbabago kayo ng pamilya mo. Nagagalit ako dahil hanggang ngayon mas pinili niyo pa ring magpakasama at guluhin ang buhay ng pamilya Santillian. Hindi ka ba naaawa sa amin ni Nate? Hindi na ba talaga kami mahalaga para sayo Simon na pati ang kapatid mo hinila mo rito sa impyernong kinasasadlakan mo," walang tigil na sumbat niya rito habang tuloy ang masaganang luha mula sa mga mata niya.

Napaawang ang labi ni Simon at hindi makapaniwala sa narinig. "You… You said my brother kidnapped Brielle's sister? Paano nangyari?"

"Paano nangyari? Ako talaga tinatanong mo?" Samantha snapped back at him.

"Seryoso ako, ano ba? Bakit ako pinagbibintangan mo o mas tamang sabihin, bakit mo ako dinadamay sa kasalanang wala naman akong ideya. Pambihira ka naman eh, masama na ba talaga ako para sayo? Nakalimutan mo bang bantay sarado ako rito sa loob ng kulungan at tingnan mo nga ang kalagayan ko bago mo ako husgahan. Ni wala akong komunikasyon sa labas, walang gadget at walang mga paa. And here you are accusing me directly. Kung anuman ang ginawa ng kapatid ko utang na loob huwag mo naman akong pagbintangan dahil wala akong alam. Kung hindi ka naniniwala sa sinabi ko maigi pa nga siguro na huwag mo nalang akong dalawin dito dahil mas gugustuhin ko pang manahimik nalang kesa makita kang nagkakaganyan. I made a crime and I served it for many years, yet it's so frustrating to hear your accusation and doubt against me. I am your husband but you never give me a chance to explain my side. Samantha, I am so tired of our situation and I give your freedom!"

Agad na tumayo si Simon at kahit hirap na maglakad, sa mabibigat na hakbang tinungo na niya ang pintuan at di na nilingon ang asawa.

"Simon! I myself, too, was so tired!" Her voice was broken, and her mind was in a chaotic state. "Bakit mas pinili ng pamilya mo ang ganitong sitwasyon? Nahihirapan na rin kami ni Nate. Nadadamay kami ng anak mo sa ginagawa ninyong magkapatid,"

Lumingon si Simon bago pa nakarating sa pintuan at mapait na ngumiti sa asawa, "Honey, I forced myself to changed but you doubted me. Nasasaktan ako sa mga akusasyon mo kaya mas pipiliin ko nalang na huwag kayong makita ni Nate kesa sa ganito tayong pareho na may tanim ng sama ng loob sa isa't isa. Pagod na rin ako! Gusto ko ng umalis sa impyernong lugar na ito pero di ko magawa dahil hindi pa tapos ang sentensya ko. Kagaya ng sinabi ko, wala akong kinalaman sa ginawa ni Reymond. Nalulungkot ako dahil di ko inasahan na gagawin niya ang ganitong bagay, sa halip na matapos ang problema at alitan lalong sumiklab dahil sa nangyari kamo kagabi, pero utang na loob, huwag mo naman akong pagbintangan. Ikaw nalang at si Nate ang buhay ko at sinikap kong magbago. Tinatanaw ko ang araw na makakalaya ako dahil namiss ko na kayong dalawa,"

Samantha ran towards him and hugged him tightly. Tears were flowing abundantly. He wiped her tears and kissed her lips. "Silly woman! Bakit mo ba ako inaaway kaagad?"

"I'm sorry! Nadala lamang ako sa emosyon at galit ko. Natatakot ako dahil sa ginawa ni Reymond. Alam kong siya ang tumangay kay Denise kagabi at ngayon tiyak kong lihim ng kumikilos ang pamilya Santillian," aniya.

Inakay siya ni Simon pabalik sa upuan saka ito muling nagsalita. "Bakit mo nasabing si Reymond ang tumangay kay Denise Santillian. Nagkagulo ba doon mismo sa party?"

Sunud-sunod na iling ang ginawa niya. "Actually, no one noticed that Denise was gone. Hindi pa rin natutukoy kung sino ang tumangay kay Denise. Wala ring balita na lumabas tungkol sa nangyari kagabi at tiyak kong hinarang ito ng pamilya Santillian. Inanunsyo lang kagabi na hindi muna matutuloy ang engagement party dahil sumama ang pakiramdam ni Denise pero naroon ako sa mismong harapan ng pamilya ni Brielle at naririnig ko nga na nawawala si Denise. Kaninang umaga habang papasok na sana ako, lumapit si Nate sa akin at sinabi niyang nakita niya sa comfort room si Reymond kagabi at nag-usap pa sila. Sabi ni Nate, ibinilin ng kapatid mo na huwag banggitin sa akin at nakasuot rin daw ng uniform ng hotel staff si Reymond. Alam naman natin pareho na Doctor ang kapatid mo ngunit ilang buwan na ngang di nagpapakita sa amin iyon kaya hindi ako pwedeng magkamali. Pumunta siya kagabi sa engagement party para tangayin ang bunsong anak ng Santillian,"