webnovel

LOVE IS A SONG

4/9

jadeatienza · Urban
Zu wenig Bewertungen
29 Chs

Scent of Love

Chapter 10. Scent of Love

   

     

NASA dugo na yata talaga ni Acel ang pagiging marupok kay Baxter dahil nawala ang lahat ng pagtatampo niya rito nang ihayag nito ang pangungulila sa kanya.

"Umupo ka muna, ipaghahain kita ng merienda," sambit niya makalipas ang ilang sandali.

Tumango ito at imbis na umupo sa sofa ay tinulungan siya nito sa paghahanda ng merienda. Habang naghahanda ay narinig nila ang pagdadabog na paglabas ni Aeiou mula sa kwarto, hanggang sa padabog na sinara nito ang pinto pagkalabas ng apartment.

"Kumusta?" tanong niya nang umupo na sila sa sofa.

He seriously looked at her. "Ask me questions, Acel."

"I'm already asking you if how are you."

Hindi nito inalis ang tingin sa kanya. "Kahit hindi mo ako tatanungin, sasabihin ko naman ang dahilan. Nagkaroon ng emergency sa kumpanya at wala si Kuya kaya kinailangan kong samahan si Papa sa ilang meetings nitong nakaraan," litanya nito.

Pero hindi iyon ang gusto niyang malaman. She pouted as she grabbed the glass of juice and drank it.

"Ms. Alfonso is my brother's secretary," esplika nito.

She sighed trying not to think about the kiss. Bahagya mang nakaharap kay Baxter ay bumaba ang titig niya sa dibdib nito dahil para siyang mapapaso sa paraan ng paninitig nito.

"And she's also his lover."

Wala sa sariling naibuga niya ang juice dito. Sa sobrang pagkataranta ay dinaluhan niya agad ang nabasa nitong dibdib ngunit nakalimutan niyang ibaba ang baso, ang siste, mas lalo itong naligo sa iniinuman niyang apple juice.

"It's fine, I'll take care of it later," mahinahong untag nito at hinuli ang kamay niyang nakapataong sa dibdib nito. She felt his muscles stiffened as she stared at their hands.

"You were kissing your brother's lover," akusa niya.

"I was what?!" gulat na tanong nito.

Kumuha siya ng lakas ng loob na titigan ito at bakas ang kalituhan sa gwapo nitong mukha. "I saw you at the Club Room, she held your hands and you kissed."

He laughed with obviously no humor. "Nakita mo ba'ng dumikit ang labi ko sa labi niya?"

Now that she thought of it... Wait, she didn't want to think about Baxter kissing someone. Medyo masakit...

"Hmm?"

Tumungo siya at ngumuso.

"We didn't kiss. How can I kiss someone when I clearly told you I have feelings for you?"

Napakurap-kurap siya't natigilan. Nabibingi ba ako?

"I'm sorry if I didn't tell you right away. I tried reaching you but you were unreachable. I sent you emails as well. Pati chats."

She's guilty about that part.

"Hindi mo talaga iyon babae?"

He chuckled, now with his tantalizing eyes. Pagkuwa'y inakbayan siya nito at sinabing hindi nito kaano-ano ang babaeng nakausap nito noong nakaraan. Malugod naman siyang sumandal dito habang kinakain ang clubhouse sandwich na gawa niya.

"Have a bite," bulalas niya't inilapit dito ang kinagatang sandwich.

Suminghap ito sa munting paggalaw niya at kinagatan ang sandwich.

"Pagpasensyahan mo na si Aeiou kanina, ah," bulalas niya nang maalala ang kaibigan.

"That's alright. Naiintindihan ko siya." Tutok na tutok ito sa TV. "You're lucky to have her as your friend."

"Hindi ka nagseselos?"

"Why would I?" he asked amusingly.

"Because she's my best friend. Mas malapit kaming dalawa kaysa sa iyo."

"That's understandable. You're best friends." Hindi pa rin nito tinatanggal ang tingin sa TV samantalang siya'y halos magkanda-bali na ang leeg para malingunan ito.

"I didn't know you like Friends," komento niya't ngumuso sa TV screen.

"I don't," seryosong sagot nito. Sabagay, he didn't like to watch series.

"And you smell sweet. I like your musk scent better, though. Ano na nga iyong pabango mo?" pag-iiba niya sa usapan. Naghahalo ang amoy ng juice sa amoy-panlalaki nito and she assumed it's his perfume.

"Polo Blue."

"Bakit parang hindi naman ganito ang amoy ng Polo Blue?" Wala sa sariling sininghot niya ito. Even without the spilled juice on his shirt, hindi naman amoy ng naturang pabango ang naaamoy niya rito. He smelled more manly than the perfume.

"Stop it, Acel..."

"Stop what?" Mas idinikit niya ang ilong sa dibdib nito. "If only I knew your scent is addicting, noon pa sana kita inamoy-amoy nang ganito."

His muscles clenched and he's now on top of her. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi niya namalayang pumaibabaw na ito sa kanya. "Are you trying to seduce me?"

Napakurap-kurap siya. She didn't realize that! "I... Uh... I only like your scent. I didn't..."

"I know," he said huskily and met her lips. His kisses started gently, then, he began to claim her mouth aggressively yet so hotly while she unconsciously uttered his name in her sweet low tone.

Gumanti siya sa halik nito at yumakap sa batok ng huli. Para silang gumagawa ng sariling musika sa sarili nilang mundo habang pinagsasaluhan ang halik na iyon. Sapo nito ang kanyang baba at naramdaman niyang dinala nito ang kamay sa likod ng kanyang ulo saka marahan siyang sinabunutan habang palalim nang palalim ang halik.

"Hmm..." halinghing niya't mas humigpit ang kapit niya rito.

Roon ito tila nagising at parang napapasong humiwalay sa kanya.

"I'm sorry..."

Their music was gone instantly.

Umayos siya ng upo at kalauna'y tumayo; hindi makatingin ng diretso rito. "I'll look for some oversized shirt, so y-you could change."

Bago pa niya maisara ang pinto ng kwarto ay nakita niyang papalapit ito. She opened the door widely and welcomed him inside only to kiss her gentler this time.

"I'm sorry for being aggressive. I pulled your hair..." namamaos nitong untag matapos ng halik. So, he wasn't sorry about the kiss, huh? Tila kumanta ang puso niya sa narinig.

Napalunok siya't naalala kung paano siya nitong marahang sinabutanan sa gitna ng halikan. At aaminin niyang nagustuhan niya iyon.

"You're blushing," parang wala sa sariling untag nito. "So beautiful..."

"I... honestly liked it," bulalas niya.

Hindi makapaniwalang tinitigan siya nito. "But I thought I might have hurt you."

"No, I liked the way you pulled my hair as we were kissing deeply. I also want to try doing it to you." Nag-iwas siya ng tingin. Never in her life that she's been kissed intimately, yet here she was, telling Baxter that she wanted to kiss him hungrily and aggressively, too.

Marahan itong napamura. "I'll go outside. Hihintayin kita."

"You can take a shower here. Nabasa kita kanina," suhestisyon niya. Pagkuwa'y napailing siya. Baka kung ano'ng isipin nito.

He plastered an affectionate smile on his beautiful face. "I really like you and I will court you this time, Acel."

She was taken aback by his sudden confession.

"Did you hear me, hmm?" anas nito nang hulihin ang kanyang baba at pilit na hinuhuli ang kaniyang tingin.

Para siyang nalulunod sa iba't ibang emosyong naglalaro sa mga mata nito. Napatango siya at tila tuksong bumaba ang mga tingin sa namumula nitong labi.

He grunted and pulled her closer to him, then, he murmured, "Just one more kiss..."

She gladly nodded as sge answered to his sweet and hungry kisses.