webnovel

Lost With You (Tagalog BL)

Sumabog ang sinasakyang cruise ship nina Cyan at nang lalaking pinangalanan niyang Red—nagkaamensia ito matapos makaligtas sa trahedya—na papuntang Japan. Kapwa sila nangangapa sa pagsubok ng survival sa isla. Magkatuwang sila sa paghanap ng pagkain, tubig at matutuluyan upang mabuhay habang naghihintay ng tulong. Lumipas ang mga araw, ang dating magkakilala ay napalapit sa isa't isa, kasabay nito ang pagtayo nila ng sarili nilang kastilyo sa paraisong sila ang namumuno. Bumuo ng pangako sa isa’t isa na ang isla ang tanging saksi. Dumating ang tulong na dati’y inaasam nila—pero ngayo’y kinakatakutan na nila. Bumalik din ang mga alaala ni Red, at natuklasan nilang pareho na nakatali na pala ito sa iba. Paano na ang mga pangakong binuo nila? Paano na ang pagmamahalan nila?

xueyanghoe · LGBT+
Zu wenig Bewertungen
31 Chs

FOUND: CHAPTER 16

Busy ang araw na ito para kay Riley o mas kilala sa tawag Direk Red, ngayon ang world premiere ng pelikulang ginawa niya. Nakaupo siya sa isang sofa habang pinagmamasdan ang mga kasamahan niyang palakad lakad sa loob ng silid.

Maingay ang silid at lahat ay nagmamadali. Matagal na ring panahon mula nang nakaranas siya ng katahimikan sa buhay niya. Matapos siyang natagpuan sa isla ay bumalik ang nakakabinging ingay sa kaniyang buhay.

"Direk, may tawag mula sa producers ng Cine Hub, the interview will be this afternoon," wika ng isang staff niya. Hindi niya ito narinig dahil nakakatig lamang siya sa suot nitong damit.

"I'm sorry, ano ulit yun?" minasahe niya ang kaniyag noo sa ka-lutangan niya.

"Tumawag po ang producers ng Cine Hub, Direk, finalizing your interview this afternoon." Pauulit ng staff niya.

"I see," tumatangong wika niya. Napatingin siya sa suot ng staff niya, napansin niyang baliktad ang suot nitong damit. Napangiti siya dahil sa kaniyang naalala. "Baliktad ang suot mong T-shirt,"

Nandilat naman ang mata ng staff niya at napatingin sa sarili. Namula ang mukha nito at nagpaalam para magbihis. Napalingo na lang si Riley sa nangyari.

Sa pagkakataong iyon, naalala na naman niya si Cyan. Mahigit limang taon na rin mula nang huli niya itong masilayan. Ang huling pagkakataong matitigan niya ito sa mata ay noong bumaba sila mula sa navy ship na nagrescue sa kanila mula sa 'di kilalang isla na matatagpuan sa teritoryo ng Japan.

Tahimik lang sila buong biyahe, nais niya itong kausapin pero nakahawak sa kaniyang mga bisig ang kaniyang asawang si Melania. Mahigpit ang yakap nito sa kaniya pero ang kaniyang mga mata ay nakatitig lamang sa umiiyak na si Cyan.

Matapos ng huling tagpong iyun, hindi na niya muli pang nasilayan ang binatang nagpa-ibig sa kaniya.

***

"So, your film entitled The Castaway is kind of intriguing, Direk Red..." panimula ng host ng Cine Hub. "Can you tell us more about your film?"

Tumawa nang mahina ang director. "Well, thank you to my team who helped me craft this film, without them, I can't really tell how this film would look like. Ms. Katya and I worked on the script years ago, and this is the story of a young aldut, trapped in an island alone. And in order to keep his sanity, he created his own world in that very island. That's basically the concept we plotted, and then through the years, new ideas came until we ended up with this movie."

"Balita ko, Direk, you've been a survivor in a shipwreck 5 years ago...is this somewhat related to your film...or ito ba iyung nag bigay sa'yo ng inspirasyong mabuo ang pelikulang ito?" tanong ng host sa kaniya.

Natigilan si Red at sa ilang segundong pagtigil niya ay bumalik sa kaniyang alaala ang tamis ng kahapon. Mapait ang ngiting ibinaling niya sa kausap na host at napabuntong-hinga. "Maybe that experience gave me that inspiration...but it's actually our brilliant Ms. Katya—who happened to survive also with the shipwreck—come up with that concept, and when she presented that to me, I was hooked and that's the birth of The Castaway."

"Direk, the film is all about love, despite it being a psychological fantasy-sort, do you have anyone in your heart right now, you seemed inspired,"

"I am always in love," nakangiting wika niya. "Of course, with my work." Dagdag niya. Nagtawanan naman sila ng host.

***

Nang matapos ang interview, nagkaroon ng party ang buong crew ng pelikula sa isang bar. Successful ang world premier ng pelikula nila. Masaya siya dahil nagbunga ang lahat ng hirap at pagod na ibinuhos niya sa pelikulang iyun.

"At bakit ka mag-isa dito, Riley Estimo Domingo?" bumungad sa kaniya ang isang babaeng may hawak na dalawang shot glass. Ibinigay nito sa kaniya ang isang baso.

"Ikaw pala, Katya..." walang ganang wika niya. Agad niyang nilagok ang alak na ibinigay nito sa kaniya.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," nakataas ang isang kilay nito.

"Ano?"

"Bakit ka mag-isa?" nakangisi at makahulugan ang tinging ipinukol nito sa kaniya.

"You know the answer." Matabang niyang sagot dito. He rolled his eyes.

"It's been 5 years, Riley. Siya pa rin?"

Biglang inagaw ni Red ang shot glass mula sa kamay ni Katya at agad itong tinunga. "Makikipag-hiwalay ba ako kay Melania kung hindi siya ang laman ng puso ko?"

"No one's denying that, but it's been 5 years but hindi mo pa rin siya nakikita..."

"I am trying, okay!?" malakas niyang pagkakasabi. Sinuklay niya ang buhok gamit ang sariling kamay at napapikit biglang sumakit ang kaniyang dibdib na tila dinurog.

"Well, who am I to argue, I benefited from this whole drama. Imagine, ibinigay mo sa akin ang pelikulang pinaghirapan mong isinulat. You even announced to the whole world na ako ang nakaisip nang ideyang iyun." Katya smirked.

"It doesn't change the fact that you're excellent in screenwriting," Isinandal niya ang likod sa pader at nilalaro ang mga daliri.

"Paano kung napanood ito ni Cyan, tapos dineny mo na sa'yo ito galing? Anong mararamdaman niya pag nagkataon?"

Biglang tumawa si Red, napatingin si Katya sa kaniyang kaibigan at nakitang tumulo ang isang butil ng luha mula sa kaliwang mata nito habang tumatawa. "Bakit, siya ba...alam niya ba ang nararamdaman ko ngayon?" Nagpatuloy sa pagtawa si Riley pero ramdam ni Katya na taliwas ito sa tunay na nararamdaman ni Riley.

"Eh kung sinabi mo kanina sa Cine Hub na hinahanap mo si Cyan Dale Baltazar, malamang buong mundo ang tutulong sa'yong hanapin siya." Prangkang wika nito.

"Hindi ganun kadali 'yun, Katya. Ayaw ni Cyan na maging sentro ng usapan. Ayaw ko ring guluhin ang buhay niya kung gusto niyang 'wag siyang guluhin."

Bigla siyang tumayo at dumeretso sa banyo. Hindi mapigilan ni Red ang sariling mapaluha sa isiping ayaw ni Cyan na magpakita sa kaniya.

Sa loob ng limang taon, hinanap niya ito. Nakipag-annull din siya kay Melania at inamin dito na isang lalaki ang gusto niya, naiintindihan naman ito ni Melania at mas pinadali ang kanilang annulment, pati sa kaniyang mga magulang, sinabi na rin niya ang totoo. Tanging mga taong malapit sa kaniya ang nakakaalam sa kaniyang pinagdadaan tungkol kay Cyan.

Pinuntahan niya ang mga magulang ni Cyan, base sa mga ito maging sila ay hindi alam kung nasaan ito, matapos daw nitong bumalik mula sa isla, ay kinabukasan bigla na itong nawala at nagdala ng mga gamit. Ilang beses din siyang bumalik doon, pero walang bakas ni Cyan. He know Cyan's parents know his whereabouts, ayaw lang nitong sabihin sa kaniya.

Pumunta siya sa bayan nina Skyrus, subalit wala din doon. Pumunta siya nang Japan sa Universal Studios, wala ring Cyan. Nag hire na siya ng mga private investigators pero sadyang magaling mag tago si Cyan. Pati sa social media, ay wala din siyang mahagilap.

Napanghihinaan na siya nang loob subalit alam niya sa sarili niyang si Cyan lang laman ng kaniyang puso.

Paglabas na paglabas niya sa loob ng cr, nakita niyang naka-pwesto sa stage ang bandang Constellation na kasalukuyan nilang tinutugtog ang OST ng pelikula na siya din ang sumulat pero gumamit siya ng pseudonym para itago ang pagkatao niya.

Once upon a time

I woke up in the bed of sand

It's me and you

Lost in this island

Together with the shipwreck

My heart begins to break

Coz darling, I forget my name.

Then you rise, said 'Hello'

Worried and dazed, dunno what to do.

As the days passed,

I forgot to care who I was

Because you are enough

We rule our castle in this paradise

It's me and you, we built our empire

We lay our backs at the sand

The stars our roof, the heavens' our guide

I hope this won't end.

Hindi na niya tinapos ang kanta, dumeretso na siya sa exit ng bar ang nagdesisyong umuwi na.