webnovel

LIE TO ME.

Alam niyang mali, pero nagsinungaling pa rin siya dahil iyon lang ang alam niyang dahilan para mapalapit sa taong napupusuan ng kanyang batang puso.

jadeatienza · Urban
Zu wenig Bewertungen
6 Chs

Number

Chapter 2. Number

       

         

NAGPUNTA sila Eri at Mercy sa botanical garden, mayroon kasing silong sa ilalim ng malaking Narra tree. At isa pa, malamig ang simoy ng hangin doon.

Nang makarating sila ay nilatag ni Mercy ang dalang panyo sa bench at umupo.

"Ano na ngang pinagkukwentuhan natin kanina?"

"Your previous school?"

"Ah, oo!"

"Ano namang pagkukwentuhan natin doon?"

"My crush." Humagikgik ito.

"What? We're too young for that!" she hissed.

"Ano ka ba? Crush lang naman. Some of my classmates already have boyfriends or girlfriends," katwiran nito.

Totoo ba iyon? She wouldn't know. She'd been home-schooled.

"I have a crush with Ram, like he's super cute! I can't show you his photo. Later, ipapakita ko," naaatat na hayag nito. They shouldn't use their phones during class time. Sinu-surrender nila ito sa adviser nila. They'd only get it when their classes had ended.

"Huwag na. Hindi ko naman kilala."

"Kaya nga ipapakilala ko! Gusto kong maging crush mo rin siya para same tayo ng feels."

"Okay ka lang, sis?"

Seriously? They're just grade seven and they were already talking about boys?

Ngumiti ito at tumango. Binalewala ang pag-uuyam sa kanyang tinig.

"Siya nga pala, may tryouts for volleyball next week. Sali tayo." pag-iiba niya sa usapan.

"Do you even know how to play volleyball?" she asked. "The last time you played, out lahat ng tira mo," dagdag pa nito. Prangka talaga itong kaibigan niya kahit kailan.

"I practiced hard during our P. E. You just didn't notice because you were absent thrice, you best actress," panunuya niya. Sa tatlong beses kasi na iyon ay kung hindi masakit ang tiyan, masakit ang ilong, o kung anu-ano pang pwedeng sumakit dito.

Nginisihan lang siya ng kaibigan.

"Sali na tayo, magaling ka namang mag-volleyball. You told me you were a varsity." pamimilit niya.

"Iiwanan ba kita?"

They practiced hard. Kaya naman nang tryouts na ay hindi kataka-takang natanggap silang magkaibigan. Their schoolmates congratulated them.

Ngayon ay mas naging abala sila tuwing may libreng oras sila. Naglalaan din sila ng oras bago umuwi para sa kanilang ensayo. Malapit na kasi ang Athletic Meet kung saan maglalaban-laban ang mga private schools ng Division. At sila ang una sa lineup, panghuli ang mga seniors. Kaya naman puspusan talaga ang kanilang pag-eensayo.

Hanggang sa dumating ang araw na pinakahihintay. Gaganapin ang opening ceremony sa St. Benedict Academy dahil ito ang pinakamalaking pampribadong paaralan sa kanilang dibisyon. Alas sinco pa lamang ay nagkita-kita na sila sa Gonzales' gym at sabay-sabay na umalis patungong SBA pagpatak ng alas sinco y media.

Manghang-mangha siya nang makarating sa parking lot ng SBA, entrance pa lamang ang nakikita niya ay alam na niya agad na hindi basta-basta ang eskwelahang iyon.

"Bilib na bilib ka, ah. Magta-transfer ka na ba?" bulong ni Mercy.

"Heh!" saway niya.

They went inside the Assembly Hall, ultimo riyon ay centralized ang air-condition.

Matagal-tagal din ang opening remarks at ang ceremony mismo. Nababagot na siya ngunit ang sabi ni Mercy ay matagal-tagal pa raw iyon dahil nga marami ang schools na maglalaban kaya mas mainam daw na malinaw ang rules at kung anu-ano pang kailangang i-anunsyo.

"You see that girl from grade nine? Iyong leader ng cheerleading squad natin?" nginuso nito ang naturang babae.

Tumango siya. Sikat kasi iyon sa kanilang paaralan.

"She's also a campus crush in here before."

"Ha? You mean, transferee rin siya sa Gonzales?"

"Yes!"

"Kaya pala ang lakas din ng mga nag-cheer sa kanya rito kaninang nag-perform sila."

"Of course! Kanon was, and still a celebrity here."

Tumangu-tango lang siya. She didn't really care about that.

Other representatives from other schools also had performances for the opening ceremony.

Nagtaka siya nang lumingon ang kanyang kaibigan sa may emtrance.

"OMG!" Halos tumili ito.

"Hey, what?"

"He's here!" kinikilig na sambit nito.

"He's here? Who's here?"

Lumingon siya sa tinitingnan nito at natigilan siya nang makita kung sino ang tinutukoy nito.

"Who's he?"

"He is Ram!"

"Ram?"

Kaysarap sambitin ng pangalan nito. She guessed his height as five eight or so. At his age, she could say he's already fit. He's wearing a basketball jersey, he also had wrist and knee pads.

Kulay kape rin ang balat nito at sigurado siyang kahit sa malapitan ay masasabi niyang pantay-pantay ang kulay ng kutis nito. Makakapal ang mga kilay, may kasingkitan ang mga mata, matangos ang ilong, at sa tingin niya ay mapula ang makapal nitong labi. Bagay na bagay ang features nito sa hugis pusong mukha nito at ang estilo ng buhok ay undercut. Maayos na nakaporma ang buhok nitong nakataas kaya kitang-kita niya ang napaka-suave nitong noo.

Nakita niya kung paanong napalingon din sa banda nito ang iba pang mga estudyante, ganoon kalakas ang presensya nito.

"I told you, he's cute, hindi ba?"

Cute? Cute was an understatement. He was godlike!

Sa dinami-rami ng nakatingin dito, sa banda pa niya talaga ito lumingon. Wala sa sariling inayos niya ang suot na salamin. Wala siyang grado, sinuot niya lamang iyon dahil anti-radiation ang salamin niyang iyon.

Tila tumigil ang mundo nang tumagal ng ilang segundo ang titigan nila.

"Mercy..." wala sa sariling tawag niya sa kaibigan. Ang paningin ay nasa direksiyon pa rin ng binatilyo. Pagkuwa'y nilingon niya ang kanyang kaibigan.

"...may number ka ba niya?"

Umawang ang bibig ni Mercy dahil sa kanyang tinuran.