Isang matangkad na balingkinitan na lalake ang lumulutang sa ere. Na may ordinaryong mukha, pero ang mga mata niya ay kasing liwanag ng mga tala.
Hindi naman ganung kalakas ang dating ng kanyang presensya, at maraming tao ang may mas mataas na cultivation kesa sa kanya. Pero, merong nakakasulasok na pwersa na lumalabas mula sa kanya, na para bang ang kaharap tuloy ng mga tao ay ang kalangitan na mismo.
Kapag kinalaban nila ito ay para na rin nilang kinalaban ang mismong mundong tinitirahan nila, at isa lang ang kahahantungan ng kanilang kahangalan.
"Zhang shi…"
"Andito na si Principal Zhang!"
"Sa wakas!"
Naitikom ng mahigpit nila Song Chao at ng iba pa ang kanilang mga kamao sa tuwa, at namugto ang kanilang mga mata.
Ang bigat na kanilang pinapasan noong mga nakaraang araw ay masyadong mabigat na pakiramdam tuloy nila ay madudurog na sila dahil dito.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com