Ang iba man ay hindi alam ang sentinmiyento ni Zhang Xuan sa kanyang mga estudyante, pero simula nung sinundan niya ito sa Tianxuan Kingdom, malinaw kay Sun Qiang ang bagay na ito.
Para kay Lu Chong, mag-isa niyang hinarap ang isang buong Conferred Kingdom. Para kina Zhao Ya at Wang Ying, handa siyang pagbantaan ang mga makapangyarihan na kumupkop sa kanila. Para kay Wei Ruyan, handa siyang ilagay ang sarili sa panganib.
Masasabi na para sa kanyang mga estudyante, gagawin niya ang lahat para sa mga ito!
Kung meron mang mangyaring masama kay Liu Yang, nakikita na niya si Zhang Xuan na sumusugod sa Qingyuan royal palace at nagwawala, hindi tumitigil hangga't hindi nababaliktad ang buong lugar!
"Anong gagawin ko?" Napasimangot si Sun Qiang.
Kahit na alam ng iba na nasa seklusyon ngayon si Zhang Xuan, alam ni Sun Qiang na pumunta ito sa malayong lugar, at mahihirapan siyang makabalik kaagad.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com