webnovel

Pagbibigay Pugay kay Teacher Zhang Xuan

Redakteur: LiberReverieGroup

"Lolo, narinig ko na ang tungkol kay Clan Head Wang Hong. Kasama siya sa listahan ng Zongshi board at kabilang sa sampung pinaka maimpluwensyang tao sa buong kaharian. Ang cultivation niya ay umabot na sa Fighter 7-dan pinnacle, isang hakbang na lang mula sa Zongshi! Bakit ka naman bibisitahin ng isang taong katulad niya?"

Nagningning ang mga mata ni Shang Bin sa tuwa, kahit na hindi pa rin siya makapaniwala sa sitwasyon.

Sa Tianxuan Kingdom, ang mga nakakakilala sa royal family ay kilala rin ang Four Great Clans. Si Clan Head Wang Hong, ang pinaka malakas sa Wang Clan, ay nakaabot na sa Fighter 7-dan pinnacle at kilala sa iba't ibang lugar ang kanyang pangalan. Karaniwan, imposibleng makalapit sa sa ganitong klaseng tao kahit na gustuhin mo. Pero, ngayon, personal mismong nagpunta dito si Clan Head Wang Hong para lang bisitahin ang lolo niya. Kung hindi niya mismo narinig ang balita, mahihirapan siyang paniwalaang totoo 'to!

"Haha, baka dahil kay Wang Tao!" Natawa si Elder Shang Chen.

"Si Wang Tao shaoye?"

Shaoye -> Young master

Shaoye -> Young master

" Tama. Si Wang Tao ang panganay na anak ni Clan Head Wang Hong at balang araw, siya ang mamumuno sa Wang clan. Bukod sa tinanggap ko siya bilang disipulo ko, matagumpay ko ding napaabot ang lakas niya sa Fighter 4-dan Pigu realm. Kung iisipin, baka nalaman ng clan head ang mga ginawa ko para kay Wang Tao, kaya naman, nagpunta siya dito para magpasalamat!" Hinaplos ni Elder Shang Chen ang kanyang balbas, halata ang matinding kasiyahan sa kanyang mga sinabi.

"Estudyante niya si… Wang Tao?"

Habang nakikinig siya sa kanilang usapan, napaatras si Zhang Xuan.

Alam niyang tinanggap ng isang elder ang kuya ni Wang Ying bilang disipulo nito. Pero, hindi niya inakalang si Elder Shang Chen pala ang elder na yun.

"Oo!" Tumango si Shen Bi Ru, makikita pa rin sa itsura niya ang pagkainis niya. "Mas mabuti kung gagamitin mo ang enerhiya mo sa pag-iisip ng solusyon sa problema mo. Halatang ayaw sayo ni Elder Shang Chen, at ngayon, kasama niya pa ang Wang clan. Sa susunod, mas magiging dominante pa siya. Kahit na manatili ka sa akademya, siguradong maghihirap ka!"

"Sa susunod na natin pag-usapan yan!"

Walang pakialam si Zhang Xuan sa nangyayari.

Kahit na kalabanin pa siya nila Elder Shang, hindi siya isang tao na madali nilang maaapi. Kung kinakailangan, ipapakita niya kung gaano siya kalakas at aayusin niya ang tungkol dito gamit ang lakas niya!

Kunsabagay, gamit ang Library of Heaven's Path na may kakayahang makita ang kahinaan ng ibang tao, mahirap malaman kung sino sa kanila ang mananalo.

"Ikaw…"

Nang makitang walang pakialam si Zhang Xuan, galit na galit na nagdabog si Shen Bi Ru.

Nag-aalala siya kay Zhang Xuan, pero wala siyang pakialam dito. Nakakagalit talaga!

"Tara na't salubungin natin sila!"

Masayang pinangunahan ni Elder Shang Chen ang lahat papunta sa entrance ng akademya.

Isang personal na pagbisita mula sa pinuno ng isa sa Four Great Clans, hindi masasayang ang pagod nila kahit na salubungin pa nila siya sa labas ng akademya, lalo na sa enstrance nito.

Kung magkakaroon siya ng ugnayan sa kanila, ibig sabihin posibleng maging kandidato siya para sa posisyon ng vice-principal sa gaganaping eleksyon sa susunod na taon!

"Elder Shang!"

"Elder Shang!"

Bago pa sila makarating sa entrance, isang grupo ng pito hanggang walong tao ang nakasalubong nila. Ang nangunguna sa mga ito ay isang lalaki. May awtoridad ang tono ng kanyang boses. Malinaw na makikita na matagal na siyang nasa mataas na posisyon.

Siya ang pinuno ng Wang clan, si Wang Hong!

May ilang matatanda ang nakasunod sa kanya, at ang bawat galaw nila ay nagpapakita ng lakas ng isang nasa Pixue realm. Malinaw na sila ang mga elder ng Wang clan.

Sa pinaka likuran, may dalawang kabataan. Ang isa sa kanila ay si Wang Tao habang ang isa naman ay ang apo ng 2nd Elder, si Wang Yan, na kapapasok lang sa akademya ngayong taong ito. Sinasabing natanggap siya bilang estudyante ni Lu Xun laoshi. May talento siya, at pinapaboran siya ni Lu Xun.

"Masaya akong napadalaw ka Clan Head Wang. Kung mayroon kang kailangan, huwag kang mahiyang magsabi sakin. Para pumunta ka dito, ay… isang karangalan!" Ang sabi ni Elder Shang Chen.

"Hindi mo na kailangang maging pormal. Yung totoo, mayroong isang bagay na kakailanganin ko ang tulong mo…" Ang nakangiting tugon ni Clan Head Wang Hong.

"Clan Head Wang, huwag kang mahiyang magsalita!" Ang mabilis na tugon ni Elder Shang Chen.

Kung makakagawa siya ng pabor para kay Wang Hong, siguradong makakaakyat siya sa malaking puno na kilala bilang ang Wang clan…

"Sigurado akong narinig na ni Elder Shang ang tungkol sa bunso kong anak, si Wang Ying. Narinig kong pinili niya ang isang teacher na nagngangalang Zhang Xuan…" Dahan-dahang nagsalita si Clan Head Wang Hong.

"Si Zhang Xuan? Nandito ba si Clan Head Wang para kay Zhang Xuan?"

Kumislap ang mga mata ni Shang Bin. Halos mapatalon siya sa sobrang tuwa nang marinig niya ang mga salitang iyon.

Nakita niya noon si Wang Tao shaoye sa labas ng classroom ni Zhang Xuan, at alam niyang naloko ni Zhang Xuan si Wang Ying para maging estudyante niya. Inasahan na niyang hindi ito palalampasin ng Wang clan. Subalit, hindi niya inakalang kikilos agad ang Wang clan, at pumunta pa mismo ang clan head nila para ayusin ang problemang ito!

Itinikom ni Shang Bin ang kanyang mga kamao at humalakhak siya ng parang baliw sa kanyang isipan.

[Ano ngayon kung nanalo ka sa Enlightenment Will Trial? Sila ang Wang clan, isa sa Four Great Clans ng Tianxuan Royal City! Maliban sa ikaw ang pinaka walang kwentang teacher sa buong akademya, kahit na ang isang kilalang teacher na gaya ni Wang Chao ay mamalasin kapag ginalit niya ang Wang clan!]

Dahil naisip ni Shang Bin ang ganitong posibilidad, natural, ganito din ang naisip ni Cao Xiong. Nanginig ang buong katawan niya sa sobrang tuwa, na para bang sinusumpong siya ng epilepsy.

"Manahimik ka! Hindi ito ang lugar para magsalita ka!" Nang marinig niyang sumingit ang apo niya sa pagsasalita ni Clan Head Wang, agad na pinagalitan ni Elder Shang Chen si Shang Bin.

Kahit na siya ang namumuno sa Education Bureau, marami siyang kailangang asikasuhin. Ang alam lang niya ay may nakuhang limang estudyante si Zhang Xuan, pero hindi niya alam kung sino ang limang estudyante na yun.

Hindi niya alam na estudyante din ni Zhang Xuan si Wang Ying.

"Huwag kang mag-alala…" Ikinumpas ni Clan Head Wang Hong ang kanyang kamay para ipakitang hindi siya naabala ng pagsingit ni Shang Bin. Ngunit, sa kalagitnaan ng pagsasalita niya, biglang lumapit si Wang Tao at sumigaw, "Ama!"

"Anong problema?" Sumimangot si Clan Head Wang Hong.

"Ang taong iyon ay si Zhang Xuan laoshi!"

Tumuro kay Zhang Xuan si Wang Tao.

Pagpasok nila sa Enlightenment Will Tower, nakita at nakilala niya si Zhang Xuan.

"Siya si Zhang laoshi?"

Paglingon niya, tumaas ang mga kilay ni Clan Head Wang Hong.

"Tama, ang taong ito ay si Zhang Xuan ng aming akademya!"

Hindi niya naisip na ganito kalakas ang loob ni Zhang Xuan para linlamgin pati si Wang Ying. Kumislap ang mga mata ni Elder Shang Chen habang nakangiti niyang ipinakilala si Zhang Xuan.

"Hehe! Ngayon, siguradong mahihirapan siya. Mabilis magdesisyon si Clan Head Wang sa pagpatay sa ibang tao. Hindi siya masunurin sa batas di gaya naming mga teacher…"

"Nararapat lang sa kanya yun, ang lakas ng loob niya na lokohin pati ang anak na babae ni Clan Head Wang. Hindi ba parang masyadong malakas ang loob niya…"

Nang makita nilang nabaling ang atensyon ni Clan Head Wang Hong kay Zhang Xuan pagpasok niya sa hall, tumawa sila Shang Bin at Cao Xiong dahil sa kamalasan ni Zhang Xuan.

[Sino ba sa mga pinuno ng Four Great Clans ang hindi mabagsik?

Bilang ang pinaka walang kwentang teacher sa akademya, nagpapakamatay na siya dahil niloko niya ang anak na babae ng isang taong tulad ni Clan Head Wang Hong!]

Habang iniisip ng dalawa na siguradong mapapahamak na si Zhang Xuan ngayon, nagulat sila nakita nila.

Nakita nila si Clan Head Wang Hong na humakbang ng dalawang beses palapit kay Zhang Xuan. Hindi siya galit di gaya ng inaasahan nila, hindi din niya inatake si Zhang Xuan. Sa halip…. masaya siyang yumuko sa harap ni Zhang Xuan, "Nagbibigay pugay si Wang Hong kay Zhang Xuan laoshi!"

Tila nabibigay respeto siya sa isang kahanga-hangang pinuno sa inaasal niya, at tila natatakot siya na baka magalit sa kanya si Zhang Xuan dahil sa biglaan niyang pagsulpot at sa sa kanyang pananalita.

"Ano to!"

"Siguradong namamalikmata lang ako! Paano… Paanong nangyari 'to?"

Napahinto sila Shang Bin at Cao Xiong, at halos mahimatay sila sa kanilang nakita.

[Anong nangyayari?

Hindi ito ang dapat na mangyari. Hindi ba dapat sinigawan ni Clan Head Wang Hong si Zhang Xuan nang magkita sila, pagkatapos ay bubugbugin niya ito?

Bakit bigla siyang yumuko, at nagbigay pugay…]

Isa man itong pormalidas, ngunit kahit ang kanyang lolo, na si Elder Shang Chen, ay may pribilehiyo din na batiin ng ganito…

Anong karapatan ng isang tao na nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examination para batiin siya ng ganito ng clan head?

"Huminahon ka, Clan Head Wang Hong. Nakakasama sa atay ang magalit. Hindi karapat dapat sa galit mo ang pinaka walang kwentang teacher sa akademya… Un? Ehem ehem…"

Noong una, gusto sanang magpanggap ni Elder Shang Chen na mabuti siyang tao para kumbinsihin si Wang Hong. Subalit, sa kalagitnaan ng pagsasalita niya, nakita niya ang pangyayaring iyon. Sa isang iglap lang, pakiramdam niya ay nakakain siya ng patay na daga. Napatigil siya at halos malunod siya sa sarili niyang laway.

[Hindi ba't sinabi mong niloko ni Zhang Xuan si Wang Ying para maging estudyante niya?

Hindi ba't sinabi mong nandito si Clan Head Wang Hong para guluhin si Zhang Xuan?

May makakapagsabi ba sakin kung anong nagyayari dito?]