"Ito ang..." Kaagad na lumingon si Wu shi sa isla.
Kahit na siya ang vice head ng Qingyuan Empire Master Teacher Pavilion, ito ang unang beses na nakita niya ang pinag-uusapang Ghost Cavern.
Isa itong maliit na isla na may lawak na tatlong kilometro. Sa pinakagitna nito ay isang lawa na hugis mata, at imposible na makita kung gaano ito kalalim kung titignan lang ito mula sa ibabaw nito. Nakakalat sa buong isla ang mga bato na may kakaibang hugis.
Kahit na ang isla ay umahon mula sa latian, para bang mayroong misteryosong kapangyarihan na bumabalot dito at pinipigilan ang kahit na kaunting bakas ng putik na magmantsa sa lapag. Sa kabaliktaran, mayroong mababang damuhan na makikita sa buong paligid.
Narinig muli ang nakakakilabot na boses. "Kung nais mo akong patayin. pumunta ka rito! Magtatago ako sa isang lugar sa loob nito. Kahit na gaano ka pa katagal na maghanap sa akin; hindi ako nagmamadali..."
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com