Ang lugar kung nasaan ang mga aerial spirit beast ay hindi masyadong malapit sa kweba. Kahit na tumakbo pa ng buong bilis ang Black Spirit Panther, inabot pa rin sila ng limang minuto bago nakarating dito.
Sa kanilang kinakatayuan ay isang malaking lambak na mayroong lawak ng tatlong li.
Pinagana ni Zhang Xuan ang kanyang Eye of Insight at sinuri ang lambak.
Kagaya ng sinabi ng Golden Beartiger Beast, mayroon ngang tatlong libo nito, at ang bawat isa sa kanila ay nakaabot na sa Transcendent Mortal 7-dan.
Kung isang ganito kalaking grupo ng spirit beast ay maglunsad ng isang atake sa siyudad ng Hongyuan, mahihirapan nga ang lalabang pwersa para pigilan sila ng maayos.
Sa pangyayari ng isang atake, kahit na mapagtagumpayan pa nila na matavboy ang bawat isa sa mga ito sa huli, tiyak na magtatamo rin ang siyudad ng Hongyuan ng malalang pinsala.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com