Hindi naging madali para kay Zhang Xuan ang ayusin ang lahat tungkol kay tabachoy at paalisin siya. Doon lang niya napansin na palubog na ang araw at malapit nang mag gabi.
"Mukhang lima lang ang magiging estudyante ko!"
Umiling-iling si Zhang Xuan.
Ngayon ang huling araw ng paghahanap ng estudyante. Kung titignan ang oras, malamang patapos na ang araw ng pangangalap.
Noong una, naisip niyang hindi siya magkakaroon ng estudyante. Hindi niya inasahang magkakaroon siya ng limang estudyante. Para sa isang guro na nakakuha ng pinaka mababang score sa Teacher Qualification Examination, hindi na ito masama.
Isinara ni Zhang Xuan ang pinto ng silid aralan, sinundan niya ang daan papunta sa kwarto niya base sa pagkakaalala niya.
Bilang guro sa akademya, mayroon siyang sarili niyang kwarto sa dormitoryo. Ngunit, maliit lamang ang kwarto niya at halos twelve square meters lang ang sukat nito.
Narating niya na ang dormitoryo. Nang binuksan niya ang pinto at tinignan ang loob nito, hindi niya maiwasang mapabuntung-hininga.
Talagang nakakaawa ang dating Zhang Xuan. Bukod sa maliit ang kwarto niya, napakalamig pa. Inaamag na ang ilan sa mga gamit dito. Hindi niya alam kung paanong nakatagal sa ganitong sitwasyon ang dating Zhang Xuan.
"Kakalimutan ko na nga 'yon. Magsisimula na ang klase bukas kaya kailangan kong alamin ang lebel ng cultivation ko at magsanay kahit konti!"
Dahil hindi siya nagugutom, sinubukan ni Zhang Xuan ang isang paraan na naalala niya at umupo siya sa kama habang magkapatong ang kanyang mga binti.
Bilang isang transcender, kahit na naipasa sa kanya ang alaala ng dating Zhang Xuan at pamilyar na siya sa cultivation, nasasabik pa rin siya sa pag-iisip na mas lalakas pa siya.
Pagkatapos niya sa paghahanap ng mga estudyante, oras na para patibayin niya ang kanyang cultivation. Kahit na anong mangyari, sa mundong ito, ang malakas ang nagwawagi.
May kakayahan ang Library of Heaven's Path na alamin ang mingmen at mga kahinaan ng isang tao, dahil dito madali para sa kanya ang makalusot sa depensa ng mga kalaban na kasing lebel niya. Ngunit, kapag mas malakas ang kalaban niya kaysa sa kanya, kahit na malaman pa niya ang kahinaan ng bawat atake ng kanyang kalaban, hindi niya kakayaning tapatan ang bilis ng kanyang mga kalaban. Bago pa niya matamaan ang kalaban niya, posibleng punit-punit na siya ng kalaban niya ng parang isang lab rat.
Kaya naman, kahit na napakalakas ng Library of Heaven's Path, hindi siya makasisigurong hindi siya matatalo. Kung gusto niyang mas lumakas pa, kailangan niyang sanaying maigi ang cultivation niya!
"Ang cultivation technique na gamit ng dating ako ay tinatawag na Hongtian Nine Dan Formula! Isa 'tong skill na ginawa ng founder ng Hongtian Academy. Ang skill ay binubuo ng siyam na dan, at bawat isang dan ay kumakatawan sa cultivation realm ng cultivator!"
Naalala niya ang skill na gamit ng dating Zhang Xuan.
Mayroong siyam na dan ang isang cultivator at bawat lebel ay nagbubukas sa isang bagong realm. Kapag mas mataas na ang lebel mo, mas mahirap na mag-cultivate.
Ang Hongtian Nine Dan Formula ay isa sa mga karaniwang cultivation technique na ginagamit sa Hongtian Academy. Nagtataglay ito ng siyam na dan na kumakatawan sa siyam na dan ng isang cultivator.
"Sa ngayon, ako ang pinaka mahina sa lahat ng guro sa akademya!"
Sa buong akademya, halos lahat ng guro ay umabot na sa Fighter 4 – dan, siya na lang ang nag-iisang nasa 3 – dan. Kaya naman, kailangan niyang magsanay ng maigi para makahabol sa kanila.
Sinunod niya ang isang paraan ng paghinga sa kanyang alaala, at nagpokus siyang maigi.
Sa isang iglap lang, lumitaw ang napakaraming maliliit na liwanag sa paligid niya at dahan dahan niyang hinigop ang mga ito. Dahan dahang dumami ang zhenqi sa kanyang dantian.
Pagkatapos niyang mag-cultivate, dumilat si Zhang Xuan at inalog ang ulo niya.
"Masyado 'tong mabagal!"
Kahit na naisalin sa kanya ang alaala ng dating siya, ang pag-iisip niya ay katulad pa rin ng pag-iisip ng normal na tao. Naisip niyang mahirap palang mag-cultivate at umupo ng napaka-habang oras.
Lalo na nang makita niya ang proseso ng pag-iipon ng zhenqi, lalo siyang nanlumo.
Ang pag-iipon ng zhenqi ay ang paraan ng paghigop at pagkuha ng spirit particles sa hangin at pagsasama-sama nito. Gaya ng pagpapatong-patong ng mga troso, ito ay naiipon at nagiging parang isang ilog.
Ito ay isang napakalaking bagay. May mga cultivator na ginagawa ito araw-araw at pinuno ang kanilang dantian sa loob ng tatlong taon para makaakyat sa mas mataas na realm.
Isa itong bagay na nangangailangan ng matagal na pag-iipon.
Ang mag-cultivate ng ilang taon?
Mas mabuti pang mamatay na lang siya!
"Oo nga no! kahit na ang Hongtian Nine Dan Formula ang pinaka kilalang cultivation technique sa akademya, hindi ito ang pinaka-malakas. Pwede kong gamitin ang Library of Heaven's Path para malaman ko ang mga kahinaan nito at para maayos ko ang mga ito. Kapag naayos ko ang mga kahinaan nito, mas mapapadali kaya nito ang pagsasanay ko?"
May naisip siya bigla.
May iba't iba ring klase ang isang cultivation technique. Higit na mas napapaabilis ng mas malalakas na cultivation technique ang pag-cultivate ng isang tao kaysa sa mga mahihinang klase ng cultivation technique. Posible kayang ang mas malalakas na cultivation technique ay mas kaunti ang mga kahinaan, na siyang dahilan ng pinagkaiba ng mga ito?
Posibleng hindi mapalakas ng ibang tao ang kanilang cultivation technique, pero iba si Zhang Xuan. Gamit ang Library of Heaven's Path, maaari niyang malaman ang kahinaan nito at makagawa ng paraan para maayos ang mga ito. Kung sakaling makagawa siya ng isang cultivation technique na kahit ang mismong Library of Heaven's Path ay hindi makahanap ng kahinaan nito, posible kayang mas mapabilis nito ang kanyang cultivation?
Sa puntong ito, tumayo si Zhang Xuan, kinuha niya ang Hongtian Nine Dan Formula at binasa ito.
Hu!
Gaya nga ng inaasahan niya, agad na gumawa ng libro ang library sa isipan niya na may parehong pangalan sa cultivation technique na ginamit niya.
Dahan dahan niyang binuksan ang libro, napansin niyang napakarami ng mga kahinaan ng Hongtian Nine Dan Formula, halos umabot ito sa isang libo!
"Ito ang skill na ginagamit ko kanina?" Nagulat si Zhang Xuan.
Isa lang itong simpleng 3-dan pero ang dami ng kahinaan nito, hindi ba't parang sobra na 'to!
Para kang kumain ng gulay na puro uod! Pakiramdam ni Zhang Xuan na nakakagulat na, na hindi nawala ang kanyang cultivation pagkatapos niyang magsanay gamit ang skill na 'yon.
"Paano naman kaya yung ibang cultivation technique?"
Bilang isang teacher, may kakaunting libro sa silid niya, "Supre Four Inscription", "Heaven Meridian Technique", "Lotus Acupoint Breakthrough Might"... Habang nagbabasa siya, agad na gumawa ang aklatan ng libro tungkol sa mga listahan ng bawat skill. Umabot sa halos lagpas 3000 ang mga kahinaan ng mga skill na ito.
Mas nakakatakot ito kaysa sa Hongtian Nine Dan Formula!
"Ano to... Hindi ba mamatay naman ako sa pagod kakaayos ng mga 'to?" Pagkatapos niyang magbasa, pakiramdam ni Zhang Xuan ay mababaliw na siya.
Mahirap makahanap ng tamang daan kapag sobrang dami ng kahinaan ng isang secret manual. Gaya ito ng pagkakaroon ng higit isang libong magkakaibang daan at bawat isa dito ay may iba't ibang patutunguhan. Kahit na may kakayahan pa ang Library of Heaven's Path na alamin kung tama o mali ang daan, siguradong mamamatay siya kakahanap sa tamang daan!
"Sa ngayon, ang cultivation ko ay nasa Fighter 3-dan Zhenqi Pinnacle, kaunti na lang makakalagpas na 'ko. Sa ngayon, kailangan ko lang malaman ang kahinaan ng secret manual na 'to at maitama 'to!
Nang makita niya ang mga kahinaan at kamalian sa Hongtian Nine Dan Formula, alam niya na hindi niya kayang ayusin yun sa maiklling panahon lang. Kaya naman binasa niya agad ang pinakahuling pahina ng manual.
Napakahirap na magsanay sa Fighter 3-dan, pero mukhang napakadali ng paraan para makalagpas dito.
Gaya ng inaasahan niya, mayroon lamang sampung kahinaan ang nakasulat sa pahina na 'to.
"May mali sa paraan ng pakikiramdam sa spirit particle na nasa hangin, may mali sa pagmamanipula sa galaw ng mga spirit particle, may mali sa paraan ng paggabay sa naipong spirit particle papunta sa Yangwei Meridian..."
Detalyadong nakasulat ang mga kahinaan nito.
Tanging mga kahinaan at kamalian lamang ang naitatala ng Library of Heaven's Path, hindi nakalista dito kung paano aayusin ang mga ito. Hindi madali ang hanapin ang tamang daan para maayos ang mga ito.
"Tama! Magkakaiba ang mga nakalistang kahinaan ng Fighter 3-dan breakthrough method sa magkakaibang libro!"
May bigla siyang naisip nang maalala niya kung ano ang mga nakasulat sa secret manual. Kaya naman, binasa niya ang iba pang mga libro para makita ang tungkol sa mga paraan kung paano makalagpas sa Zhenqi realm.
Tama nga ang pagkakaalala niya. Kahit na may mga kahinaan at pagkakamali ang mga ito, magkakaiba ang mga nakitang kahinaan ng mga ito.
"Kung hindi 'to minarkahan na mali, malamang siguro tama 'to..." Lumiwanag ang mga mata ni Zhang Xuan. Agad siyang kumuha ng panulat at ng papel at isinulat ang lahat ng mga parteng walang mali. Di kalaunan, may isang bagong cultivation technique ang lumitaw sa harap niya.
"Tignan ko nga kung may mga mali pa dito!"
Napangiti siya, kinuha niya ang librong sinulat niya at agad na gumana ang Library of Heaven's Path. May lumitaw nanamang isang libro, yun nga lang, ngayon mayroon na lamang isang mali na natitira.
Pagkatapos niyang magbasa-basa, inayos niya ang natitirang mali at muling ginamit ang Library of Heaven's Path para makasiguro siya. Totoo nga, lahat ng mali ay nawala na at ito ay naging perpekto.
"Ito ang pinaka siguradong paraan para makalagpas sa Fighter 3-dan realm! Masubukan nga!"
Habang tinitignan niya ang mga isinulat niya, tumango si Zhang Xuan at sabik na sabik. Agad siyang naghanda at nagsimulang mag-cultivate.
"Kailangan kong huminahon at hayaang bumuka ang aking pores, na parang bang nasa isa akong batya na puno ng spirit air. Ang bawat isang pore ko ay isang buhay na nilalang, humihinga ng kusa..."
Tzzzzzzzzzzzzz!
Sa pamamagitan nito, kahit na hindi pa siya sanay na gamitin 'to, hindi nagtagal at naramdaman niyang bumulusok ang mga spirit particle sa paligid. Hindi man ganung karami ang spirit na naiipon ng isang pore, pero kapag ang lahat ng mga pore sa katawan ay dumadaan sa ganitong proseso, nakamamangha ang bilis ng pag-ipon nito.
Nagtipon-tipon ang spirit sa hangin na parang isang ilog, bumuhos ito at dumaloy papunta sa kanyang dantian.
Boom!
Isang pagsabog ang umalingawngaw sa kanyang spirit sea. Noong una, malayo pa siyang makalagpas sa kanyang hangganan. Sa kasalukuyan, umapaw ang zhenqi mula sa kanyang dantian at kumalat sa kanyang buong katawan, pinalakas nito ang kanyang mga kalamnan at buto, at napagaan nito ang kanyang pakiramdam.
Fighter 4 – dan, Pigu realm!
"Masyado 'tong mabilis!" Nanlaki ang mga mata ni Zhang Xuan.
Base sa nakasulat sa Hongtian Nine Dan Formula, kinakailangan niya ng humigit kumulang sa tatlo hanggang limang buwan bago makalagpas dito, at nangangailangan pa rin ito ng kaunting swerte. Pagkatapos niyang ayusin ang mga mali sa skill na ito, gaano katagal siya inabot na makalagpas sa kanyang kasalukuyang realm kumpara sa dating skill na ginagamit niya?
Sampung minuto? Limang minuto?
Hindi man lang siya inabot ng tatlong minuto para tagumpay siyang makalagpas.
"Grabe..."
Higit pa dito, kahit na ang inayos lang niya ay ang breakthrough method para sa Fighter 3-dan Pinnacle, hindi mahihigitan ang pagiging puro ng kanyang naipong zhenqi, mas matindi ang lakas na taglay nito kaysa sa mga na-cultivate niya dati!
Kung ang zhenqi na na-cultivate niya noon ay parang putik, ito namang naipon niya ngayon ay parang malinaw at malinis na tubig mula sa isang bukal na walang kahit anong bahid ng dumi.
Mayroon ding iba't ibang klase ang zhenqi, superior, intermediate at inferior. Kapag mas mataas ang kalidad nito, mas magiging malinaw ito at mas mataas ang mararating nito! Noon, ang zhenqi na na-cultivate niya ay madilim at malamang inferior ang kalidad nito.
Sobrang linaw ng zhenqi na kanyang kinu-cultivate
"Hindi ba sinabi nilang... kapag gusto mong mag-cultivate ng superior zhenqi, kinakailangang ang cultivation nila ay God o kaya naman ay Saint?"
May iba't ibang klase ang isang cultivation technique, ito ay God, Saint, Spirit, Phantom at Mortal. Sa bawat baitang, may iba't ibang uri pa ito gaya ng inferior, intermediate, superior at pinnacle.
Base sa mga usap-usapan ng mga cultivator, nangangailangan ang isang tao ng kahit na saint cultivation technique lang para makapag-cultivate ng superior zhenqi.
Ang Hongtian Nine Dan Formula ay ang pinaka mababang mortal cultivation technique, kaya paano ito nakapag-cultivate ng superior zhenqi?
"Ito ang Library of Heaven's Path!"
Itinikom ni Zhang Xuan ang mga kamao niya.
Kasalukuyan niyang kinu-cultivate ang Hongtian Nine Dan Formula, at nang maayos niya ang mga kahinaan nito, nakaipon siya ng superior zhenqi.
[Mukhang... tama nga ang mga nakasulat sa Library of Heaven's Path. Ang Hongtian Nine Dan Formula ay malayo nga sa pagiging perpekto.]
"Kung ganun, sa tulong ng Library of Heaven's Path, possible kayang makagawa ako ng libro ng saint o kaya naman god cultivation technique?"
Nagningning ang mga mata ni Zhang Xuan.