Hindi lamang ang dalawang henyong ito ang nagalit sa kaswal at lapastangan na inasal ni Zhang Xuan. Kumikirot din ang mga kilay ni Mo Yu at halos magwala na siya.
Naramdaman na niyang ang baba niya nang kailanganin niyang pumunta nang personal upang anyayahan ang taong ito, at kahit na ganito, ganito pa rin ang inasal ng taong ito.
Ito ay parang wala lang siya sa taong ito.
Sa unang pagkikita, ang ibang tao ay sasalubungin siya nang may paggalang ng 'nagbibigay-galang kay Princess Mo Yu' o 'ikinalulugod kong makilala ka', ginagawa ang lahat upang maging matpiuno. Ngunit, ang taong ito ay kaagad na sinabing 'anong ginagawa mo dito' nang makita niya ito.
Malapit ba tayo sa isa't isa?
Kung hindi dahil sa pagpilit ng tatay ko sa akin, tingin mo ba pupunta ako rito?
Nakakita na ako ng mga bastos na tao noon, pero ang isipin na ikaw ang mangunguna sa listahan!
Humihinga nang mabigat sa galit, nagngitngitan ang mga ngipin ni Mo Yu.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com