webnovel

Ang Pagdating ng Wang Clan

Redakteur: LiberReverieGroup

Ang paggalang na ito ay mula sa kanyang puso. Imposibleng mapeke ang mga maliwanag at malinaw na mga matang iyon.

Ang titig na iyon ay walang kaduda-dudang isang titig na nakatuon sa isang taong gusto niya. Walang kahit anong bahid ng sama sa titig na ito.

Sa isang tingin lang, nalaman ni Elder Mo Xiang na tunay na ginagalang ni Liu Yang si Zhang Xuan Iaoshi, at hindi nagkakamali ang kristal!

"Tumahimik ka!" Nang malaman ito, nandilim ang mukha ni Elder Mo. Isang masamang balak ang lumitaw sa kanyang titig, "Ang Will Inquisition Crystal ay sumusubok sa puso ng isang tao, pinupuwersa sila na gawin ang tamang desisyon sa kanilang pananaw. Walang problema na nangyayari dito, at imoosible itong magloko! Kung ipagpapatuloy ninyo ang kalokohang ito, ibabato ko kayong dalawa palabas!"

"Ako..."

Nang makitang galit na galit si Elder Mo, nanahimik sina Shang Bin at Cao Xiong, hindi na sila nangahas na magsalita pa.

"Ikaw... Paano mo 'yun nagawa?"

Nang makita ang resulta, tinakpan ni Shen Bi Ru ang kanyang bibig sa pagkagulat, hindi siya makapaniwala na ang ganitong resulta ay posible.

Isang lebel ng tiwala na 64 na puntos, kahit ang mga star teacher ng Hongtian Academy na tinuruan ang kanilang mga estudyante sa loob ng maraming taon ay hindi makuha ang ganitong resulta.

Mula kahapon, ang lalaking ito ay nagdadala ng di-mabilang na sorpresa. Hindi niya inasahan na mas maganda ang sorpresa ngayon!

[Kaya pala wala siyang takot. Mukhang alam na niyang mananalo siya!]

"At dahil nanalo ako, maaari ba nating sundin ang pinag-usapan, ang tanggalin ang lisensya ni Cao Iaoshi sa pagtuturo at paluin siya ng isang daang God Slaying Flogs?" Tumingin si Zhang Xuan.

[Dahil siya ang nagsimula ng kasunduan, dapat ay naisip niya na maaaring mangyari rin ito sa kanya!

Isa akong transcender mula sa modernong sibilisasyon na may regalo, sa tingin mo ba papayag akong apihin ako ng isang sinaunang tao na katulad mo?]

"Ito ay..."

Namroblema si Elder Shang Chen.

Binalak niyang tulungan ang kanyang apo na mailabas ang kanyang galit, pero... Bukod sa nabigo siyang gawin ito, naipamukha pa ito sa kanya ng isa pang beses. Nahiya siya at hindi na niya alam ang kanyang gagawin.

"Huwag na nating paabutin ang mga bagay sa ganito. Zhang laoshi, dahil nanalo ka, palampasin na lang natin ang bagay na ito!"

Matapos ang ilang saglit, sinabi ito ni Elder Shang Chen.

"Palampasin ang bagay na 'to? Kung ako naman ang natalo, malamang hindi yan sasabihin ni Elder Shang Chen!" Sumimangot si Zhang Xuan.

Kung siya ang natalo ngayon, inaasahan na niya na hindi ito palalampasin ng Educatuon Bureau. Imposibleng hindi siya mapatalsik!

Pero, ngayong si Zhang Xuan ang nanalo, balak niya talagang ayusin ang bagay na ito gamit ng ilang salita... Anong kalokohan ito!

"Ang lakas ng loob mo!" Nandilim ang mukha ni Elder Shang Chen. "Alalahanin mo kung sino ka! Isa ka lamang kawawang low-level teacher na sinuwerte kaya lumago nang mabilis ang tiwala sa iyo ng estudyante mo. Isang beses lang namin itong palalampasin, mayroon ka bang dapat ikatuwa dito? Kung kaya mo talaga, pataasin mo ang kanilang cultivation realms bago natin pag-usapan ang bagay na ito! Nakuha mo lang ang tiwala ng isang tao, gaano ba kahalaga ito?"

"Tama! Itong si Zhang Xuan na 'to ay pinanganak na may kakayahang lokohin ang iba, kaya anong meron kung ang lebel ng tiwala sa kanya ay mataas! Kung hindi ako nagkakamali, ang dahilan kung bakit nagwala ang isang estudyanteng tinuruan niya ay dahil sa nagtiwala ito sa kanya nang sobra, kaya siya naloko, dahilan para pagsisihan niya ang buong buhay niya!"

Nang marinig ang sermon, agad na tumugon si Cao Xiong laoshi.

[Ang trust level ay isa lamang pamantayan upang masukat ang kakayahan ng isang guro. Hindi nito nasasalamin ang kanilang tunay na kakayahan.

Isa lamang ang paraan para mapatunayan ang kakayahan ng isang guro. Iyon ay... ang palakasin nang mabilis ang kanyang estudyante!

Ano ngayon kung pinagkakatiwalaan ka ng estudyante mo na parang magulang nila?

Kung wala kang kakayahang gabayan sila, hindi ka pa rin papasa bilang isang guro!]

"Nagwala?" Sumimangot si Elder Mo.

"Maaaring hindi ito alam ni Elder Mo, pero ang Zhang Xuan na ito ang dahilan kung bakit nagwala ang cultivation ng kanyang estudyante! Dahil sa insidenteng ito, lahat ng mga estudyante niya ay lumayo sa kanya. Ito rin ang dahilan kung bakit ang kanyang Teacher Qualification Examination ay nauwi sa mababang marka!" Sinabi ni Cao Xiong na may mabangis na ekspresyon. "Tingin ko ang dahilan kung bakit masyado siyang pinagkakatiwalaan ni Liu Yang ay dahil gumamit si Zhang Xuan ng isang espesyal na paraan para maloko siya. Kung hindi, paanong ang isang taong nakakuha ng pinakamababang marka sa Teacher Qualification Examination ay magawang pataasin ang lebel ng tiwala ng isang estudyante sa 60 sa loob lamang ng dalawang maikling araw?"

"Ito ay..."

Hindi imposibleng totoo ang mga sinasabi nila.

Noong unang panahon, may isang guro na gumamit ng isang kakaibang paraan upang maloko ang isang estudyante para makuha ang pagsusulit upang maging isang master teacher. Ang paraang ito ay maihahalintulad sa hipnotismo, nagagawa nitong mapaisip ang isang tao na katiwa-tiwala siya!

Subalit, ang paraang iyon ay limitado ang oras. Matapos mawala ang epekto nito, ang pag-iisip ng estudyante ay malubhang nasisira!

Hindi kaya... gumamit ng ganitong paraan si Zhang Xuan?

Kung ganon, ibig-sabihin nito ay wala siyang pake sa kaligtasan ng kanyang estudyante. Hindi lang sa hindi siya karapat-dapat na maging isang guro, isa rin siyang kriminal!

"Ang guro ay dapat nagpopokus sa pag-aaruga ng iba. Kung makukuha niya ang tiwala ng kanyang mga estudyante, pero wala siyang taglay na kaalaman na dapat ipamahagi sa kanila, walang matututunan ang kanyang mga estudyante, at maaaring magdulot pa ng mas malaking kapahamalan! Iyan ang dahilan kung bakit walang nagtitiwala sa kanya sa paaralan, at kung bakit hindi siya makakuha ng maraming estudyante! Maaaring ang resulta niya sa terminong ito ay mas maganda kaysa noong una, pero kahit na, nakakuha lamang siya ng limang estudyante!"

Galit na sumingit si Shang Bin sa usapan.

"Nakakuha lamang siya ng limang esrudyante? Napakakonti nga ng bilang na iyon..." Tumango si Elder Mo.

"Kahit na ganun lang ang bilang ng mga nakuha kong estudyante, at kung nagagawa ko bang maturuan nang maigi ang aking mga estudyante o hindi, ito pa rin ang Enlightenment Will Tower, at ako at ang estudyante ko ay nandito upang makilahok sa Enlightenment Will Trial. Napagkasunduan na natin ang mga nakataya noong una pa lang. Ngayong nanalo na ako, balak niyo lahat na talikuran ang mga salita niyo?" Ang sabi ni Zhang Xuan.

[Walang katuturan ang magreklamo pa sa mga walang kwentang bagay na ito, malinaw na gusto lang nilang ilihis ang usapan matapos silang matalo.]

"Ang lakas ng loob mo! Paanong matatanggal ang lisensya ng isang guro sa pagtuturo nang ganoon lamang kadali dahil sa isang sugal? Hindi ba masyado mo itong minamaliit? Mula noong sumama si Cao Xiong laoshi sa ating paaralan noong isang taon, nagtatrabaho na siya nang marangal. Mayroon siyang naturuan na isang Fighter 2-dan intermediate stage at maraming mga talentong sumasama sa amin ang nagsasabing siya ang guro na gusto nilang tularan. Nakapagdala na siya ng karangalan sa ating paaralan! E ikaw? Ikaw ang natatanging nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examination sa daang taon ng kasaysayan ng Hongtian Academy, anong karapatan mong sabihin ang kalokohang iyan dito?"

Iwinasiwas ni Elder Shang Chen ang kanyang manggas at sinabing, "Sige, tapusin natin nang ganito ang usapang ito! Pag-uusapan natin ito kapag nakapagcultivate ka na ng isang estudyanteng sa Fighter 2-dan intermediate stage at kung maraming estudyante na ang pipiliin kang maging guro nila!"

"Elder Shang..."

Itinaas ni Shen Bi Ru ang kanyang kilay.

Noong una, wala siyang balak magsalita, ngunit hindi niya inasahang tutulungan ng isang Elder si Cao Xiong na mandaya. Napuno ng galit ang kanyang puso.

[Hindi dapat nila ginawa ang sugal na ito kung takot silang tanggapin ang parusa!

Sila ang nag-umpisa ng sugal na ito, pero ngayon, sinusubukan nilang isantabi ang karampatang parusa ngayong natalo sila. Mga walanghiya sila!]

"Shen laoshi, tama ang aking lolo. Kahit anong mangyari, si Cao Xiong ay isang respetadong guro ng ating paaralan. Magkakaroon ng kaguluhan kung matatanggal siya dahil sa isang maliit na away! Bukod pa rito, ang sisantihin ang talentadong taong tulad niya ay kawalan ng ating paaralan..."

Nakangiting sinabi ni Shang Bin.

"Ikaw... Hindi makatwiran yan!" Namula ang mukha ni Shen Bi Ru. "Gaya ng sinabi ni Zhang Xuan, kung siya ang natalo, palalanpasin niyo ba ito nang ganun kadali?"

"Ano bang silbi niya? Katulad ba siya ni Cao Xiong laoshi? Kaya ba niyang magpalakas ng isang Fighter 2-dan na estudyante? Kaya ba niyang makakuha ng maraming estudyante dahil sa kanyang reputasyon..."

Galit na suminghal si Shang Bin.

Dong dong dong!

Bago pa siya matapos magsalita, may kumatok sa labas ng hall.

"Anong meron?"

Sumimangot si Elder Shang Chen. Kasunod nito, si Zhou laoshi, ang gurong nakaatas ngayon, ay tinulak ang pinto at pumasok.

"Elder Shang, may mga tao sa labas na gusto kayong makita. Sila daw ay... si Clan Head Wang Hong at ang mga elder ng Wang Clan ng Tianxuan Royal City!"

Ang sabi ng guro.

"Si Clan Head Wang Hong? Dalian mo at papasukin mo siya!"

Nang marinig na personal na pumunta si Clan Head Wang Hong, nagmadaling tumayo si Elder Shang Chen, kumislap ang kanyang mga mata nang may galak.

Ang mga kapangyarihan sa Tianxuan Royal City ay komplikado. Ang maging isa sa Four Great Clan at manatiling buhay matapos ang isang daang taon, ang kanilang pagsasama-sama sa nagdaang panahon at ang lakas nila ay maipagmamalaki!

Sa totoo lang, ang katayuan ni Clan Head Wang Hong ay higit na nakatataas kaysa sa kanilang vice-principal!

Para ang isang taong may mataas na katayuan ay bumisita sa kanila at sa kanyang pamilya, ang karangalan lamang sa pagpunta niya ay sapat na para siya ay magwala. Kung kakalat ang balitang ito, ikakaganda ito ng kanyang reputasyon at ng kanyang pamantayan.