Habang nasa Apothecary Guild pa rin si Zhang Xuan, bumalik na si Zhao Ya sa kanyang silid.
"Sa wakas, malulutas ko rin ang problema kong 'to!"
Habang hawak niya ang halamang gamot na binigay sa kanya ni Zhang laoshi, makikita ang pagkagalak niya sa kanyang makinis at maputing mukha.
Matagal na siyang pinapahirapan ng kanyang karamdaman simula noong bata pa siya at napansin niya na rin na hindi na niya ito matitiis pa. Nang marinig niya na may solusyon pala sa kanyang problema, hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa.
"Kailangan kong pulbusin ang halamang ito bago ko lunukin ito kasama ng tubig…"
Maghahanap pa lang sana siya ng bagay na pwedeng ipandikdik sa halaman ay nakarinig siya ng mga yabag at nagalakad papalapit si Butler Yao Han.
"Xiaojie, a… aalis na ako. Wala naman sigurong nanggulo sayo, di ba?!"
Xiaojie -> Young mistress
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com