Dong dong dong dong!
Naglakad paharap, nagsimulang kumatok sa pintuan si Master Yuanyu. Matapos ang ilang sandali, bumukas ang pinto at lumabas si Sun Qiang, hawak ang kanyang tiyan habang nagiisip.
Pagkakita sa mga tao, nagsalita siya, "Magbayad kayo ng tatlong milyong ginto at maghintay sa may pintuan. Papapasukin kayo ng old master pag gusto na niya kayong makita."
Kilala si Master Yuanyu sa mga matataas na posisyon sa kapital at madami ang nakakakilala sa kanya. Subalit, ang mga hindi kilalang tao tulad ni Sun Qiang ay walang pagasa na makita siya.
At saka… Wala naman siyang pakialam kung sino siya.
Ang old master ay isang master teacher. Kahit na tigre o dragon, ay magiging masunurin sa harapan niya.
"Ahem ahem…" Muntik nang masamid si Master Yuanyu sa kanyang laway.
May tatlong mga master teacher na nasa likuran niya. Para sa isang butler na umasta ng arogante… hindi ba siya takot na mabugbog hangang mamatay?
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com