| Southern District, Blade City. |
May isang grupo ng mga players ang napadaan sa Southern District ng Blade city. Halatang galing pa sila sa malayong lugar dahil sa exhausted na mga mukha nito. Sa lugar kung saan naka tayo ang castle ni Emperor Thane Fullshield, ang Silver Wing City. Capital City ng Sword Empire.
Naparito sila para mag papahinga at mag-imbak ng mga kakailanganin na supplies. Dahil mahaba-haba pa ang kanilang lalakbayin patungo sa Sirencester Town kung saan magaganap ang secret meeting ng limang Guilds.
Nakasakay sila sa magagarang Mounts. Mostly, ang mga Mounts na ito ay nakukuha sa event quest, dungeon raids at nabibili sa item shop menu.
"Hya!!"
Utos ng warrior sa kanyang sinasakyang kabayo na isang Silver Mane Mount. Tumakbo ng mabilis ang kabayo habang hila ang isang karwahe. Nagmamadali ang mga ito sapagkat papa lubog na ang sikat ng araw, dumarami narin ang mga players na nakatingin sa kanila dahil sa agaw na atensyon nilang kasuotan.
"Ngayon lang ba sila nakakita ng mga malalakas na player? Mga noobs!" Sabi sa isip ng isang Warrior habang pinag masdan ang mga nag aaligid na mga players sa daan. Punong puno ng mockery ang expression nito.
Ngunit bago pa sila tuluyang makalabas ng south gate ay napadaan sila sa isang Fountain of Life. Nang makita ito ng babaeng Vice Guild Leader na nasa loob ng karwahe ay sumenyas agad ito ng stop gesture, "Teka, refill ko lang ang lalagyan ko ng Scared Water Healing Buffs."
Huminto agad ang karwahe at lumabas ang babaeng Vice Guild Leader at tumungo sa nasabing Fountain.
Ang Fountain of Life ay isang uri ng Sacred Buffs na makikita sa bawat city. Ang tubig na makukuha rito ay pwedeng pang gamot ng status ailments effects (Fear, Poisons, Cold atbp), pang recovery ng HP at recover ng stamina. Nag papataas rin ito ng Water Damage Resistance for 30 mins.
"Wow!! tignan nyo, si Sword Empress Azaliet ng Ascension Guild," Manghang player na naka recognized sa babaeng naka suot ng Light Armor.
Napaka tight ng armor na'to na siyang humubog sa buong katawan ng babae. Kahit balot ng armor ay naka silip parin ang snow white na balikat at cleavage nito. Napaka majestic ng dating. Bagay lang ang bansag na 'Sword Empress' dahil may dala itong espada na kulay pula na nakasabit sa kanyang likod. Siya si Azaliet ang Vice Leader ng Ascension Guild.
"Ang ganda talaga ni Sword Empress Azaliet!!"
"Pag ako naging boyfriend niyan hindi ko talaga papalabasin ng bahay yan."
"Hah, boyfriend? Wag ka nang magsayang ng oras. Di moba alam? Balita ko, trip ng Guild Leader ng Rhapsody Guild si Sword Empress Azaliet."
"Common Knowledge yun!"
"Tsk! sayang!"
Di maiwasan ng mga ibang players na ma inlove at humanga sa angking ganda ni Azaliet. Bawat galaw nito ay parang matutunaw ang manonood at mawawalan ng lakas ang mga tuhod. Lahat sila ay puno ng admiration, at the same time, pang hihinayang.
Tumungo sa fountain si Azaliet para kumuha ng Sacred Water Healing Buffs. Napansin niya ang isang player na tila uhaw na uhaw. Abala ito sa kakainum ng tubig galing sa sacred fountain.
Ginamit niya ang Fountain of Life dahil nauuhaw siya? Woah! Sabi ni Azaliet sa kanyang sarili. Di siya makapaniwala na ginawa lamang inumin ang Sacred Water Healing Buffs. Diba niya alam na Special Buffs ang tubig na'to?
Pinagmasdan ni Azaliet ang player sabay bulong. Siguro di niya alam.. So, baguhan lamang siya.
Kinuha ni Azaliet ang dalang Medium Water Container at inalagay sa fountain para kumuha ng tubig.
Ang dalang medium water container ni Azaliet ay kayang pumuno ng ilang litro ng tubig. Sa maliit na lalagyan nito ay kayang pagkasyahin ang anumang uri ng liquid na bagay. Hanggang limang litro din ang kapasidad nito. Kasing laki lamang ng palad ang medium water container at gawa sa [Space Matrix Skills] na siyang dahilan kung bakit malaki space sa loob kahit napaka liit lamang ng container.
Habang nakayuko si Azaliet para kumuha ng tubig, sa di malamang dahilan ay naramdaman niya na may nakakadiring matang nakatitig sa kanya. Itinaas niya ang kanyang mukha at tumingala. Namataan niyang nakatitig ang player sa kanyang dibdib nang biglang....
*Pshuu*
Biglang tumilapon ang maraming tubig sa magandang mukha ni Azaliet pababa hanggang sa kanyang dibdib. Malagkit at maiinit init pa ang tubig na bumasa sa kanya na galing mismo sa bibig ng player. Ang player na nabilaukan ay si Roan.
Sino ba naman di mabilaukan pag nakaharap ang dalawang puting mount fuji? Lalo na ang nag mamay-ari ng bundok na ito ay isang dyosa sa fantasy world. Pero hindi ito ang dahilan kung bakit nabilaukan si Roan. Dahil ang babaeng ito ay pamilyar sa kanya.
***•***
Miss Cashier!? Sigaw ko sa aking isipan. Kahit iba ang kulay ng buhok ng avatar ng babae ito, namumukhaan ko siya!
Ang babaeng ito ay ang nagbigay ng game card sa'akin sa department store. Siya ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nandito at naglalaro ng virtual game. Kung di dahil sa game card, ay malabo kong makumbinsi ang aking sarili na sumubok pang muli.
Pero wala akong time na isipin pa iyon, dahil lumalabas na ang malalaking ugat sa forehead ni Miss Cashier!
"You're dead!!" Nangigigil na boses ni Azaliet. Umuusok ang ulo nito at namumula ang mga pisngi. Tumayo si Azaliet galing sa kanyang naka bow position at lumakad papalapit saakin at siya namang aking pagka taranta.
Ma de-deead talaga ako pag wala akong gagawin. Kaya binunot ko agad ang towel sa loob ng aking [Newbie Bag]. Madumi ang towel na'to at punong-puno ng pawis pero wala na akong choice. Dali-dali akong lumapit sa kanya at pinunasan ang basa niyang mukha.
Sa pagka taranta ay di ko namalayan ang paggalaw ng aking mga kamay. Pababa ng pababa na pala ang aking pagpunas hanggang napunta ito sa basang dibdib ni Azaliet. Oh crap!
"Manyak!" Napa exclaimed si Azaliet sa ginawang kabastusan ng player. Napaatras siya bigla at tinakpan ng kanyang dalawang kamay ang kanyang dibdib. Takot na takot ito parang nakakita ng multo.
Never ever pang nahawakan ng ibang lalaki ang kanyang katawan kaya ganon nalamang ang kanyang reaction. Naglaho rin ang kanyang majestic na aura at nagmukhang parang basang sisiw.
"So-Sorry miss nag kakamali ho kayo ng akala..." Depensa ko.
Talagang di ko intensyon na mambastos. Talagang pag punas lang ang ginawa ko dahil nabasa ang kanyang mukha at ang kanyang dib-dib.
Di makapaniwala si Azaliet, sa broad daylight ay monelestya siya ng isang newbie. Kaya napa hugot niya ang dalang espada sa kanyang likuran at itinutok kay Roan.
Dahil napansin ni Azaliet na bahagyang lumapit parin si Roan at pinag patuloy ang pag hingi ng tawad ay pinailaw niya ang kanyang espada gamit ang kanyang Sword Intent aura.
"Wag kang lumapit.. Pag humakbang kapa ng isang beses ay tatangalin ko yang dalawa mong mata at puputulin ko yang dalawa mong paa pati narin ang pangatlong paa sa gitna."
Sa isang iglap ay tumigil si Roan dahil sa banta ni Azaliet, sa di malamang dahilan ay naaramdamn niya ang kamatayan.
"Ano ang feeling na to?"
Ang Sword Intent ni Azaliet ay isang uri ng sword skills, na kayang humiwa ng hangin at space gamit ang espada.
[ Fear has been applied ]
Physical Defense decreased 50%
Magic Defense Decreased 50%
Mental Defense decreased 50%
Dahil sa status ailments na ibigay sa kanya galing sa sword intent ni Azaliet ay naramdaman ni Roan ang pagbigat ng buong katawan, feeling niya sa mga oras na iyon; ay kung lumapit pa siya ng ilang hakbang ay tiyak kukunin siya ni kamatayan. Ang masakplap pa nito mawawalan siya ng pangatlong paa.
*Gulp*
Hindi naman bulag si Roan sa pangyayari at kitang kita niya ang malaking agwat nila sa level kaya't huminto siya at naging statue sa isang lugar.
"Miss Cashier... Nagkakamali talaga kayo ng akala...."
Bago pa makatapos si Roan pinutol agad ni Azaliet ang kanyang sasabihin, "Bastos! Akala mo di ko alam mga galawan ng mga katulad mong manyak!?"
"As expected, di niya ako natatandaan.." Napa sigh nalang si Roan dahil umaasa siyang - na sana ay mamumukhaan siya ng babae para matapos na ang misunderstanding na ito.
Dahil sa lakas ng boses ay kumuha ng atensyon si Azaliet sa mga napapadaan na mga users, sa ilang sigundo lamang ay pinalilibutan na agad sila ng mga nakiki usyoso.
Dahil dito ay kumaripas rin sa pagsaklolo ang mga kasamahan ng sword empress, Azaliet.
*Swish swish swish*
Sa isang iglap ay tatlong figures ang biglang lumabas sa harap ng babae, para silang mga ninja na sumulsupot bigla. Lahat sila naka hood at naka kapa, halos nakabalot lahat ang buong katawan kaya't di makikita ang kanilang mga itsura at kung anong uri ng jobs nila.
Ang mga figures na ito ay mga guild members ni Azaliet, sila ang mga escort ng Sword Empress sa paglalakbay.
Kasunod rito ang pag pasok ng isang Warrior na tinungo at inalalayan, sabay tinakpan ng tela ang basang katawan ng sword empress.
Isinalaysay ng Sword Empress ang lahat ng pangyayari at siya namang pag kunot ng kilay nito. Itinutok ng nakasimangot na Warrior ang kanyang nandidiring titig kay Roan.
"Boob Freak, parang ayaw mo na yatang mabuhay, hali ka rito at i-alay mo ang iyong buhay sa aking mga kamay!!" Nang gigilait sa galit ang Warrior habang binunot ang armas galing sa sheath: ito ay ang Silver Sword of Praga.
"Guys, sapat na ako para sa Boob Freak na ito" Sumenyas ng "tabi", utos ng Warrior sa tatlong naka hood na naka harap kay Roan.
Sa likod ng bulalas nito ay patagong ngumiti ng bahagya ang Warrior, gusto niyang magpa impress sa Sword Empress at gagamitin niya ang kaguluhang ito para maka puntos.
"Captain Doranbalth ng Ascension Guild!!"
"Balita ko, 1 hit lang yung Fiery Phoenix gamit ang kanyang espada!"
Di maiwasan ng manonood ang ma mangha sa presensiya ni Captain Doranbalth, kilala at sikat siya rito sa Human Kingdom. Taglay ang kanyang pagiging bihasa sa swordmanship ay lahat ng mga nakakalaban niya ay tinatalo niya ng isang hiwa lang.
"Wtf, wala na, finish na si Boob Freak!!"
"Boob Freak, lumuhod ka nalang kung ayaw mo mamatay!"
"May malaking kasalanan ba siyang nagawa sa past life niya? Wala na atang natitirang swerte sa buhay tong newbie nato"
"Kawawang newbie... sigh.."
Halos lahat ng mga players na nakamasid ay naki sawsaw at nakiki uso sa bagong nickname ni Roan bilang si 'Boob Freak', habang ang iba naman ay naawa at nalulungkot sa pwedeng manyari kanya.
Kung hindi siya lumuhod o makiki awa para sa kanyang buhay ay siguradong sa kangkungan siya pupulutin. Kung sweswertihin naman at di namatay ay forever naman siyang hu-huntingin ng buong guild, kung mangyayari ito ay ubos na ang maliligayang oras ni Roan sa Virtual Game. Para siyang langgam na kakalabanin ang elepante.
"Lumuhod ka at ipatok mo ng isang daan ang iyong ulo sa sahig, bibilang ako ng tatlo!!" Utos ni Doranbalth kay Roan at sa ilang sandali ay sinimulan na niya ang kanyang pagbibilang.
"Isa!"
Napalunok ng laway ang mga players habang ang buong tingin nila ay naka pokus kay Roan na parang naging statue at hindi gumagalaw sa iisang lugar.
"Dalawa!!"
Wala parin balak gumalaw ni Roan at tumitig lamang sa nagbabanta na si Doranbalth.
"Tatlo!!!"
Lalong tumaas ang balahibo ng mga players sa ikatlong bilang ni Doranbalth ngunit wala paring senyales na luluhod si Roan.
"Hmp, kahit mamatay ako, hindi ako luluhod at tsaka di ko naman intensyon na bastosin si miss ganda." Salita ni Roan sa kanyang puso habang tumutulo na ang mga malalaking pawis sa kanyang noo.
Hindi kawalan ang mamatay kahit may penalty ito, dahil alam ni Roan na level 1 lang siya at walang items na pwedeng malaglag galing sa kanyang inventory. Ang tanging kinakatakutan ni Roan ay ang penalty na may malaking epekto sa kanya - ang hindi maka login sa loob ng 24 hours.
"You're courting death!!"
*Siii*
Sa isang iglap ay nag leap ng ilang metro si Doranbalth. Sa tulong ng kanyang napakataas na stats na angkop lamang sa kanyang level ay parang hangin na naglaho si Doranbalth.
Nang mawala ito sa paningin ni Roan, ang imahe ni Doranbalth ay lumabas bigla sa harapan ni Roan at sinundan agad ng kanyang napakabilis na atake gamit ang silver sword.
[ Moon Slice ]
Nag hugis half moon ang espada ni Doranbalth, sa bilis ng pag swing ng espada ay gumawa ito ng medyong nakakasilaw na ilaw na parang moon sa gabi at mag slice patungo sa nakatayong si Roan.
Ang skill na ito ay kayang humati ng level 50 player with normal gears na parang cake habang si Roan naman ay walang gear dahil baguhan palamang siya sa laro. Kahit masasabing matagal na si Roan sa kakalaro ng game na ito ay binuhos naman niya ang buong game time sa pag tra-training.
*Boom*
Pigil hininga ang mga manonood dahil hindi pa nila nakita ang resulta ng sagupaan ng espada at katawan ni Roan dahil sa hamog na bumalot sa buong lugar. Nagngyari ito dahil ang atake ni Doranbalth may nakapatong na Ice Element, nakakatakot ang skill na ito dahil parehong may physical at magic damage ang nakakabit rito.
"Hmmp.. EZ.." Passionate na inilagay ni Doranbalth ang kanyang espada sa lalagyan nito.
Nanlalaki ang dalawang ilong ni Doranbalth habang nakapikit ang mga mata nito, naka pump ang chest at feeling proud habang hinihintay niya ang inaasahang mga sigawan at palakpakan ng mga ibang users.
Kahit alam niyang low level ang kanyang katunggali ay bilib na bilib siya sa kanyang sarili dahil sa bagong skill na kanyang na acquired sa loob ng dungeon, at ang kawawang si Roan ang naging tester ng special move niya.
Ngunit isang minuto na ang lumipas ay napansin niya na tahimik at walang anong tunog ang kanyang narinig.
"Haha.. Maliban sa kagwapuhan at sa perfection ng swordmanship ko pati mga ibang players na stun at nautal sila sa galing ko. Hahahaha.."
"Ahmm.. Sir Doranbalth.." Lumapit ang isa sa mga naka hood at ginising si Doranbalth sa kanyang imahinasyon.
"Sir, nag logout ata yung Boob Freak bago pa tumama ang espada nyo sa kanyang katawan"
Napadilat sa narinig si Doranbalth galing sa kanyang magandang panaginip at tinignan ang pwesto kung saan nakatayo ang Boob Freak na si Roan. Laking gulat niya na walang bakas na naiwan, kahit dugo sa ground ay wala.
Nanlilisik at nag uugat ang noo ng Doranbalth sa pangyayari, ang kanyang magandang panaginip ay napalitan ng masamang bangungot.
"Boob Freak!"
Ini-scan niya ang paligid at nakita niya ang mga naka palibot na mga players, puno ng kutya at insulto na mga tawa at ngiti na nakasulat sa kani-kanilang mga mukha.
"Hehe, galing ng timing ni Boob Freak!! kukuku..."
Ang iba naman ay maluluha luha naman sa pangyayari na pinilit itago ang pagtawa, bawat titig nila ay nakapalibot kay Doranbalth na nasa mga oras na iyon ay malapit na sasabog.
"Lokong Boob Freak, nagawa niyang isahan ang isa sa mga 'Captain' ng Ascension Guild"
"Pftt.. In your face."
Nang mai-scan ulit ni Doranbalth ang paligid gamit ang kanyang napaka bangis na titig. Nakita niya ang pag mumukha ng mga users, sa tuwing titigan niya ang mga ito ay siya namang pag iiwas nila sa tingin ni Doranbalth. Kahit natatawa ay halatang takot silang ma-offend ang isa sa mga captain ng Ascension Guild.
"Layas mga kumag! Pag hindi kayo umalis sa harapan ko, isa isahin ko kayong lahat titirisin."
Sa sobrang galit at kahihiyan ay pulang pula ang mukha at mata ni Doranbalth, pinag tabuyan niya ang mga ibang players. Balak niyang ubuhos ang galit sa mga ito.
"Arghh!!.... Boob Freak!! How dare you!? Papatayin kita kahit ilang beses, wag na wag kang magpapakita saakin!!" Nanginginig sumigaw sa kalangitan si Doranbalth na nabubuwiset sa tuwing humuhulma ang pagmumukha ni Roan sa kanyang isipan.
"Doranbalth, tumigil ka nga! Wag kang magkalat rito!" Magandang boses na pamasok sa tenga ni Doranbalth at kumalma naman agad ito.
"Pasensya na miss Azaliet" yumuko si Doranbalth at nagbigay ng daan patungo sa kanilang mga mount.
Bago pa makasakay sa mount si Azaliet ay may inutos siya kay Doranbalth, "Hanapin mo background profile ng newbie na iyon"
"Maliwanag po" Yumuko ulit si Doranbalth at nag taimtim.
| Sa kwarto ni Roan, Outside World |
*Whew*
Tumayo si Roan sa kanyang higaan sa loob ng game capsule at inalis ang head gear sa kanyang uluhan.
"Buti nalang naka logout agad ako"
Di maiwasan makapag labas ng mabigat na hinga si Roan. Dahil pag nahuli siya na kahit isang sigundo ay tiyak mamatay siya ng isang hiwa.
Tinignan ni Roan ang orasan sa wall clock ng kanyang kwarto.
"2 am..."
Tumayo si Roan at lumabas sa kanyang kwarto. Naghugas ng mukha at tinignan ang kusina kung mayroon pang naiwan na pagkain. Dahan-dahan naman si Roan sa bawat galaw niya dahil ayaw niyang ma istorbo ang natutulog na ina at kapatid na iilang oras nalang ay papasok na sa skwela.
Nang mabusog ay nagpahinga muna saglit at natulog sa kanyang kama dahil ilang oras nalang ay papasok na rin siya sa trabaho sa kanyang pinapasukan na isang construction site.
*Ring Ring Ring*
"Holy cows, late na ako!!" Nawala ang antok ni Roan ng makita ang orasan ng kanyang nag aalborotong cellphone sa lamesa. Kanina pa pala ito nag ri-ring, dahil sa pagod ay napasarap ang tulog niya.
Ilang minuto lang ang lumipas ay nakaalis narin si Roan sa bahay at tumungo na sa kanyang trabaho.
Kahit pino pukos ni Roan ang kanyang sarili sa game ay hindi niya kailan man nakalimutan ang pang araw-araw na gawain: Tulad ng pag tratrabaho at pag excercise tuwing umaga para mapanatili ang kanyang malusog na katawan, pero sa araw na ito ay hindi siya nakapag jogging sa kalapit na park.
Dapat gumising si Roan ng maaga dahil sa mga panahong ito ay napaka traffic ng mga kalsada pag pumatak na ang oras ng 7 am.
Pwede siyang sumakay sa lumilipad na pampasaherong sasakyan, bagama't napaka comfortable ng sakyang ito at walang traffic na madadaanan kapag gamit ang flying car ay siya namang kamahalan nang pamasahe rito.