webnovel

Legendary Slime Tamer (TAGALOG)

Sundan ang legendary adventure ni Roan sa kanyang struggles and troubles sa bagong larong VRMMORPG, bilang isang Slime Tamer - Pinaka mahinang Class sabi ng iba, mahina nga ba?

Anvart · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
22 Chs

Domain

Authors note:

Guys, if you have time, please checkout the newest single WHAT? by SB19.

Promise di kayo magsisisi. Quality? *chef kiss*.

Sorry sa promotion haha.

Anyways, this chapter is fresh from drafts. Kaya expect na may mali, wala kasi akong time mag edit  dahil GRABE ang busy ko lately.

******

Ipinikit ng Masked Player ang kanyang mata. Pinaki ramdaman niya ang buong paligid gamit ang kanyang <<Sword Intent>>, isang Unique Skill na nagbunga dahil sa kanyang High Level Sword Mastery.

Biglaan, nag-iba ang lugar ng nakapalibot sa kanya, lumikha siya ng panibagong imahe sa kanyang isipan, imahe ng isang lugar. Ngayon, nakatayo ang kanyang sarili sa isang madilim na espasyo. Isa itong imaginary dimension sa kanyang diwa na walang ibang matatanaw ay puro kadiliman.

"<<Defigo (Warriors Concentration)>>!!" Passive skill tulad ng Sword Intent na nag co-consume ng Mental Energy.

Tumaas ang kanyang concentration ng isang daang porsyento. Dahan-dahan naman sinundan ng paglabas ng bilog na ilaw, malamlam na ilaw na palutang lutang sa madilim na lugar. Habang tumatagal, dumadami ang mga ilaw na ito. Hanggang sa bumuo na ito ng mga hibla na dumog tong dugtong sa mga ilaw na parang connect the dots. Ang prosesong ito ay halos tatlong oras ang ginugol ng Masked Player.

Asan ka... Apurahan na bulong ng Masked Player sa kanyang sarili habang nakapikit ang mga mata nito.

Overtime, dinalaw ng malalaking butil ng pawis ang kanyang noo habang patuloy parin sa paghahanap.

Magkahalong irita, walang reserve-reserved, nilakasan pa ng Masked Player ang buhos ng kanyang mental energy sa <<Defigo>> skill, hanggang...

"Ayun!" Sabay mulat ng kanyang mga mata.

Sawakas, nakita na niya ang kanyang hinahanap!

******

"Leader, nasa entrance na ang Officer." Report ni SeoYoon kay Herzy matapos ang tatlong oras na paghihintay.

"Hoy! Behave ka lang diyan, wag kang gagawa ng kalokohan" Babala ni SeoYoon sa timid na si Roan. Habang gumawa ng gesture na *im watching you*

Hoy? may pangalan ako noh!

"Ah.. ehh.. pwede ba akong umupo? tingin ko magkaka arthritis ako ne'to hehe" Hiling ni Roan. Kaso tinarayan lamang siya ni SeoYoon.

Ngunit naputol bigla ang kanilang bangayan nang biglang may mga foot steps ang kanilang narinig. Biglang sumulpot ang dalawang player na nakasuot ng warrior equipment at may dalang pulang tela. Laking pagtataka ni Roan at SeoYoon pati narin si Herzy sa kanilang nakikita.

Ang dalawang player na ito ay nililinis ang mga bako bakong daan pagkatapos ay meticulous na nilapag ang red carpet.

Biglang may pumasok na boses ang kanilang narinig, "Oho! asan na experience points ko?"

Kalmadong naglalakad sa red carpet na parang nag su-surfing ang may-ari ng boses na ito. Suot nito ang magarbong Armor na kumi-kintab, habang naka wagayway ang pulang kapa sa likod na parang pina hanginan ng electric fan. Bawat lakad, tindig at porma ay masasabing parang isang modelo. Pag-abot sa dulo ng carpet, pomorma ito ng *so-called* super duper cool pose with peace sign, Yeah!

Siya si Grandorm, ang palaging nag ra-rant tungkol sa top 1 spot ng world ranking tuwing na iinterview sa TV.

Kung na-aalala ninyo, siya ang ininterview sa TV na biglang pinatay ng kapatid ni Roan.

Wahh... halos mahulog ang panga nina Roan, SeoYoon at Herzy sa nasaksihan. Nakakapanindig balahibo at ka sindak sindak ang kanilang naramdaman.

Gayunpaman, napa standing ovation si Roan, "Wow, astig ng intro pre!"

"I know right?" Sabay thumbs up ni Grandorm kay Roan.

Napa facepalm nalamang si SeoYoon, "Another idiot nanaman..."

"So, mga ladies, asan na? asan na experience points ko?," Excited si Grandorm. Tinutukoy niyang experience points ay ang Masked Player. Gagawin niya itong stepping stone para umangat o makaahon sa level cap ng game system.

Tinuro ni Herzy ang matayog na Puno kung saan naka seal ang Masked Player.

Pero bago ang lahat, nilapitan ni Herzy at nag seek ng confirmation tungkol sa deal na ito, "Ahmm... sir sana tuparin nyo hiling ko na mabigyan ako ng spot sa Main Clan" Sabay bow ni Herzy sa harap ni Grandorm.

Alam ni Herzy na ito na, this is it, ang turning point ng kanyang carreer sa Gaming. Sabihin man ng iba na napaka AO, pero hindi niya ito ikahihiya dahil ito na ang bagong laro ng buhay. Ika nga nila, the future is here, ang game na nagpabago sa lahat. Hindi ito tinawag na '2nd World' for nothing, lalo na sa mga katulad ni Herzy na isang single mom. Walang makitang trabaho sa real world, pero dito? sa game na'to? ito na ang kanyang bagong mundo! This game is 'bussiness'! Kaya't sa panahong ito ay mas maraming nag fu full-time sa Gaming, nagsasaya kana, kumikita kapa! Unlike sa real world na puno ng stress. Pero ganon paman, hindi palaging masarap ang ulam sa game nato, strength is everything! Law of the jungle, matirang matibay! Ito ang tangin daan na kailangan salubungin ng may pinaghalong gitil at gigil. Kaya't gagawin ni Herzy ang lahat para umangat!

"No problem, spot lang pala eh.. this is enough as a contribution mo sa clan. Now, puksain ko muna ang trespasser na'to para sa experienc-" Di man lang natapos ni Grandorm ang kanyang salita nang biglang may mapansin siyang ilaw.

Swoosh!

Sampung sunod-sunod na <<Blade Burst>> ang wawarak sa defenceless na si Grandorm. Isa itong [Long Range Attack] ng mga sword users gamit lamang ang mga sumambulat  na mana sa katawan ng espada.

Kasabay ng surprise attack, ay siya ring pagbagsak ng malaking Puno na nagkulong sa Masked Player. Habang na sa loob ay rinig na rinig nya ang usapan sa labas, kaya nung nakita niya ang flaw o lamat ng sealing skill ni Herzy ay winasak niua agad ito at sabay atake.

Nabigla si Herzy, "Pano niyang nawasak ang seal? imposible.."

Lahat ng skill ay may kanya-kanyang depekto. Walang perfect o flawless na skills kaya wag maging complacement ng basta-basta.

Masama ang kutob ko rito.. bulong ni Roan.

"Pangahas ka!" Sigaw ni Grandorm na nanlilisik ang mga mata na tutok na tutok sa Masked Player.

Nagkahiwalay ang kanyang balikat at braso kasabay nito ang pag danak ng dugo sa lupa. Kahit laro lang ito, nasa 50% ang default setup ng Pain Aboserber kaya't randam parin ni Grandorm ang sakit ng naputulan limbs. Lahat ng injuries na matamo sa Virtual game ay gumagawa ng makatotohanang sakit kaya ganon nalamang ka poot si Grandorm towards sa attacker.

Pero ang nagpataas ng kanyang dugo sa ulo ay ang mga di mabilang na gasgas na gumuhit sa kanyang Armor. Plus ang bagong customized crafted arm guard na pinutol ng ilang piraso ang tuluyang nagpasabog sa kanyang pasensya.

"Argh!! Hey, alam mo ba kung magkano ginastos ko sa armor na'to? Shit!"

"Huhuhu, bayaran mo'to!"

"Kainis, diko pa nga nabayaran ng buo yung loan ko tapos dagdag nanaman sa problema, argh... ayaw kona!"

Kinomfort agad ng dalawang Warrior Class ang Officer nilang si Grandorm. Umandar nanaman ang tantrums nito.

"Wah, umiiyak ba siya?" Tanong ni Roan kay SeoYoon na siyang speechless rin sa nangyayari.

"Talaga bang Officer to ng isang Main Clan? mali yata akong  na associate na clan..." *Face palm* Dissapointed si SeoYoon.

Nilapitan agad ni Herzy si Grandorm para i restore ang nawalang braso gamit ang kanyang herbal healing technique.

"Not on my watch!" Biglang umatake ang Masked Player kaya napilitan umilag si Herzy at dumistansya kay Grandorm.

"Now! <<Sword Domain - Gravity World>> labas!" Execute ng skill ng Masked Player, ito ang perfect opportunity na i activate ang kanyang domain dahil wala sa sarili si Grandorm.

Di siya sigurado, pero iba ang kutob ng Masked Player sa Grandorm na ito. Para bang inuutusan siya ng kanyang instinct na wag ibaba ang kanyang depensa. Kaya mag go-going all out na siya.

Biglang nagdilim ang paligid, pinasok niya lahat ng mga player sa isang alternate dimension a.k.a Domain. Sa dimension na ito, ang Masked Player ang hawak ng batas, siya ang overlord. Tanging ang user ang masusunod sa loob ng mundong ito kaya't isa ito sa mga [Mythic Skills] ng mga high levels.

Biglang bumigat ang buo nilang katawan, parang tumigil ang daloy ng hangin, pati si Grandorm ay napaluhod ng sapilitan. Ito ang ability ng Domain ng Masked Player, Gravity World. Bawat domain ay may iba't ibang ability at capability.

Sabi ko na nga ba... this is not good! Ba't ang daming nangyari sa araw na'to? Andaming turn of events! Hinagpis ni Roan sa kanyang sarili.

Halos nakadapa na siya sa sahig, sobrang bigat ng buo niyang katawan, pra siyang iniipit ng pison. Tapos nakita niyang papalapit ang Masked Player habang hawak ang espada nito. Napalunok siya ng laway, inihanda na niya ang sarili.

Ok.. paubos na HP ko, sa wakas makaka logout narin ako after ko ma deads dito... Huh?

Huh?

Huh? Huh? Haaaaaaaah!?

WHAT!?

Napasigaw nalang si Roan nang bigla siyang buhatin ng Masked Player. Binuhat siya na parang isang prinsesa, hindi niya alam kung kikiligin ba siya o maiiyak sa sitwasyon niya ngayon.

Waa.. nakakahiyaaaa!

Hiyang hiya si Roan, ikaw ba naman buhatin ng isang napaka magandang babae. Ok na sana kaso baliktad ang posisyon nila. My god! Kung pwede lang sana butasin ang lupa ay siguradong nagtago na si Roan sa kahihiyan.

"Wait! Wait! Teka lang!" Hinagpis ni Roan ngunit hindi siya pinapansin ng Masked Player, patuloy parin ito sa pag buhat sa kanya at lumabas sa Domain para tumakas.

Nasa loob parin ng Domain ng Masked Player ang grupo ni Grandorm, Herzy at si SeoYoon. Naka confined sila at restricted ang bawat galaw buhat ng Gravity World ng Masked Player. Kaya't tinake advantage ito ng Masked Player para makaalis at makalayo kay Grandorm. Batid niyang delikadong player ang Grandorm na iyon lalo na't naubos ang Mana at Mental Energy niya sa pag buwag ng Sealing Skill ni Herzy. Ayaw niyang mag take risk, tsaka may mission pa siya gagawin at ayaw niyang ma jeopardize ang kanyang mga plano. The only choice is tumakbo!

"Hoy, naririnig mo ba ako? Miss ibaba mo na ako!" Pagmamakaawa ni Roan.

"Mas mabilis pag ganito, kung ayaw mong mamatay at magka penalty, pwes tumahimik ka diyan!"

Argh... either way, mamamatay rin naman ako sa kahihiyan... mangiyak-ngiyak na si Roan.

Tinahak nila ang lagusan kung saan papuntang Garge Cliff. Tanging silang dalawa lang ang nakakaalam ng secret passage na nag co-connect sa Bone Trove Cave at Garge cliff.

"Teka.. ang mga slimes ko!"

"Mamaya mo na silang problemahin, ang importante makakaalis tayo rito!"

"Curious lang ako, ba't mo'ko isinama sa pagtakas? Baka mapagkamalan akong kasabwat at ha-huntingin nila ako" Pangamba ni Roan.

Naging gloomy ang expression ng Masked Player, "Di ko alam kung anong intensyon mo, pero ibang-iba ka sa dating Runevart na kakilala ko..."

Parang timaan ng kidlat si Roan ng marinig niya ang pangalang 'Runevart'. Ito ang pangalan niya sa dating niyang nilalaro. Siya lang naman kase ang pinakamalakas sa buong game kaso dahil sa hacking issue ay nawala lahat.

"Huh? A-anong pinagsasabi m-mo? di kita gets" Giit ni Roan.

"See? bat nauutal ka? tsaka sigurado akong ikaw si Runevart, maliban na magkamukha kayo ng avatar at real photos mo online, nakita ko kanina ang habit mo na paghawak sa chin sa tuwing may binabalak kang masama." wika ng Masked Player.

Habang naglalaban sila ni Herzy kanina ay napansin niya si Roan sa may gilid, nabigla siya dahil itong player na'to ang nakipag agawan sakanya sa treasure box! Ba't siya andito? pero ang higit na pinagtataka ng Masked Player bakit sobrang kalmado niya? halos tumindig balahibo niya nang maalala ang isang certain person that time. Then, napansin niya si Roan na nakahawak sa kanyang chin tila bang may nilulutong di kaaya-aya. Kaya mas lalong lumakas kutob niya na si Roan at Runevart ay iisa!

"Pano mo nasabe? Stalker kaba?"

"Ako stalker? sapakin kita diyan eh!"

"Seryoso?"

Hindi na sumagot Masked Player at nag smile lang ito kay Roan na siya namang pag blush ni mokong.

"Diyan, may pinto diyan sa kaliwang banda" Turo ni Roan kung saan ang naghihintay ang pinto na itinuro sa kanya ng mga slimes.

Hanggang dumating na sila sa bunganga ng Garge Cliff kung saan unang nagising si Roan mula nung mahuli siya ng grupo ni Doranbalth. Ang faithful encounter niya sa mga slimes at sa matandang babaero.

"Ok, humawak ka ng mabuti" Utos ng Masked Player. Pagkatapos ay bumukadkad ang silver wings sa likod nito. Anim na pakpak na parang sa mga Archangels! Ito ay ang Seraphim Wings.

Kyaaaa!!

"Puputulin ko yang malilikot mong kamay kung saan-saan napupunta!" Nabigla at napa tili ang Masked Player nang biglang kumapit sa kanya si Roan.

"Hehe sorry"

OMG! May malambot akong nahawakan! Sigaw ni Roan sa kanyang isipan.

Lumipad agad sila na parang rocket launcher sa himpapawid.

******

"Boss! Boss! Kalahating oras nalang i rerelease na ang limited edition Gaunlet sa auction. Im afraid na baka mahuhuli na tayo.." Paalala ng isang Warrior na payat habang nakadapa parin dahil sa Gravity Domain ng Masked Player.

Humihikbi parin si Grandorm pero nang marinig niya ang oras, "WTF! Oo nga noh?" Biglaang tayo kahit may Gravity Domain pa at sabay activate ng kanyang sariling Domain, "Gumising ka, my dear Floret!"

Itinutok niya sa langit ang talim ng kanyang espada gamit ang kaliwang kamay, lumabas ang mga bulaklak ng mga rosas at kumapit sa buo niyang katawan. Bawat bulaklak nito ay nagsilbing mga ornaments sa kanyang armor. Ngayon ay para na siyang isang magiting na battle god ng mga rosas. Sa kanyang harapan, makikita ang isang flower na anyong babae ang nakahiga sa petal ng mga rosas, Ito ang kanyang Domain, <<Bed of Roses>>.

"Floret, aking mahal, wasakin natin ang walang ka kulay kulay na Gravity World na ito" Malambing na suggest ni Grandorm.

Tumayo galing sa pagka himlay ang babaeng bulaklak at hinawakan ang boundary ng Gravity World, sa isang iglap, nawasak ito at napalitan ng bagong tanawin. Ang dating bleak at silent world ng Gravity World ng Masked Player ay napalitan ng tanawin na puro mga Rosas lamang ang makikita.

"Shit! labing limang minuto lang! Boys arat na!" Tumakbo agad palabas ang grupo ni Grandorm papuntang auction. Excited na siya sa Gaunlet na iyon, umutang pa siya sa Clan Master nila para makuha lamang ang item na ito.

Habang enthusiastic ang grupo ni Grandorm, kabaliktaran naman sa grupo ni Herzy, tulala lamang siya the whole time, walang imik kahit pinu pursigi na siya ni SeoYoon na umalis dahil tapos na ang laban. Isang malaking fail ang mission na'to. Di parin nag si-sink in sa kanya ang nangyayari, andyan na eh, pera na, naging bato pa. Sad.

Ang team Doranbalth naman ay nasa real world na, matapos silang i wipeout ng Masked Player ay sapilitan silang nilogout ng system for penalty.

"Boss, ba't mo hinayaan makatakas ang babaeng elf nayon?" Tanong ng isa sa kasamahan ni Grandorm na isang Warrior na payatot.

"Di moba siya nakikilala? siya lang naman officer ng Golden Wings Clan ng Elven Continent. Nabigla nga ako eh nung makita ko mukha niya. Mahirap na, pag prinovoke natin Clan nila." Casual na sagot ni Grandorm.

"Tsaka, Allied natin sila... for now." Dagdag ni Grandorm.

"Shuta! Kung ganon.. Ang galing mo talaga umacting boss, kapanipaniwala na umiyak ka!" Sabi ng isa pang kasamahan ni Grandorm na isa ring Warrior na mataba.

"Thats my boss! isa ka talagang alamat!" Dagdag ng payat na Warrior.

Parang tinusok ng karayum puso ni Grandorm. Ba't nasasaktan ako sa compliment nila? Deep inside, umiiyak parin si Grandorm dahil talagang nasaktan siya ng masira armor niya!

"Ah.. S-yempre ako pa! hahahaha" Pilit na tawa ni Grandorm.

Magkano kaya ipapagawa ito para mag mukhang bago? Sumakit nanaman ulo niya sa gagasutusin.

Ang hirap pala i maintain ang public image! Huhu

Extra:

[ Mauricia Capital City, Latam Empire ]

Buti nalang may mga Flying mounts sila na mabilis kung lumipad. Saktong-sakto lang ang pagdating nina Grandorm sa Auction Building.

Sa last round ng item auction ay matagumpay na nakuha ni Grandorm ang Gaunlet na kanyang inaasam.

"Galing mo talaga boss, walang ibang nag bet, laki talaga ng respeto nila sayo!"

"Respect? Patawa, natatakot sila harangan si boss kaya ibinigay nalang nila. Hahaha!"

Bulyaw ng dalawang kasamahan ni Grandorm.

"Hehe tignan nyo guys!" Flex agad ni Grandorm ang Gaunlet.

Makikita ang kulay gold na Gaunlet at may limang stones na umiilaw.

Ehem. Ehem. "I am.. Grandorm! Boom!"

"Mali boss, laliman mo pa boses mo!"

"Sige, sige, eto na talaga... I am.. Grandorm.."

"Lalim pa boss!"

"Ok. I am.. Grandorm.."

"Perfect na boss! Patay lahat ng tao!"

"Ikaw na talaga boss! Mas astig ka kaysa kay Iron Man! Matatalo mo na si Thanos!"

~Itutuloy ang adventure ni Roan/Anvart.

Author's note:

Minsan magtataka kayo dahil may nabago sa past chapter dahil pinapalitan ko ito. Baguhan lang po ako sa pagsusulat kaya maaaring magkaroon ng ilang mga pagbabago tuwing binabasa nyo ang mga chapter. Ine-edit ko ang ilang bahagi nito kung sa tingin ko kailangan talaga palitan.

Your votes and comments matter very much to me, because these will serve as inspiration and motivation to go on. Please continue on supporting this series, and consider this as a reward for spending all my time and effort para lang matapos ito. And if you have suggestions, reactions, etcetera, kindly leave a comment. They will be highly appreciated.

Thank you!