webnovel

Legendary Slime Tamer (TAGALOG)

Sundan ang legendary adventure ni Roan sa kanyang struggles and troubles sa bagong larong VRMMORPG, bilang isang Slime Tamer - Pinaka mahinang Class sabi ng iba, mahina nga ba?

Anvart · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
22 Chs

Battle Rings Ascend

[Announcement: User ID: 3277982366 slay the Goblin Lord, Jafazar of the Bone Trove Cave.]

[Congratulations young hero! You are now the owner of the Bone Trove Cave.]

Ito ang system notification na lumabas muli sa kalangitan ng Human Continent. Tulad parin ng dati, may mga makikinang na fireworks nanaman ang lumiwanag sa kalangitan.

Milyong manlalaro galing sa iba't-ibang parte ng Human Continent ang nakakita sa kalangitan at nakatanggap ng system message. Itinigil agad nila ang aktibidad tulad ng paghahanap sa Cave dahil may nag mamay-ari na ito ngayon at nag sasayang lamang sila ng oras.

"Ilang oras palang ang nakakalipas ng madiskubre ang nasabing cave sa Forage forest, nakakamangha talaga na ngayon ay may nakatapos na nito?"

"Shit.. Agad agad? Nag rerecruit palang ako ng Party Members then ngayon tapos na?"

"Eh ako nga, papunta na sana sa Forage Forest eh.. Sad, di na matutuloy."

"Kainis, kung high level lang sana ako.."

Sari-saring hinaing ng mga Players nang malaman nila ang balita. Di nila akalain na sa loob palang ng ilang oras ay tapos na ang mini event. Suspetya nila, posibleng mga Guilds ang nag hunt at tumapos nito, kaya masama ang kanilang loob. Dapat ang ganitong mga mini events ay ibibigay nalang sana sa mga low levels! Pero kahit gaano man sila ka bitter, sa bandang huli ay kasalanan parin nila kung bakit hindi sila malakas. Pero ang pinaka importante sa lahat, hindi lahat biniyayaan ng LUCK tulad ni Roan. Luck is also a strenght ika nga.

Authors note: Maswerte talaga si Roan/Anvart. Pure Luck! As in! Hindi dahil siya ang Protagonist ng Storya, kundi sadyang masuwerte lang talaga siya Lol. ᐠ( ᐛ )ᐟ

Masakit man ay nag move on nalamang ang ibang players at bumalik sa kani-kanilang home base na dumayo pa sa malalayong kingdoms. Ganon paman, di lahat ng players ang sumuko. Ang iba sa kanila ay patuloy parin sa paghahanap. Isa lang ang puntirya nila, ang tanging player na nakapatay sa Goblin Lord.

Kaya hanggang ngayon ay marami paring nag aligid aligid na mga players sa Forage Forest at nag aabang. Ang iba sa kanila ay may maiitim na mga balak, tulad ng PK (Player Kill). Ang iba naman ay nag hahangad na makipag negotiate at umaasang mabibili ang laman ng 'Monster Belongings' na nakuha ng Player na nakapatay sa Goblin Lord.

Isa na rito ang isang matangkad na Ninja Class na may kalakihan ang pangangatawan. Matiyaga itong nag hihintay ng balita kung sino ang naka patay sa boss. Andito siya ngayon sa isang Tavern sa loob ng Doro Village na umiinom ng Alak. Balak niyang bilhin ang mga items na galing sa Bone Trove Cave. Kung andito si Roan ay tiyak makikila niya ito, dahil ang player na ito ay siyang nagpahiram ng Game Capsule kay Roan, siya si Ken.

Kakaalis lang ng kanyang inutusan na player na nag scout at naghahanap ng impormasyon. Pang sampung player na ito na nag report sa kanya ngunit ni isa sa kanila ay walang magandang balitang dala.

"Hays.. laki ng binayad ko sa intel, ya know!" Anxious na hinaing ni Ken sa paghihintay ng balita. Kailangan niyang mabibili ang mga rare items na iyon. Siya  ang uri ng manlalaro na Pay to Win. Halos lahat ng Equipments niya ay Aspect Gears. Kumbaga siya ang tinatawag na 'The Walking Treasure' dahil lahat na nakakabit sa kanyang katawan ay puro mamahalin.

"Ay.. now to think of it... asan na kaya si Roan? Ba't di pa niya ako pinadalhan ng friend request?"

Magrereklamo pa sana siya nang bigla niyang naisip, "Ow shit. Baka maling IGN naibigay ko!"

Authors note: IGN means In Game Name.

******

| Boss Room, Bone Trove Cave |

Nyuu.... Huling nakaawang tunog na inalabas ng pusa bago ito mawalan ng buhay.

"Now you've done it!" Puot at Fierce na titig ng Masked Player kay Doranbalth, walang ano-ano, bigla itong sumalakay. Sinipa niya ng malakas ang ground at nag dash, dala ang kanyang espada na uhaw na uhaw sa dugo.

<<Faery Fire Ball!>> Sigaw at casting ng skills ni Yunchi. Binackupan niya agad si Doranbalth.

Napa click ng dila ang Masked Player. Bago pa siya maka land ng successful attacks kay Doranbalth, napatigil siya sa kanyang atake para umilag.  Agad siyang gumamit ng <<Wind Step>>, isang uri ng Martial Skills na nakakapag manuever sa ere.

Isa-isang inilagan ng Masked Player ang mga paparating na bolang apoy at  nag try na dumistansya rito. Pero bago pa siya makalayo, biglang nag detonate ang mga bolang apoy na parang mga remote controlled bomb.

Ano!?

Isa-isang Lumobo ang mga bolang apoy at sumabog sa kanyang harapan, bumulusok at lumaganap ang apoy na limang metro ang area of effects. Dahil sa mabilisang pangyayaring iyon, na caught off guard ang Masked Player at hindi agad naka react. Kinain ng nagbabagang apoy ang buong lugar na nasakop nito. Pati ang Masked Player ay di rin nakaligtas sa bunganga ng alab ng apoy.

Buti nalang ay nag auto activate ang kanyang passive skill <<Sword Instinct>>. Kahit papano ay nagawa pa niyang hiwain ang apoy sa tulong ng kanyang <<Sword Intent>> passive skills, kundi dahil dito ay malabo niyang mahihiwa o i repel ang anumang mga Magic Skills.  Ganon paman, di parin siya nakaligtas ng walang galos sa surprise attack na iyon dahil nasunog ang ilang parte ng kanyang suot.

Kahit hindi masyadong kalakasan ang damage dealt ng fire ball ni Yunchi, sapat na ito para puruhan ang kanyang mga kalaban. Maaari rin itong makapagbigay ng [Burning Status Ailments] sa mga target nito. Continues Damage ng fire elements na dahan-dahang kakain ng HP (Hit Points/Health Points) sa loob ng ilang minuto.

Napaatras ang Masked Player dahil sa burst ng pagsabog at nagmadaling kumukuha ng balanse sa kanyang pagtayo. Ngunit, bago pa siya makatayo at makapag handa, sinundan agad ni Doranbalth at Jovlar na sunod sunod na atake. Hindi nila bibigyan ng pagkakataon na maka hinga ng maayos ang Masked Player.

Clank. Clank.

Tunog ng mga metal na nagsa sagupaan. Ginamit ng Masked Player na pang depensa ang kanyang espada pero napaatras siyang muli dahil sa fierce na atake ng dalawa. Nahihirapan siyang makapag Counter Attack dahil sa mabilis at walang humpay na atake ni Doranbalth. Dinagdagan pa ng powerful na swing ni Jovlar gamit ang long axe nito.

Tsk..

Ngayon ay punit na punit na ang damit na pang disguise ng Masked Player na parang basahan. Una, dahil sa apoy at pangalawa, sa atake ni Doranbalth at Jovlar. Nawasak ang nakatakip na mask sa kanyang mukha. Natangal narin ang hood na nagtatago sa kanyang kulay silver na buhok na hanggang bewang pala ang haba. Makikita rin ang tumutulong dugo sa kanyang magandang pisngi na nadaplisan ng matulis na espada ni Doranbalth.

"Meh.. Wala ka pala eh.. pero atleast type kita" Ngiting manyak sabi ni Doranbalth at dinilaan ang dugo na naka kabit sa kanyang espada.

"Pervert!"

"Hmmm.. sarap mo! Wahaha haha" Sabay twisted na tawa ni Doranbalth.

Pati Party Members ni Doranbalth ay nasira ang mga mukha ng marinig ang harrasment niya sa Masked Player. Lalong lalo na si Yunchi na bumulong sa kanyang sarili, "Walang sukat ang libog ng taong to...." sabay sigh at napa shake ng kanyang ulo.

"Punong-puno na ako sayo! <<Battle Rings Ascend!>>" Sa wakas na i-trigger ni Doranbalth ang bomba sa loob ng puso ng Masked Player. Naglabas ito ng aura na pinipressure ang buong team ni Doranbalth, randam nila para silang nasa ilalim ng Marianas Trench! Dahan dahan silang pinipisa!

Lumabas pa isa-isa ang nakakasilaw na battle rings sa likod ng Masked Player. Umiikot ikot ito na parang buhay na Halo sa kanyang likuran. Nag e-emit ito ng Golden lights na pumabalibot sa kanyang katawan. Nakakamangha tanawing ito, pati ang buong team ni Doranbalth ay na mesmerize. Para siyang isang Battle Angels na bumababa sa lupa para hukuman ang mga makasalanang mortal.

"N-no way! Se-se-seven rings!?"

"!!!!!!!!!!!"

******

"Hmp. Malas! Dun pala sa kabila ang Boss! Ba't di nag Private Message (PM) ang kumag nayon. Hmp!"

Nagdadabog at galit na galit ang babaeng laging naka hug sa kanyang espada na si SooYeon na isang Sword Mage. Habang kinakatay ang mga monster sa kanyang harapan.

Tahimik naman sa may gilid si Master Herzy na para bang may iniisip.

"82366...." bulong niya sa kanyang sarili.

Tulad ng iba, ay nakita rin nila ang system announcement tungkol sa pag clear ng cave. Kinakalikot ni Master Herzy ang kanyang memorya kung ano huling numero ng ID ni Doranbalth.

"SooYeon, alam mo ba ang ID number ni Doranbalth?" Tanong niya sa babaeng laging naka hug sa kanyang espada.

"Ahhmm... di ko matandaan eh." Sagot nito.

Parang may mali... Patuloy parin sa pagnilay si Herzy hanggang sa maputol ito ng biglang may nagsalita.

"Master, puntahan na natin ang Team ni Doranbalth. Kailangan natin maabutan sila baka...." Persuade ng isang guild members ng kanilang Guild. Iniisip nito na baka bigla nalang tatakas ang kupal na si Doranbalth.

Napag kasunduan kasi nila kung sino ang unang makakahanap ng boss ay i-shishare ang makukuhang drops nito. Malas nga lang na hindi napa sa kanila ang Cave Deeds.

Kahit yung Beads nalang... ito ang iniisip ni Master Herzy na i re-request niya kay Doranbalth ayon sa kasunduan. Pero nawiwili talaga siya sa benefit ng Cave Deeds.

Ang Cave Deeds na ito ang tanging habol ng mga Malalaking Guilds. Dahil sa deeds na ito, maaring i transfer ang ownership ng Cave sa isang player na may hawak ng deeds. 

Maraming benefits na bigay ang Deeds na ito tulad ng; kung sino man ang may hawak nito ay controlado niya ang buong cave. Maaring niyang gawing isang Rental Cave para sa mga low level players. Magbabayad sila para sa entrance permit na makapasok at makapag grind ng EXP's at kung papalarin ay makakahanap ng Treasure Chest. Sa kaso naman nila Master Herzy, maari nilang gawin itong training grounds ng kanilang mga low level Guild Members. Magagamit rin nila itong base of operation bilang extension ng kanilang nasasakupan na teritoryo.

"Tara, nang maka logout na ako, may pasok pa kasi anak ko bukas at ako ang maghahatid." Sabi ni Master Herzy na bumalik na dating calm demeanor nito.

"Sige po Master!" Sabay sumagot ang Guild Members ni Master Herzy sa kanya.

Di nagsayang ng oras, binalikan nila agad ang kanilang dinaan at pumaroon na sila sa Boss Room kung saan si Doranbalth.

*******

Hahh.. hahh..

Hiningal si Roan sa kanyang pagtakbo. Tumigil siya saglit sa isang bakanteng sulok ng kuweba. Salamat sa dilim, madali siyang makakatago sa naghahabol sa kanya.

[Stamina 8% left.]

Shit..

Na realize ni Roan na nakakatakot ang kanyang ginawa pero at the same time ay naexcite siya. Di tulad ng kanyang dating nilalaro, walang ganitong thrill! Masaya naman yung dating game niya kaso ang layo talaga ng agwat ng larong naka upo kalang maghapon at panay pindut ng keyboards kaysa sa ikaw mismo ang kumukontrol sa iyong katawan. Napaka unlimited talaga ng possibilities sa larong ito! Nasa sayo na kung pano mo laruin at kung ano ang diskarte mo sa hiwagang Virtual World na'to!

Habang nalulunod pa si Roan kanyang excitement at bias review ng VRMMORPG ay biglang itong naputol nang may narinig siyang boses.

Hindi lang isa kundi, maraming boses!

Itinigil niya ang kanyang paghinga at pinakiramdaman ang paligid. Dahan-dahan siyang tumungo sa isang malaking bato at nagtago. Ipinokus niya ang kanyang tingin gamit ang kanyang <<True Sight>>. Ngayon, kahit madilim ay nakikita na niya ang paparating na isang Grupo na kakalabas lamang sa isang lagusan at dumiretso sa kabila.

"Oh!"

Biglang napalingon ang Sword Mage na si SooYeon at napakunot ang noo nito.

Hmm..

Napansin niya sa di kalayuan, ay tila bang may gumalaw. Dahan-dahan niya itong nilapitan at inenspeksyon ang madilim na bahagi, ngunit tanging isang malaking bato lamang ang kanyang nakita.

"Imahinasyon ko lang pala..." Bulong nito sa kanyang sarili.

Pero bigla nitong binunot ang yakap niyang espada at sinabing <<Fafniir>>. Nagtransform ng anyong tubig ang katawan ng espada ni SooYeon at humaba ito na parang tubig na latigo. Humampas ang latigo na gawa sa tubig at hinati ng ilang piraso ang bato na parang cake.

Author's note:

Minsan magtataka kayo dahil may nabago sa past chapter dahil pinapalitan ko ito. Baguhan lang po ako sa pagsusulat kaya maaaring magkaroon ng ilang mga pagbabago tuwing binabasa nyo ang mga chapter. Ine-edit ko ang ilang bahagi nito kung sa tingin ko kailangan talaga palitan.

Itutuloy ang adventure ni Roan.