webnovel

LEGEND OF VOID SUMMONER [TUA 2] Tagalog/Filipino

Sa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kanyang kapangyarihang tinataglay.

jilib480 · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
28 Chs

Chapter 6: Ardous Training

"Hooo! Ano'ng klaseng parusa naman to sakin oh... Ang bigat-bigat ng mga ito tapos ganito palang natatapos ko. Ano ba naman yan!" Maktol ni Evor habang halos maligo na siya sa kaniyang sariling pawis eh wala namang araw rito kundi dahil sa pwersang kailangan niyang e-exert. Masyadong mahirap para sa kaniya ang training na ito kumpara sa nauna niyang mga training. Kainis kasi yung nalaman niyang nasa loob siya ng maliit na dimensyon ng misteryosong lalaki partikular na rito na mayroon itong parte ng kaluluwa niya. Halos hindi ako makapaniwala rito dahil halos muntikan na kong ma-heart attack rito pero joke lang dahil wala naman akong sakit sa puso pero guys, nakakatakot talaga para sa kaniya ang pangyayaring ito. Kaya daw nagawa kong makaligtas sa delubyong nangyari sa akin pero ano naman iyon? Ang huli kong natatandaan is yung nag-unbind ako ng aking mga Guardian Beasts pero ano kaya ang nangyayari sa kaniya sa labas? Yung katawan niya? Naaagnas na ba? Pero sabi naman sa kanya eh buhay pa naman daw eh tsaka nang-blackmail pa ito na nasa kanya daw na kamay ang buhay ko kapag di ko sineryoso itong training na ito kaya no choice siya kundi ito, training training pang haha...

"Kaya pa?!" Sambit ng nakabalabal na itim na lalaki sa malalim nitong boses.

"Aswang na tikbalang! este Tao!" Sambit ni Evor habang bigla siyang napahawak sa kaniyang dibdib. Mukhang aatakehin siya sa puso dahil sa paglitaw nito.

"Grabe ka pala magulat bata parang multo ako ha!" Sambit ng nakabalabal na itim habang nakasalikop ang dalawang kamay nito.

"Ano'ng problema mo ha?! Masyado mo kong ginulat dun ah, next time po uso muna magpakita lang hindi yung manggugulat ko o magsasalita ka lang agad-agad. Tsaka ano po bang pwede kong itawag sa inyo." Sambit ni Evor habang kino-compose nito ang kaniyang sarili. Kung may sakit lang siya sa puso eh kanina pa siya namatay. Di niya ba sinabing ikasampo na itong paglitaw nito at pagsasalita nang hindi man lang siya ini-inform. Kung kayo siguro sa posisyon niya aba baka ilang malulutong na mura ang matatanggap niya sa inyo pero hindi naman siya ganong klaseng tao dahil pinalaki naman siya ng kaniyang mga tumatayong magulang na may magandang asal at may takot sa diyos.

"Ang sabihin mo ay takot ka lamang sa gumagala kong mga koleksyon kong mga Ownerless Beasts hehe... Ayaw mo ba sa mga iyon?! Tsaka parang gutom ata sila ngayon eh... Tawagin mo na lamang ako bilang Sirno dahil yun ang tawag nila sa akin lalo na ng iyong mga magulang. Total ayaw mo naman akong makita at ayaw rin kitang makita palagi ay aalis na ako ha at bahala ka na kung makasalubong mo ang alinman sa mga ito. Sisihin mo yang kabagalan mo. Aba aba, sampong oras ka ng naglalakad riyan at parang di mo ata gusto ang magpahinga. Mauna na ako!" Sambit ng nakabalabal na itim na balot na balot ang katawan nito na si Sirno.

"Sandali... ----" magsasalita pa sana si Evor ngunit mabilis na naglaho ang pigura ni Sirno sa lugar na kinatatayuan nito kani-kanina lamang.

"Naku naman oh..." Ang tanging nasambit na lamang ni Evor sa kaniyang sarili habang medyo binilisan ang kaniyang hakbang pero usad pagong pa rin siya. Medyo gumaan na rim ang kaniyang suot na bag kung saan mayroong lamang mga tubig. Aba aba, mamamatay siya kung walang tubig noh. Gawa sa enerhiya ang katawan niya rito at maging ang iba pang bagay rito. Nagpapalakas kasi ng spiritual power ang tubig rito maging ang hangin sa kapaligiran ay nagbibigay sayo ng lakas ngunit hindi naman ito makakatulong sa iyo sa mahaba-habang lakaran.

Halos dalawang oras na rin siyang naglakad pa at halos nag-adapt na rin ang katawan niya. Walang araw at gabi rito at tanging ang pag-estimate lamang ng oras rito ang kaniyang magagawa. Hindi na rin nagpakita si Ginoong Sirno na siyang ikinalungkot niya.

Sa wakas ay natanaw niya na sa malapitan ang kaniyang destinasyon. Magsasaya na sana siya ng makarinig siya niya ang malalakas na mga alulong sa kaniyang likuran.

"GRRRRRRRRRRR!!!!!!"

Agad namang naalarma si Evor at mabilis na nilingon ang kaniyang likuran. Doon ay nakita niya sa hindi kalayuan ang grupo ng mga lobo na kung tawagin ay Brown Wolf dahil sa kulay ng kanilang balahibo. Hindi sila kalakihan ngunit ang bilang nila ay nasa limampo. Totoong mga hayop oto at hindi ito isang summoned beast mula sa ibang dimensyon.

"Pinaglololoko ba ko ni Ginoong Sirno eh hindi naman to Summoned beast kundi totoong hayop ito. Gusto niya ba kong paslangin pa lamang dito?! Naku naman oh, paano ako gagalaw at lalabanan ang mga ito. Pag ako nilapa ng mga ito edi patay ako!" Sambit ni Evor sa kaniyang sarili. Kasalanan niya rin dahil medyo mabagal talaga ang kaniyang paglalakad at mahirap rin ang klaseng training na ito. Tsaka di siya ini-inform na mayroon palang totoong mababangis na hayop rito sa loob ng maliit na dimensyon sa katawan nito dahil na rin siguro sa mayroon itong malakas na lebel ng Summoning. Nakakamangha ang loob ng dimensyon nito ngunit at the same ay nakakatakot na rin. Sino ba namang nilalang ang gustong gawing tirahan ng mga mababangis ang loob ng dimensyon ng katawan nila.

Mabilis na sumugod sa kaniyang ang grupo ng mga payat na brown wolves. Tumutulo pa ang laway ng mga ito at namumula ang mga mata tandang gutom na gutom na ang mga ito at gustong kainin ang kanilang nahanap na putahe at walang iba kundi si Evor. Dahil sa labis na gutom ng mga ito at natakam sa maliit na putaheng nakahain sa harap nila.

"Hep, hep... Kalma muna kayo ha... Peace tayo hindi ba?!" Sambit ni Evor habang mas binilisan ang kaniyang lakad pero usad pagong pa rin ito kumpara sa mabibilis na takbo ng mga mababangis na lobo.

Tinitingnan niya ang kaniyang likuran kung saan maraming mga naghahabol sa kaniyang mga gutom na mga Brown wolves. Kung sinuman ang nakikita sa senaryong ito ay talagang mahihintatakutan. Biruin mo ba naman na sa dami-daming pwedeng masagupa niya ay ang nagliliksihang mga lobo pa.

"Great timing talaga... Talagang hanggang dito nalang ba 'ko?!" Nanlulumong sambit ni Evor habang makikita ang lungkot sa kaniyang mata. Hindi niya aakalaing ang training na ito ay magreresulta sa kaniyang pagsagupa laban sa mga mababangis na lobong gutom na gutom sa karne.