Lavandeir's POV
"Here."
May nilagay siya sa mesa. Isang maliit na USB na black. Tiningnan ko siya nang nagtataka pagkatapos kong sulyapan iyon.
"Watch the content anytime. You can now go back to your room."
Tumayo siya at tumalikod sa akin. Mukhang aalis na siya. Muli siyang nagsalita nang hindi man lang lumingon sa akin.
"I'll give you time to decide. Don't hurry yourself. I can wait no matter how long."
Aalis na sana siya kaso bigla akong nagtanong. "Bakit? Bakit mo ako tinutulungan? Bakit ka maghihintay?"
"It's just that I need you for some purposes and you'll need me."
Umalis na siya pagkatapos niyang sabihin 'yon. Iniwan niya akong mas naguguluhan. Bumuntong-hininga ako bago binalingan ang USB na nasa mesa. Hindi ko alam kung anong laman nito pero nacu-curious ako kaya kinuha ko na at naisipang umalis.
Lumabas ako sa room na iyon. Nararamdaman ko pa rin ang sobrang ginaw kaya nagmamadali akong pumunta sa front desk. Tinanong ko ang foreigner na babae kanina kung nasaan ang hagdanan or ang emergency exit at buti na lang ay tinuro niya kaagad. Dito ko naisipang dumaan kasi hindi ako makakasakay sa elevator. Hindi pa ako registered doon. Mabuti na lang natandaan ko pa ang daan pabalik. Napakalaki at napakalawak kasi ng lugar na ito.
Naalala ko naman sina lolo at kuya. Baka nag-aalala na 'yon sa akin. Sinabi ko pang hindi ko na ito uulitin pa pero naulit na naman. At kagagawan ito palagi ng Elites.
Baka hinahanap rin ako nina Natsy...
Natsy... Hindi ko alam kung ibibigay ko rin ba ang tiwala ko sa kanila eh hindi ko pa naman sila talagang kilala. Nang dahil sa nangyari kahapon... Ewan, parang takot na akong magtiwala muli. Pa'no kung alagad din sila ni Jax at 'tulad ni Kim ay lolokohin din nila ako? Takot na ako.
Nang makarating ako sa room ko, may nakadikit na maliit na sticky notes sa pinto at may anim na numero ang nakasulat. Isang passcode. Binuksan ko ang pinto at pumasok na. Ang unang napansin ng aking mga mata ay ang isang maliit na mesa na may pagkain at isang upuan. Wala kasi ito kanina.
Nilibot ko ang tingin ng paligid at tiningnan din ang comfort room. Baka kasi may tao. Baka narito pa 'yong taong naglagay nito, may mga itatanong lang sana ako kaso wala.
Una kong nilapitan ay ang pagkain. Hindi ko alam kung ilang oras na akong hindi nakakakain sa sobrang gutom na nararamdaman ko ngayon.
Sumimangot ako nang makita kong walang kanin. Paano ako mabubusog nito? Puro mga tinapay lang at hindi ko alam kung anong pagkain ito basta ang daming gulay.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya nilingon ko ito. Pumasok ang isang lalaki na mukhang kaedad ko lang. Tinitigan ko siya. Isa rin siyang asian. May blond at magulong buhok. Medyo bilog ang mata at hindi masyadong maputi. Nakasuot siya ng jacket na gray na may hood at may hikaw sa kaliwang tenga.
Ngiting-ngiti siyang lumapit sa akin na parang close friend kami.
May hawak siyang popcorn sa kanang kamay at isang paper bag sa kaliwang kamay. Hindi ko ma-explain ang kilos niya eh sobrang hyper. Excited siyang lumapit sa akin at kumakaway-kaway pa kahit may hawak ang mga kamay niya.
"Hi Vanvan!"
Kumunot ang noo ko nang tawagin niya ako sa nickname ko. Pa'no niya nalaman ang nickname ko eh hindi ko naman siya kilala.
"S-sino ka?"
"I'm Kern at your service."
"Ken?" ulit ko. Baka kasi namali ako ng rinig at Kern ang dinig ko.
Umiling siya sa 'kin at nagbuntong-hininga. "It's Kern! Short for Kernel. I'm going to be your... Secret! Hahaha! Oh ito pagkain!"
Pinatong niya ang hawak niyang paper bag sa mesa at humiga sa kama ko na parang pagod na pagod.
"Maliban sa pangalan mo, sino ka?" curious kong tanong at nakatingin lang ako sa kanya, iniisip kung anong gagawin ko kung sakali may gagawin siyang masama.
Umayos siya ng upo at tinaasan ako ng kilay. Nang gumalaw siya ay gumalaw din ang kanyang buhok. Mukha kasi siyang mais dahil na rin sa blond niyang buhok.
"I told you, milady. I am me, Kernel at your service. But I'm too tired right now, so ask your queries next time. Also, chillax, wala akong masamang gagawin sa 'yo."
Inirapan niya ako tas humiga sa kama. Feel na feel niya pa ang pagchi-chill eh kama ko naman 'yon. Naalala ko tuloy sa kanya si Kuya.
Hindi ko na siya pinansin dahil wala naman akong masabi at kakakilala ko lang sa kanya kaya hindi ako komportableng makipag-usap sa kanya kahit mukhang hindi siya masama. Marami akong tanong pero ngayon, nakaramdam ako ng sobrang gutom kay mamaya na ako magtatanong.
Isang packed lunch at may isang paper cup na medyo malaki ang laman ng paper bag na kanyang dala. Sabaw 'yong laman ng paper cup.
"Wow," manghang sabi ko. Eh kasi may kanin at fried chicken. Mas lalo akong natakam at mas nararamdaman ko ang gutom, lalo na't pumasok sa ilong ko ang amoy ng fried chicken. Natakam din ako sa sabaw.
Habang kumakain, palihim ko siyang pinagmamasdan. At nagulat ako nang pareho dila ni Ex na may mga sugat. May malaking parang band aid ang nakalagay sa braso niya. Meron din sa mga kamay.
"Ano pala ang ginagawa mo rito? Diba sa Ohio 'to?"
Umayos siya ng upo at tinago ang cellphone niya na kanina niya pa tinitingnan. "Ako ang makakasama mo panandalian dito."
"Huh? Panandalian? Magtatagal pa ba ako rito?"
"Yes, until you recover."
"Pero okay naman na ako."
"No, you're not... And you know that."
Maraming tanong ang gusto kong itanong sa kanya. Mga bakit, mga paano pero nang makita niya ang aking expression, umiling siya agad.
"You have to recover first. Focus on you recovery and we'll tell you everything. Ayaw naming biglain ka. And one more thing milady, please consider your decision about Master's offer okay?"
"Decision?"
"Yep! We're waiting for you. But for now, re.co.ver. first!"
Nginisihan niya ako at ayon bumalik na siya sa kanyang ginagawa kanina. Natatawa pa. Abno talaga!
Nang matapos na ako sa pagkain ay iniligpit ko ang kalat at itinapon sa basurahan na nandito din sa loob.
"Oo nga pala..." tiningnan ko si Kern nang tumayo siya. "May nakalimutan pala akong dalhin. Wait here."
Umalis na agad siya at dinala pa ang popcorn niya. Hindi ko alam kung pinanindigan ba niya ang pagiging mais niya or adik lang talaga siya sa popcorn.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Naging komportable agad ako sa kanya dahil para siyang si kuya kung kumilos... Pero hindi ko alam kung pagtitiwalaan ko ba siya o sila na nagdala sa akin dito.
Bakit nila ako niligtas at dinala dito? Ano ang pakay nila sa akin?
Narinig ko ang tunog sa pinto, 'yong tunog na may pinipindot. Ang passcode.
Bumukas ang pinto at tama nga ako na si Kern iyon. May dala-dala siyang laptop at dali-daling pumunta sa akin.
"Ba't ang bilis mo?"
"Magkatabi lang tayo ng room," maikling sagot niya tas tumabi sa'kin. Kaya pala.
Binigay niya sa'kin ang laptop. "You've got a USB from Master right? Here, you can borrow this."
Naalala ko naman iyon at agad na kinuha.
"It's up to you kung kailan mo 'yon papanoorin. You can take your time. Kung may mga tanong ka sa'kin you can ask me anytime. Remember? Anytime..." sabi niya at humiga ulit sa kama. Tatanungin ko na sana siya kung may alam ba siya sa sinasabi ni Mr. Jackson 'yong about sa trainee nang, "Pero huwag ngayon. May jetlag pa ako."
Umalis naman siya ulit sa room ko at sinabihan muna akong magpahinga muna.
Sumimangot ako sa inis. Sabi niya anytime tas huwag ngayon?
Ang sabi niya kanina ay kung kailan ko 'yon papanoorin. Papanoorin? So video pala ang laman nito. Tumibok bigla ang puso ko sa kaba. Hindi ko alam kung anong laman ng video pero kinakabahan ako bigla. Hindi naman siguro ibibigay ni Mr. Jackson kung hindi ito mahalaga.
Binuksan ko ang laptop at agad na isinaksak ang USB. Ilang sandali lang ay may isang folder akong nakita at isang video.
Untitled ang file name sa dalawa. Una kong in-open ay ang file at isang document lang ang laman nito at nang binuksan ko ay nabasa ko ang isang message.
*Contact me through this number 09********* when you already have a decision. Don't forget the number and delete this file after reading this. - Mr. J*
Kinabisado ko naman ang number niya tsaka binura ang file. 'Di ko alam kung anong purpose nito pero sinunod ko na lang.
Sinara ko ang file at tinitigang muli ang video. Nagdadalawang isip pa akong e-open ito. Kinakabahan kasi ako.
Bumuntong-hininga ako at kinlick ang video. Una kong napansin ay ang time and date nito.
At...
Nakita ko ang sarili ko...
Hindi ko alam kung ano ang reaction ko sa video. Nakaramdam ako ng galit sa kanila at pagkaawa sa aking sarili. Bumalik ulit ang scenario na naranasan ko sa kamay nila. Naramdaman ko ring tumulo ang aking luha nang makita ko ang mukha ng babaeng tinuring kong kaibigan.
Ang laman ng video ay 'yong nasa video recorder ni Clent. Wala akong idea kung paano nakuha ni Mr. Jackson ang video na ito. Alam kong sa video recorder ito ni Clent dahil sa angle at sa pagkakakuha ng video. Siya ang nag-video sa akin nito.
Ngayon ko lang napagtanto na sobra na pala akong kaawa-awa. Parang isang pusang pinagtutulungan ng mga lion.
Kinuyom ko ang aking dalawang kamay habang inaalala ang mga nangyari... At ang mukha ng babaeng ginamit lang pala ako. Awang-awa na ako sa sarili at gusto kong ilabas ang poot at galit. Naninikip ang aking dibdib habang hindi maalis ang aking mata sa video. Ngayon ko lang naramdaman ang matinding galit na ngayon ko lang naranasan.
Bumuhos ang aking luha nang sari-saring emosyon ang aking nararamdaman. Ang sakit na parang hindi ako makahinga. Parang pinipiga ang aking puso sa sakit. Naalala ko ang mukha ni Kim na mas lalong nagpapagalit sa akin!
Natapos ang video n'ong time na hinawakan nila ako sa magkabilang kamay at sinunog ang aking balat gamit ang metal na nasa dulo ay malaking L. Nakita ko pa sa video na sinabi ni Justine na "L for loser!" at sabay na nagtawanan sina Mia at Elayah.
Kinakapos akong napayuko habang nakakuyom pa rin ang aking kamay. Hindi pa rin nawala ang galit sa aking puso at pagkaawa sa sarili. Sana naniwala na lang ako nina Natsy. Sana hindi na ako nagmamatigas. Kasalanan ko kung bakit ako naloko ni Kim. Ang manhid-manhid ko! Hindi ko man lang nalaman ang totoo niyang pakay sa akin. Ang tanga ko!
Nanlaki ang aking mata at nahihirapang huminga nang bigla kong parang naamoy ang aking balat na nasusunog. Bumalik sa akin ang alaalang iyon. Nakaramdam ako nang pagsusuka kaya dali-dali akong tumakbo sa CR.
Nanghihina akong napaupo sa harapan ng lababo nang matapos akong sumuka. Umiyak ako nang umiyak.
Ngayon ko lang naramdaman ito... Gusto kong saktan ang mga taong nagpapahirap sa akin! Ayoko na nito!
Paulit-ulit na nila akong ginaganto! Pati ang kaibigan kong akala kong magtatanggol sa akin, isa pala siya sa kanila!
...