•••
*"Let him know that you're not a human. That you're a Vampire, Yuki."*
Argh! Hindi ko alam kung ilang beses ko ng ginulo ang buhok ko para lang maalis ang mga salitang 'yon na paulit-ulit na pumapasok sa isip ko.
Noong isang araw pa sinabi 'yon ni Hajime pero hanggang ngayon ay palagi na lang 'yon ang laman ng isip ko. Sa totoo lang, wala na sa plano kong sabihin sa kaniya ang totoo.
Kasi in the first place naman wala talaga akong planong sabihin 'yon kay Ryouhei, nagkaroon lang ng aksidente kaya nakita niya ang totoong anyo ko.
Pero hindi ko na ipapakita iyon sa pangalawang pagkakataon. Isang malaking pagkakamali lang na nangyari iyon.
Napabuntong-hininga ako at agad ring nag-focus dahil may bagong costumer ang pumasok sa loob ng convenience store. Matapos kong mai-check ang binili niya ay agad akong napatingin sa labas dahil biglang kumidlat sa ilalim ng madilim na langit.
Tila ba nagbabadya ang malakas na ulan.
"Mukhang hindi inaasahan ng newscaster na uulan ngayon ah?" Mahinang sambit ng lalaking costumer sa harap ko napatingin ako sa kaniya at nakita kong halata ng pag-aalala sa mukha niya.
Hindi inaasahan? So ibig sabihin nagkamali sila sa pag-announce na walang ulan ngayon pero meron pala? Actually, hindi na rin naman bago 'yon dahil na rin sa global warming. Matapos kong maibigay sa kaniya ang binili niya ay agad rin siyang lumabas, sumunod na rin ang isa pang costumer na nasa likod niya.
Ilang minuto lang ang nakakaraan ang marami ng tao sa loob ng convenience store dahil malakas na ang ulan sa labas. nagpapatila siguro sila ng ulan dahil hindi nila inaasahan na uulan ng ganito kalakas ngayong tanghaling tapat.
"Yuki?" napatingin ako sa Manager namin na kakalabas lang ng staff room.
Naglakad siya palapit sa akin pero ang babaeng nasa likod niya ang agad kong napansin, at nang magtagpo ang mata naming dalawa ay agad na nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil ang babaeng 'yon ay walang iba kundi si… Veronica.
"Si Veronica na muna ang pumalit sayo dyan dahil may ipaguutos ako sayo." Teka? Ipaguutos? Nang ganito kalakas ang ulan?
Hindi na ako nagreklamo at ibinigay ang pwesto ko kay Veronica. Nang maramdaman ko ang pagtama ang braso ko sa braso niya ay bigla akong nakaramdam ng kaba kaya hindi ko maiwasang pakiramdaman siya. At habang ginagawa ko 'yon ay halos mapatalon na lang ako sa gulat ng bigla akong hampasin ng Manager ko ng nirolyo niyang magazine.
Sa gulat ko ay agad ko siyang nilingon pero nakatingin lang siya sa akin ng masama.
*Ako na nga itong nasaktan eh tapos ako pa rin ang mali?*
"Ang ayoko sa lahat ay ang magkaroon ng relasyon ang mga empleyado ko sa isa't-isa, kaya kung ayaw mong mawalan ng trabaho, ayusin mo kung saan ka tumitingin." Seryosong sambit niya.
Neee ko na bang matakot ngayon? Bakit ganiyan siya magsalita sa akin? May nagawa ba akong mali?
Tsaka teka lang ah? Bakit parang kung pagalitan niya ako eh may gagawin akong masama sa kaempleyado ko? Anong akala sa akin ng Manager ko may masamang balak?
Maya-maya lang ay may ibinaba siya sa harap ko na isang maliit na puting papel at pagkuha ko doon para tignan ay iyon lang naman ang mga ipinapautos niya sa aking kunin. At doon ako napahinto kasi parang ang dami naman ng ipinapakuha niya sa akin?
"Manager, hindi ba parang ang dami naman po nitong pinapakuha niyo sa akin? Atsaka po ang lakas ng ulan, hindi ko po—"
"Nagrereklamo ka ba?" Bigla niyang pagpapahinto sa sinasabi ko.
Bigla naman akong natameme at hindi na nakapagsalita pa, umiling na lang ako at tinanggap ang jacket na ibinigay niya. Mahirap ng galitin si Manager baka bigla akong mawalan ng trabaho. Umalis na rin siya agad sa harap ko pagtapos niyang i-remind sa akin na gamitin ko daw ang payong na nasa tabi ng pinto.
Habang nagsusuot ng jacket ay hindi ko maiwasang manginig dahil alam kong paglabas ko ng convenience store ay siya namang paihip ng malamig na hangin. Hindi na ako nagreklamo pa ulit kasi baka biglang sumulpot si Manager at sabihing tanggal na ako sa trabaho ko.
Mas nakakatakot 'yon. Kaya ng matapos ako ay agad na akong naglakad papunta sa pinto ng convenience store para kunin ang payong na nakatambay lang doon. Nang makuha ko 'yon ay lumingon ako sa cashier, at nagulat na lang ako ng makita kong nakatingin na sa akin si Victoria.
Para hindi maisipang ako mapag-isipang baliw ay agad rin akong umiwas ng tingin sa klaniya.
*Inaasahan niya bang titingin ako sa pwesto niya kaya nagkatinginan kami? O sadyang coincidence lang 'yon?*
Umiling na lang ako sa mga pinag-iiisip ko. Kailangan ko na munang gawin ang ipinaguutos sa akin ni Manager kasi kapag hindi… baka tuluyan na akong matanggal sa trabaho ko. Nang makalabas ako ng convenience store ay ganun din ang dami ng tao sa labas dahil nagpapatila sila ng ulan, wala sa sarili akong napatingin sa madilim na langit.
"Parang magtatagl ang ulan na ito ngayon ah?" Bulong ko na lang at agad ng binuksan ang payong na dala ko.
Hinawakan ko ng mahigpit ang papel sa bulsa ng jacket na suot ko at agad na akong naglakad papunta sa lugar kung saan ko makukuha ang ipunaguutos niya. At habang malakas na bumabagsak ang mga patak ng ulan sa payong na gamit ko, habang walang patid ang pag-ihip ng malamig na hangin sa akin, habang nakikipag-sapalaran ako kasama ang ibang kagaya ko sa ulang hatid ng madilim na langit, at muli akong huminga ng malalim at ibinuga rin ito.
"Ang lamig."
Nang makarating ako doon ay agad akong binati ng babaeng nasa cashier, kilala naman niya ako kaya kapag napunta ako dito alam na niya kung anong kailangan ko.
"Nasa stockroom ang kailangan mo, kuha ka na lang doon. Atsaka may paper bag na rin doon na mapaglalagyan mo." Agad niyang sabi sa akin.
Tumango na lang ako dito ng nakangiti. Kung sana kaparehas na lang niya 'yung ibang empleyado sa convenience store kung saan ako nagtatrabaho, kaso hindi naman ganun kadali 'yon. At kung gaano kadami ang tao sa convenience store kung saan ako nanggaling ay kabaligtaran naman dito. Dahil iilan lang ang taong nasa loob at wala namang tao sa labas.
Para makabalik na ako agad ay mabilis ko ng ginawa ang kailangan ko. Pagpasok ko sa stockroom ay nandoon na na nga ang mga kailangan ko. Wala na akong sinayang na oras dahil baka kapag nagtagal ako dito baka wala na akong maabutang trabaho doon.
"Nakakainis talaga itong ulan na 'to, panira ng araw." Bulong ko na lang habang ginagawa ko ang mga pinagutos sa akin ni Manager.
Kasabay ang pag-buhos ng ulan ay nakikipagsabayan ang mga tao dito, ang iba'y nagkakasiyahan pa habang dinaramdam ang lamig na hatid nito sa balat nila. Hindi mapaipagkakaila na hindi naman masamang makipaglaro sa ulan. Pero sa kabila ng sarap na hatid nito… may balik din itong hindi mo gugustuhin.
Nang matapos ako ay agad kong inalam kung mabigat ba ito o hindi, nang hindi naman ito makakabali ng buto ay agad na akong lumabas ng stockroom. At napansin ko na umalis na rin ang iilang tao dito sa loob ng convenience store at medyo tumila na ang malakas na ulan sa labas.
*Mabuti naman at makakabalik din ako ng matiwasay.*
Nang mapatingin sa akin ang babaeng nakatoka sa cashier ay agad ko itong binigyan ng isang maliit na ngiti at tango. Dumeretso na rin ako agad sa pinto at kinuha ang payong sa gilid nito, pagbukas ko nito ay bumungad sa akin sa labas ang basang-basa na kalsada ngunit hindi na ganun ang kalakas ang ulan kagaya kanina. Binuksan ko ang payong at muli ng naglakad pabalik sa convenience store.
Hindi rin naman mabigat ang dala-dala ko kaya hindi na ako nahirapan pang maglakad pabalik. At habang naglalakad sa gilid ng kalsada ay hindi ko maiwasang isipin muli ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw, ang mga nangyari sa pagitan naming tatlo nila Ryouhei at Hajime, parang isang palabas lang sa isang pelikula na hindi mo aakalaing mangyayari pala sa totoong buhay.
Pero kahit na ganun... isa pa ring malaking misteryo ang lahat.
Napahinto ko sa paglalakad dahil sa malakas na kulog na bigla kong narinig, bigla akong napatingalang muli sa madili na langit at kita ko doon ang lalong pagdilim ng kalangitan. Tila yatang nagbabadya muli ang pagbuhos ng malakas na ulan. Kailangan ko ng bilisan kung ayaw kong lalong mabasa at maligo. Pero nakakailang hakbang palang ako ay biglang bumuhos ito at sa lakas nito ay sumabay pa ang ang kulog at kidlat.
*Shit? Mag bagyo pa ata ngayon? Badtrip bakit ngayon pa nangyari 'to?*
Binilisan ko ang lakad ko at napalinga-linga para makahanap ng masisilungan, hanggang sa may makita akong tindahan na sarado kaya doon ako pumunta at siguro magpapatila muna ako dito ng ulan. Hindi rin kasi pwedeng mabasa ang mga ipinautos sa akin ni Manager dahil baka masisante ako, mahirap na.
Habang nakatayo at nagpapatila ng ulan… doon ko mas lalong napakinggan ang pagbagsak ng mag ito sa lupa at sa bubong na nagsisilbing pananggalang ko sa malakas na buhos nito, sa mga sandaling iyon ay patak lang ng ulan ang naririnig ko at wala ng iba pa. Sa mga sandaling 'yon ay para ba akong nalunod sa tunog nito. Masarap sa tenga at… hindi nakakasawang pakinggan.
Pero lahat ng nasa isip ko ay biglang nawala ng maisip ko bigla si Ryouhei, tatlong araw na ang nakakalipas matapos ang huling dalaw niya sa apartment ko. 'Yon din ang araw na nakipagkita ako kay Hajime na hindi niya alam. Sa totoo lang parang dumaan lang ang tatlong araw na iyon buhay ko… at walang Ryouhei ang umaaligid-aligid sa akin sa mga araw na 'yon.
Pero bakit ngayon ko pa siya naisip? Alisin mo nga siya sa isip mo, Yuki. Mas maayos ang takbo ng buhay mo kapag wala siya sa tabi mo, kasi ang alam lang naman niyang gawin ay ang guluhin ka.
Napabuga ako ng hangin at pinagmasdan ang iilang sasakyan na dumaraan kung nasaan ako. Hindi pa rin tumitila ang ulan kahit na ilang minuto na akong nandito. Kung magtatagal ako dito, baka iba na ang isipin ng Manager namin. Masyado siyang advance mag-isip… ipa-partner niya pa ako kay Veronica iniisip niya bang may pinaplano ako sa babaeng 'yon porket lalaki ako?
"Oh? Kung sinuswerte ka nga naman…"
Hindi niya ako kailangang pagbawalan dahil in the first place… wala naman akong balak sa babaeng 'yon.
"Nagkita ulit tayo." Napatigil ako sa mga iniisip ko at agad na napalingon dahil hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap nito o nagsasalita siya mag-isa.
Isang lalaki ang nakatayo ilang hakbang mula sa akin, may suot siyang itim na jacket at itim na cap. Nakayuko siya kaya nagkaroon ako ng pagkakataong suriin siya mula ulo hanggang paa, pero huminto ang mga mata ko sa labi nito. Nakangiti iyon, hindi ko alam kung anong klaseng ngiti iyon… ngunit agad akong nakaramdam ng kaba.
Sa pagkakataong 'yon ay isinanntabi ko ang kabang naramdman ko, hindi ko naman kailangang pag-isipan ng masama ang mga tao.
"Anong kailangan mo? Pasensya ka na ah? Pero wala akong pera na maibibigay sayo, godbless na lang." saad ko at hinawakan ng mahigpit ang paper bag na dala-dala ko. "Sa iba ka na lang—"
Napahinto ako sa pagsasalita ng bigla siyang tumawa. Yung tawa na para bang may nakakatawa sa mga sinasabi ko, eh wala naman. Magsasalita sana akong muli pero biglang kumulog at kumidlat na nagpagulat sa akin.
"Shit… kailangan ko ng bumalik agad."
"Hindi mo ba talaga ako naaalala o nakikilala man lang?" Rinig kong tanong niya.
Bakit ba siya tanong ng tanong? Mukha bang kilala ko siya?
"Hindi. Atsaka umalis ka—"
"My bad, hindi pala ako nagpakilala sayo ng magkita tayo." Sagot nanaman niya.
"Huh? Nagkita? Hindi nga kita kilala eh, sino ka ba?"
At nakita ko na lang na hinawakan niya ang suot niyang sumbrelo, tinanggal niya iyon sa ulo niya at dahan-dahan niyang iniangat ang mukha niya at nang makita ko iyon ay mas lalong lumaki ang ngiti sa labi niya.
Ang katumbas ng panlalaki ng mga mata ko ay ay malaking ngiti na nakaukit ngayon sa labi niya.
Napaatras ako… habang nakatitig sa kaniya. Ibinato nito ang sariling sumbrelo kung saan mababasa ito ng ulan. At nang magtamang muli ang mata namin ay agad siyang ngumiti sa akin… pero hindi ko man lang magawang gantihan ng isang ngiti iyon.
"I-Ikaw… paanong…" muali akong nappatras, sa pagkakataong 'yon ay bigla akong bumagsak sa kinatatayuan ko.
Paanong buhay siya… ang lalaking… ang lalaking kumagat kay Ryouhei…
… nandito na siya sa harap ko.
Naalala ko pa ang ginawa ko sa leeg niya, at nang makita ko 'yon ngayon ay wala man lang bakas na kahit na anong sugat ang balat niya. Ramdam na ramdam ko ang takot na nagsisimulang kainin ang sistema ko.
Tatayo na sana ako upang makaalis pero agad niyang hinawakan nang mahigpit ang panga ko at ipinaharap sa mukha niya.
I feel my body tremble because of… fear. He's smiling from ear to ear, and when I saw those eyes again… they're glowing, his red eyes are glowing.
Bigla na lang rin nanlaki ang mga mata ko ng muli kong malanghap ang masangsang na amoy na 'yon. Mabilis kong tinabig ang kamay niyang nakahawak sa panga ko, hindi ko kaya ang amoy na nalalanghap ko, pakiramdam ko ay doon ako mamamatay, doon ako manghihina.
Akma akong tatayong muli sa pagkakasalampak ko sa lapag pero laking gulat ko ng mahigpit niyang hinawakan ang mga balikat ko at malakas na itinulak pahiga sa sahig.
"Aah!" Fuck!
"At saan ka pupunta? Ha?" Rinig kong bulong niya sa akin.
Dahil sa lakas ng pagkakatulak niya sa akin sa lapag ay sumakit ang dibdib ko. Pinigilan kong wag suminghap ng hangin dahil kung gagawin ko 'yon, ang masangsang na amoy lang na 'yon ang malalanghap ko.
"Ano? Wala ka man lang bang sasabihin sa akin? Hindi mo man lang ba ipapakita sa akin ang anyo na ipinakita mo ng gabing 'yon?" Hindi ako nagsalita.
Wala akong dapat sabihin. Dahil dapat namatay na rin siya ng gabing 'yon, dapat magkasama sila ngayon ng babaeng pinatay niya ng gabing 'yon. Tapos nandito siya? Hawak-hawak ako.
"Should I try something?" What? Anong gagawin niya?
Nanlaki bigla ang mga mata ko ng hilahin niya ang jacket na suot ko pati na rin ang suot kong damit sa bandang batok ko. Lumingon ako para patigilin siya sa ginagawa niya pero mabilis niyang idiniin ang ulo ko sa semento. Sa sakit na naramdaman ko ay halos gusto ko ng sumigaw.
Halos suminghap na ako ng hangin dahil wala akong ibang malanghap kundi ang masangsang na amoy na nanggagaling sa kaniya! Bwiset! Bakit ba nangyayari ito ngayon sa akin?!
Pinilit kong igalaw ang buong katawan ko pero kapag ginagawa ko 'yon ay mas lalo lang akong nanghihina. Pakiramdam ko rin ay susuka na ako dahil sa nalalanghap ko mula sa kaniya.
"Haa… bitawan mo—shit!" Mabilis kong napigilan ang sarili kong hindi mapasigaw dahil sa sakit ng maramdaman ko ang pagbaon ng dalawang bagay na 'yon sa likod ko.
*The fuck?! Why did he bite me?!*
Gusto kong sumigaw, gusto ko siyang saktan o kung ano pa man pero wala akong magawa dahil nanghihina ako, ni hindi ko magawang tumayo dahil nanginginig ang mga kalamnan ko. Tapos… tapos mararamdaman ko na lang na…
"Teka? Bakit ganito ang lasa ng dugo mo? I thought you're a vampire?" Bulong niya sa akin.
Parehas na nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya. Anong akala niya sa akin? Tao? Nakita na niya ang itsura ko kaya paano niya nasabing…
"Pero kahit na ganun… idadala pa rin kita sa kaniya." Muli niyang bulong sa akin. "Sayang lang dahil hindi mo kasama ang lalaking gustong iligtas ang babaeng wala ng buhay."
Nang marinig ko 'yon ay pinilit kong magpumiglas sa pagkakahawak niya. Pero... kahit na anong pilit ko ay wala akong magawa. Pagod lang ang agad kong nararamdaman.
*Bwiset talaga!*
"Kahit na anong gawin mo, hindi ka makakatakas sa akin."
Hindi ko na alam kung anong sinasabi niya pero wala akong balak sumama sa kaniya kung dadalhin niya ako sa kung saan man. At kung sino man ang taong tinutukoy niya, wala pa rin akong balak sumama sa kaniya.
Habang nakadapa sa semento ay papikit-pikit ang mga mata kong nakatingin sa sa kalsadang hanggang ngayon ay basang-basa pa rin dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan.
*Hanggang ngayon pa rin ba malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan? Bakit hindi man lang tumigil? Bakit wala man lang dumadang tao o sasakyan para makita nilang may kailangan ng tulong?*
"Hindi mo ba alam na ilang linggo kitang hinanap? Hindi mo naman nanaising tumakas kung kailan may iba pa palang kagaya namin ang namumuhay sa mundong ito?" Huh? Anong sinasabi niya?
Wala akong naiintindihan pati na rin ang pagbuhos ng ulan ay hindi ko na rin naririnig. Lumalabo na ang paningin ko habang nakatitig ako sa kalsadang kahit isang sasakyan o tao man lang ay walang nadaan.
*Tulong...*
Bakit wala akong magawa?
*Tulong...*
Kahit man lang isa… para makahingi ako ng tulong… dahil hindi ko na makaya ang panghihinang nararamdaman ko.
Ilang saglit pa ay naramdaman kong para akong umangat sa ere, pero natigil iyon ng may marinig akong isang boses. Kahit ang utak ko ay nagsisimula na rin lumabo dahil sa mga nangyayari sa paligid ko ay may nagtutulak sa akin na idilat ang mga mata ko upang makita kung kanino galing ang boses na 'yon.
At sa pagdilat ng mga mata ko, ang kaninang kalsadang tinititigan ko… ngayon ay meron ng nakatayo doon. Nang tingalain ko kung sino ito, doon biglang pumasok ang itsura ng babaeng pumalit sa akin sa cashier kung saan ako nagtatrabaho.
*Veronica…?*
Anong ginagawa niya dito? Inutusan ba siya ni Manager na hanapin ako para sabihin sa akin na tanggal na ako sa trabaho ko? Ganun ba?
"Who are you?" Rinig kong tanong ng lalaking may hawak sa akin ngayon.
Muli kong ipinikit ang mga mata ko dahil, hindi ko na makayanan ang panghihina. Para bang ang lakas ko ay nawala dahil lang sa masangsang na amoy na nanggagaling sa lalaking iyon.
"Bitawan mo siya," maikli niyang sagot.
"Huh? Nababaliw ka na ba? Tinatanong kita kung sino ka. At baka nakakalimutan mo kung sinong nasa harapan mo, Mortal."
Hindi ko na muling narinig ang boses ni Veronica… pero ilang saglit lang ay bigla akong nakaramdam ng matinding sakit sa dibdib ko. Bumagsak akong muli sa sahig habang hawak-hawak ang dibdib kong kumikirot dahil sa sobrang sakit. Agad akong suminghap ng hangin at agad ba ipinikit ang mga mata mo upang pakalmahin ito ngunit walang nangyayari.
*A-Anong...* Bigla akong napadilat dahil nangyari na ito noon sa akin, sa labas ng convenience store... kasama ko noon si Ryouhei.
"Argh!" Habang nararamdaman ko 'yon ay ume-echo sa pandinig ko ang sigaw ng lalaking namimilipit sa sakit.
"Fuck! Fuck! Fuck! Anong nangyayari?! A-Anong ginagawa mo sa akin! Urgh!" Narinig ko na lang na sumuka siya sa kabilang gilid ko.
Habang ako ay walang patid sa pagsinghap ng hangin dahil pakiramdam ko ay iyon na ang huling buhay ko sa mundong ito. At anong sinabi ng lalaking 'yon? Na anong ginawa niya?
Dahil sa kuryusidad ay muli kong tinignan ang babaeng nakatayo sa harapan namin, at ng makita ko ang mukha niya… lalo na ang mga mata niya, ay doon na ako mas lalong nagulat.
*Ang mga mata niya… Pula ang mga iyon at nagliliwanag.*
"B-Bampira ka… Veronica." Pagbanggit ko ng mga katagang 'yon ay napatingin ang mga mata niya sa akin, sa pagkakataon na 'yon ay bigla na lang dumagundong ang malakas na kulog at kidlat sa madilim na langit.
Muling bumuhos ang malakas na ula at tuluyan na siyang nabasa nito.
Bago pa ako tuluyang lamunin ng panghihina at sakit sa dibdib ko ay ang mga salitang 'yon lang ang nasa isip ko.
*Si Veronica… isa rin siyang bampira kagaya ko. Pero… bakit at paano?*
•••