webnovel

The Brothers

•••

# Yuki's POV

*"Yuki."*

*"Yuki?"*

*"Yuki gumising ka."*

*"Yuki."*

*"Yuki!!"*

Pagsinghap, hingal at malakas ang tibok ng puso ko ng magising ako. Ilang beses akong napasinghap ng hangin, ilang beses kong ginawa iyon hanggang sa maramdaman kong maayos na ako at doon ko lang rin naramdaman ang sakit ng katawan ko.

*Veronica? Hajime?*

Napaayos ako ng pagkakaupo ng maalala ko sila Veronica at Hajime, pero... pagtapos ng huling pag-uusap namin ay wala na akong naalala pa. Napapikit na lang ako ng makaramdam ako ng hapdi sa noo ko at laking gulat ko ng makita ko ang punit na damit sa braso ko at ang tuyong dugo doon.

*Dugo?*

Even though there'sa blood, I can't smell anything. At bakit wala akong maalala? Kailangan kong makita sila Hajime at Veronica, kailangan kong malaman kung anong ibig sabihin ng sinasabi niya sa akin. Para akong mababaliw sa isiping hindi pala kami ang natitira sa mundong ito, marami pa kami.

Pero bakit nila itinago sa akin 'yon?! Kahit naman na saglit ko lang silang nakilala, may karapatan naman silang sabihin sa akin ang totoo dahil pare-parehas lang kami ng lahi!

Pare-parehas kaming bampira!

Napatigil na lang ako ng mapagtanto kong hindi ako makagalaw sa kinapupwestuhan ko at dahil na rin sa dami ng iniisip ko. Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil kahit na anong hila ko sa kamay ko sa likod ay mas lalo kong nararamdaman ang paghapdi doon.

Shit? Get yourself, Yuki! Nakatali tayo ngayon sa isang upuan! Bakit ngayon ko lang na-realize ang nangyayari ngayon?!

Wait? Sila Veronica? Si Hajime? Nasaan sila?!

Nasa kalagitnaan ako ng paghila sa mga braso ko sa likod ko ng mapahinto ako. Tila ako biglang naging bato sa kinauupuan ko ng makaramdam ako ng presensya sa likuran ko.

I swallowed hard, ramdam na ramdam ko ang unti-unting paglapit ng kung sino man sa gilid ng mukha ko at mula doon, sa gilid, ay naramdaman ko ang mahinang paghinga nito na tumatama sa balat ko.

Dumagundong ang kaba sa dibdib mo. Naramdaman ko ang biglang paghawak ng kamay nito sa braso ko at otomatikong nanlaki ang mga mata ko sa gulat at umalpas ang nakakahindik na sigaw sa bibig ko ng maramdaman ko ang pagbaon ng kung ano sa braso ko.

Masakit! Sobrang sakit!

"Argh! B-bitawan mo ako!" Sigaw ko rito ngunit mas bumaon pa ang mga iyon. Ramdam ko ang panginginig ng braso ko at ng mga paa kong nakatali sa kinauupuan ko.

I bit my lip to surpassed my scream pero walang nangyari dahil mas lalo pa nitong idiniin ang mga iyon sa laman ko. Parang mas nasisiyahan pa itong marinig akong nagdurusa dahil sa mahinang tawa nitong naririnig ko.

"Ahhh!! Please! Let me go!"

"Let him go, Victor." And suddenly because of that man's voice, he let go.

Napasinghap ako ng hangin at nanginginig kong nilingon ang braso ko, at napapikit na lang ako sa dahil sa nakita ko, magkahalong hapdi at sakit ang nararamdaman ko. Ano bang kailangan nila? Bakit nila ako sinasaktan ng ganito?

Titingala sana ako para tignan ang taong nagsalita na iyon, ngunit biglang bumaha ang liwanag sa paligid kaya muli akong napapikit.

"You shouldn't do that to him."

"Why not? I don't want to wait any longer, Marcus. I want to drink his blood!"

Drink my blood? He's a vampire too?

Nagtatalo sila. At alam kong ako ang dahilan ng pagtatalo nila. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at ng masanay ang mga ito sa liwanag ay doon ko lang nakita ang paligid kung nasaan ako.

Nagimbal ako sa nakikita mismo ng mga mata ko. Nasaan ako... at bakit nakatali kaming tatlo sa mga silyang ito?

"I'm sorry for what Victor did to you," said by the same voice. "Don't worry I'll treat your wounds—"

"Don't you dare touch me." Tinitigan ko ng masama ang lalaking akmang hahawakan ako.

At ng makita niya ang tingin na ipinupukol ko sa kaniya ay bigla siyang napaatras at itinaas nito ang mga kamay niya, na tila sumusuko na. Nag-iinit ang pakiramdam ko, gusto ko siyang sugurin at patayin. Ngunit hindi ako makawala sa pagkakatali nila sa akin.

"Anong kailangan niyo sa amin? Pakawalan mo kami dito!" Sigaw ko rito pero tinitigan lang ako nito na para bang nagtataka siya sa ikinikilos ko.

Inalis ko ang tingin ko sa kaniya at pilit na kumakawala sa kinauupuan ko, ngunit kahit na nailabas ko na ang totoong anyo ko at ang totoong lakas ko ay hindi ko pa rin magawang kalagan ang sarili ko.

I looked at Hajime and Veronica, they're still sleeping! Kailangan kong makatakas, kailangan kong makaalis dito, kailangan ko silang tulungan! Kailangan naming makaalis dito! Hindi maganda ang kutob sa mga taong ito!

Hindi sila mapagkakatiwalaan!

"Arggh!" I bit my lower lip and that why I taste my own blood.

Napasigaw ako sa sakit dahil may biglang pumisil sa braso ko kung saan ibinaon ng lalaking nagngangalang Victor ang mga kuko niya kanina!

"L-let me go! Let me go!" I keep on struggling but someone held me in my neck.

"Acck!" Otomatikong nawalan ako ng boses dahil doon. The man who wants to treat my wounds earlier are not licking my arm where my wounds are located. I still keep on struggling but he's still doing it.

Gusto kong ibaon sa kaniya ang mga kuko ko. Gusto kong hugutin ang kalamnan niya gamit ang mga kamay ko hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng hininga at mamatay sa harap ko.

"The heck are you doing with him!? Let him go, Marcus!" I heard Hajime. And because of that napunta sa kaniya ang atensyon ko, parehas na silang gising ni Veronica at nanlalaki ang mga mata nilang nakatitig sa akin, sa aming tatlo.

"S-stop! Stop! Let me go! I'll kill you!" And after that they let me go. Tumingin ako sa Victor na 'yon at dahil sa klase ng ngiting nakaukit sa labi niya ay sinubukan ko siyang lapitan ngunit hindi ko magawa.

"Hajime, ibang klase rin pala ang batang ito? Ang lakas ng loob niyang sabihing papatayin niya ang kapatid ko?" Natatawa nitong sabi at sabay lingon kay Hajime na ngayon ay tahimik na nakaupo sa silya. "What do you think? Were genius right? Can this boy be my reward?" Dagdag pa nito.

"Don't say something you'll regret, Victor." Hajime said. Lumingon ako sa kaniya pero wala akong makuhang kahit na anong ekspresyon mula sa mukha nito. Nakatitig lang ito kay Victor hanggang sa lumingon siya sa isa pang lalaking nakatayo malapit sa kaniya.

He's the one who lick my wounds and as I can see, it heals fast. Hindi ko alam kung anong klase silang nilalang pero hindi sila mapagkakatiwalaan. Lalong-lalo na ang lalaking humawak sa akin kanina.

"Marcus, what do you think you're doing? Is this kind of joke? Let us go." Sambit ni Hajime habang matiim itong nakatingin sa lalaking kausap niya.

"You know, I can't do that."

"But you said—"

"Lagpas ka na sa pinagusapan nating araw, Hajime. We can't wait any longer. At kapag ginawa ko 'yon, ang batang iyan naman ang mapapahamak." He said and look at me.

What the? Sino sinasabihan niyang bata? Ako?!

"You know we can't do that."

"Then what the hell are we here? Hindi ba dapat si Hajime lang ang kasama mo at hindi kami ni Yuki?" Biglang sabat ni Veronica.

"Oh? Yuki is the name." Masama ko siyang tinignan but he just licked his fangs while looking at me.

Disgusting.

"Veronica, you also agree with Hajime's plan—"

"Paano naman ang mga rebeldeng bampira na humahabol sa amin? Anong gagawin namin sa kanila?" Dahil sa pagsabat ko sa kanila ay natagpuan ko na lang na hawak-hawak na ng Victor na iyon ang panga ko.

Para siyang isang hangin na kay bilis gumalaw.

His bloodshot eyes are looking down at me. As if I say something inappropriate and that's why, he's like a devil to me who wants to devour his prey.

And that is me.

"What the hell are you saying? Rebel vampires are chasing you? Are you saying that your blood is so fucking sweet that's why they're chasing a mere vampire like you!?" He growled after he said that.

Nanginig ang buo kong katawan dahil sa sigaw at kakaibang inerhiyang nararamdaman ko mula sa kaniya. But after he said that he was thrown away by the other man. He looked pissed and when he looked at me in the eye, I swallowed hard.

This is the first time I felt like I'll die just by staring at their bloodshot and glowing eyes.

"Speak."

"Marcus—"

"I'm not talking to you, Veronica." Kumuha ito ng upuan na nagkakalat sa lapag and when he sit there, he stared at me. "Now speak, *mezzo vampiro*."

---*

All I did was to tell him about the rebel vampires, and along with that Hajime and Veronica started to tell him more and more about them.

Napalunok ako ng sabihin nila Hajime at Veronica ang nangyayaring patayan sa lugar kung saan ako malapit na naninirahan. Wala silang iniwan na kahit na isang impormasyon, pero... para sa akin... may naiiwan pa.

Sinabi na rin ni Marcus kung bakit nila kami iginapos sa mga upuan na iyon. Dahil once na malaman ni Veronica na sumugod sila dito ng biglaan ay kokontrolin nito ang utak nila. Isa iyon sa rebelasyong nalaman ko pa mismo sa ibang tao at hindi sa taong nagmamay-ari mismo ng kakayahang iyon.

Kay Veronica.

Nakagat ko ang sarili kong labi ng maramdaman ko ang hapdi sa braso ko, matapos kasing sabihin nila Hajime at lahat kay Marcus ay kinalagan na nila kaming tatlo. Pero ng gawin nila 'yon ay para bang doon ako nawalan ng lakas.

"Malalim ang sugat na ginawa ni Victor sayo, mabuti na lang at nandoon si Marcus upang mapagaling ang sugat mo kahit papaano." Mahinang sambit ni Veronica habang binebendahan ang braso ko.

Kahit na nagawa iyon ni Marcus sa akin, wala pa rin akong tiwala sa kaniya—sa kanila.

"Veronica," tawag ko dito. "Who is Marcus and Victor? Who are they? Bakit parang magkakilala kayong apat?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

Bago siya sumagot ay umupo siya sa gilid ng kama ko at inayos ang mga ginamit niyang bulak para linisan ang sugat ko.

"Marcus and Victor is one of us—vampires. They're brothers. And they're here because of the promise that Hajime and Marcus dealed many years ago." Sagot niya.

"But why Victor did that to me? I know that vampires are so special, but why he was so angry to me? Wala naman akong ginawang masama sa kaniya? And this is the first time we've met?" Nagtataka kong tanong ulit sa kaniya.

Ang sakit pa rin ng braso ko dahil sa ginawa niya. Nakakainis lang rin dahil matapos nila kaming kalagan kanina ay hindi man lang ako nagawang tignan ni Hajime. Umalis sila agad matapos sabihan ni Marcus kay Veronica na gamutin nito ang sugat ko.

At hanggang ngayon ay hindi pa rin sila bumabalik.

"Yuki, you should rest for now. Para bumalik rin agad ang lakas mo at mabilis gumaling ang mga sugat mo. Pupuntahan ko muna sila Hajime at saka ako babalik dito okay?" Sambit nito matapos iligpit ang mga ginamit niyang pang-linis sa sugat ko.

Iniiwasan niya ang tanong ko. Baka hindi niya rin gusto ang ginawa ni Victor sa akin kaya isinantabi niya na lang iyon. Tumango na lang ako at agad niya akong tinulungang makahiga sa kama.

Nang lumapat ang likod ko sa malambot na kutsyon ay napapikit ako sa ginhawang naramdaman ko, para bang lahat ng tensyon sa katawan ko ay dagliang nawala.

"Okay na ako dito, Veronica." Saad ko sabay kuha ng kumot na ibibigay niya sa akin.

"Sigurado ka?"

Tumango naman ako. "Sige na, puntahan mo na doon sila Hajime, okay na ako dito." Sambit ko at binigyan naman ako nito ng tipid na ngiti.

Nagpaalam ito sa akin at saka lumabas na ng kwarto. At ng maiwan akong mag-isa sa loob ay napatitig ako sa madilim na kisame, ang daming tanong na pumapasok sa isip ko pero lahat ng iyon ay hindi ko naman maitanong sa kanila.

Biglang pumasok sa isip ko si Ryouhei. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Kamusta na kaya siya? Hindi naman niya siguro ako hinahanap 'no? Atsaka bakit naman niya ako hahanapin? Eh alam ko namang kaya niya ang sarili niya.

Hmm... bigla akong napaisip. May mga ilang beses kong naamoy ang matamis na halimuyak na nagmumula kah Ryouhei minsan. Hindi ko lang masabi kung pabango niya ba 'yon, o... sandali... wag mong sabihing...

"Get yourself, Yuki! Hindi iyon dugo ni Ryouhei!" Pilit kong sigaw sa sarili ko pero... pero napapaisip ako... paano kung... paano kung dugo niya nga iyon? Kagaya ng gabing muntik ko ng kagatin ang leeg niya, kung hindi ko lang naramdaman ang balat niya ng gabing iyon, siguro ay...

Hindi, Yuki... wag kang mag-isip ng ganun. Alam kong malakas ang lalaking iyon, alam kong matalino siya. Pero paano na lang kung malaman niyang bampira ako? Kaya ko kayang tanggapin ang magiging reaksyon niya? Kaya ko kayang tanggapin kung lalayo siya sa akin kagaya ng iba? Kaya ko kayang tanggapin ang mga pwede niyang sabihin sa akin?

*"What? I... I don't like you, Yuki! You're a monster!"*

*"Halimaw ka pala? Bakit hindi ko man lang napansin na may halimaw akong kasa-kasama? Wag mo akong hawakan! Nakakasuka ka! Halimaw!"*

*"You're a monster?! Don't touch me! Huwag ka ng lalapit sa akin kahit na kailan!"*

*"I'm sorry, Yuki. I want to end this friendship, I don't want to be friends with a Monster. It's disgusting."*

Ipinikit ko ang mga mata ko at pilit na tinatanggal sa isip ko ang mga senaryong pwedeng mangyari kung sakali mang malaman ni Ryouhei ang tungkol sa akin.

Siguradong pandidirihan niya ako, sigurado ako doon. Kaya kung sasabihin ko man sa kaniya, kung aaminin ko man, ihahanda ko na ang sarili ko sa posibleng mangyari.

"I hope, he don't hate me for being a monster."

•••••