webnovel

LADY AKIRA [FILIPINO]

Lady Akira a girl with an abnormality condition. It started when she was younger, being hatred or bashed by your neighbors is not equal. She accept the fact that she's not normal when she burn the house of her Older brother ex. Not until she found a friend.

Enialaqt · Andere
Zu wenig Bewertungen
13 Chs

Vice President

Ginovah Sanver POV

"Vice!"

Natigil naman ako sa paglalakad ng may sumigaw sa likod ko. I'm Ginovah Sanver 15 yrs old, Grade 9 student. I've been a Vice President in SSG since Grade 7.

"Hmm?"

"May nagaaway don sa cr ng girls!" napabuntong hininga nalang ako

Pangilang beses naba to? Sa buong isang linggo ay nakailang balik nako sa cr ng girls dahil nagkakagulo daw ron. Oo nga't nagkakagulo pero hindi nila masabi sabi sa akin ang rason.

Hindi naman ako makapagreklamo dahil ang isa sa mga kasali ron ay ang President. Ang President ng council. Sya tong dapat matino ngayon nangunguna pa sa Warnings ko.

"Hala ayan na si Vice"

"Sino ba kasing nagtatawag dyan?"

"Ay diba sya ung Vice since G7?bat hanggang ngayon?wow?di sila makahanap ng iba?"

"Sabi maganda naman daw record nya tapos wala ring ipapalit"

Hindi ko nalang pinansin mga sabi sabi nila at dumiretso sa loob ng cr dahil ng makita nila ako ay nagsilabasan na sila.

"Ang sabihin mo malandi ka!"

"Ha?!ako pa talaga?tapos sayo pa nanggaling yan?wow ha!"

"Bakit hindi mopa kasi aminin?! Kaya ka lang naman nagsstay dito sa WOAN University dahil kay Vice! Malandi!"

"Ha?!Bobo ka! kaya ako andito dahil President ako ng council"

"Oh?Really?I heard kasi na ilang beses ka ng sinabihan ng tatay mo na lumipat dahil hindi nyona afford dito!"

Napailing nalang ako habang nagsasagutan sila. Hindi man lang nila naramdaman presensya ko?

"Tapos naba?" nagulat pa silang dalawa sakin

"Vice" tawag sa akin ni Paige

"Come on President. Sunod sunod ang warnings mo sakin pero dahil President ka ay pinagbibigyan kita. But it's all over now, Follow me to Guidance Office" ani ko at tumalikod na

Nakarinig naman ako ng pangsinghap at iba pang mga sabi sabi.

#

"Uy sorry na"

"Sorry naa Gin"

"Uy sorry na kasi, hindi kona uulitin promise" don kona sya pinagtuonan ng pansin

"Ano ba kasing pinagawayan nyo Pres?" tanong ko pero sumimangot lang sya

Kahit nung dalin ko sila sa Guidance ay walang nagsalita.

"Secret na yon!"

"Kala koba hindi ka maninikreto sakin?" tanong ko

"Hindi pwede ung...un hindi pwede ipagsabi" ani nya habang hindi nakatingin sakin at nagpirm pirma sa mga papeles

"okay" ani ko at lumabas na sa AVR

Doon ang nagsisilbing office naming mga Officer ng SSG bukod sa apat ang Aircon don ay malakas pa ang wifi.

Dumiretso naman ako sa likod ng building ng Elementary. Maaga ang labasan nila kaya sa gantong alastres ng hapon ay wala ka ng maririnig na ingay dito.

Umupo ako sa sofa don. Abandoned sofa nato galing sa Faculty. Nagpalit sila ng mga gamit dahil kasisimula lang ng school year.

Kinuha ko naman ang sigarilyo sa ilalim non at nagsindi. Nilabas kona din ang tumblr ko na may lamang San Mig

Walang cctv sa banda rito at puro puno rin. Pinagbabawal din kasing magstay sa mga likod ng building pero wala namang bantay okay lang.

Natigil ako ng makarinig ako ng click ng camera. Napatingin ako sa gilid ng makita ang isang estudyante.

"Tangina"

"Wow! The Vice President of SSG" ngisi nyang ani sakin at lumapit pa

Lapit pa.

"Your face is new"

"I'm new, Vice President"

"Delete that" ani ko mas lalo pa syang ngumiti at umupo sa tabi ko

Tangina anghel.

"The what?"

"The picture" ani ko at inilapit ang muka sa kanya

Pero hindi sya natinag dahil nilagay nyapa ang mga braso sa leeg ko at mas nilapit pako.

"What if I don't want to?"

"What do you want?"

Ngumiti sya sakin at mas inilapit pa ang muka.

"A friend"