webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · Allgemein
Zu wenig Bewertungen
213 Chs

Walang Laman

"Miss okey ka lang ba? May masakit ba sa'yo?"

Tanong ni Issay sa babaeng kasama nya.

Umiiyak ito at nanginginig sa takot na naka baluktot sa likod ng van.

"Huhuhu!"

Patuloy lang ito sa pagiyak, takot na takot sa mga armadong lalaki na nakapalibot sa kanila.

Issay: "Miss, galing ka rin ba sa binyagan? Bisita ka rin ba doon?"

Pilit na kinakausap ni Issay ang babae para mawala ang takot nito.

Kinakabahan sya na baka himatayin ito sa takot.

"Tumigil ka nga sa pagiyak dyan! Babanatan na kita e!"

Singhal ng lalaking isang lalaki.

Issay: "Huwag mong sigawan lalong natatakot! Inaamo ko na nga para hindi na umiyak lalo mo naman pinaiiyak!"

Pinigilan sya ng kasama nyang lalaki.

"Hmp! Sige, patigilin mo na yan bago ako mabwisit dyan!"

Pinilit ni Yasmin na huwag gumawa ng ingay pero hindi nya mapigilan ang pagiyak nya.

Issay: "Miss, walang masamang umiyak dahil takot ka pero huminahon ka! Baka pag sobra mong pinigilan ang emosyon mo himatayin ka dyan!"

"Kaya huminga ka ng malalim miss, dahan dahan."

At ginawa nga nito. Kumalma na ng kaunti si Yasmin.

Yasmin: "Salamat Miss!

Sino ka nga pala at bakit mo ako tinutulungan?"

Naalala nya na sya ang pakay ng mga armadong lalaki pero dumating lang ang babaeng ito at kasama nya kaya naantala ang pagkuha sa kanya. At nagpumilit pa itong iligtas sya kaya pati sya ay isinama nila.

Issay: "Ako si Issay, yung kaibigan ni Enzo na boss ni Rod."

"Ikaw kilala mo rin ang pamilya ng bata?"

Napansin nyang may hawig ang mata nila ni Rod. Kaya naisip nyang baka kamaganak nila ito.

Yasmin: "Ako ang kapatid ni Rod, ang nanay ng bata!"

Napanganga si Issay ng madinig ito, hindi sya makapaniwala.

'Siya ang nanay ng bata? Ibig sabihin sya ang asawa ni Anthon ngayon?'

Issay: "Ikaw ...si ...Yasmin?"

Yasmin: "Oo bakit kilala mo ako?"

Issay: "Ha? Ahh... Ano kasi, naalala ko yung ni recommend ni Rod na kapatid nya ... Hehe.. ikaw pala yun!"

'Jusko naloko na! Mukhang si Anthon ang puntirya nila kaya nila dinukot ito!'

'Bakit ba ako nasangkot sa gulong ito?'

Yasmin: "Ms. Isabel?"

Nangiti ito ng makilala si Issay ngunit nahiya sa huli.

Issay: "Yasmin makinig ka, isuot mo ito para hindi ka kabahan. Huwag mo syang iwawala maliwanag!"

Iniabot nya ang isang maliit na bracelet na brown na yari sa beads. Hindi alam ni Yasmin kung bakit nya ito binibigay pero tinanggap nya at isinuot.

Yasmin: "Salamat po!"

*****

Sa restaurant.

Sinundan na rin nila Enzo at Nelda si Anthon, nagaalala sila kay Issay dahil baka nag eemote ito ng malaman na may anak na si Anthon at kasal na.

Ngunit nagulat sila ng makita si Anthon na hawak hawak sa kwelyo ang isa sa bodyguard ni Issay.

Enzo: "Anong nangyari dito?"

Nagtatakang tanong niya.

Anthon: "Si Issay, dinukot!"

"Hindi po Sir! Hindi po si Mam Isabel ang target nila kundi yung babae! Tumulong lang kami dahil biglang nilapitan ni Mam Isabel yung babae ng makita nya ang mga armadong lalaki na pinalibutan ito!"

Paliwanag ni Gio ang isa sa bodyguard ni Issay.

Gio: "Kaya po napasama si Mam Isabel sa van dahil hindi nito binitawan yung babae, kaya wala silang nagawa kundi isama na rin sya!"

Naglalabasan na rin isa isa ang mga bisita at ang mga kamaganak at kapatid ni Yasmin ng madinig ang gulo sa labas.

Lando: "Bayaw bakit, anong nangyayari dito? Sinong dinukot?"

Enzo: "Si Isabel, yung kaibigan kong taga Maynila at yung isang babae na mukhang bisita nyo dahil nagmula sya dito sa loob!"

Nagulat si Rod.

Rod: "Sinong bisita?"

Biglang sabay sabay ang mga bisita na naghahanapan kung meron sa kanilang nawawala.

Naghanapan sila kung meron ba sa kanilang kulang.

Anthon: "May nawawala ba sa inyo?"

Umiling ang lahat.

Pagkaraan ng ilang minutong paghahanapan may napansin si Ben.

Ben: "Teka may nakapansin ba sa inyo kay Yasmin?"

"Si Yasmin?"

"Kanina kasama nya yung mga kaibigan nya pero nitong nagkakagulo hindi ko na sila nakita!"

Napa isip si Anthon. Kinabahan.

'Si Yasmin?'

'Hindi Kaya....?'

Anthon: "Sabihin mo nga, anong itsura nung babaeng tinutukoy mo?!"

Gio: "Naka blouse sya ng puti saka pantalon na asul, mahaba ang buhok nya na naka pusod, payat sya at medyo maliit!"

Napakunot na ang mga noo ng kapatid ni Yasmin dahil parang yung kapatid nila ang tinutukoy nya.

'Pero sino naman ang magtatangkang kumidnap kay Yasmin?'

Nang mapansin ni Anthon na si Yasmin nga ang tinutukoy ng bodyguard, kinabahan sya.

Anthon: "Teka yung bata! Nasaan si baby Gab?!"

Natatarantang sigaw nya.

Beth: "Na...nasa kuna, natutulog! "

Nagulat si beth ng biglang sumigaw si Anthon lalo na ng makitang nanlilisik ang mga mata nito.

Ngayon lang nya itong nakitang ganito ang itsura simula ng tumira sila sa bahay nito.

Beth: "Iniwan ko si Sheena na nagbabantay!"

Napa takbo si Anthon.

Nang mapansin ni Enzo na tumakbo si Anthon sa direksyon kung nasaan ang bata, sumunod ito. Kinakabahan na din sya ng malaman na si Yasmin ang puntirya ng mga kidnapper at natitiyak nyang si Anthon ang dahilan ng pangingidnap nilang ito kaya may posibilidad na ....

Pagdating nila doon nagulat sila ng makitang walang laman ang kuna.

"AAAAAAAAAAHHHHH!!!!!!"