webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · Allgemein
Zu wenig Bewertungen
213 Chs

Ulilang Lubos

"Sis kaya mo yan 'wag kang magaalala hindi kita pababayaan! Sister tayo diba?"

Naiiyak na sabi ni Vanessa kay Issay habang akay akay nya ito patungong elevator.

Kanina ng makita nya ang kaibigan, awang awa ito sa kalagayan nya. Hindi nya akalain na magiging mapangahas si Anthon sa kanya.

Nakatali ang mga kamay na parang hayop habang pwersahan syang inaangkin ni Anthon kahit namimilipit na ito at nagmamakaawa sa sakit ng tiyan.

Kinuha nya ang bathrobe at agad na isunuot kay Issay saka inakay ito palabas ng silid.

Wala na silang oras para magbihis hindi na kaya ni Issay na tumindig ng tuwid at laging hawak ang tyan nyang masakit.

Tinawagan nya si Joel.

Vanessa: "Honey babe, tulungan mo kami, si Issay kailangang madala agad sa ospital!"

Umiiyak nitong sabi.

Joel: "Sige aabangan ko kayo sa elevator!"

Hindi na nagtanong si Joel ng marinig nitong umiiyak si Vanessa alam na nyang malaki ang problema.

Nakakita sila ng isang staff ng hotel at tinulungan syang akayin si Issay upang madaling silang makarating sa elevator.

Pagsakay sa elevator napasalampak na sa pagupo si Issay. Hindi na sya makatagal ng nakatayo at gusto ay laging iniipit ang tiyan.

Putlang putla na ito at parang nauubos na ang dugo sa mukha at umuungol sa sakit na nararamdaman.

Takot na takot si Vanessa na pagmasdan sya.

Issay: "unnggh....ungggh"

Vanessa: "Friendship huhuhu! Lakasan mo ang loob mo, wag mo akong iiwan! Please!"

Umupo na rin ito at inakap si Issay sa takot na baka kung anong mangyari sa kaibigan.

Issay: "Buhay pa ko...unnggh.."

Vanessa: "Waah! Sis, wag mo akong iiwan, ipangako mo sa akin na hindi mo ako iiwan!"

Hinawakan ni Issay ang mukha ni Vanessa at lumuluhang tumango.

Inakap sya ng mahigpit ni Vanessa at humagulgol sa pagiyak.

Maging ang mga kasabayan nila sa elevator ay napaiyak din sa tagpong iyon.

Pagbukas ng elevator, agad silang nilapitan ni Joel saka binuhat si Issay at patakbong silang lumabas ng hotel patungo sa kotse nya.

Namataan sila ni Tess kaya sinundan sila sa sasakyan.

Tess: "Bakit, anong nangyari kay Ms. Isabel?"

At ng bumungad sa kanya ang itsura ni Issay na parang wala ng buhay natakot ito.

Tess: "Jusko! Anong nangyari sa kanya?!"

Vanessa: "Dadalhin namin sya sa ospital, pakisabi na lang kay Madam!"

Tess: "O.. sige!"

Vanessa: "Friendship, 'wag kang magaalala ha, hindi ka namin pababayaan ni Honey babe!"

Akap akap nito si Issay habang hawak ang mga kamay ng kaibigan na nakadiin sa tyan.

Joel: "Huwag kang magaalala Ate Issay, sandali na lang nasa ospital na tayo. Konting tiis na lang!"

At pinaharuruot na nito ang sasakyan, di alintana ang traffic sa daan.

Pagdating sa ospital kinunan ng maraming test si Issay at nalaman nilang may gallstones pala ito at kailangan ng maoperahan kaagad dahil namamaga na kaya sobra na ang sakit na kanyang nararamdaman.

"Hello Ms. Isabel, ako si Dr. Bing ang magiging duktor mo!"

Vanessa: "Doc. gawin nyo ho lahat para makaligtas ang kaibigan ko!"

Issay: "Dr. Bing, kailangan na po ba agad akong maoperahan? ano pong mangyari kung hindi ako magpapaopera?"

Vanessa: "Sis, ano ba? Kaya mo pa bang tiisin yan? Utang na loob wag ka ng pasaway!"

Nabigyan na ng pain killer si Issay kaya medyo humupa na ang pagkirot pero may nararamdaman pa rin itong sakit, lalo na pag nalalagyan ng laman ang tiyan kahit tubig.

Dr. Bing: "Sa ngayon ay umakyat na ang bato sa daluyan papuntang atay at bumara ito kaya namamaga. Ito din ang dahilan kaya hindi ka makakain ng maayos dahil sa pamamaga naiipit na ang sikmura mo. Kaya kapag hindi natin matanggal yan may posibilidad na maapektuhan ang atay mo at susunod ay ang ibang parte ng internal organs mo."

Vanessa: "Sis, bakit ba parang ayaw mong magpa opera?"

Issay: "Hindi naman sa ayaw, gusto ko lang maantala ng ilang araw. Nagaalala kasi akong baka hindi nila ituloy ang selebrasyon kapag nalaman nilang hindi ako makakadalo."

Vanessa: "Anak ng teteng naman sis! Naka swero ka na, iniisip mo pa rin yang anibersaryo!"

Dr. Bing: "Ano ba ang nararamdaman mo ngayon?"

Issay: "Nawala na po ang kirot pero punong puno pa rin ang pakiramdam ko na parang may kabag ako! Nahihirapan akong huminga!"

Dr. Bing: "Tumatanggap ba ng pagkain ang sikmura mo kahit tubig?"

Issay: "Hindi po Doc!"

Vanessa: "Sumusuka sya Doc pag umiinom ng tubig."

Dr. Bing: "Dahil yan sa pamamaga ng apdo mo mukhang kailangan na talagang maalis yan. Kung hindi lalo kang pahihirapan nyan."

Issay: "Naintindihan ko Doc, pumapayag na ako sa operasyon. May pipirmahan po ba?"

Dr. Bing: "Nasaan nga pala ang pamilya mo?"

Vanessa: "Ulilang lubos po sya Doc at ako po ang guardian nya!"

Issay: "Doc amina po ang pipirmahan habang malinaw pa ang isip ko, pag may problema si Vanessa na lang po ang bahala!"

Dr. Bing: "Okey sige, bukas na bukas din i-schedule na natin ang operasyon mo! Magpahinga ka na!"

Issay: "Salamat po Doc!"

Pagaalis ni Dr. Bing umatungal na ng iyak si Vanessa.

Issay: "Friendship buhay pa ako wag kang umatungal dyan!"

Joel, alalayan mo tong Jowa mo pag nasa operasyon na ako baka kung anong mangyari dyan!"

Joel: "Wag kang magaalala Ate Issay, hindi ka namin iiwan. Pangako yan!"

Hindi pa alam ni Joel kung ano ang nangyari sa hotel kaya ng malaman na okey na si Issay saka nya naalala ang ina.

Joel: "Nasaan nga pala ang Mama?"

Issay: "Jusko si Mama Fe!

Totoy sundan mo si Mama Fe sa hotel baka kung ano na ang nangyari don!"

Vanessa: "Oonga pala Honey babe baka kung anong gawin ni Anthon dun!"

Joel: "Bakit ano ba ang nangyari?"

Vanessa: "Saka ko na ikuwento basta pumunta ka na! Bilis!"

Nagmamadali itong umalis ng ospital, pakiramdam nya nasa panganib ang ina.

Pero hindi na sya nakabalik ng hotel dahil paglabas nya ng ospital nakita nya na ibinaba ang kanyang ina sa ambulansiya.