"Asan si Nadine?"
Tanong agad ni Issay kay Joel pagpasok ng bahay.
Joel: "Ate Issay, ambilis mo naman?"
Sabay tingin sa Kuya Anthon nya na kakamot kamot sa ulo.
Nang tawagan ni Anthon si Issay hindi nya ito mapigilang umuwi ng San Roque.
Walang nagawa si Anthon kung hindi gamitin ang choper ni Luis na nasa pangangalaga nya para sunduin si Issay sa Maynila.
Issay: "Totoy, sagutin mo na lang ang tanong ko!"
Joel: "Ate naman eh! Joel na lang!"
Hindi na ito umimik at seryosong tumingin na nakataas ang kilay.
Joel: "Nanduon sa kwarto ng Mama natutulog!"
Pumasok ito sa silid ni Mama Fe para makita si Nadine.
Pagpasok, nakita nyang nakahiga si Nadine kaya tahimik lang nitong pinagmasdan na natutulog ng mahimbing ang dalaga.
'Bakit mo ba ko pinagalala ng husto, bata ka?'
Hindi nya na namalayan na dahan dahan na palang pumapatak ang kanyang mga luha.
*****
Nang magising si Nadine, nagtataka sya kung nasaan sya. Hindi pamilyar ang lugar na ito.
At saka lang unti unting bumalik ang aalala ng nangyari sa kanya.
Bigla syang napabangon dahil napansin nyang may ibang tao sa silid.
Nagtaka sya ng makita nyang nakaupo sa isang silya si Issay, natutulog.
Natuwa sya ng makita ang boss nya at minamahal na kaibigan.
Namiss nya talaga ito lalo na ang kanyang mainit na kalinga na daig pa ang sa kanyang ina.
Minsan tinawag nya itong 'Mama Issay' pero sinaway sya kaagad.
Ang katwiran nya baka daw pagtinawag syang Mama Issay, magselos ang tunay nyang ina, ayaw nyang mangyari yun. Tama na raw ang Ate issay, masaya na sya dun.
Kaya sa isip na lang nya ito tinatawag na Mama Issay gaya ngayon.
"Mama Issay!"
Bulong nito sa sarili.
Tumayo na ito at kinumutan si Issay saka lumabas ng silid.
Nangiti ang magkakapatid ng makita sya.
Anthon: "Si Issay nagkausap na ba kayo?"
Nadine: (umiling)
"Tulog sya Kuya kaya hindi ko na ginising, mukhang pagod eh!"
Anthon: "Hayaan na muna natin syang matulog! Halika at kumain ka na muna!"
Mamaya maya nagising si Issay dahil nakaramdam ito ng pangangalay gawa ng alanganing pwesto sa silya. Napansin nyang may kumot na sya. Pagtingin niya sa kama wala na si Nadine. Kinabahan sya!
Bigla itong tumayo at lumabas ng silid para hanapin si Nadine.
Natagpuan nya itong masayang kumakain at nakikipagkwentuhan sa magkakapatid.
Nadine: "Ate!"
Sabay sabay silang lumingon
Anthon: "Issay halika saluhan mo na kami!"
Ngumiti ito sa kanila.
Issay: Salamat pero hindi pa ko gutom! Si Mama Fe?"
Joel: "Wala Ate, nakila Tyang Rosa sa makalawa pa ang uwi!"
Issay: "Sige maiwan ko na muna kayo magbanyo lang ako!"
Sabay talikod sa kanila.
Hindi na sya pinilit ni Anthon. Dadalhan na lang nya ito ng pagakin mamya.
Mukha naman naintindihan ni Nadine ang gustong mangyari ni Issay kaya tumayo na ito.
Nadine: "Mga Kuya, busog na po ako, samahan ko lang si Ate Issay! Mamaya pagkatapos ako na pong mag uurong!"
Joel: "Ay Nadine bisita ka dito kaya dika pwedeng magurong! Ipaubaya mo na lang kay Jaime yang mga pinggan at kayang kaya nya na yan!"
Jaime: "Ba't ako?"
Anthon: "Oonga Nadine, samahan mo na si Ate Issay mo baka may kailangan!"
Nadine: "Sige po, salamat po!"
At umalis na ito.
Pagalis nya tumayo rin si Jaime at sinundan si Nadine. Nagaalala syang baka pagalitan sya ng Ate Issay nya.
Anthon: "San pupunta yon? Hindi pa sya tapos!"
Gene: "Naghahanap ng sakit ng katawan!"
Joel: "Hamo babalik din yon!"
Paglabas ni Issay ng banyo nasa harapan na nya si Nadine.
Gusto nyang akapin ang Ate Issay nya pero nagaalanganin sya dahil may kasalanan syang ginawa dito. Umalis syang walang paalam at hindi na nagparamdam.
Nadine: "Ate Issay!"
Issay: "Tapos ka na agad kumain?"
Nagdududa nitong sabi.
Nang biglang sumulpot si Jaime.
Jaime: "Mam, magpapaliwanag po ako! Wala pong kasalanan si Nadine! Ako pong nagsama sa kanya dito sa San Roque! Wag nyo po syang pagalitan!"
Nagulat si Nadine sa biglang pagsulpot ni Jaime sa tabi nya.
Napataas naman ang isang kilay ni Issay.
Issay: "Sino 'to, abogado mo?"
Jaime: "Ako po si Jaime Mam!Anak po ako ni Gene!"
Issay: "Ahhh! ... Okey!"
"Sige Jaime magusap muna kami ni Nadine!"
Jaime: "Eh, pwede po bang sumama sa paguusap nyo?"
Issay: "Hindi!"
Jaime: "Pero...."
Tiningnan sya ng matalim ni Issay. Saka tumingin kay Nadine.
Issay: "Nadine pasok sa kwarto!"
Mataas ang boses ni Issay kaya
nagmamadali syang pumasok, ayaw mapagitna sa dalawa.
Issay: "Pakiusap may kailangan kaming pagusapan ni Nadine! Bumalik ka na muna sa kusina at mamya tayo mag usap!"
At iniwan na nito si Jaime na dipa nakabawi sa gulat dahil akala nya si Lola Fe ang kausap nya.
'Kaya pala na inlove si Ninong!'
Wala syang nagawa kundi bumalik sa kusina.
Nangingiti si Nadine sa ginawa ni Jaime. Hindi nya akalain gagawa ng ganun ang lalaki.
'Ang tapang nya!'
Pagpasok ni Issay nakita pa nya itong nakangiti tila nawawala sa sarili.
"Hmmm....."
Nataranta si Nadine. Halatang galit ang Ate Issay nya kaya na patungo ito naghihintay sa galit nya.
Naramdaman na lang nya itong dahan dahan lumalapit sa kanya. Akala nya sasaktan sya pero, nagulat na lang sya na imbis na palo ang maramdaman, isang mainit na akap na mahigpit ang ibinigay ni Issay.
Maya maya nadinig nya itong humihikbi.
'Umiiyak ba sya?'
Nadine: "Ate sorry!"
"Sorry kung hindi ako nakapagpaalam!"
"Sorry kung naglayas ako!"
"Sorry din kung pinagalala kita ng husto!"
Inakap nya na ito at sinabayan ng pagiyak. Sising sisi siya sa pagbabalewala nya sa kaisa isang tao na nagturo sa kanyang maging malakas at nagbigay sa kanya ng pagasa.
Nang mapagod sa pagiyak, kinuwento ni Nadine ang mga nangyari sa kanya simula ng umalis ito sa apartment nya. Pati ang plano nyang pagalis para magaral.
Issay: "Tutuloy ka pa ba pagkatapos ng nangyari sa'yo?"
Nadine: "Kailangan Ate, kailangan kong gawin ito para sa sarili ko!"
Alam kong nagaalala ka dahil magisa lang ako pero gusto kong matuto!"
"Pangako hindi na kita pagaalalahanin pa!"
Kinuha ni Issay ang isang card sa pitaka nya. Matagal na nya itong inihanda para kay Nadine.
Issay: "Kunin mo ito at wag kang tatangi! Magagalit ako!"
"Nangako ako sa'yo na pagaaralin kita! Kaya kung ayaw mo akong magalala kukunin mo ito at gagamitin! Maliwanag!"
Nadine: Salamat Ate! Salamat po ng madami!"
Issay: "At 'wag na 'wag kang magpapagutom kahit sobrang busy ka!"
Nadine: Opo!"
"Ate Issay talaga!"
Pagbalik nila ng Maynila sa apartment ni Issay sila nagtuloy.
Si Issay din ang naghatid sa kanya sa airport at nangakong hindi sasabihin sa kanyang ama kung saan sya pupunta basta ipangako ni Nadine na hindi na nya muling puputulin ang komunikasyon nilang dalawa.
Sa gitna ng saya ng magkaibigan isang anino ang nakasunod at nagaantay ng pagkakataon.
Lumapit lang ito ng makitang mag isa na lang si Nadine at sasakay na ng eroplano.
Nadine: "Jaime?"
Jaime: "Gusto kitang samahan sa iyong paglalakbay. Pwede ba?"