webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · Allgemein
Zu wenig Bewertungen
213 Chs

Okey Na Sana

Sa hideout.

Buo ang ngiti ni Congressman Sanchez ng palabas na ito ng building.

Nakatanggap sya ng text mula sa isang banko na nagsasabi na may nag transfer na pera sa account na iyon.

"Mukhang umaayos na ang lahat!"

Ang ibig sabihin nito ay naganap na ang palitan. Nasa tauhan na ng buyer ang bata.

"Ang problema na lang ay ang tulungan silang maka labas ng bansa!"

Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Congressman.

Dati na nya itong gawain. May mga nagpapahanap sa kanya ng bata at pagnagustuhan nila, gagawa sya ng paraan para makuha ang bata. Wala syang pakialam kung ilegal nya itong gagawin ang mahalaga ay makuha nya ang gusto nya.

Nagkataon lang na nagustuhan ng kliyente nyang ito si baby Gab. Napakapihikan kasi nila, gusto na medyo may hawig ang bata sa kanila kaya ng makita nya ang anak ni Anthon, nagka ideya sya na ipakita sa kliyente nya na nagustuhan naman.

KRRIINGG!

Masaya nitong sinagot ang tumawag pero nagulat sya ng madinig ang boses ng asawa at anak nya.

Congressman: "Ling, bakit anong nangyayari?! Bakit kayo sumisigaw?"

Tumitili ang mga ito at nagmamakaawa na iligtas nya.

Hindi alam ni Congressman kung ano ang nangyayari, at kung sino ang may gawa nito.

Naalala nya si Miguel.

Congressman: "He... hello...?

Iba ang numero na nakikita nya kaya hindi nya sigurado kung si Miguel nga ito.

"Hmmm...."

Natitiyak na nyang si Miguel nga ito.

Congressman: "Ba.. Bakit? Si...sinunod ko naman ang gusto mo! Pinakawalan ko na si Isabel...."

"Sigurado ka?"

Hindi nya mabosesan ang kausap dahil may ginawa ito para magiba ang boses.

Kinabahan si Congressman Sanchez.

'Me nangyari ba na hindi ko alam?'

Congressman: "Sigurado ako, yun ang kabilin bilinan ko sa mga tauhan ko: dalhin sya sa ospital at huwag sasaktan! Kaya pakiusap, pakawalan mo na ang magiina ko!"

"Bakit hindi mo muna tanungin ang pamangkin mo?!"

At ibinaba na nito ang telepono. Iniwang nagiisip si Congressman.

Hindi si Miguel ang tumawag kungdi isa sa tauhan nya. Inutusan sya ni Miguel na pasukin ang bahay ni Congressman para kunin ang pamilya nito pagkatapos ay tawagan sya.

Iniutos ni Miguel ito matapos malaman na hinarang ni Winnie ang sinasakyan ni Issay.

Halatang may masama itong balak.

Pero paano makokontak ni Congressman ang dalawang tauhang inutusan nya na magsosoli sana kay Isabel? Wala syang contact sa mga ito at si Leroy lang ang kakilala nya at kausap nya.

Congressman: "Lintek na! Ano bang nangyayari? At paano mapapasama si Winnie dito e iniwan ko sya sa Maynila?"

Sinadya ni Congressman na huwag sabihin ang plano nya kay Winnie ngayon dahil lagi nitong ginugulo ang plano.

Ang plano ni Winnie ay dukutin si Isabel at ibigay sa mga kalalakihan upang pagsamantalahan. Gusto nyang maranasan ni Isabel ang naranasan nya sa mga tauhan ni Gob.

Yun din sana ang plano nya kay Yasmin kung hindi naubos ang mga tauhan nya. Pero ngayon, dahil sa nangyari, nasa plan B na sya. Ang balak na lang nya ay iwanan si Yasmin sa ilalim ng basement upang doon mamatay.

Walang makakarinig sa kanya sa ilalim ng basement at wala ring signal na papasok dito.

Nang mga sandali ngang iyon, habang nagda drive si Anthon napansin nyang nawala bigla ang signal ni Yasmin.

Nawala ito pagkasara ng pintuan ng basement.

Congressman: "Kayo, alam nyo ba ang numero nung mga tauhan na inutusan kong mag soli kay Isabel?"

Nagkatinginan ang apat na bodyguard nya at umiling. Walang alam ang mga ito dahil si Leroy lang ang pinagkakatiwalaan nya sa mga ito.

"Mga walang silbi!"

"E, Boss pinakuha nyo kasi sa kanila ang cellphone ni Leroy!"

Napikon si Congressman. Tama sya, kung hindi nya pinakuha madali nyang makokontak ang mga iyon. Pero aamin ba ng katangahan nya si Congressman?

Congressman: "Si Winnie! Kontakin nyo si Winnie!!!"

Pero kahit si Winnie ay hindi nila makontak. Hindi ito sumasagot, mukhang naka off ang cellphone.

Makaraan pa ang dalawampung minuto, nagulat si Congressman na kasama ng dalawang inutusan nyang tauhan para magsoli kay Isabel, si Winnie.

Agad na lumapit si Congressman Sanchez sa driver.

Congressman: "Ano? Anong nangyari sa iniutos ko? Nagawa nyo ba?!!!"

Hindi makatingin kay Congressman ang driver at kasama nito.

Hindi rin sila makapagsalita.

Sinusulyapan nila si Winnie, humihingi ng saklolo.

Winnie: "Relaks Uncle.. Hehe! Huwag mo ng problemahin si Isabel at ako ng bahala sa kanya!"

Ngiting ngiti ito.

Congressman: "Anong ginawa mo kay Isabel?"

Winnie: "Gaya ng napag usapan!"

"Malamang nababaliw na yun sa kasarapan! Hahaha!"

Kinilabutan si Congressman sa sinabi ng pamangkin nya.

Hindi sya makapaniwala na itong pamangkin nyang ito ang magpapahamak sa kanya at sa pamilya nya.

PAK!