"Wow! Mukang alam mo na na ikaw na ang Master ng bahay na ito! Buti naman!
Hindi sa lahat ng oras magkasama tayo, nuh! Hindi na rin ako magtataka na isang araw maguwi ka na ng babae dito!"
"Haaay! Kelan kaya mangyayari yon!"
May paghangang sambit ni Belen sa pamangkin nya.
Edmund: "..."
Pagkatapos nyang itaboy palabas si Anthon, sinabihan din nya ang gwardiya ng subdivision na huwag na itong papasukin kailanman.
Edmund: "Tiya ano po bang nangyari bakit ayaw syang harapin ni Ate Isabel?"
Belen: "Gusto ko din malaman! Pero mas mabuti sigurong kami na muna ang maguusap!"
Hindi na nangulit si Edmund, alam nyang usapan babae ito at madalas naguguluhan sya pag nakikinig sa usapan nila.
Uumpisahan nila sa problema nila tapos mamaya maya iba na ang pinaguusapan at matatapos sa hindi nya alam kung nasaan na ang pinaguusapan.
Ang hirap sundan pero ang nakaka mangha nagkaka intindihan sila.
Edmund: "Opo Tiya! Gusto ko lang pong i report sa inyo na okey na yung pinagawa nyo sa akin kaya ako nagmamadaling umuwi! Ngayon makikipagkita naman ako kay Eric para kumbinsihin syang sumama na sa kompanya!"
Napangiti si Belen.
'Kuya Luis nakikita mo ba ito? Mukhang nag matured na ang anak mo!'
******
"Ehem!"
"Kailangan natin magusap!"
Bungad ni Belen pagpasok ng silid na pansamantalang ginawa nilang opisina nila.
Natunugan ni Issay kung tungkol saan ang gusto nilang pagusap at sa tingin nya kailangan na rin nilang malaman.
Napatingin si Tess kay Belen tapos ay kay Issay. Naghihintay.
Belen: "Anong nangyari sa inyo ni Anthon, bakit tila may tampuhan kayo?"
Issay: "Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko para mapanatag ang kalooban nya!"
"Parang dahil sa akin napuno na ng takot ang puso nya!"
"Bawat gawin ko at bawat desisyon ko, sa paningin nya ay magdudulot sa akin ng kapahamakan!"
"Nasasakal na ako sa sobrang proteksyon nya!"
Tahimik lang na nakikinig ang dalawa. Naintindihan nila ang nararamdaman ni Issay.
Tess: "Haaay, bakit ba ang mga lalaki ang tingin sa ating mga babae, 'mahihinang nilalang!"
Sambit nito na may kasama pang buntung hininga.
Belen: "May pinagdadaanan ka din?"
Nakakunot ang noo nitong sabi.
Tess: "Hmp! Yung asawa ko kasi, simula ng ako ang ipinalit ni Ms. Isabel na pansamantala sa posisyon nyo nagiba ang pakikitungo sa akin!"
"Lagi na lang galit at parang gumagawa ng dahilan para hindi ako umalis ng bahay at wagna akong pumasok!"
Issay: "Baka nagseselos?"
Tess: "Ha? Kanino naman?"
Saka ang tanda ko ng ito!"
Nagtatakang tanong nito pero tila namula ng bahagya sa nadinig.
Belen: "Hindi sino, SAAN!"
Tess: "???"
Issay: "Ang ibig kong sabihin, may posibilidad na nagseselos ang asawa mo dahil sa posisyon mo ngayon!
Mukhang nasaktan mo ang pagkalalaki nya ng hindi sinasadya!"
Tess: "Pero pansamantala lang naman ito ah bat magseselos sya! Hindi ba nya alam na para sa kanya at sa mga anak ko itong ginawa ko?"
Issay: "Oo Tess, sa ngayon pansamantala lang ito, pagkapanganak ni Ate Belen malamang ikaw na ang bagong CEO! Hehe!
Kaya pwede ba wag mo na akong tawagin Ms. Isabel!"
Belen: "Teka paano ako?"
Issay: "Pakiramdam ko Madam, pag nakita mo na ang anak mo hindi mo na maiisipan na magtrabaho!"
Nakangiti nitong sabi
Napaisip si Belen.
May posibilidad ang sinasabi nya.
Belen: "Haaay!
Bakit nga ba tayong mga babae, tayo ang nabubuntis at nanganganak pero sa tingin pa rin ng ibang kalalakihan mas mahina tayo sa kanila!"
"Hmp! Subukan kaya nilang manganak, ewan ko lang kung makaya nila!"
Haaay andaming hugot! Hehe!
******
Nagdaan ang anim na araw na puyatan natapos na rin nila ang paghahanda sa anibersaryo.
Issay: "Mukhang handa na ang lahat! Mas maganda sigurong magpahinga tayo ngayon para handa tayo kung sakalin may darating pang ibang problema sa anibersaryo!"
"Yes!"
Sabay na sambit ng magkaibigan na Edmund at Eric.
Nagpaalam na ang dalawa at masayang umalis.
Belen: "Hoy! ang sabi magpahinga hindi gumimik!"
Sigaw nito ng madinig na magpupunta daw sa bar.
Belen: "At ikaw?"
Sabay tingin kay Issay.
Issay: "Oras na para kausapin ko sya!"
Belen: "Mukhang nakapagdesisyon ka na!"
Ngumiti lang ito.
"Madam, may bisita po kayo!"
Sa baba nagaantay si Mama Fe at si Gene.
Mama Fe: "Bakit ba may dala kang bulaklak dyan? Aakyat ka ba ng ligaw?"
Naiilang nitong sabi sa anak na kanina pa nya sa sasakyan pinagmamasdan.
Pusturang pustura ito at umaalingasaw ang pabango na tila ipinaligo.
At ang buhok!
'Jusmiyo! Isang drum atang pomada ang inilagay!'
Gene: "Mama, kagagaling lang po sa ospital ni Gi... este ni Madam Belen kaya po ako nagdala ng bulaklak!"
Mama Fe: "May pakiramdam ako na pag nakita ka ni Madam mas lalo itong magkakasakit!"
"Saka para saan naman yang tsokalate?"
Gene: "Mama, dadalaw po tayo diba tama lang na may dala tayo?"
Mama Fe: "Bakit ba pakiramdam ko inuuto mo lang ako!"
"Saka akala ko ba kaya tayo narito para makipagusap kay Issay?
Bakit sa wari ko ngayon ako lang ang makikipagusap at iba ang pakay mo sa pagpunta dito?"
Gene: "Mama, kailangan talagang kayo ang kumausap kay Ate Issay, support lang ako!"
Sabay sabay na bumaba sila Belen, Issay at Tess. Sa kalagitnaan ng hagdan napatigil sila ng makita ang magina.
'Mamamanhikan ba sila?'
Sa kaba ni Belen bumwelta ito para bumalik sa taas pero pinigilan siya ng dalawa.
Issay at Tess: "Madam! Kaya mo yan!"
Nakangiti sabi nila.
'Buset 'tong dalawa pinagkakaisahan ako!'
Nang makita ni Gene si Belen, agad itong tumakbo sa baba ng hagdan at iniabot ang kamay para alalayan sya.
Issay at Tess: (Kinikilig)
Inalalayan ni Gene si Belen hanggang makarating ito sa sala.
Mama Fe: "Eugenio, paano ka napunta duon e narito ka lang kanina sa tabi ko?"
Nagtatakang tanong nito.
Pero hindi na nito nadinig ang mga sinabi ng ina dahil nasa giliw na nya ang buong diwa nya.
Gene: "Giliw para sa'yo!"
Buong tamis nitong sabi sabay abot ng buong ngiti at pagmamahal ang dala nyang bulaklak at tsokolate kay Belen.
Mama Fe: "May relasyon kayo???!"