webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · Allgemein
Zu wenig Bewertungen
213 Chs

Ang Plano

Hindi pa rin makapaniwala si Anthon sa nangyari sa kanya. Sa isang iglap kasal na sya at ang masakit nun, wala syang alam sa mga ikinilos nya. At ngayong bumalik na ang lahat, gusto nyang suntukin ang sarili nya.

'Ang gago ko! Kainis!

Ang gagogago ko!'

'Paano ko sasabihin sa Mama ito? Kung kelan nagiging maayos na ulit ang kalagayan nya at napatawad na nya ako sa ginawa ko kay Issay, eto na naman ako!'

'Paano pagnalaman ito ni Issay?'

'ANONG NG GAGAWIN KO???!!!'

Sigaw ng kalooban nya.

Pero wala syang maisagot sa tanong nya.

Pabalik balik sya sa salas sa kaiisip kung ano ang nagawa nya at ano ang dapat nyang gawin. Hindi nya namalayan ang pagdating ng mga kapatid ni Yasmin.

Lando: "Buti naman gising na kayo, makakapagusap na tayo ng maayos!"

Nagulat si Anthon ng makita ang mga dumating.

'Sino nga ulit ang mga ito?'

Ben: "Bakit? ..... Huwag mong sabihin na nakalimutan mo na ang lahat ng nangyari kagabi?"

Rod: "Bakit umiiyak si Yasmin? Ano na namang kahayupan ang ginawa mo?"

Lando: "Buti pa magpakilala tayo!"

At sinikmuraan nito ng matindi si Anthon. Sumunod ang dalawa. Hindi sila tumitigil hanggat hindi ito sumuka ng dugo.

Lando: "Siguro naman nakikilala mo na kami?"

At tumango si Anthon.

Rod: "Sa susunod na saktan mo pa si Yasmin, hindi lang yan ang aabutin mo!"

Nang humupa na ang nararamdamang sakit, saka lang nagsalita si Anthon.

Anthon: "Pwede ... bang.... ma.. kuha ... ang cellphone.. ko?"

Lando: "Bakit, tatawag ka ng pulis? Pulis ako! Gusto mo bang pagusapan natin ang ginawa mong kahayupan sa walang malay kong kapatid?"

Umiling iling si Anthon.

Anthon: "Kailangan ...kong makausap ... ang ... pamilya ... ko!"

Nagpalitan ng tingin ang tatlo.

Ben: "Sige, pero dito mo sila kakausapin!"

At iniabot nila ang cellphone sa kanya.

Nakita nyang makailang beses syang tinawagan ni Miguel at Enzo. May iniwan din na mensahe si Enzo na yung susi ng kotse ay inihabilin nya sa information desk.

Hinanap nya ang pangalan ni Gene saka tinawagan.

Gene: "Hello?"

Anthon: "Hello Bro...."

Pilit na iniaayos ni Anthon ang boses nito para hindi maramdaman ng kausap na may iniinda syang sakit.

Gene: "Bakit Bro may kailangan ka?"

Anthon: "Busy ka ba?

Pwede ka bang maabala saglit?"

Gene: "Nasaan ka ba Bro?"

Anthon: "Nasa Zurgau...."

Gene: "Anong ginagawa mo dyan?" May nangyari ba?"

Anthon: "Pwede ka bang magpunta dito?"

Gene: "Hindi ako pwedeng umalis ngayon, walong buwan na ang tyan ni Belen at ayaw ko syang iwan... Gusto kong narito ako sa anak namin!"

Kahit may iniindang sakit, nangiti si Anthon sa narinig.

Anthon: "Hindi ko alam na ikaw pala ang ama... Masaya ako para sa'yo Bro..."

Gene: "Salamat Bro, pero kung gusto mo si Joel ang papupuntahin ko dyan!"

Napaisip si Anthon. Kaya si Gene ang tinawagan nya dahil alam nyang pag si Joel ang tinawagan nya, malalaman ito ni Issay. Ayaw nyang mangyari iyon. Saka, malaki pa ang tampo sa kanya ng bunso nyang kapatid at hindi pa sya nito napapatawad dahil sa nangyari sa ina nila.

Anthon: "Huwag na Bro! Kaya ko na ito!"

At pinatay na nito ang cellphone ng hindi nagpapaalam.

Matapos patayin ang cellphone, kinuha ang simcard at saka binuksan at binura ang lahat ng kontak. Pagkatapos ay ibinalik kay Ben.

Ben: "Tapos ka na?"

Nagtatakang tanong nito.

Anthon: "Oo ... hindi ko na kailangan yan!"

Nakapagisip na sya at nakapag desisyon na, hindi nya pwedeng takasan ang ginawa nya.

Nagpapasalamat nga sya at hindi sya pinakulong ng mga ito. At kung nangyari iyon tiyak na makakarating ito kay Issay. Hindi nya magagawang saktan ulit si Issay.

Kailangan nyang harapin ang kasalanan nya.

Anthon: "Kagabi, alam kong may ginawa akong hindi maganda sa kapatid nyo at humihingi ako ng tawad!"

Sinubukan nyang lumapit kay Yasmin pero kita sa mga kilos ng babae na ayaw nyang lapitan nya nito. Kaya tumigil sya at saka lumuhod.

Anthon: "Yasmin, patawad!

Patawarin mo sana ako sa mga ginawa ko... Hindi ako magdadahilan sa ginawa ko dahil alam kong mali ako!"

Hindi makapaniwala ang magkakapatid.

'Totoo ba ito, o nagdadrama lang ang taong ito?'

Anthon: "Pangako, gagawin ko ang lahat para pagbayaran ang ginawa ko sa'yo hanggang sa huling hininga ko!"

Umiiyak na sambit ni Anthon.

Ilang minuto na syang nakaluhod pero wala pa rin syang nadidinig na sagot mula kay Yasmin at sa mga Kuya nito.

Kaya ng mapagod tumayo ito at humarap sa tatlong Kuya ni Yasmin.

Anthon: "Mula ngayon ako na ang magaalaga sa kapatid nyo!"

Rod: "Paano kami nakakasiguro na aalagaan mo sya e hindi mo nga mapigilan ang kahayupan mo?!"

Anthon: "Simula ngayon, hindi na ako ulit iinom ng alak."

Lando: "Huh! Imposible!"

Rod: "Pwede ba, pagusapan na lang natin ang plano mo hindi ang mga pangako mong kahit ikaw hindi mo sigurado kung matutupad mo!"

Hindi na sumagot pa si Anthon, dahil maging sya hindi nya rin sigurado kung magagawa nyang hindi uminom.

Ben: "Tapatin mo nga kami, ano ang dahilan at pinagtripan mo ang kapatid ko?"

Anthon: "Kamukha nya ang fiancée ko nung bata pa sya!"

Yasmin: "Fiancée? ibig sabihin....."

Ben: "Hindi pa kayo kasal?"

Anthon: "Hindi!"

Nanlumo ang tatlo, hindi ito ang inaasahan nila.

Lando: "Anong plano mo ngayon? Plano mo bang ilayo sa amin sin Yasmin at itira sa Maynila?"

Rod: "Hindi ako papayag! Hinding hindi ako papayag na ilayo mo sa amin ang kapatid namin!"

Anthon: "Hindi.... Hindi ko sya ilalayo... Plano kong humanap ng bahay at tumira dito kasama si Yasmin!"

******

Sa Maynila.

Pagkatapos ibaba ni Gene ang cellphone nakaramdam sya ng pagaalala kaya may kinausap syang tauhan upang alamin ang nangyayari sa kapatid nyang si Anthon.

Pero napansin pa rin ni Belen ang kakaibang ikinikilos nito ng dalawin sya ng gabi.

Belen: "Bakit, may nangyari ba?"

Gene: "Wala ito, tungkol lang kay Anthon. Tumawag sya mula sa Zurgau at pinasusunod ako doon."

Belen: "Bakit daw? Anong ginagawa nya sa Zurgau?"

Gene: "Hindi nya sinabi pero kinakabahan ako!"

Belen: "Susunod ka ba?"

Gene: "Hindi! Mas kailangan mo ako dito at ng kambal natin!"

Nakahinga ng maayos si Belen ng madinig ang sagot ni Gene. Aminado syang natatakot sya lalo na ngayong malapit na ang kapanganakan nya.

Hanggat maari ayaw nya itong mawala sa tabi nya kahit araw araw nya itong inaaway.

Gene: "Saka .... alam ko naman na ma mi miss mo ako e!"

Belen: "Baliw! Asa ka dyan! Hmp!"

Aalis na sana ito pero bigla syang nilapitan ni Gene at kinarga.

Gene: "Saan ka pupunta Giliw ko?"

Belen: "Matutulog na! Umuwi ka na!"

Nagpupumiglas nitong sabi.

Gene: "Hmmm..hmm.."

Nangingiti itong iniakyat si Belen.

Belen: "Teka, hindi ko sinabing matutulog tayong dalawa!"

Pero lalo itong ngumiti na may kasama pang kilig.

'Asus ang Giliw ko kunwari pa! Ayaw pang aminin na nami miss na rin nyang mag exercise!' Hehe!'