webnovel
#ACTION
#ROMANCE
#MAGIC
#VAMPIRE
#DEVIL
#SMUT
#TAGALOG

Kiss of Death and Shadows

(Formerly known as "My Boyfriend is a Grim Reaper") "A kiss has tied her soul in the hands of the prince of darkness." Lexine died on the night of her sixteenth birthday. Ngunit dahil sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari ay nakatakas siya sa kamatayan. Makalipas ang limang taon ay isa na siyang sikat na ballerina at namumuhay sa ibabaw ng mundo bilang nag-iisang tagapagmana ng sikat na business tycoon. In a snap of a finger, she could have anything she wants. Ngunit ang perpekto mundo ni Lexine ay mabilis na bumaliktad sa pagdating ng isang misteryosong lalaki na nagtatago sa itim na hood at nababalot ng kakaibang tattoos. May sinisingil itong kabayaran mula sa isang kasunduan na hindi na niya naaalala. Paano tatakasan ni Lexine ang lalaking ito? Lalo na't hindi lang buhay niya ang nasa panganib-dahil maging ang puso niya ay gusto nitong angkinin. GENRE: Romance, Urban Fantasy, Paranormal, Suspense *** GRIM REAPER CHRONICLES *** Book 1: Kiss of Death and Shadows (Ch.1-119) Book 2: Touch of Wrath and Blood (Ch.120-235) Book 3: Embrace of Night and Fury (Ch.236-339) TRIGGER WARNINGS: Violence, use of inappropriate words, attempted r*pe, nudity, religious topics, physical & woman assault, loss of a loved one, kidnapping, graphic death, mass death, gore, murder, torture, emotional abuse, child abuse, self-harm, insects, blood, drug & alcohol use, nightmares, child traumas ”Anj Gee Novels” Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like Anj Gee's FB Page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · Fantasy
Zu wenig Bewertungen
340 Chs
#ACTION
#ROMANCE
#MAGIC
#VAMPIRE
#DEVIL
#SMUT
#TAGALOG

Where’s Ansell?

KAKAGALING lang ni Lexine sa school bago siya dumiretso sa ospital. Ayaw sana niyang iwanan si Ansell na mag-isa pero two days na siyang nag-absent. Kailangan niyang pumasok dahil kung hindi ay baka ma-drop out siya o kaya'y maghabol ng grades. Baka iyon pa ang maging dahilan upang maudlot ang kanyang pag-graduate.

Bago siya bumalik ng hospital ay namili muna siya ng mga fresh fruit sa supermarket. Dumaan din siya ng flower shop at binilhan ng isang dosenang white roses si Ansell upang i-display sa private ward nito. Nakatutulong daw ang fresh flowers upang gumaling ang may sakit. Malapit na siya sa ospital nang makareceived ng text message galing kay Ms. Garcia. 

Ms. Garcia: How r u Lex? Hope ur doing fine. Don't 4get r practice on weekend. See yah @ d studio.

Ngayon niya lang ulit naalala ang tungkol sa ballet practice. Ilang linggo na lang bago ang second run ng kanilang show. Ayaw niyang mabigo si Ms. Garcia. Sa dami ng naitulong nito sa kanya ay hindi na niya alam kung paano ito pasasalamatan.

Nang makarating  sa hospital ay nagmadali siyang nagtungo sa private ward ni Ansell. Pero laking gulat niya nang maabutang wala ang binata sa kama nito.

"Ansell?" Nabitawan niya lahat ng mga supot na bitbit. Nagtungo siya sa bathroom ngunit wala rin ito roon. Natatarantang tumawag siya ng tulong. "Nurse! Nawawala `yung pasyente rito nakita niyo ba siya?" agad niyang tanong sa unang nurse na dumaan sa hallway.

Sumilip ito sa kwarto at nang makitang wala nga si Ansell ay agad itong nagtakip ng bibig. "Naku, ma'am. Hindi ko po alam kung saan nagpunta `yung pasyente. Teka lang po, ipapahanap ko siya."

"Ano ba naman `yan, hindi ba kayo nagbabantay nang maayos dito!?" Nasapo niya ang noo at nagsisimula na siyang mag-hysterical. "Please, pakihanap si Ansell." Nagmamadaling tumakbo ang nurse.

Hindi mapakali si Lexine. Nagpabalik-balik siya ng lakad habang sinubukan tawagan si Ansell. Nag-ring ang pamilyar na ringing tone sa loob ng kwarto. Pagtingin niya sa kama ay naroon ang cellphone nito. Kung ganun ay saan ito nagpunta?

May kakaiba bagay siyang napansin malapit sa paanan ng hospital bed. Kunot-noong lumuhod siya sa sahig. Isa itong itim na likido. Hinawakan ni Lexine ang likido at pinagmasdang mabuti. Hindi itim ang kulay nito kundi dark-violet.

Nagsimulang manginig ang kamay niya. Mabilis na sumagi sa isipan niya ang ravenium demon na umatake sa kanya sa gubat. Ganito ang kulay ng laway ng halimaw. Hindi kaya dinukot ng isang ravenium demon si Ansell? No, it can't be! Dali-dali siyang lumabas ng ward at hinanap ang binata sa lahat ng parte ng hospital.

Ito na nga ba ang kinatatakot ni Lexine. Ang may madamay na inosente. Hindi niya alam kung paano siya nasundan ng kalaban at kung paano nito nakuha si Ansell. Maaring sumanib ang ravenium sa isang nurse o doctor na katulad ng ginawa nito kay Mang Ben. Hindi niya mapapatawad ang sarili sa oras na may mangyaring masama sa best friend niya. Kasalanan niya ang lahat ng ito. Hindi niya dapat iniwang mag-isa si Ansell.

Dinala si Lexine ng mga paa patungong stairway exit. Nakita niya agad ang mga tulo ng likido sa hagdanan. Patungong taas ang tinuturo ng mga patak. Lakad-takbo ang ginawa niyang pag-akyat. Sa pinakatuktok ng stairway ay sinalubong siya ng metal na pinto. Tinulak niya iyon at binati siya ng malakas na hangin.

Habol-habol niya ang hininga habang nililibot ang mata sa malawak na rooftop ng building. Papalubog na ang araw at malapit nang magdilim ang nagkukulay dalandan at indigo na kalangitan. Natanaw niya sa kabilang dulo ng rooftop ang tatlong bulto. Sa paanan ng mga ito nakahiga ang walang malay na si Ansell. Kumabog nang malakas ang dibdib niya lalo na nang makita ang tatlong pares ng namumuting mga mata at itim na ugat sa mukha ng mga ito.

Totoo nga ang hinala niya! May sumapi na mga ravenium demon sa dalawang nurse na lalaki at isang doktor na babae. Lumuhod ang doktora at tila isang hayop na gumapang sa ibabaw ni Ansell. Inamoy nito ang leeg ng binata na animo nais itong gawin hapunan. Binuka nito ang malaking bibig at lumabas ang ang mahaba nitong dila.

Hindi na nag-dalawang isip pa si Lexine at buong lakas na sumigaw. "NO!!!"

Hey yah! It’s another exciting weekend for everyone!

HAPPY 80k ++ READS MBIAGR!!

YOU GUYS ARE THE BEST!

I am actually planning to create an english version of this novel but super struggling on my part since english is not my native language, so wish me luck mga besh dudugo ang ilong ko neto! Haha

ROAD TO 100K!! Yes?

Enjoy the chapters and please don’t forget to vote and share some power stones! Love yaaaah all!

AnjGeecreators' thoughts