webnovel

Rekord sa Libong Taon

Redakteur: LiberReverieGroup

"Hindi ko naisip na ang huling tatlong kalaban ay sa Great Origin Core Realm Sovereigns Lords."

"Aye, kung hindi masyadong mayabang si Zhao Feng na gustong tapusin agad ang lahat ng laban, maaring magkaroon siya ng pag-asa."

Marami sa mga nanonood ay nakitaan nang pag-sisisi at simpatya.

Sa sandaling ito, pinagpawisan si Zhao Feng at bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Malaki ang tsansa ni Zhao Feng na manalo sa normal Great Origin Core Realm Sobereigns Lord; sa kabila ng lahat, marami sa kanyang nakalaban ay mayroong kapangyarihan ng normal Great Origin Core Realm Sovereign Lord.

"Nagamit ko na ang 70% ng aking bloodline power at True Yuan…"

Sinuri ni Zhao Feng ang kanyang kalaban. Ang Elder ay umabot na sa gitnang yugto ng Great Origin Core Realm; ito ang hangganan ayon sa batas.

"Mayroon pang tatlong taong natitira upang matapos ang hamon. Kailangan ko silang matapos sa lalong madaling panahon."

Kumislap ang mata ni Zhao Feng.