webnovel

Killer's Requiem

This is the story of the bounty hunter and the serial killer. An extraordinary love story at the underground society.

Laarnikuroko18 · Teenager
Zu wenig Bewertungen
19 Chs

Classroom of Truth

Yona POV

Meet me at 031

Nagdadalawang isip akong puntahan ang silid ng serial killer na si Litmus. Medyo nagulat ako sa natuklasang room number niya dahil nasa kabilang kwarto lang pala ito nagtatago. Medyo nainis ako sa Litmus na 'yon dahil pinagmukha pa talaga akong tanga. He indeed a wise killer. Sino ba namang magaakala na matatagpuan lang pala siya sa lugar na di mo inaasahang taguan ng isang tulad niyang most wanted serial killer. He's too carefree to the point that he let his guard down and has the guts to mess up with a bounty hunter.

Napaisip ako bago lumabas ng silid. Ano kayang kailangan ng lalaki sa akin at nagawa pang imbitahan ako sa sarili nitong kwarto? Commonly, makakaisip kaagad ang mga ordinaryong tao ng mga masasamang bagay, ngunit kompara sa akin ang lahat ng 'to ay walang kwenta. Kung gusto niya ng mapagtripan e di pagbigyan natin. Wala naman sigurong masama na makipagsabayan sa mga tulad niyang walang trip sa buhay. If I deduce it, si Litmus ay yung tipong pumapatay ng tao kapag wala na itong silbi sa kanya. Samantalang ako at ang dalawang matanda ay hinayaang mabuhay kaya ibigsabihin na he still need us. And the question is what he need from us?

I think he knew that I am Dazai Osamu of BHA (Bounty Hunter Association). Gumamit ako ng pekeng pangalan para makapasok sa organisasyon. Bilang lamang sa daliri ang nakakaalam ng sekreto ko. The revelation of my secret isn't big deal to me 'coz no one will believe that I am one of those potential bounty hunter, ang ipinagtataka ko ay bakit pinagaaksayahan niya pa ako ng oras? I don't remember crossing path with him in the past not even once.

Chineck ko ang oras at napag alaman na may oras pa ako para bisitahin si Litmus ngunit batid ko sa sarili na malabo na akong makaabot pa sa unang period ng klase. But I've already decided to deal with this mysterious killer first in order to find the answer.

Pagkasarado ng pinto ng room ko ay di maiwasang mabasa ang room number ko na 030. Naglakad ako papunta sa katabing room. Nabasa ko naman ang nakatag na Room 031. Inayos ko muna ang back pack ko dahil medyo naluwagan ang kabilang strap. Habang nag-aayos ay napansin ko namang huminto ang isang lalaki sa likuran ko. Medyo na-alerto ako sa biglaang paglapit niya kaya lumayo ako ng bahagya.

I checked the appearance of the guy. May katangkaran ito at buhaghag ang abot tengang bangs. Nakasuot siya ng uniporme at nakasabit sa kaliwang balikat ang bag nito habang ang kanang kamay ay nakatago sa loob ng bulsa.

Di na ako nagtanong sa kanya kung anong kailangan niya dahil obvious naman na may sasabihin siya.

"Hmm" He started checking my appearance from head to shoe. "Not bad" aniya. Di ko na lang pinansin ang unnecessary remarks niya at ikinross ko na lang ang braso ko habang naghihintay na matapos ang scanning whatever na ginagawa niya.

Mga ilang Segundo ay natapos na rin siya at ngumiti na lang bigla. Napakunot noo naman akong napatitig sa kanya. His smile reminds me of Litmus. Pareho sila kung ngumiti. Nakangisi ngunit opposite naman ang nakikita sa mga mata nila. Walang emosyon at blanko. Parang nanalamin lang ako pag kaharap ko ang mga tulad nila. Magkatulad kami na kahit anong isusuot na maskara ay makikita at makikita parin sa mga mata ang totoo nitong kulay. The dark color that couldn't easily painted light.

"Spit it out already" di ko na matiis at ako na mismo ang naglatag ng red carpet para sa kanya at sabihin ang pakay niya.

"I'm Ryu Echizen. You can call me Echizen."

I rolled my eyes. "Trash information, I'd rather die than to hear that unessential introduction of yours," I sighed in disappointment "I knew you have connection with that killer. I expected that I couldn't meet him that easily without escort or bloody surprises."

"Very clever, I see." He nod with surprise "You anticipated that already in just a short span of time even without introduction, you still could deduce somebody."

I just looked at him with bored expression "It is not that cool at all. Keen observation isn't that special. All people could observe something or someone"

"But they're not that good as you"

"Whatever. Just be straight to the point"

"Clever yet impatient" he said mockingly, I norrowed my eyes at him with irritation. Mukhang may masasakal ako ngayong umaga. Napansin niya naman ang pagkainip ko kaya he just sigh as defeat.

"You can find Litmus at the new building malapit sa auditorium, ika- 8th room sa first floor" wika nito at pasimpleng inilabas ang phone at hinarap sakin ang likuran nito. Mukhang masama ang kutob ko. Bago pa man ako makailag ay bigla namang nagflash ang phone kaya medyo napapikit ako sa gulat. Nagsalubong naman ang kilay ko habang siya naman ay natatawang tinitigan ang screen ng phone niya.

"You better erase that picture's existence or else your existence will be erased by me" malamig kong wika ngunit mas pinili niyang magbingi-bingihan. Mabilis niyang itinago ang phone niya at nagsimula na siyang maglakad palayo na parang walang taong kausap. Siya yung tipong tao na asal aso, di marunong magpaalam. Akala ko ay wala na siyang sasabihin ngunit bigla siyang napahinto at lumingon tsaka nagsalita "You better keep in touch to Litmus as soon as possible or else..." bigla siyang napaisip at nagsalita muli "guess that by yourself"

"There's no need" wika ko at nauna ng maglakad sa lalaki. I already know that pag di kaagad ako makipagkita kay Litmus ay marami na naman siyang mabiktima.

Ramdam ko ang tingin ni Echizen sa likuran ko.

Di ko akalain na may lackey pala si Litmus. They are both a mystery to me that I want to solve.

Napatingin ulit ako sa orasan. I just groan in disappointment. Detention na naman ang aabutin ko nito. Screw it. Naglakad na ako papuntang new building, eto yung building na di pa ginagamit dahil di pa tapos ang construction sa top floor. Sa ika-5th room na ako ng may napansin akong ingay. Habang papalapit ng papalapit ako sa 8th room ay siya namang paglakas ng ingay. Medyo malayo ang bagong building na 'to mula sa main building kaya malabong may mapapadpad na mga estudyante dito maliban na lang kung trip nilang magcutting class at dito nilang naisipang magtambay.

Nang makarating na ako sa 8th room ay laking pagkagulat ko dahil ang ingay na naririnig ko ay nagmumula pala sa loob ng silid kung saan nakadaktang meeting place namin ni Litmus. Napakunot noo na naman ako. Marami ba siyang inimbitahan? I expected something serious but this time it's ridiculous. Nagsisi ako na pumunta dito. Ngunit nandito narin man lang ako bakit di ko na lang ituloy para naman makapagkalap pa ako ng panibagong impormasyon tungkol sa kinakatakutan nilang si Litmus. Bago ako pumasok ay sinigurado ko munang naka On ang voice recorder. It is important to collect evidences if something unexpected happened.

Pinihit ko ang doorknob at pumasok tsaka mabilis na isinirado. Natahimik naman sila ng pumasok ako ng walang paalam. I didn't bother to say hello either. Inisa-isa ko silang tinitigan. Lahat ng mukha ay pamilyar ngunit di ko nakita ang taong gusto kong makita.