Chapter 7
Sa paglipas ng panahon ay patuloy pa rin si Anabel sa panliligaw kuno niya kay Johnny. Nagtataka nga siya dahil hindi mawala-wala ang pagkagusto niya kay Johnny. Masaya siyang hindi ito nagkakaroon ng lalaki . Marami itong nagiging crush na mga lalaki pero agad rin nawawala. Hindi rin ito nagsasawang tanggapin ang bulaklak na bigay niya, katunayan nga ay hindi pa niya iniaabot ay kukunin na nito. Ilang beses na rin itong nagtampo sa kanya sa di niya alam na dahilan pero agad rin silang nagbabati.
Napagtanto niyang napakaunawain niya pagdating kay Johnny siguro dahil siya ang sumusuyo dito, o di kaya ay dahil bakla ito, o di kaya ay dahil gustong-gusto niya ito, o dahil masaya siya pagnasilayan niya ito . Hindi niya alam kahit ang sungit-sungit nito sa kanya minsan ay iniintindi niya ito. Nakukuntento nga siya kapag kasama lang ito..
Grumaduate na nga silang dalawa sa college ay still pa rin sila na parang teenage. Ito na ang humahawak sa negosyo ng parents nito habang siya ay HRM ang tinapos, isa siya ngayon sa cook ng hotel na pag-aari ng mga Agbayani. Syempre sa kanilang bayan siya naka-assign, may apat kasing branch ang Agbayani hotel. Tulad ng dati, araw-araw siyang nagbibigay ng rosas dito pero ang pagkakaiba ngayon ay sa opisina mismo ni Johnny siya naghihintay.
Ang main branch ng hotel ay sa kanilang bayan ngunit ito may limang palapag habang ang tatlo ay may tigsasampung palapag. Mayaman ang mga ito pero hindi ang mga ito matapobre di tulad ng iba na matapobre.
Ang flower garden nga ng ama niya ay matagal ng napalitan ang pangalan naging flower farm na, pero ang lupang tinataniman ay hindi lumiit at hindi rin naman lumaki. Pero nadagdagan ang tauhan ng ama niya ng lima pa.
Twenty-eight na siya pero still NBSB pa rin, ang hinihintay niyang maging boyfriend ay hindi pa rin nagpapahiwatig na malapit na siyang sagutin. Ang malala pa ay kinukulit na siya ng kanyang magulang na mag-asawa na, magmove-on na lang daw siya kay Johnny dahil malabo raw siyang sagutin nito. Ituon na lang daw niya ang paningin sa kapitbahay nilang matandang binata na si Jeremy.
At ang ate niya ay sinasabihan na siyang mamamatay na siya ay di pa rin niya nararanasan ang langit.
Ang kuya naman niya ay kung gusto na niyang mag-asawa ay sabihan lang niya ito dahil marami raw itong kilalang naghahanap ng asawa.
Nag-aalala na talaga ang pamilya niya sa kanya na baka maging matandang dalaga na siya.
Sa katunayan nga ay Nag-aalala na rin siya baka kulubot na ang balat niya ay hindi pa siya sinasagot ni Johnny. Pero kahit anong gawin niya ay di niya talaga kayang ibaling sa iba ang atensiyon niya..
Gusto na niyang magka-anak pero paano siya magkakaroon kung wala siyang asawa? Ayaw naman niyang walang ama ang anak niya pag one-night-stand ang pipiliin niyang choice. Ayaw rin niyang kumpleto nga ang magiging pamilya niya pero wala naman siyang damdamin dito, ayaw niya ng ganoon dahil tiyak na hindi sila magiging happy family.
Ang option na lang niya ay pasagutin ito, ASAP! Sa pagkakataong ito ay desperada na siyang mapasagot si Johnny, hindi na siya bumabata, kaya na nga niyang gumawa ng bata eh. Hindi na lang pagbibigay ng bulaklak at konting chansing dito ang gagawin niya kundi dadagdagan niya ng pang-aakit na 'damuvs' niya. . at higit sa lahat ay paselosin ito kung gagana man.
Papasok na siya sa opisina ni Johnny ng umagang iyon pero wala pa ito. Umupo siya sa sofa sa loob ng opisina. Makaraan lamang ng limang minuto ay papasok na ito, dumiritso sa kinaroroonan niya. Nakangiti nitong aabutin sana sa kanya ang bulaklak pero inilayo niya dito. Nagtataka naman itong tumingin sa mata niya..
"Ang gwapo mo nga pero basta-basta mo na lang kinukuha ang bulaklak hindi pa naman binibigay.." Nakasimangot na sabi niya.
Natatawa naman itong sumagot. "Eh dati ko ng ginagawa yun ah" ito ang nagbago kay Johnny matagal na. Boses lalaki na siya ngayon.
"Ngayon ko nga lang narealize.." Sabi niya.
Nakatayo pa rin ito sa harap niya kaya tumayo na rin siya. "Hayaan mo gagawin ko na ang tama ngayon.." Iniabot niya rito ang rosas
"One red Rose for you…for this day my Johnny" hinaluan niya ng lambing ang boses..
Nakatingin lang sa kanya ito ilang sandali pa bago dahan-dahan na kinuha. Tumingkayad siya, humalik sa pisngi bago bumulong habang nakalapat ang labi niya sa tainga nito "thank you .."
Lumayo na siya para tingnan ang expression nito ng dali-dali nitong tinungo ang pwesto ng mesa at upuan nito. Inilagay nito ang bulaklak sa vase bago dahan-dahang umupo sa swivel chair nito. Tumingin ito sa kanya para lang agad ring yumuko sa mesa at may kung anong kinalikot..
Sa loob niya ay natatawa siya sa inaakto nito, Kung tutuusin ay magtetreintay uno na ito pero para itong teenager na napansin ng crush..crush.. Ulit ng isip niya.
Pinalipas muna niya ang ilang sandaling katahimikan bago ito binasag sa malumanay na boses.
"Johnny?" Tawag niya..
"Hmm?" Sagot nitong hindi pa rin nag-aangat ng tingin.
"Nailang ka ba sa kapangahasan ko?" Malumanay pa rin na tanong niya.
Tumikhim muna ito bago nag-angat ng tingin at sumagot. "Hindi.. Nabigla lang ako pero masasanay rin .."
Nagdiwang naman ang kalooban niya sa sagot nito pero hindi pa rin sapat iyon kailangan niyang mapasagot ito this week dahil sabi ng parents niya kapag wala pa siyang naipakilalang boyfriend ngayong linggo ay irereto na siya sa matandang binatang kapitbahay nila na si Jeremy at ang isang rason niya ay talagang gusto na rin niyang maging boyfriend ito.
Iniba na niya ang topic dahil halata namang naiilang ito kahit sabihin nitong hindi.
"Pwede ba kitang makasabay this lunch?" Tanong na lang niya. Ever since nagtrabaho siya sa hotel ay mabibilang lang sa daliri ang pagsasabay nilang kumain.
"Titingnan ko parang may appointment ako mamayang 10 to 12 kay mister jerwin." Sagot naman nito..
"Okay". Lumapit siya dito, tinunghayan ang relong pambisig nito. " oras na pala ng work. " sabi niya.
"Hangang ngayon pala wala ka pa rin relo?"
"Mayroon kaya. Kaya lang nandun sa bahay" pero ang tinutukoy niya ay ang wallclock nila.
Napailing na lang ito sa kanya.
"Sige alis na ako… Aakyat na lang ako mamayang lunch marahil nandito ka na sa oras na iyon.."