webnovel

Just Hold Onto Destiny's Grasp

Damien Cadenza is a Landscape Photographer while, Caelian Joy Pangilinan is a Tragic Author. Two people who have the same passion to achieve their dreams. Two people who mourns to their painful past. When love arrives, when problem strikes, and when hurt is at the corner. Can they take the chance to hold onto destiny's grasp? (All rights reserved by Shay C.)

SHECULAR · Urban
Zu wenig Bewertungen
60 Chs

Violated

Caelian

TUMAWAG kasi si Abram sa akin kanina at sinasabi niya na may emergency sa bahay nila tapos kinuwento niya sa akin na bugbog sarado si Damien at dahil kailangan niyang agad umalis ay hindi niya na maaalagaan ang pinsan niya.Humingi siya ng pabor sa akin na ako na lang daw ang mag-asikaso sa pinsan niya at pumayag naman ako dahil kapag kailangan ko si Damien ay nandiyan siya kaya gusto ko rin nasa tabi niya ako kapag kailangan niya din ako.

"Ahh 'yon ba? A-Ayos na daw kaya hindi na ako pinapunta sa bahay."nauutal na sagot niya at pansin ko ang pamamawis ng noo niya.

"Mabuti naman kung ganon. At dahil hindi ka na aalis, ikaw na ang mag-alaga kay Damien"nakangiting sabi ko at binigay ang hawak ko sa kanya.

Yes! Makakauwi na ako at makakapag-sulat na ako ulit ng manuscript!

Naglakad na ako at akmang bubuksan ko na sana ang pintuan ngunit humarang si Abram.Binigay niya sa akin muli ang planggana na may towel at ice cube sa loob.

"C-Caelian, Gustuhin ko man na alagaan si Damien pero sumama ang tiyan ko. Sobrang sama talaga. Nagka-LBM pa yata ako. A-Ang sakit talaga, hindi ko na kayang tiisin mukhang lalabas na"nahihirapang sambit niya habang hawak ang tiyan niya saka siya tumakbo papuntang banyo.

Nag-aalala naman ako sa naging kilos niya.

"Abram, pagkatapos mo ilabas yan uminom ka kaagad ha?"paalala ko sa kanya.

"O-Oo salamat! Mamaya na lang tayo mag-usap, nag-co-concentrate ako!"sigaw niya.

Napapikit ako at napabuntong hininga.

Sigurado ako na nasa edad bente singko na ang dalawang mag-pinsan na 'to pero bakit pakiramdam ko ay limang taong gulang lang sila? Parang mga bata at sakitin pa. Napailing ako at bumalik na sa kwarto ni Damien.

"Bakit ang tagal mo?"bungad na tanong ni Damien sa akin.

Hindi ko pinansin ang tanong niya at nilagay lang ang planggana sa side table niya.Kinuha ko ang tatlong ice cube at nilagay ito sa towel saka ito binuhol.

"Walang gamot sa sugat dito sa bahay nyo kaya ang uunahin muna natin ay ang mga pasa mo.Ilalapat lang natin ang towel na 'to sa pasa mo para mabawasan ang pagiging kulay ube niya"sambit ko sa kanya at pinakita ang hawak kong towel.

Umupo ako sa gilid ng kama at nilapat ang towel sa noo niya.Napansin ko ang sunod sunod na paglunok niya at unti unting paglayo sa akin.

"Relax ka lang..."sambit ko at tumingin sa mga mata niya, nakapokus kasi ako kanina sa noo niya"May pasa ka ba sa katawan?"tanong ko.

"Oo m-meron isa sa dibdib."sagot niya sa akin.

"Ah okay. Hubadin mo ang damit mo para malapatan din natin ng towel"pormal na sabi ko sa kanya at nilipat ang towel sa pisngi niya.

Napalayo siya sa akin ng wala sa oras kaya naiwan sa ere ang kamay ko.

"H-Hubadin ko ang damit ko?"gulat na tanong niya at kahit nagtataka ay tumango ako bilang sagot"Inuutusan mo ba akong maghubad ng damit sa harap mo? Babae ka diba?"untag niya sa akin.

"Oo, babae ako. Ano naman ngayon?"

"Iyon na nga, e! Babae ka at lalaki ako, kaya hindi pwede na maghubad ako damit mas lalo na nasa kwarto kita"halatang nahihirapan siya sa pagpapaliwanag sa akin.

Ibinalik ko ang towel sa planggana at hinarap siya.

"Ano bang iniisip mo ha? Damit lang naman ang pinapahubad ko sayo at hindi kasama ang pang-baba mo. Saka kailangan mong hubadin ang damit mo dahil paano natin ilalapat ang towel kung nakaharang ang damit mo? Naiintindihan mo ba ang pinupunto ko?"nagpapa-intinding pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Basta hindi pwede."matigas na sabi niya.

"Okay. Madali naman akong kausap. Edi ikaw na ang mag-gamot sa sarili mo"madiin na sabi ko at tatayo na sana ngunit pinigilan niya ako.Napangisi ako at sumeryoso nong nilingon ko na siya.

"Ito na nga susunod na... maghuhubad na ako."sambit niya at hinubad ang t-shirt niya.

Susunod din pala, dami pang arte.

Pinasadahan ko ng tingin ang katawan ni Damien. Nasabi ko na noon na ang kulay ng balat ni Damien ay katamtaman lang, hindi siya sobrang maputi at hindi rin siya maitim at ngayon na nakikita ko na ang katawan niya, masasabi ko na medyo umangat ang kulay nito baka dahil natatakpan ito ng damit ngunit pantay pa rin ang kulay nito sa buong katawan niya.At higit sa lahat, maganda, makinis at may hubog ang katawan niya. Hindi man katulad ng mga lalaki sa magazines ang katawan niya ngunit hindi ko maipunto ang dahilan kung bakit mas nagagandahan ako sa katawan na meron siya kesa mga lalaking iyon na batak ang muscles at abs.

Ah! Alam ko na! Kasi hindi nakakaasiwa tingnan ang katawan niya, Ayaw ko kasi ng lalaking may malalaking muscles at batak ang abs dahil nangingilabot ako ngunit ang katawan ni Damien, ito yong katawan na hindi ka mag-sasawang pagmasdan.

"May ipagmamalaki naman pala 'yang katawan mo, bakit mo ayaw mo ipakita?"nakangising sambit ko at kinuha ang towel sa planggana saka inilapt sa dibdib niyang may pasa.

"May balak naman akong ipakita pero-- hays. Wala na. Sinira mo ang pinangako ko sa sarili ko."naiinis at may paghihinayang sa boses niya.

"Sus. Kung alam ko lang kapag pagkatapos nyong magbasket ball magkakaibigan ay naghuhubad kayo o kaya kapag naiinitan kayo ay basta lang kayo naghuhubad. Ano naman pinagkaiba niyon ngayon, aber?"nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya.

"Puwes ibahin mo kaming mga Cadenza. Mas lalo ako. Kahit naiinitan na ako ay hindi ako basta naghuhubad. Mas lalo kapag nasa public place ako at alam kong maraming nakapaligid na babae. Pinangako kasi namin magpipinsan na tanging mapapangasawa lang namin ang makakakita ng katawan namin."mahabang paliwanag niya at hindi ko mapigilan na magulat. Ang galing, may mga lalaki pa rin pala na katulad ng mga Cadenza na hindi basta naghuhubad, plus points pa na dapat daw ay asawa lang nila ipapakita ang katawan nila. Iba naman pala.

"Arte nyo naman pala magpipinsan...pero, paano iyan nilabag nyo ang pangako niyo? Nakita ko ang katawan mo kahit hindi mo ako asawa."tanong ko sa kanya.

Itatakwil kaya siya? Huwag naman.

"Wala tayong magagawa.Dapat pakasalan mo ako."seryosong sambit niya at napanganga ako.

"A-Ano?"gulat at hindi makapaniwalang sambit ko sa kanya. P-Papakasalan ko siya? Ang tindi naman ng parusa ko kapag nagkataon. Grabe naman.

"Aba, marami akong beses na tumanggi at sadyang mapilit ka kaya kailangan mong tanggapin ang consequence ng kilos mo"sambit niya at nahirapan akong huminga, jusko.

Natahimik kami at walang nag-salita sa amin. Pino-proseso ng utak ko ang sinabi niya at parusa ko.

"Biro lang! Hahahaha! Ang seryoso mo!"biglang tawang sambit niya at tumalim ang tingin ko sa kanya."Hindi naman nila malalaman na nakita ng isang babae ang katawan ko. Saka may rason naman kung bakit nakita mo ang katawan ko dahil ikaw ang nag-gagamot sa akin."nakangiting sambit niya.

Dahil sa inis ko sa kanya ay diniinan ko ang pagkakalapat ng towel sa dibdib niya at napa-aray siya.

"Bagay sayo yan! Nakakainis ka! Ang seryoso ng tanong ko tapos bibiroin mo ako!"sigaw ko sa kanya at mas diniinan pa.Inagaw niya sa akin ang towel at hinagis sa kung saan pagkatapos ay hinawakan niya ang parehong kamay ko.

"M-Masakit yon ah! Nakakalimutan mo bang pasyente ako!"sigaw niya din sa akin ngunit dahil mas matapang ako ay nakawala ako sa hawak niya at ngayon naman ay pinaghahampas ko siya sa dibdib niya. Wala akong paki alam kung may pasa pa siya!

Hindi ko inaasahan ang mabilis na paghuli niya sa isang kamay ko at hinila iyon kaya ang resulta ay napahiga ako sa kama niya saka siya pumaibabaw sa akin habang ang dalawang kamay niya ay nasa magkabilang gilid ko.Nakalapat ang dalawang kamay ko sa dibdib niya para pigilan na mas lalong magkalapit ang katawan namin.Nahihirapan akong huminga sa puwesto namin! Idagdag pa ang seryoso at malalim na titig sa akin ni Damien!

Sinalubong ko ang tingin niya habang napapalunok. Nararamdaman ko ang kabog ng dibdib ko sa sobrang kaba. Ilang minuto ba kami magtitigan dito? Gusto ko ng umalis ngunit yong katawan ko ay parang naging paralisado.

Dahil sa puwesto namin ay mas na-appreciate ko ang mukha niya. Ang makapal na kilay niya, ang matangos na ilong niya, ang nagtatagong dimple niya, ang labi niya at higit sa lahat ang magandang mga mata niya.

Kung kanina ay atat na atat ako umalis sa puwesto namin pero ngayon ay paunti unti ko na itong nalilimutan. Pakiramdam ko ay kuntentong kuntento ako kahit buong araw kaming ganito basta matitigan ko lang ang mukha niya ng malapitan.

Tumawag kasi si Abram sa akin kanina at sinasabi niya na may emergency sa bahay nila tapos kinuwento niya sa akin na bugbog sarado si Damien at dahil kailangan niyang agad umalis ay hindi niya na maaalagaan ang pinsan niya. Humingi siya ng pabor sa akin na ako na lang daw ang mag asikaso sa pinsan niya at pumayag naman ako dahil kapag kailangan ko si Damien ay nandiyan siya kaya gusto ko rin nasa tabi niya ako kapag kailangan niya rin ako.

"Ahh 'yon ba? A-Ayos na raw kaya hindi na ako pinapunta sa bahay," nauutal na sagot niya at pansin ko ang pamamawis ng noo niya.

"Mabuti naman kung gano'n. At dahil hindi ka na aalis, ikaw na ang mag-alaga kay Damien," nakangiting sabi ko at binigay ang hawak ko sa kanya.

Naglakad na ako at akmang bubuksan ko na sana ang pintuan ngunit humarang si Abram. Binigay niya sa akin muli ang planggana na may towel at ice cube sa loob.

"C-Caelian, Gustuhin ko man na alagaan si Damien pero sumama ang tiyan ko. Sobrang sama talaga. Nagka-LBM pa yata ako. A-Ang sakit talaga, hindi ko na kayang tiisin mukhang lalabas na," nahihirapang sambit niya habang hawak ang tiyan niya saka siya tumakbo papuntang banyo.

Nag-aalala naman ako sa naging kilos niya.

"Abram, pagkatapos mo ilabas yan uminom ka kaagad ng gamot, ha?" paalala ko sa kanya.

"O-Oo salamat! Mamaya na lang tayo mag-usap, nagco-concentrate ako!" sigaw niya.

Napapikit ako at napabuntong-hininga.

Sigurado ako na nasa edad bente singko na ang dalawang magpinsan na 'to pero bakit pakiramdam ko ay limang taong gulang lang sila? Parang mga bata at sakitin pa. Napailing ako at bumalik na sa kwarto ni Damien.

"Bakit ang tagal mo?" bungad na tanong ni Damien sa akin.

Hindi ko pinansin ang tanong niya at nilagay lang ang planggana sa side table niya. Kinuha ko ang tatlong ice cube at nilagay ito sa towel saka ito binuhol.

"Walang gamot sa sugat sa bahay niyo kaya ang uunahin muna natin ay ang mga pasa mo. Ilalapat lang natin ang towel na 'to sa mga pasa mo para mabawasan ang pagiging kulay ube niya," sambit ko sa kanya at pinakita ang hawak kong towel.

Umupo ako sa gilid ng kama at nilapat ang towel sa noo niya. Napansin ko ang sunod sunod na paglunok niya at unti unting paglayo sa akin.

"Relax ka lang," sambit ko at tumingin sa mga mata niya, nakapokus kasi ako kanina sa noo niya.

"May pasa ka ba sa katawan?" tanong ko.

"Oo m-meron isa sa dibdib," sagot niya sa akin.

"Ah okay. Hubadin mo ang damit mo para malapatan din natin ng towel," pormal na sabi ko sa kanya at nilipat ang towel sa pisngi niya.

Napalayo siya sa akin nang wala sa oras kaya naiwan sa ere ang kamay ko.

"H-Hubadin ko ang damit ko?" gulat na tanong niya at kahit nagtataka ay tumango ako bilang sagot. "Inuutusan mo ba akong maghubad ng damit sa harap mo? Babae ka diba?" untag niya sa akin.

"Oo, babae ako. Ano naman ngayon?"

"Iyon na nga, e! Babae ka at lalaki ako, kaya hindi pwede na maghubad ako ng damit mas lalo na nasa kwarto kita." Halatang nahihirapan siya sa pagpapaliwanag sa akin.

Ibinalik ko ang towel sa planggana at hinarap siya.

"Ano bang iniisip mo, ha? Damit lang naman ang pinapahubad ko sayo at hindi kasama ang pangbaba mo. Saka kailangan mong hubadin ang damit mo dahil paano natin ilalapat ang towel kung nakaharang ang damit mo? Naiintindihan mo ba ang pinupunto ko?" nagpapaintinding pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Basta hindi pwede," matigas na sabi niya.

"Okay. Madali naman akong kausap. Edi, ikaw na ang maggamot sa sarili mo," madiin na sabi ko at tatayo na sana ngunit pinigilan niya ako. Napangisi ako at sumeryoso nong nilingon ko na siya.

"Ito na nga susunod na. Maghuhubad na ako," sambit niya at hinubad ang t-shirt niya.

Pinasadahan ko ng tingin ang katawan ni Damien.

Nasabi ko na noon na ang kulay ng balat ni Damien ay katamtaman lang, hindi siya sobrang maputi at hindi rin siya maitim at ngayon na nakikita ko na ang katawan niya, masasabi ko na medyo umangat ang kulay nito baka dahil natatakpan ito ng damit. At higit sa lahat, maganda, makinis at may hubog ang katawan niya. Hindi man katulad ng mga lalaki sa magazines ang katawan niya ngunit hindi ko maipunto ang dahilan kung bakit mas nagagandahan ako sa katawan na meron siya kesa mga lalaking iyon na batak ang muscles at abs.

"May ipagmamalaki naman pala 'yang katawan mo, bakit mo ayaw mo ipakita?" nakangising sambit ko at kinuha ang towel sa planggana saka inilapat sa dibdib niyang may pasa.

"May balak naman akong ipakita pero— hays. Wala na. Sinira mo ang pinangako ko sa sarili ko," naiinis at may paghihinayang sa boses niya.

"Sus. Kung alam ko lang kapag pagkatapos mong magbasket ball ay naghuhubad ka o kaya kapag naiinitan ka ay basta ka na lang naghuhubad. Ano naman pinagkaiba niyon ngayon, aber?" nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya.

"Puwes ibahin mo kaming mga Cadenza. Mas lalo ako. Kahit naiinitan na ako ay hindi ako basta naghuhubad. Mas lalo kapag nasa public place ako at alam kong maraming nakapaligid na babae. Pinangako kasi namin magpipinsan na tanging mapapangasawa lang namin ang makakakita ng katawan namin," mahabang paliwanag niya at hindi ko mapigilan na magulat. Ang galing, may mga lalaki pa rin pala na katulad ng mga Cadenza na hindi basta naghuhubad, plus points pa na dapat daw ay asawa lang nila ipapakita ang katawan nila. Iba naman pala.

"Arte niyo naman pala magpipinsan. Pero, paano iyan nilabag mo ang pangako ninyo? Nakita ko ang katawan mo kahit hindi mo ako asawa," tanong ko sa kanya.

Itatakwil kaya siya? Huwag naman.

"Wala tayong magagawa. Dapat pakasalan mo ako," seryosong sambit niya at napanganga ako.

"A-Ano?" gulat at hindi makapaniwalang sambit ko sa kanya. Papakasalan ko siya? Ang tindi naman ng parusa ko kapag nagkataon. Grabe naman.

"Aba, marami akong beses na tumanggi at sadyang mapilit ka kaya kailangan mong tanggapin ang consequence ng kilos mo," sambit niya at nahirapan akong huminga.

Natahimik kami at walang nagsalita sa amin. Pinoproseso ng utak ko ang sinabi niya at parusa ko.

"Biro lang! Ang seryoso mo!" biglang tawang sambit niya at tumalim ang tingin ko sa kanya. "Hindi naman nila malalaman na nakita ng isang babae ang katawan ko. Saka may rason naman kung bakit nakita mo ang katawan ko dahil ikaw ang naggagamot sa akin," nakangiting sambit niya.

Dahil sa inis ko sa kanya ay diniinan ko ang pagkakalapat ng towel sa dibdib niya at napa-aray siya.

"Bagay sayo 'yan! Nakakainis ka! Ang seryoso ng tanong ko tapos bibiruin mo ako!" sigaw ko sa kanya at mas diniinan pa. Inagaw niya sa akin ang towel at hinagis sa kung saan pagkatapos ay hinawakan niya ang parehong kamay ko.

"Masakit 'yon ah! Nakakalimutan mo bang masakit buong katawan ko?!" sigaw niya rin sa akin ngunit dahil mas matapang ako ay nakawala ako sa hawak niya at ngayon naman ay pinaghahampas ko siya sa dibdib niya. Wala akong pakialam kung may pasa pa siya!

Hindi ko inaasahan ang mabilis na paghuli niya sa isang kamay ko at hinila iyon kaya ang resulta ay napahiga ako sa kama niya. Saka siya pumaibabaw sa akin habang ang dalawang kamay niya ay nasa magkabilang gilid ko. Nakalapat ang dalawang kamay ko sa dibdib niya para pigilan na mas lalong magkalapit ang katawan namin.

Nahihirapan akong huminga sa puwesto namin! Idagdag pa ang seryoso at malalim na titig sa akin ni Damien!

Sinalubong ko ang tingin niya habang napapalunok. Nararamdaman ko ang kabog ng dibdib ko sa sobrang kaba. Ilang minuto ba kami magtitigan dito? Gusto ko ng umalis ngunit yong katawan ko ay parang naging paralisado.

Dahil sa puwesto namin ay mas na-appreciate ko ang mukha niya. Ang makapal na kilay niya, ang matangos na ilong niya, ang nagtatagong dimple niya, ang labi niya at higit sa lahat ang magandang mga mata niya.

Kung kanina ay gustong-gusto kong umalis sa puwesto namin pero ngayon ay paunti unti ko na itong nalilimutan. Pakiramdam ko ay kuntentong-kuntento ako kahit buong araw kaming ganito basta matitigan ko lang ang mukha niya ng malapitan.