webnovel

Chapter 7

Chapter 7

Mabilis natapos ang practice namin kaya kasama ko ngayon si Ysa habang sinusundan na naman namin si Raine. Actually, parang hindi kami nagpractice eh. Ang sarap kasing sungalngalin ni Mitch. Hindi kasi kami nakapagpractice ng maayos dahil sakanya eh. Puro siya reklamo na dapat hindi siya nasa likod. Gusto niya daw ma-expose yung gwapo niyang mukha. Kailan ka pa nakakita ng nasa harap ng banda yung nagp-piano tapos nasa likod yung vocalist? Nakakaulol eh. Pero masaya talaga kasi duet daw kami ni Raine ehehe kinikilig. Habang nakasunod kay Raine, tiningnan ko si Ysa. Kanina pa siya nakangiting aso dito sa tabi ko kaya kanina pa rin ako nangingilabot na baka sinapian na 'to ng masamang kaluluwa.

"Bakit ba kanina ka pa nakangiti diyan?" tumingin siya sakin.

"Ehehe ulol. Wala kang pakialam." tumingin ulit siya sa daan. Kasalukuyan pa rin kasi kaming naglalakad ngayon.

Okay lang. Okay lang talaga.

"Nangl-leche ka ba?" tumingin ulit siya sa'kin.

"Hindi, ikaw ba?" napalitan na ng seryosong tingin yung ngiti sa mga labi niya.

"Ang daming chocolates sa bahay. Mamaya nga kakain ako ng ferrero,toblero---," hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang magsalita si Ysa.

"Alam mo kasi Blaire, ganito yun. Nilapitan ko si Xam kanina after ng practice niyo at tinanong siya kung pwede niya 'kong turuan na mag-gitara. Pumayag naman siya ehehe pahinging chocolates, ah?" okay lang naman. Okay lang talaga. Nakakaleche ng utak.

"Okay."

Itinuon na namin ang pansin namin sa daan kaya hindi na rin kami nag-usap. Ilang metro ang layo namin kay Raine kaya hindi niya kami napapansin na nakasunod sakanya. Mga ilang minute lang nung nakarating na kami sa street kung saan nakatira si Raine kaya doble ingat kaming makagawa ng ingay kasi baka mahuli na naman kami ni Raine. Nang malapit na kami makarating sa bahay nila Raine, tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil rin kami. Kinabahan ako kasi baka lumingon siya at makita niya kaming sinusundan na naman siya. Naghintay ako ng ilang segundo na baka lumingon si Raine sa'min, pero hindi niya ginawa. Anong ginagawa niya? Nagr-ritual siya na sana hindi na namin siya sundan at mawala na lang kami bigla kasi alam niyang nasa likuran niya kami o ano?

Nagitla ako nang may pamilyar na babae na lumabas sa bahay nila Raine na papalapit sakanya. Pero mas natigilan ako nang mapatingin siya sa likuran ni Raine kung saan kami nakapwesto kaya hinila ko na si Ysa palayo doon.

Anong ginagawa ni Tita Rianne sa bahay nila Raine?

***

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa harap ng bahay namin sa sobrang pagkalutang ko. Kanina pa 'ko tinatanong ni Ysa kung okay lang ba 'ko. Na nakauwi na pala si tita Rianne, close din kasi sila at tsaka hindi ko rin sinabi na nakauwi na si tita. Pero lahat ng yun, hindi ko sinagot kasi kanina ko pa iniisip kung anong ginagawa ni tita Rianne sa bahay nila Raine.

"Hoy babae! Hindi pa ba tayo papasok sa bahay niyo?" napatingin ako kay Ysa. Minsan ang sarap niya ilampaso sa sahig namin. Kapag kasi nandito siya sa bahay namin, babatiin niya si Mama tapos diretso na siya sa kusina para kalkalin yung ref namin. Pero ganiyan rin naman ako sa kanila ehehe. Si Mama lang yung palaging nadadaanan ni Ysa kasi si Mama lang yung palaging nandito sa bahay kasi si Papa yung nagm-manage ng restaurant namin kaya minsan late na siyang nakakauwi. Pero madalas siyang maaga umuwi. Pumasok na kami sa bahay at nadaanan namin si Mama na nasa sala habang may isinusulat. Nagbless kaming dalawa ni Ysa at tsaka dumiretso sa kusina. As usual, si Ysa binuksan yung ref tapos kumuha ng limang chocolates.

"Magtira ka sa'kin!" sigaw ko sakanya.

"Marami pa diyan. 'Wag kang OA." nagsimula na siyang kumain. Inismiran ko siya. Iniwan ko muna siya doon at umakyat sa kwarto ko. Isasarado ko na sana yung pinto nang nakita ko si Ysa na umaakyat ng hagdan. Balak pa talaga niyang dito kumain sa kwarto ko. Nang nasa harap na siya ng kwarto ko, sinenyasan niya 'ko. Nakasilip lang kasi ako sa pinto.

"Psst. Buksan mo." binuksan ko yung pinto. Nang nabuksan ko na, pumasok siya tapos humiga agad sa kama ko. Pinakialaman niya pa nga yung laptop ko.

" 'Wag mong gagalawin yung mga files ko diyan, ah?" tiningnan niya 'ko ng may naghihinalang tingin. Baka kasi makita niya yung mga mukha ni Raine eh ehehe. Well, obvious naman sa wallpaper ko ehehe.

"Bakit? May itinatago ka dito 'no?"

"Meron. Yung picture mo habang natutulog ka. Nakanganga ka pa nga no'n eh." natawa ako. Hindi ko pa kasi binubura yung picture niya nung nagsleep over siya dito sa'min last month. Pero hindi ko siya tinransfer sa laptop ko.

"Sira ka ba?" hindi ko siya pinansin. Pumunta ako sa cabinet ko at kumuha ng damit. Pumasok ako sa CR at nagpalit. Nang matapos ako, tumabi ako kay Ysa sa kama. Nagf-facebook pala siya. Bigla ko ulit naalala yung kanina. Na kung bakit nandoon si Tita Rianne sa bahay nila Raine. Tinanong ko si Ysa.

"Sa tingin mo, Ysa? Kaano-ano ni tita Rianne si Raine?" napatingin siya sa'kin.

"Baka naman may dinalaw lang? Hindi ko alam. Malay mo, nagkataon lang na nandoon si Tita Rianne."

"Baka nga. Pero sino naman dinadalaw niya doon?" tiningnan niya 'ko.

"Itanong mo nalang kay Tita Rianne kung kaano-ano niya si Raine. 'Wag ka ng matanong. Busy ako." ibinalik niya ulit yung tingin niya sa laptop.

"Leche ka."

Tinitingnan ko lang na magbrowse ng magbrowse si Ysa nang mapatigil siya sa post ni Xam. Nasa bar sila tapos may kaakbay siyang babae sa left niya. Wala siyang caption. Sinimulan akong hampasin ni Ysa. Muntik pa 'kong mapamura sa gulat pero hindi ako nagmumura, duh? Bakit ako yung hinahampas niya?! Ako ba si Xam?!

"Tumigil ka nga!" tiningnan ko siya ng masama.

"Nagtataksil si Xam sa'kin! Waaaaa--" natigil siya sa pagsigaw nang may kumatok sa pinto kaya kumalma siya. Alam namin na si Mama yun kasi ganiyan lagi yung ginagawa niya kapag maingay kami.

"Nagtataksil? Bakit, kayo ba?" natatawang tanong ko. Tiningnan niya 'ko.

"Oo. Huhu." nagitla ako.

"Kayo na talaga?!" tumigin siya sa'kin habang nagpupunas kunwari ng luha.

"Oo. Pero hindi niya alam," tsaka siya humagalpak ng tawa, Okay lang 'no? Okay lang talaga. Nakakaulol.

"Bwiset!"

"Hahaha joke lang. Ang seryoso mo kasi. Pero seryoso, ilakad mo naman ako kay Xam, please?" natawa ako.

"Ilakad? Bakit lumpo ka? HAHAHA taena."

"Ha Ha Ha. Tatlong tawa para sa'yo." sambit niya.

"Uso maki-ride, ulol!" tsaka 'ko siya hinampas. Imbis na mainis siya, natawa pa siya sa'kin kaya naghampasan kami. Ending? Nahulog si Ysa sa kama kaya humagalpak ako ng tawa. Tanga eh.